You are on page 1of 26

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Karanasan at Implikasyon ng
Digmaang Pandaigdig sa
Kasaysayan ng mga bansang
Asyano
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Karanasan at Implikasyon ng Digmaang
Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Dionalyn U. Dimagiba
Maribel J. Felipe, Dionalyn U. Dimagiba
Adoracion DG. Esmeria
Anita C. Sabino.Christian Charles R. Centeno

Tagasuri ng Nilalaman: John Revin V. de Jesus


Tagasuri ng Wika: Ma. Elsie S. Laganao
Tagasuri ng Paglapat: Maesie T. dela Peña
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Karanasan at Implikasyon ng
Digmaang Pandaigdig sa
Kasaysayan ng mga bansang
Asyano
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga
araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

 Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang


pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:


Leksyon 1: Unang Digmaang Pandaigdig
Leksyon 2: Ikalawang Digmaang Pandaigdig 

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 natutukoy ang implikasyon ng karanasan at implikasyon ng
digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano;
 napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga bansa
upang makamit ang kapayapaang pandaigdig at kaunlaran; at
 nakapagbibigay ng hakbang o pamamaraan upang mapanatili
ang malawakang kapayapaan at maiwasan ang negatibong
implikasyon ng digmaan.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na kaganapan ang naging mitsa ng pagsiklab ng
Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria-Hungary
B. Pag-atake ng Japan sa base militar ng Amerikano sa Hawaii
C. Paglagda sa Kasunduang Versailles
D. Pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas

2. Ang kasunduan na nilagdaan noong 1919 sa Versailles, France na naging


hudyat ng pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
A. League of Nations
B. Mandate System
C. Paris Peace Conference
D. Treaty of Versailles
3. Alin sa sumusunod na mga bansa ang HINDI kabilang sa Allied Forces?
A. Austria-Hungary
B. France
C. Great Britain
D. Russia

4. Ang hakbang na isinagawa ng dating pangulo ng Pilipinas na si Manuel Quezon


upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa Estados Unidos.
A. Inihanda ng dating pangulo ng Pilipinas ang Guardia Nacional
B. Nagbigay ang Pilipinas ng tulong pinansiyal sa Estados Unidos
C. Nakiisa ang Pilipinas sa pag-atakeng isinagawa ng US sa Hiroshima
D. Sinalakay ng Pilipinas ang bansang Japan

5. Ang pangyayaring naganap noong 1945 na naging dahilan ng pagsuko ng


bansang Japan.
A. Battle of Midway
B. Battle of Guadalcanal
C. Pagbagsak ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki
D. Paris Peace Conference

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging epekto ng Digmaang Pandaigdig?


A. Malaki ang naging pinsala sa kabuhayan at ari-arian
B. Maraming mga Asyano ang naging biktima ng pang-aabuso
C. Nailigtas ang 75 na milyong sundalo at sibilyan
D. Napabilis ang paglaya ng mga Asyanong bansa

7. Ang hakbang na isinagawa ng Allies upang mapahina at mapabagsak ang


imperyong Ottoman.
A. Hinimok ng Allies ang mga Arabo na mag-organisa ng isang pag-aaklas
B. Lumagda sa isang kasunduan ang Allies at Imperyong Ottoman
C. Nagpabagsak ng atomic bomb ang Allies sa Ottoman Empire
D. Nakipagkaisa ang Allies sa Iran upang pabagsakin ang Imperyo

8. Ang pagpupulong na nilahukan ng 32 bansa na naglalayong maibalik ang


pandaigdigang kapayapaan.
A. Armistice agreement
B. League of Nations
C. Paris Peace Conference
D. Treaty of Versailles

9. Ang itinuturing na pinakamalaking labanan sa tubig sa kasaysayan ng mundo


na naganap sa Leyte.
A. Battle of Guadalcanal
B. Battle of Leyte Gulf
C. Battle of Midway
D. Azerbaijan Crisis
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mahahalagang pangyayari na
naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Nagsagawa ng sopresang pag-atake ang Japan sa Pearl Harbor
B. Pagbagsak ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki
C. Pagpapadala ng mga sundalo at manggagamit ng Thailand sa France
D. Sinalakay ng Japan ang Thailand, Hong Kong at Pilipinas

11. Ang Balfour Declaration ng Great Britain ay ipinalabas dahil sa sa


layunin nitong ___________.
A. Pagbubukas ng Palestine sa mga Jews upang maging tahanan nila
B. Pagkilala sa mabubuong bansang Arabo
C. Pagbibigay ng Autonomiya sa India
D. Pagsuko ng Ottoman Empire sa mga teritoryo nito sa Germany

