You are on page 1of 25

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga
Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa saTimog at
Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Marieta A. Reyes, Analiza M. Romero, Noireen DJ. Violago
Yolanda S. Brillo, Ronilo F. Clemente
Brenda Lea A. Caranto,Jeffrey M. Espino

Tagasuri ng Nilalaman: John Revin V. de Jesus


Tagasuri ng Wika : Ma. Elsie S. Laganao
Tagasuri ng Paglapat : Maesie T. dela Peña
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga
Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Matapos mong masuri ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng


kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin (ika-16 at ika-17 siglo)
sa Timog at kanlurang Asya, ngayon naman ay pag-aaralan at papalalimin
natin, at bibigyang kahalagahan ang nasyonalismo sa paghubog ng mga
bansa sa Timog at kanlurang Asya.

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Pamantayang sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo
ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya (AP7TKA-IIId1.8)

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 Naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
 Nasusuri ang mga kaganapan na nagpaunlad sa pagbuo ng mga malayang
bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
 Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga nasyonalistang lider sa
pagbuo ng mga bansang malaya sa Timog at Kanlurang Asya.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat ang TITIK ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Damdaming makabayan o pagmamahal sa bayan.


a. Kolonyalismo
b. Merkantilismo
c. Nasyonalismo
d. Patriyotismo

1
2. Ang pamamaraang ginamit ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang
kanilang pagtutol sa mga Ingles.
a. Armadong Pakikipaglaban
b. Mapayapang pakikipaglaban
c. Pagbabago sa pamahalan
d. Pagtatayo ng partidong politikal

3. Ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng


namatay na asawa.
a. Amritsar Massacre
b. Female Infanticide
c. Rebelyong Sepoy
d. Sutte

4. Siya ay nakilala bilang “Ama ng Pakistan”.


a. Ayatollah Roullah Mousari Khomeini
b. Ibn Saud
c. Mohammed Ali Jinnah
d. Mustafa Kemal

5. Siya ang nangunang lider ng nasyonalista sa India, ang nagpakita ng


mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan ng kanilang bansa.
a. Ayatollah Roullah Mousari Khomeini
b. Ibn Saud
c. Mohammed Ali Jinnah
d. Mohandas Karamchad Gandhi

6. Ang tawag sa pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin
at pabigat sa mga magulang pagdating ng panahon na ito’y mag-aasawa.
a. Amritsar Massacre
b. Female Infanticide
c. Suttee
d. Zionism

7. Ang pag-aalsa ng mga sundalong Hindu at Muslim bilang pagtutol sa


pagtangi ng lahi o racial discrimination.
a. Rebelyong Boxer
b. Rebelyong Sepoy
c. Rebelyong Taiping
d. Suttee

8. Siya ang matagumpay na tumipon sa halos kabuuan ng tangway ng Arabia


at kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.
a. Ibn Saud
b. Mohammed Ali Jinnah
c. Mohandas Gandhi
d. Mustafa Kemal

2
9. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay
daan ito para ang mga Asyano ay matutong _______________
a. Pigilin ang pagpapalaganap ng Imperyalismong kanluranin
b. Maging mapagmahal sa kapwa
c. Makisalamuha sa mananakop
d. Maging hansa sa panganib

10. Ang hindi paggamit ng dahas o non-violence ay pamamaraang ginamit ni


Gandhi upang labanan ang pananakop ng mga kanluranin at ito ay
nagmula sa ispiritwal na doktrina ng Hinduismo at Buddhismo.
a. Ahimsa
b. Akulturasyon
c. Humanidades
d. Zionism

11. Siya ay kinilala bilang “Ama ng mga Turko” o ang founding father ng
Republika ng Turkey.
a. Ibn Saud
b. Mohammed Ali Jinnah
c. Mohandas Gandhi
d. Mustafa Kemal