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing salik sa pagsiklab
ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Militarismo
B. Nasyonalismo at Imperyalismo
C. Pagbuo ng mga Alyansa
D. The Great Depression

13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalahad sa kalagayan ng mga


bansang nakaranas ng “The Great Depression”?
A. Bahagyang naapektuhan ng digmaan ang ekonomiya ng mga bansa
B. Lumago at namayagpag ang ekonomiya ng mga Kanluraning bansa
C. Maraming Kanluraning bansa ang nakaranas ng kahirapan at bagsak
na ekonomiya
D. Naging masigla ang kalakalan ng mga bansa sa Kanluranin

14. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa Central Powers?
A. Austria-Hungary
B. Germany
C. Great Britain
D. Ottoman Empire
15. Ano ang naging bunga ng panghihimok ng Allies sa mga Arabo na magsagawa ng
pag-aalsa laban sa Imperyong Ottoman?
A. Hindi nag-alsa ang mga Arabo at nakipagtulungan sila sa Ottoman
Empire
B. Nag-alsa ang mga Arabo ngunit bigo nitong mapabagsak ang
Imperyo
C. Nakiisa ang mga Arabo sa Ottoman Empire upang magapi ang Allies
D. Napahina ng pag-aalsang isinagawa ng mga Arabo ang Imperyong Ottoman
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas
maintindihan pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa
mga teksto at pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Natuklasan mo sa nakaraang aralin kung paano


umusbong ang nasyonalismo gayundin ang mga kilusang
nasyonalista sa Asya. Sa iyong paglalakbay sa nakaraang
aralin, naitanong mo ba sa iyong sarili kung ano ang naging
implikasyon ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista sa
Asya? Ano ang naging karanasan ng mga bansang Asyano
matapos nilang matamo ang kalayaan mula sa mga
mananakop? Bago mo tuklasin ang kasagutan sa mga
katanungan na ito, mahalagang balikan mo ang iyong mga
natutuhan sa nakaraang aralin upang lubos mong
maunawaan ang mga paksa na tatalakayin sa bagong araling
ito.

Balikan

Bakas ng Nakaraan, Ating Balikan!

Bilang pagbabalik-aral sa iyong mga natutuhan tungkol sa nasyonalismo


at kilusang nasyonalista sa Asya, tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag sa
bawat bilang. Gamitin ang bakas (clues) bilang gabay sa pagsasagot sa gawain.

1. N a s y o
N
Ito ay ang damdamin makabayan na maipapakita sa
matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa inang-
bayan.
e f e n
D 2. D

Ito ay tumutukoy sa mapagtanggol na nasyonalismo


gaya ng pinakita ng Pilipinas.

g g r e
A
3. A

Ito ay tumutukoy sa mapusok na nasyonalismo na


minsang ginawa ng bansang Hapon.

8
4. M o h a n
M
Siya ay lider nasyonalista sa India na nagpakita ng
mapayapang paraan ng paghingi ng kalayaan.

o n v i
N
5. N

Tawag sa mapayapang paraan na ginamit ng India sa


pakikipaglaban para sa kalayaan.

Ipinakita ng mga Asyano ang matinding pagnanais na ganap na matamo ang


minimithing kalayaan. Hindi man naging madali ngunit napagtagumpayan ng mga
bansa sa Asya na makamit ang kalayaan. Ang pagpapamalas ng nasyonalismo ay
isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan sa Asya. Ang hangaring kalayaan ng
mga Asyano ay nasubok nang maganap ang una at ikalawang digmaang pandaigdig.

Tuklasin

Sa bahaging ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa


bagong aralin. Tuklasin ang mga karanasan at implikasyon ng
digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano. Handa
ka na bang matuto? Halina at simulan natin ang pagtuklas! Simulan
mo ito sa pagsasagot ng gawaing magpapakilala sa bagong aralin.

Pagsusuri sa Tula
Panuto: Basahin at unawain ang maikling tula sa ibaba at sagutin ang sumusunod
na mga katanungan.

Sino ang Nakalalamang sa Digmaan?


Ni Dionalyn U. Dimagiba

Digmaan nga ba’y para saan?


Ano ang kadahilanan?
Sigaw dito ay kalayaan,
bulong doon ay kapangyarihan
Bakit pa sinimulan kung dilubyo
ang patutunguhan?
Sa pagsiklab nito, sino ang nakalamang
at sinong talunan?

9
Walang tiyak na pamantayan sa pagwawagi
Aanhin ang yaman at teritoryong nabawi
Kung kapalit nito’y libo-libong mga nasawi
Milyon-milyong buhay ngunit puno ng pighati.

Ang hidwaan sa pagitan lamang ng iilang panig


Kinasangkutan at naging digmaang pandaigdig
Dahilan ay kampihan at pagtuturo ng kaanib
Bunga ay kasawian, takot ay nananaig.

Dalangi’y kapayapaan, gamitin ang aral ng nakaraan


Tulad na ang digmaan ay walang dulot na kabutihan
Buhay ng sanlibutan ay hindi matutumbasan
Walang nakalalamang, ang lahat ay mawawalan.

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.


1. Tungkol saan ang tulang iyong binasa?
2. Ano ang maaaring bunga o epekto ng isang digmaan?

3. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga pahayag na “Buhay ng sanlibutan


ay hindi matutumbasan, walang nakalalamang, lahat ay mawawalan”.

Suriin
Napag-isipan mo na ba kung ano ang naging implikasyon ng nasyonalismo
at kilusang nasyonalista sa Asya? Ano ang naging karanasan ng mga bansang
Asyano matapos nilang matamo ang kalayaan mula sa mga mananakop? Halina
at iyong tuklasin ang kasagutan sa mga katanungan na ito.

Basahin at unawain mo ang teksto at ang mga balangkas ng kaisipan na


tutulong sa iyo upang ipakita ng karanasan at implikasyon ng digmaang
pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano

ANG ASYA SA DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ipinakita ng mga Asyano ang matinding pagnanais na makalaya ang


kanilang bansa mula sa mga mananakop. Ang pagpapamalas ng nasyonalismo ay
isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan sa Asya dahil sa naging implikasyon

10
nito sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang pakikibaka ng mga Asyano para sa
kalayaan ay nasubok nang maganap ang una at ikalawang digmaang pandaigdig.
Nasangkot sa digmaang pandaigdig ang mga Asyano dahil sa pagnanais na
gamitin ang pagkakataong ito na umanib sa katunggaling panig ng Kanluraning
mananakop sa layuning makamit ang kalayaan. Isa rin sa naging pangunahing
dahilan ng pakikisangkot ng mga Asyano sa digmaang pandaigdig ay ang
hangaring lumaya sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nila sa kanilang
mananakop na magapi ang kaaway nito kapalit ng pangakong kalayaan.

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1914-1918)

Ang nasyonalismo at imperyalismo ay naging mahalagang salik sa


pagsiklab ng unang digmaang pandaigdig dahil na rin sa pagnanais na
makaangat ang kanilang bansa sa iba’t ibang aspekto partikular na ang
ekonomiko, militar at gayundin sa politikal na aspekto. Dahil na rin sa
nasyonalismo at imperyalismo ay nabuo ang mga alyansa o pagkakampihan ng
mga bansa na isang mahalagang salik sa pagsiklab ng digmaan. Nabuo ang
dalawang alyansa, ang Allied Forces na binubuo ng France, Great Britain, at
Russia samantalang ang alyansang Germany, Austria-Hungary at Ottoman
Empire (Turkey) ay tinawag naman na Central Powers. Isa rin sa naging sanhi ng
digmaan ang pagpapalakas ng hukbong sandatahan o Militarismo bilang bahagi
ng paniniwalang isa ito sa sukatan ng kapangyarihan.

1914

MILITARISMO

Ang pagpaslang ng Serbian at kasapi ng Black Hand na si Gavrilo Princip sa


tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na si Archduke Franz Ferdinand
noong Hunyo 28, 1914 ang nagsilbing mitsa ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sa
Europa man nakasentro ang digmaan, ngunit malaki rin ang naging epekto nito
sa kontinente ng Asya.

Tunghayan ang timeline na naglalahad ng mahahalagang pangyayaring


naganap sa Asya sa gitna ng Unang Digmaang Pandaigdig.
11
Ang Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig

1914
Tumulong ang Japan sa Great Britain laban sa Germany at
sinugod ang daungan ng Qingdao sa China na pagmamay-ari ng
Germany.
Nagkaisa at tumulong ang India sa pwersa ng Allies, nagpadala
sila ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng pamamahala ng mga
Ingles.
Nagpakita ng pagsuporta ang India, Nepal at Tibet sa Great Britain
sa pamamagitan ng pagpapadala ng kani-kanilang sundalo.