12. Siya ang gumawa ng makasaysayang talumpati laban sa patuloy na


pagsuporta ng Shah ng Iran sa mga dayuhan.
a. Ayatollah Roullah Mousari Khomeini
b. Ibn Saud
c. Mohandas Gandhi
d. Mustafa Kemal

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang naidulot ng pananakop ng


mga Ingles sa India?
a. Pag-unlad ng sistemag komunikasyon at transportasyon sa India
b. Pagkakaroon ng pagkakataong makapg-aral ang mga taga- India
c. Pagsasamantala sa likas yaman at yamang tao ng India
d. Pagpapatigil sa Suttee at female infanticide sa India

14. Ang pangyayaring pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang


India.
a. Pagmamalupit at pagsasamantala sa mga katutubo ng India
b. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
c. Pagkakaroon ng pagkakataong na makapag-aral
d. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi

15. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?


a. Pinapapalaki nito ang pagkakataong makapandarayuhan ang mga tao
sa isang bansa.

3
b. Magsisilbing instrumento ng pag-usbong ng nasyonalismo sa isang
bansa.
c. Upang makasunod sa pandaigdigang kalakaran
d. Maaaring lumaki ang kita ng isang bansa.

Balikan

Sa nakaraang aralin, ay natalakay ang dahilan, paraan at epekto ng


kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Bago ka magsimula sa
bagong aralin, magbalik-aral ka sa iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng
pagsagot sa Gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isulat sa mga kahon ang mga dahilan


na nagbunsod sa mga kanluranin na
sakupin ang Timog at Kanlurang
Asya (16-17 siglo)

Pamprosesong Tanong:

1. Ano – ano ang dahilan na nag udyok sa mga kanluranin na sakupin ang
Timog at Kanlurang Asya?
2. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang pananakop ng mga
kanluranin?

4
Tuklasin

Gawain:
Panuto: Ibigay ang mga salitang sa palagay mo ay may kaugnayan sa
Nasyonalismo. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Suriin
Nasyonalismo sa Asya

Ang pagdating, pagsakop, at pananamantala ng mga bansang kanluranin sa


Asya ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa lipunan, politika, ekonomiya, at
pamumuhay ng mga Asyano. Ito ang nagbigay daan sa pag-usbong ng
Nasyonalismo o damdaming makabayan na siyang naging susi sa paglaya ng mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya laban sa mga mananakop na kanluranin.

Ano nga ba ang Nasyonalismo? Ang nasyonalismo ay pagpapahalaga at


pagmamahal sa inang bayan. Ito ay isang kamalayan na lumaganap sa Asya kung
saan binigyang pagpapahalaga ng mga mamamayan sa isang bansa ang kanilang
pinagmulang lahi, wika, paniniwala, at kultura. Maraming manipestasyon ang
nasyonalismo gaya na lang ng mga sumusunod: pagkakaisa laban sa mga
mananakop na kanluranin, pagtangkilik sa mga lokal na produkto ng bansa,

5
pagiging makatuwiran, makatarungan, at ang kahandaang isakripisyo ang sarili
para sa inang bayan.

Pag-Usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya:

Sa pagsakop at pagmamalabis ng mga Ingles sa India sa mahabang


panahon ay nagmulat at nagpaalab sa damdaming pagkamakabayan o
nasyonalismo ng mga taga India. Nagkaisa at kumilos ang mga taga India upang
makamit ang inaasam na kalayaan laban sa mga mananakop.

Sa mahabang panahon na pinakinabangan ng mga Ingles ang mga likas


yaman sa India. Nakaranas ng pagmamalupit at paghihirap ang maraming mga
taga India sa pananakop ng mga Ingles. Maraming patakarang ipinatupad at
madami din na kaugalian sa India ang ipinagbawal. Para sa mga taga India ito ay
pagsikil sa kanilang kalayaan.

Ilan sa mga ipinagbawal ay ang


pagsasagawa ng Suttee o sati, ito ay
ang pagpapatiwakal ng mga biyudang
babae sa India sa pamamagitan ng
pagtalon o pagsama sa sinusunog na
bangkay ng kanilang asawa. Ang
gawaing ito ay pagpapakita ng
kanilang debosyon at mabuting
maybahay. Isa pang ipinagbawal ay
ang pagsasagawa ng mga Hindu ng
female infanticide, ito ay ang
pagpatay sa mga bagong silang na
sanggol na babae. Ang isa pang
naging dahilan ng paglaban ng mga
taga India sa mga mananakop na
Ingles ay ang kanilang hindi pantay
na pagtingin sa kanilang lahi o racial
discrimination.

Nang dahil sa pagtatangi ng lahi o hindi pantay na pagtingin sa lahi ay


nagsagawa ng pag-aalsa ang mga sundalong sepoy na tinaguriang Rebelyong
Sepoy. Sepoy ang tawag sa mga sundalong Muslim at Hindu na taga India. Hindi
naging patas ang pagtrato sa mga sundalong Indian na nakatatangap ng mas
mababang sweldo kaysa sa mga sundalong Ingles. At tumutol din ang mga
sundalong Hindu at Muslim sa paggamit ng mga langis o taba na galing sa hayop
upang ipanglinis sa kanilang mga baril at bala. Dumagdag pa ang naganap na
Amritsar Massacre noon ika-13 ng Abril 1919. Habang nagdiriwang ng isang
selebrasyon ang mga taga India ay pinagbabaril sila ng mga sundalong Ingles. 379
katao ang nasawi sa kaganapang ito at halos 1,200 na katao ang nasugatan.

6
Isa sa naging susi ng pagkamulat ng mga taga India ay si Mohandas
Karamchad Gandhi, lider ng kilusang nasyonalista ng India. Sa pamamagitan ng
ahimsa (hindi paggamit ng dahas at lakas ng kaluluwa) at satyagraha
(pagpapalabas ng katotohanan na may kasamang pagdarasal, meditasyon, at pag-
aayuno) ay nanguna sa panawagan sa pagpapalaya sa India si Gandhi.

Ito ay ang mapayapang paraan ng pakikipaglaban para sa kalayaan ng


India. Ginamit ni Gandhi ang Civil disobedience o hindi pagsunod sa mga batas ng
pamahalaang Ingles sa India at pagsasagawa ng protesta at pag-aayuno, nang
dahil dito naranasan ni Ghandi ang mahuli at makulong. Hinikayat ni Gandhi ang
pagboykot (o hindi pagtangkilik) sa mga produktong may kinalaman sa mga Ingles,
bagkus ay tangkilikin ang mga lokal na produkto sa kanilang bansa.

Bukod kay Gandhi ay nagkaroon ng pagkilos ang Hindu at Muslim sa India.


Bumuo sila ng magkahiwalay na pagkilos at organisasyon at ang mga ito ay ang
All Indian National Congress na naglalayon ng paglaya ng India laban sa mga
Ingles at ang All Indian Muslim League sa pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah, na
naglalayon mabigyang pansin ang mga interes ng mga Muslim sa India at
magkaroon ng bukod na estado para sa mga Muslim.

Nasyonalismo sa kanlurang Asya

Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi gaya ng nasyonalismong


ipinamalas sa Timog Asya. Karamihan sa mga bansa sa Kanlurang Asya ay
sumailalim sa kapangyarihan ng Imperyong Ottoman, kung kaya’t hindi ito
nasakop agad ng mga kanluraning bansa. Nang bumagsak ang Imperyong
Ottoman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga kanluraning bansa na sakupin
ang Kanlurang Asya. Ipinatupad ng mga kanluraning bansa ang sistemang
mandato. Ito ay sistema na kung saan ang
isang bansa ay sasailalim sa patnubay ng
isang bansang Europeo (kanluranin)
habang naghahanda sa pagiging isang
malaya at nagsasariling bansa.