Ginamit ng Russia at Great Britain ang Iran (dating Persia) upang


isagawa ang pag-atake nito sa Ottoman Empire na nakipag-alyado
sa Germany. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng malaking
pinsala sa pamayanan at pagkamatay sa maraming Iranian.
1916

Hinimok ng Allies ang mga Arabo upang mag-organisa ng isang


pag-aaklas na magpapahina sa Ottoman Empire. Kapalit nito ang
pangakong pagkilala ng Allies sa kalayaan ng mabubuong bansa
ng mga Arabo mula sa Palestine at Arabia. Ang pangakong ito ay
hindi naisakatuparan dahil ang Palestine ay pinaghatian ng
Britain at France matapos ang digmaan.
1917
Nagpakita ng suporta ang Thailand (dating Siam) sa bansang
France sa pamamagitan ng pagpapadala ng 1,284 na sundalo at
manggagamot. Ang hakbang na ito ay isinagawa ng Hari ng Siam
bilang pagpapakita ng kakayahan bilang isang malayang bansa
gayundin ang layuning pagpapatatag ng Thai-French Alliance.

Ipinalabas ang Balfour Declaration ng Great Britain kung saan


nakasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jews o Israelites
upang kanilang maging tahanan o homeland.

Bilang pagpapakita naman ng suporta ng Pilipinas sa Estados


Unidos, inihanda ng dating pangulong Manuel Quezon ang
Guardia Nacional na tutulong sa US kung sakaling kailanganin
1918 nito.
Nobyembre 11, 1918 ay nagkaroon ng armistice agreement o
kasunduang nagpatigil sa Unang Digmaang Pandaigdig at nauwi
sa pagsuko ng Central Powers.
1919
Nilagdaan noong ika-28 ng Hunyo, 1919 ang Kasunduan sa
Versailles (Treaty of Versailles) na naging hudyat ng pormal na
pagtatapos ng digmaang pandaigdig. Ang kasunduan na ito ay isa
sa mga napagkasunduan sa naganap na Paris Peace Conference
noong Enero 1919.

12
EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malawakang pinsala sa mga


pamayanan at mga ari-arian. Kabilang dito ang pagkasawi ng siyam na milyong
sundalo at sampung milyong sibilyan. Noong Enero, 1919 ay nagsagawa ng
pagpupulong ang 32 na bansa upang maibalik ang kapayapaan, ito ay tinawag na
Paris Peace Conference. Sa pagpupulong na ito ay naitatag ang ilang mahahalagang
kasunduan tulad ng Treaty of Versailles, League of Nations at Mandate System.
Tunghayan ang graphic organizer na nagpapakita ng ilan sa mga mahahalagang
epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa mga Asyano.

1. Pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya


dahil sa kanilang interes sa mina ng langis. Kasabay din nito
ay ipinatupad ang Mandate System sa Kanlurang Asya
dahilan upang makontrol ng Kanluranin ang kompanya ng
langis.
2. Lumakas ang kilusang nasyonalismo sa India na naging daan
upang magkaisa ang pangkat ng Hindu at Muslim. Nagsagawa
sila ng demonstrasyon at pagprotesta sa mga Ingles na naging
dahilan upang makamit ng India ang kanilang autonomiya.

3. Itinatag ang League of Nations na naglalayong itaguyod ang


pandaigdigang kapayapaan kung saan naging miyembro ang
bansang Japan.

4. Napunta ang probinsya ng Shandong sa Japan batay sa


Treaty of Versailles. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng
hidwaan sa pagitan ng China at Japan.

Ang Kasunduang Versailles na inaasahang magpapanatili ng kapayapaan ay


nagdulot ng tensyon at naging mitsa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1939-1945)

Maraming bansa ang hindi pumabor sa Kasunduang Versailles. Isa na rito ang
Japan at Italy na bigo sa kanilang layunin na mapalawak ang kanilang teritoryo.
Samantalang ang bansang Germany naman ay hindi matanggap ang parusang ibinigay
sa kanila batay sa nasabing kasunduan. Ang mga bansa naman sa Asya at maging sa
Africa na umasang makamit ang ganap na kalayaan mula sa mga mananakop ay
napasailalim sa sistemang mandato.
Matapos ang naunang digmaan, maraming bansa ang nakaranas ng kahirapan at
bagsak na ekonomiya partikular na sa bahaging Europa. Ang pangyayaring ito ay
tinawag na The Great Depression na naging dahilan din ng upang mahimok ang mga
bansang may sadlak na ekonomiya na manakop ng mga teritoryo sa kontinente ng Asya.

13
Ang bansang Germany naman ay
naglayong maiangat ang karangalan ng
kanilang bansa at muling maging
makapangyarihang bansa. Ang layuning ito, sa
pamumuno ni Adolf Hitler ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng mga
Germany teritoryo nito.