Pinasimulan ng mga Arabo, Turko, at


Iranian ang nasyonalismo sa kanlurang
Asya bago pa man ang Unang Digmaang
Pandaigdig. Ang bansang Kuwait ang isa sa
mga unang bansa sa Kanlurang Asya na
lumaya noong 1759. Samantalang ang
Lebanon ay lumaya noong 1770 mula sa
Imperyong Ottoman. At noong 1926 ay
sumailalim ang Lebanon sa sistemang
mandato ng France. Ang bansang Turkey,
sa pamumuno ni Mustafa Kemal ay humingi ng Figure 1 Mapa ng Israel at Palestine
kalayaan at nagsulong na magkaroon ng sariling

7
republika. At noong 1926 ay nilipol ni Abdul ang lahat ng teritoryo sa tangway ng
Arabia at tinawag itong Saudi Arabia.

Noong 1945, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isinagawa ng


mga Hudyo/ Jew ang Zionism, Ito ay ang pag- uwi sa Palestine ng mga Jew mula
sa iba’t ibang panig ng daigdig (Mateo et al., Asya:Pagusbong ng Kabihasnan).
Nagkaroon ng malaking pagbabago mula ng nanirahan ang mga Hudyo sa
Palestine, nagkaroon ng modernisasyon sa industriya, agrikultura, at sa marami
pang aspekto ng pamumuhay ng mga Hudyo sa Palestine. Mas tumaas ang antas
ng pamumuhay ng mga Hudyo sa Palestine kaysa sa mga Arabo na naninirahan
doon. Ito ay isa sa mga dahilan ng pagsisimula ng hindi pagkakaintindihan sa
pagitan ng mga Hudyo at Muslim. Kung kaya’t hiniling ng mga Muslim na
naninirahan sa Palestine na ihinto na ang pagbabalik ng mga Hudyo sa Palestine.
At ang lalong nagpaigting sa tensyon sa pagitan ng magkabilang panig ay ang
pagdedeklara ng Republika ng Israel noong May 14, 1948.

Maraming pamamaraan ang ginamit ng mga taga Timog at Kanlurang Asya


sa pagkamit ng kanilang kalayaan mula sa mga kolonyalista at Imperyalista. Ang
mga Nasyonalista ang naging susi sa pagkamtan ng kanilang kasarinlan. Sa pag-
usbong ng mga kilusang Nasyonalismo ay nakilala ang ilang lider nasyonalista na
nagsilbing insiprasyon ng mga Asyano.

Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya

Mohandas Karamchad Gandhi (India)

Si Gandhi ay isang Hindu na nakapagtapos ng pag-aaral


sa England at nakapagtrabaho sa South Africa. Kilala si
Gandhi bilang Mahatma Gandhi o “Dakilang Kaluluwa”,
siya ay inspirasyon nang marami dahil sa kanyang
pamamaraan ng paghingi ng kalayaan, na kung saan
hindi sila gagamit ng anumang dahas dahil sa kanyang
paniniwala sa ahimsa at satyagraha sa pakikipaglaban
para sa kasarinlan ng India laban sa mga mananakop na
Ingles. Hindi rin sang-ayon si Gandhi sa pagtatangi sa
mga untouchables sa lipunan, pati na rin sa pagsasagawa ng Sati para sa mga
kababaihan. Nagsagawa ng Civil disobedience si Gandhi kung saan hinikayat niya
ang mga taga India na huwag tangkilikin ang anomang produktong may
kinalaman sa mga Ingles. Nagsagawa din sya ng Hunger strike o pag-aayuno
upang mabigyang pansin ng mga Ingles ang kanilang pagnanais na lumaya. Hindi
natakot si Gandhi bagamat labas-masok siya sa kulungan, ipinagpatuloy ni
Gandhi ang mapayapang pagprotesta hanggang makamit ng India ang kanyang
kalayaan. Lumaya ang India noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Jawaharlal
Nehru. Nabaril at napatay si Gandhi noong ika 20 ng Enero 1948 na hindi
nagtagumpay ang kanyang mithiin na magkasundo ang mga Hindu at Muslim.

8
Mohamed Ali Jinnah (Pakistan)

Tinagurian na “Ama ng Pakistan”. Isa siyang


abogado at pandaigdigang lider. Si Mohamed Ali
Jinnah ang namuno sa All Indian Muslim League na
itinatag noong 1905. Ninais ng samahang ito na
mabigyang pansin ang mga interes ng mga Muslim at
magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
Namuno siya hindi lamang sa paglaya ng Pakistan
laban sa mga mananakop na Ingles, ninais din nilang
lumaya laban sa India. Nakamit ng Pakistan ang
kalayaan noong Agosto 14, 1947. Si Mohamed Ali
Jinna ang kauna-unahang Gobernador Heneral ng Pakistan

Mustafa Kemal Ataturk (Turkey)

Isinilang sa Saloniki, Greece na bahagi ng


Imperyong Ottoman. Nakapagtapos siya ng pag-aaral
sa Ottoman Military College at siya ay naging sundalo.
Naging kapitan ng Ottoman Army, nagsilbi siya sa
Damascus (Syria sa ngayon) haggang 1907. Isa siya
sa tumutol sa kasunduan ng Italy at France na hatiin
ang Imperyong Ottoman matapos ang kanilang
digmaan noong 1912. Naging susi sya sa pagtataboy
sa 2000 Italyanong sundalo laban sa may 200 na
Turko at Arabong sundalo sa laban sa Tobruk noong
Disyembre 1911 ngunit ang mga Italyano pa din ang nagtagumpay sa digmaang
Ito. Si Mustafa Kemal ay kinilala bilang Mustafa Kemal Ataturk o “Ama ng mga
Turko” dahil siya ang nagbigay daan sa paglaya ng bansang Turkey kahit na ito ay
hinangad na paghati-hatian ng mga bansang kanlurarin gaya ng France, Great
Britain, Greece at Armenia. Siya ang tumawag para magkaroon ng halalang
pambansa at hiwalay na parliament. At si Mustafa din ang nagsilbing
tagapagsalita at ito ay ang Grand National Assembly ng Turkey. At ito ang nag
udyok sa mga Turkong military na kumilos na hingin ang kalayaan ng bansang
Turkey.

Ayatollah Rouhllah Mousari Khomeini (Iran)

Si Ayatollah ay naging aktibo sa politika noong


1962. Sumama siya sa mga pagkilos at pagbatikos sa
mga karahasan isinasagawa ng kanilang Shah sa mga
mamamayan at tinutulan din niya ang pagprotekta ng
Shah sa interes ng United States of America. Naging
makasaysayan ang talumpati niya noong Hunyo 3,
1963 laban sa pagkiling ng Shah ng Iran sa mga

9
dayuhan at pagsuporta nito sa Israel. Dahil dito siya ay inaresto at nakulong. Sa
kabila nito sya ay umani ng malawakang suporta mula sa mamamayan ng Iran at
naging sanhi ng kaguluhan sa kanilang bansa. Siya ay pinatapon sa ibang bansa
gaya ng Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964 ng dahil sa kanyang pagsulat at
pangangaral laban sa kanilang Shah. Nang mapatalsik ang Shah ng Iran noong
1979 dahil sa Rebolusyong Islamic, ay muling bumalik ng Iran si Ayatollah at
idineklara bilang isang religious leader ng rebolusyon sa Iran. Si Ayatollah ay
kinilala bilang isa sa mga malulupit na lider noong ika-20 siglo.