Ang Asya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1939 Bilang ang bansang India ay kolonya noon ng Great Britain, muli
silang naging bahagi ng digmaan. Nagpadala ang India ng mga
sundalo sa Asya maging sa Europa. Ang hakbang na ito ay lubos
na tinutulan ni Mohandas Gandhi na hindi pabor sa digmaan.
1941
Dahil sa naging banta ang US sa layunin ng Japan, nagsagawa
ang mga Hapones ng sopresang pag-atake sa Pearl Harbor na
isang base militar ng Amerikano sa Hawaii noong Disyembre 7,
1941.
Ang Thailand, Hong Kong at Pilipinas ay sinalakay ng Japan
bilang bahagi ng propagandang Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere na layong paunlarin ang Asya sa ilalim ng pamumuno
1942 nito.
Natalo ng Japan ang pwersa ng Great Britain sa Singapore
samantalang ang Thailand naman ay nakipag-alyansa sa Japan.
Napasakamay ng mga Hapones ang Pilipinas.

Nagapi ng Allied Forces ang bansang Japan sa Battle of Midway at


maging sa Battle of Guadalcanal.
1943
Taong 1943 ay pinangunahan ng United States ang isang
kasunduan sa Tehran Conference na nagsasaad na lilisanin ng
Russia at Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at
maging malaya ito. Ang hakbang na ito ay hindi naisakatuparan
at kalaunan ay nagdulot ng Azerbaijan Crisis.
1944

Natalo ang mga Hapones sa Battle of Leyte Gulf na


pinakamalaking labanan sa tubig sa kasaysayan ng mundo at
kung saan nabawi ng United States ang Pilipinas mula sa
1945 bansang Japan.

Noong ika-2 ng Setyembre, 1945 ay tuluyang nagwakas ang


Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa pagpapabagsak ng
atomic bomb ng United States sa Hiroshima at Nagasaki na naging
dahilan upang sumuko ang bansang Japan.

14
EPEKTO NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Noong Setyembre, 1945 ay pormal nang sumuko ang bansang Japan matapos
ang kaganapan sa Hiroshima at Nagasaki. Sa pangunguna ni Heneral Douglas
MacArthur, isinagawa ang seremonya na nagsilbing hudyat ng pagwawakas ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pasipiko at maging sa daigdig.
Tunghayan ang graphic organizer na nagpapakita ng ilan sa mga mahahalagang
epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga Asyano.

Nagdulot ng malaking pinsala sa ari-arian


at kabuhayan ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Marami ang mga Asyano na naging


biktima ng pang-aabuso. Tinataya
namang 75 milyong tao ang namatay sa
digmaang ito.

Napabilis ang paglaya ng mga Asyanong


bansa partikular na sa Timog-Silangang
Asya mula sa kamay ng Kanluraning
mananakop.

Ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na


pinakamahalagang pangyayari na naganap sa Asya dahil dito inaasahang matamo
ang minimithing ganap na kalayaan ng mga bansang Asyano, partikular na sa Timog
Asya at Kanlurang Asya.
Ang dalawang digmaang pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
Asya. Maraming bansa ang lumakas at tuluyang naging malaya. Gayunpaman ay
hindi maitatangging mas nakahihigit ang mga hindi magandang epekto at
implikasyon ng naganap na digmaan hindi lamang sa Asya ngunit maging sa buong
daigdig.

Mahusay! Natuklasan mo ang mga karanasan at implikasyon ng digmaang


pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.
Napagtagumpayan mo rin ang paunang gawaing patungkol sa bagong
konsepto at sa mga kasanayan nito. Handa ka na ba sa pagpapatuloy ng mga
gawain at pagsasanay na magpapalalim at magpapatibay sa iyong pag-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Halina at iyong kaalaman ay pagyamanin!