Ibn Saud

Si Ibn Saud ay isinilang sa Riyadh noong


Nobyembre 24, 1880, siya ang kauna-unahang hari ng
Saudi Arabia. Noong 1932 ay natipon niya halos ang
kabuuan ng tangway ng Arabia at binigyan ni Ibn
Saud ang kanyang kaharian ng bagong pangalan at ito
ay ang Saudi Arabia. Nahimok niya ang mga
nomadikong tribo na mapaayos ang kanilang
pamumuhay, sa kanyang pamumuno ay nawala ang
mga nakawan at pangingikil sa mga dumadalo ng
pilgrimage sa Mecca and Medina. Siya din ang nagbigay pahintulot sa United
States of America noong 1936-1939 upang magkaroon ng oil concession sa Saudi
Arabia at dahil dito napatunayan na pinakamayaman sa mina ng langis ang
kanilang bansa sa buong daigdig, nakatulong ang pagmina ng langis upang
lumago ang ekonomiya at pamumuhay ng mamamyan ng Saudi Arabia sa
pamumuno ni Ibn Saud.

Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1

Panuto: Punan ng tamang titik ang bawat patlang na may kaugnayan sa larawan.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. N__S__ON__L__SM__ 2. S__TT__E

10
3. M__A NA__Y__N__LI__T__ 4. F__MA__E I__FA__T__CI__E

5. PA__K__KA__S__

Pang-isahang Pagtataya 2

Panuto: Pag-ugnayin ang mga pangalan ng Nasyonalista sa Hanay A na tinutukoy


o inilalarawan sa Hanay B. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Mohandas Gandhi A. Siya ang kauna-unahang Hari ng


Saudi Arabia

2. Ibn Saud B. Siya ang naging susi sa isang


pagkilos sa naganap na noong
Disyembre 1911 sa Battle of
Tobruk o laban sa Tobruk.

3. Ayatollah C. Siya ang gumawa ng


makasaysayang talumpati laban
sa patuloy na pagkilos ng Shah ng
Shah ng Iran sa mga maka-
dayuhang pakikialam.

4. Mustafa Ataturk D. Siya ang namuno sa All Indian


Muslim Lea League at kinilala
bilang “Ama ng Pakistan”

5. Mohammed Ali Jinah E. Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”

11
Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Punan ang bawat bilog sa ating Spider Web ng mga nasyonalistang
nagmula sa Timog at Kanlurang Asya at ilagay ang mahahalaga nilang
kontribusyon sa kani-kanilang bansa. Isulat ang sagot sa inyong sagutang
papel.

1. 3.

4.
Mga
2. Nasyonalista
5.

Pang-isahang Pagtataya 2

Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng tamang sagot para sa tanong at isulat


sa sagutang papel.

Zionism Sepoy Ahimsa Nasyonalismo boykot

Indian Pakistan Hudyo Ingles Ayuno

1. Mga kanluranin na sumakop at nagsamantala sa India sa mahabang


panahon.
2. Ang pagpapabalik o ang pag-uwi ng mga Jew sa Palestine.
3. Ito ay ang paniniwala sa lakas ng kaluluwa.
4. Katawagan sa mga sundalong Hindu at Muslim.
5. Ito ang damdaming may pagpapahalaga at pagmamahal sa inang bayan.

Pang-isahang Gawain 3

Panuto:Ilista ang mga naging dahilan ng pag usbong ng Nasyonalismo sa Timog at


Kanlurang Asya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

12
Timog Asya Kanlurang Asya

_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________
_______________________________ _______________________________

Pang-isahang Pagtataya 3

Panuto: Lagyan o punan ng tamang impormasyon ang bawat kolum ng Data


Retrieval Chart. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pag-usbong ng nasyonalismo sa Timog at kanlurang Asya

Dahilan ng Pamamaraang Manipes- Epekto


Rehiyon Bansa pagpapakita ng Ginamit sa tasyon ng sa mga
Nasyonalismo pagtamo ng Nasyona- bansa
Kalayaan lismo sa
Asya
TIMOG
ASYA
KANLURANG
ASYA

Binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa at nasagutan


ang mga gawaing inihanda para sayo. Magaling! Magpatuloy ka!

13
Isaisip

Panuto: Sagutan o dugtungan ang mga sumusunod na kaisipan. Isulat ang sagot
sa inyong sagutang papel.

Ang Nasyonalismo ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Maipapamalas ko ang Nasyonalismo sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Isagawa

Gawain: Islogan
Panuto: Gumawa ng isang Islogan na may kinalaman sa pagbuo ng Nasyonalismo
sa Timog at Kanlurang Asya. Ilagay ang Islogan sa inyong sagutang papel.

Halimbawa: Pagmamahal sa Inang Bayan susi sa Kaunlaran.

Pamantayan sa Paggawa ng Islogan


Pamantaya 10 8 5 Nakuhang
n Napakahusay Mahusay Nalilinang Puntos
Nilalaman Napakahusay Mahusay at Kailangang
at mabisa ang mabisa ang pangpagbutihin
pinapakitang pinapakitang ang pinapakitang
mensahe mensahe mensahe
Pagiging Napakaganda Maganda at Kailangan
malikhain at malinaw malinaw ang pangpagpagbutihi
ang pagkakasula n ang
pagkakasulat t ng mga pagkakasulat ng
ng mga titik titik. mga titik
Kalinisan Malinis na Malinis ang Kailangan
malinis ang pagkakabuo pangpagbutihin
pagkakabuo ng islogan ang pagkakabuo
ng islogan ng islogan
Total

14
Napakahusay! Binabati kita dahil matagumpay mong nasagutan at
naisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito. Sa bahaging ito ay tatayahin na
ang iyong kaalaman batay sa iyong natutunan.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at isulat ang titik ng


tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kaisipan at damdamin na nagbigay pagpapahalaga at pagmamahal sa


inang bayan.
a. Imperyalismo
b. Kolonyalismo
c. Merkantilismo
d. Nasyonalismo

2. Mga kanluranin na sumakop at nagsamantala sa likas yaman ng India.


a. Ingles
b. Muslim
c. Tsino
d. Turko

3. Sa mahabang panahon ang Kanlurang Asya ay nasakop ng _______________.


a. Imperyong Babylonia
b. Imperyong Persian
c. Imperyong Ottoman
d. Imperyong Romano

4. Kilusan na itinatag ng mga Hindu para hingin ang kalayaan sa mga Ingles.
a. Ahimsa National Congress
b. Ahimsa National League
c. All Indian Muslim League
d. All Indian National Congress

5. Sa pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah naitatag ang samahan ng mga taga


Pakistan na nagnanais lumaya sa kamay ng mga Ingles at magkaroon ng
bukod na estado.
a. Ahimsa National Congress
b. Ahimsa National League
c. All Indian Muslim League
d. All Indian national Congress

15
6. Isa sa paraan ng civil disobedience ni Ghandi ay ang hindi pagtangkilik o
______________ sa mga produktong may kinalaman sa mga Ingles.
a. Ahimsa
b. Boykot
c. Satyagraha
d. Suttee

7. Ang pagsama o pagpapatiwakal ng biyudang babae sa India sa pamamagitan


ng pagsama sa sinusunog na bangkay ng asawa bilang pagpapakita ng
debosyon.
a. Amritsar Massacre
b. Female Infanticide
c. Rebelyong Sepoy
d. Suttee

8. Nasyonalista sa Kanlurang Asya na humimok sa mga nomadikong tribo na


ayusin ang kanilang pamumuhay at napahinto ang mga tulisan sa kanyang
nasasakupan.
a. Ibn Saud
b. Mohammed Ali Jinnah
c. Mohandas Karamchad Gandhi
d. Mustafa Kemal