15
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Paghambingin ang mga salita sa Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_____1. Pagkakampihan ng mga bansa. a. Allied Forces
_____2. Ito ang alyansa ng France, Great Britain at b. Alyansa
Russia. c. Armistice agreement
_____3. Tawag sa alyansa ng Germany, Ottoman Empire d. Central Powers
at Austria -Hungary. e. League of Nations
_____4. Pagpapalakas ng hukbong sandatahan. f. Militarismo
_____5. Isang kasunduang nagpatigil sa digmaan. g. Paris Peace
_____6. Kaganapan kung saan nakaranas ng kahirapan at Conference
bagsak na ekonomiya ang mga Kanluraning h. Pearl Harbor
bansa. i. The Great
_____7. Isang pagpupulong na nilahukan ng 32 na bansa Depression
upang maibalik ang pandaigdigang kapayapaan. j. Treaty of Versailles
_____8. Base militar ng Amerikano sa Hawaii na
sopresang inatake ng bansang Japan.
_____9. Isang samahan na naglalayong itaguyod ang
pandaigdigang kapayapaan.
_____10. Nilagdaang kasunduan sa Versailles, France na
Pang-isahang Pagtataya 1
naging hudyat ng pormal na pagtatapos ng Unang
Panuto: Digmaang
Isulat ang Pandaigdig.
Fact kung katotohanan at naganap sa kasaysayan ng digmaang
pandaigdig ang inilalahad sa pahayag at isulat naman ang Bluff kung mali at hindi
naganap sa kasaysayan ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______ 1. Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria-Hungary ang
nagsilbing mitsa ng Unang Digmaang Pandaigdig.
______ 2. Nagkaisa at tumulong ang India sa pwersa ng Allies sa pamamagitan ng
pagpapadala ng mga sundalo sa labanan.
______ 3. Ginamit ng Russia at Great Britain ang Thailand upang isagawa ang pag-
atake nito sa Ottoman Empire na nakipag-alyado sa Germany.
______ 4. Inatake ng bansang Thailand ang France bilang bahagi ng layuning
nitong tumiwalag sa Thai-France Alliance.
______ 5. Inihanda ng dating pangulong Manuel Quezon ang Guardia Nacional
bilang pagsuporta sa United States kung sakaling kailanganin ito.
______ 6. Nagsagawa ang mga Hapones ng sopresang pag-atake sa Pearl Harbor na
base militar ng Amerikano sa Hawaii.
______ 7. Sinalakay ng bansang Japan ang Pilipinas noong 1941.
______ 8. Nabigo na mabawi ng US ang Pilipinas sa Japan sa Battle of Leyte Gulf.
______ 9. Hindi nasangkot ang Asya sa Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
______ 10. Maraming mabuting naidulot ang Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

16
Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang hinihinging sanhi o bunga ng sumusunod na mga sitwasyon
sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SANHI BUNGA

1. Pagpaslang kay Archduke


Franz Ferdinand.

Nasangkot ang Asya sa Unang


2. Digmaang Pandaigdig.

3. Paglagda sa Kasunduang
Versailles.

Pormal nang sumuko ang


5. bansang Japan sa United States

4. Natalo ng US ang Japan


sa Battle of Leyte Gulf.

Pang-isahang Pagtataya 2
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga kaganapan sa Asya sa Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Gamitin ang 1 bilang unang naganap at 5 bilang huling
naganap. Isulat ang sagot sa inilaang sagutang papel.
Unang Digmaang Pandaigdig

_____1. Nilagdaan ang Kasunduang Versailles noong 1919.


_____2. Nagkaroon ng Armistice Agreement noong 1918.
_____3. Pagpaslang ni Gavrilo Princip kay Archduke Franz Ferdinand
_____4. Hinanda ni dating pangulo Manuel Quezon ang Guardia Nacional
_____5. Tumulong ang Japan sa Great Britain laban sa Germany at inatake ang
daungan ng Qingdao sa China.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

_____1. Sinalakay ng Japan ang Pilipinas, Thailand at Hong Kong.


_____2. Nagapi ng Allied Forces ang Japan sa Battle of Midway at Guadalcanal.
_____3. Pagpapabagsak ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki na naging
dahilan ng pagsuko ng Japan.
_____4. Nagsagawa ang Japan ng sopresang pag-atake sa Pearl Harbor.
_____5. Nagpadala ng mga sundalo ang India sa ibang bahagi ng Asya at maging
sa Europa. 17
Isaisip

Ganap mo nang napaunlad sa bahaging ito ang iyong kasanayan at


kaalaman tungkol sa mga karanasan at implikasyon ng digmaang
pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano. Sa puntong ito, ay
magagamit mo ang iyong mga natutunan sa pagsagot sa gawaing ito.
Kumpletuhin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Natutunan ko na dahil sa digmaang pandaigdig

Malaki ang implikasyon ng Una at Ikalawang


Digmaang Pandaigdig sa kasaysayan ng mga Asyano
dahil

18
Isagawa

Sigaw ko ay Kapayapaan!

Panuto: Ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na makapagsalita sa isang International


Conference kung saan ikaw ay maririnig ng iba’t ibang kinatawan ng mga bansa sa
Asya. Sa paanong paraan mo hihikayatin ang ang mga tagapakinig na makiisa at
isulong ang malawakang kapayapaan sa gitna ng pandemyang kinakaharap sa
kasalukuyan? Isulat ang sagot sa inilaang sagutang papel.

Rubrik: Sigaw ko ay Kapayapaan!


Kategorya Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
(10) (8) pagsasanay
(6)
Nilalaman Katangi-tangi ang
Mahusay na Hindi nailahad ang
paglalahad ng mensahe.
nailahad ang layunin at paksang
Lubos na nabigyang- diin
layunin at paksang dapat talakayin at
ang layunin at paksang
dapat talakayin bigyang-diin
dapat talakayin
Organisasyon Napakahusay ng
pagkakasunod-sunod ng Malinaw ang
Hindi malinaw ang
ideya. Malinaw ang layunin layunin at ang
layunin at kaisipang
at katangi-tangi ang kaisipang
inilalahad sa mensahe
kaisipang inilalahad sa inilalahad sa
mensahe. mensahe.
Kakintalan Napukaw ang atensyon ng
Napukaw ang Hindi napukaw ang
mga mambabasa at nag-
atensyon ng mga atensyon ng mga
iwan ng malalim at
mambabasa mambabasa
magandang na impresyon.

19
Binabati kita dahil maayos mong natapos ang mga nakalipas na gawain.
Napagtagumpayan mo ang iyong paglalakbay at may sapat ka ng kaalaman at
kasanayan patungkol sa mga karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig
sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.

Inaasahan ko na isasabuhay mo ang kaalaman na iyong natutunan sa


paksang tinalakay.

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng pandaigdigang


kapayapaan?
A. Mapigilan ang pagkasawi ng maraming mamamayan
B. Maiwasan ang pagkasira ng kabuhayan at mga ari-arian
C. Mapanatili ang maayos na ugnayan ng mga bansa
D. Mapalawak ang teritoryo at maging makapangyarihang bansa
2. Alin sa mga sumusunod na salik ang tumutukoy sa pagpapalakas ng hukbong
sandatahan?
A. Imperyalismo
B. Militarismo
C. Nasyonalismo
D. Pagbuo ng mga Alyansa
3. Ang deklarasyon na ito na naglalayong buksan ang Palestine sa mga Jews o
Israelite upang kanilang maging tahanan o Homeland.
A. Armistice agreement
B. Balfour Declaration
C. Tehran Conference
D. Mandate system

4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap sa Paris Peace


Conference noong 1919?
A. Nilagdaan ang Kasunduang Versailles
B. Pagkabuo ng liga ng mga bansa o League of Nations
C. Pagkakaroon ng Mandate System
D. Pagkakaroon ng Azerbaijan Crisis

5. Alin sa mga sumusunod na kaganapan ang naging mitsa ng pagsiklab ng


Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria-Hungary
B. Pag-atake ng Japan sa base militar ng Amerikano sa Hawaii
C. Paglagda sa Kasunduang Versailles
D. Pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas

20
6. Ang mahalagang bahagi na ginampanan ng Kasunduang Versailles sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
A. Nagsilbing hudyat ng pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig
B. Naging mitsa ito ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig
C. Nagpatibay sa samahan ng mga bansang magkakaalyansa
D. Naging hadlang sa pagkakaisa ng mga bansa sa Kanluranin

7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging epekto ng Digmaang Pandaigdig?


A. Malaki ang naging pinsala sa kabuhayan at ari-arian
B. Maraming mga Asyano ang naging biktima ng pang-aabuso
C. Nailigtas ang 75 na milyong sundalo at sibilyan
D. Napabilis ang paglaya ng mga Asyanong Bansa

8. Ang pangyayari na naganap noong 1929 kung saan maraming Kanluraning


bansa ang nakaranas ng kahirapan at bagsak na ekonomiya.
A. Azerbaijan Crisis
B. Balfour Declaration
C. League of Nations
D. The Great Depression

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing salik sa pagsiklab


ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Militarismo
B. Nasyonalismo at Imperyalismo
C. Pagkabuo ng mga alyansa
D. The Great Depression

10. Ang hakbang na isinagawa ng dating pangulo ng Pilipinas na si Manuel


Quezon upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa Estados Unidos.
A. Inihanda ng dating pangulo ng Guardia Nacional
B. Nagbigay ang Pilipinas ng tulong pinansyal sa Estados Unidos
C. Nakiisa ang Pilipinas sa pag-atakeng isinagawa ng US sa Hiroshima
D. Sinalakay ng Pilipinas ang bansang Japan

11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mahahalagang pangyayaring


naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Hinimok ng Allies ang mga Arabo na mag-aklas sa Ottoman Empire
B. Nakipagtulungan ang Japan sa Great Britain laban sa Germany
C. Nagkaroon ng armistice agreement na nauwi sa pagsuko ng Central Powers
D. Pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor
12. Ang naging pangunahing salik ng pagpasok ng Kanluraning bansa sa
Kanlurang Asya.
A. Pagkakaroon ng interes sa mina ng langis
B. Paghahangad na makapagtayo ng base militar
C. Pagnanais na masakop ang buong teritoryo ng Kanlurang Asya
D. Pagkakaroon ng interes sa magagandang tanawin sa Kanlurang Asya