9. Nasyonalistang lider sa Timog Asya na kinilala bilang dakilang kaluluwa.


a. Ibn saud
b. Mohammed Ali Jinnah
c. Mohandas Karamchad Gandhi
d. Mustafa Kemal

10. Namuno sa pagtataboy sa mga Italyano sa labanan sa Tobruk.


a. Ibn Saud
b. Mohammed Ali Jinnah
c. Mohandas Gandhi
d. Mustafa Kemal

11. Nasyonalistang lider ng Iran na tumutol sa pakikipag-ugnayan ng kanilang


Shah sa United States of America.
a. Ayatollah Roullah Mousari Khomeini
b. Ibn Saud
c. Mohandas Gandhi
d. Mustafa Kemal

12. Bansa sa Kanlurang Asya na may pinakamayamang minahan ng langis.


a. Armenia
b. Bangladesh
c. Israel

16
d. Saudi Arabia

13. Isinagawa ang Zionism kung saan ang mga Hudyo ay bumalik o umuwi sa
_____________.
a. Bangladesh
b. India
c. Palestine
d. Pakistan

14. Ang mga sumusunod ay manipestasyon ng nasyonalismo maliban sa


_________
a. Kahandaan isakripisyo ang buhay para sa inang bayan
b. Pagtangkilik sa mga produkto ng mga dayuhan
c. Pagiging makatuwiran at makatarungan
d. Pagkakisa laban sa mananakop

15. Ang pagdating at pananakop ng mga kanluranin ay nagdulot ng madaming


pagbabago sa lipunan, politika, ekonomiya, at pamumuhay ng mga Asyano
gaya ng _______________
a. Pagbabawal sa mga nakagawian ng mga katutubo
b. Pagsasagawa ng mga relihiyosong gawain
c. Pagsasagawa ng female infanticide
d. Wala sa nabanggit

Karagdagang Gawain

Gawain: Sanaysay

Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa Nasyonalismo. Ang sanaysay na


iyong gagawin ay dapat na binubuo ng 8-10 pangungusap. Isulat ang sanaysay sa
sagutang papel.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

17
Pamantayan sa Paggawa ng Sanaysay

Pamantayan 10 8 5 Nakuh
Napakahusay Mahusay Nalilinang ang
Puntos
Nilalaman Napakahusay Mahusay at Kailangang
at mabisa ang mabisa ang pangpagbutihin
pinapakitang pinapakitangang
mensahe mensahe pinapakitang
mensahe
Organisasyon Organisado, Malinaw at Kailangan
malinaw, maayos ang ayusin ang
simple at pagkakasunod- pagkakasunod-
maayos ang sunod ng mga sunod ng mga
pagkakasunod- detalye. detalye.
sunod ng mga
detalye.
Kalinisan Malinis na Malinis ang Kailangan
malinis ang pagkakabuo ng pangpagbutihin
pagkakabuo ng sanaysay ang
sanaysay pagkakabuo ng
sanaysay.
Total

18
19
Subukin
1. C
2. B
3. D
4. C
5. D
6. C
7. B
8. A
9. A
10. A
11. D
12. A
13. C
14. A
15. B
Balikan
1. Ang mga krusada (1096-1273)
2. Ang paglalakbay ni Marco Polo
3. Ang Renaissance
4. Ang Pagbagsak ng Constantinople
5. Ang Merkantilismo
Pagyamanin Pang-isahang Pagtataya 2
Gawain B
1. E
2. A
3. C
4. B
5. D
Tayahin
1. D
2. A
3. C
4. D
5. C
6. B
7. D
8. A
9. C
10. D
11. A
12. D
13. C
14. B
15. A
16. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. Asya: Pagkakaisa ng Pagkakaiba. Pasig City:


Eduresources Publishing, Inc. 2014.

Mateo, Ph.D, Grace Estela C. et al. Asya Pag-usbong ng Kabihasnan, Quezon City:
Vibal Publishing House, Inc. 2010.

Education Department of, Most Essential Learning Competencies Matrix, Araling


Panlipunan, 2020.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

21

You might also like