21
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing salik sa pagsiklab
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Hangarin ng Germany na muling maging makapangyarihang bansa
B. Alitan sa mga probisyon ng Kasunduang Versailles
C. Pagbagsak ng ekonomiya ng Kanluraning bansa o The Great Depression
D. Pagkamatay ni Archduke Franz Ferdinand

14. Ang base militar ng Amerikano sa Hawaii na sopresang inatake ng mga


Hapones.
A. Pearl Harbor
B. Pearl of the Orient Sea
C. Harbor Point
D. Shell Harbor

15. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Walang nananalo sa isang digmaan”?
A. Walang nananalo dahil mahihina ang mga bansang kasangkot dito
B. Walang nananalo dahil walang tropeyong natatanggap ang mga bansa
C. Walang nananalo sa digmaan dahil walang gantimpalang nakukuha
D. Walang nananalo dahil lahat ng bansang kasali sa digmaan ay
maaapektuhan ang kabuhayan at ari-arian gayundin ang pagbubuwis ng
buhay ng mga mamamayan

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo


sinukuan ang paksa sa ating modyul. At handa ka ng harapin
ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung iyong
nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa
sa aralin. Muli ang aking pagbati!

22
Karagdagang Gawain

Ang Dulot ng Sigalot

Panuto: Bumuo ng isang poster na magpapakita ng masamang dulot o epekto ng


digmaan. Kailangan din na maipakita ang kahalagahan ng malawakang kapayapaan
sa bansa. Gumamit ng bukod na malinis na papel sa paggawa ng poster. Gamiting
gabay ang rubriks na batayan sa pagmamarka ng poster na iyong gagawin.

Rubrik: Ang Dulot ng Sigalot


Kategorya Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
(10) (8) pagsasanay
(6)
Katangi-tangi at
angkop ang
Mahusay na Hindi naipakita ang
pagkakalikha sa
naipakita ang layunin, mensahe at
Nilalaman poster. Lubos na
mensahe at paksang maging ang paksang
naipakita ang mensahe
nais ipabatid nais ipabatid
at paksang nais
ipabatid
Malinaw na naipakita
Nakapukaw ng
ang layunin at katangi-
atensyon. Malinaw
tangi ang kaisipang Hindi malinaw ang
at maayos na
inilahad sa isinagawang layunin at kaisipang
Kakintalan naipakita ang
poster. Nakapukaw ng nais ipabatid sa
layunin na nais
atensyon at nag-iwan isinagawang poster.
ipabatid sa
ng malalim at
isinagawang poster.
magandang impresyon.
Orihinal at angkop ang
Angkop ang
konseptong ginamit sa Hindi angkop ang
Kalinisan at konseptong ginamit
poster. Malinis at konseptong ginamit
Pagkamalikhain sa poster. Malinis
maayos ang sa poster.
ang pagkakagawa.
pagkakagawa.

23
24
SUBUKIN BALIKAN PAGYAMANIN A PAGYAMANIN B
1. A 1. Nasyonalismo 1. B 1. FACT
2. D 2. Defensive 2. A 2. FACT
3. A 3. Aggressive 3. D 3. BLUFF
4. A 4. Mohandas 4. F 4. BLUFF
5. D Gandhi 5. C 5. FACT
6. C 5. non-violent 6. I 6. FACT
7. A means 7. G 7. FACT
8. C 8. H 8. BLUFF
9. B 9. E 9. BLUFF
10. C 10. J 10. BLUFF
11. A
TUKLASIN
12. D
13. C
May kanya-
14. C
15. D kanyang sagot
PAGYAMANIN C PAGYAMANIN D TAYAHIN
I.
1. Pagsiklab ng 1. 5 1. D
Unang Digmaang 2. 4 2. B
Pandaigdig. 3. 1 3. B
2. Layuning 4. 3 4. D
makalaya mula sa 5. 2 5. A
mga mananakop. II. 6. A
3. Pormal nang 1. 2 7. C
natapos ang Unang 2. 4 8. D
Digmaang 3. 5 9. D
Pandaigdig. 4. 3 10. A
4. Pagpapabagsak 5. 1 11. D
ang atomic bomb 12. A
sa Hiroshima at 13. D
Nagasaki. 14. A
5. Nabawi ng US 15. D
ang Pilipinas.
ISAISIP ISAGAWA KARAGDAGANG
GAWAIN
May kanya- May kanya-
kanyang sagot kanyang sagot May kanya-
kanyang sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.

"K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of


Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.
"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management
and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like