You are on page 1of 9

Araling Panlipunan 7- Ikatlong Kwarter

Pangalan ______________________________________________________________
Pangkat ___________ Guro_______________________________________________

Aralin Aralin
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
36
Most Essential Learning Competency/ Kasanayan
* Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa
imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa upang ikaw ay magkaroon ng lubos na pag-unawa sa paksa tungkol
sa pagpapahalaga ng mga bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng at pag-unlad ng
Nasyonalismo.
2. Napapaliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang
Asya.
3. Nabibigyan ng halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.

Tinalakay sa nakaraang aralin ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika. Bago ka tumungo sa
susunod na paksa ay sagutin mo ang unang pagsubok.

Panuto: Isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Siya ang nanguna sa paghimok sa kababaihang gumagawa at bumibili ng asin na huwag


bayaran ang buwis bilang protesta sa pamahalaang Ingles.

a. Mohandas Gandhi c. Sarojini Naidu

b. Mustafa Kemal Ataturk d. Syed Ahmed Khan

2. Dahil sa batas na ito, nagkaroon ng pantay na karapatan ang kakabaihan sa pamamagitan ng


paglalaan ng sampung posisyon sa National Assembly ng Pakistan.

a. 1973 Saligang-Batas ng Pakistan c. National Council of Indian Women (1925)

b. Indian Factory Act of 1891 d. United Front for Women’s Rights

1
AP 7 Q3 QWeek 6
3. Ito ay mga militanteng gerilya na sumalakay sa Sri Lanka taong 1983.

a. Liberation Tigers of Tamil Eelam c. United Front for Women’s Rights

b. Nazi German d. Turkong Ottoman

4. Ito ay inilunsad upang maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang mga

karapatan sa Arab Region.

a. Arab Women Connect c. Feminist Center

b. CEDAW d. Muslim League

5. Ito ay ang pag-aasawa ng maaga na tinutulan ng Sindhian Tehrik.

a. Child Marriage c. Rebelyong Sepoy

b. Civil Disobedience d. Sekularismo

Alamin at isulat ang tamang sagot sa bawat katanungan sa Crossword Puzzle.

Pahalang Pababa
Matutunghayan mo naman sa modyul na ito ang mga mahahalagang hakbang na ginawa ng
ilang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya upang mapaigting ang nasyonalismo ng kanilang
mga kababayan. Ngunit bago magpatuloy, atin munang balikan ang ilang mahalagang salita na
binigyang kahulugan sa nagdaang paksa.

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at


pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga
bansang Asyano, ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Asya.

Ang Nasyonalismo ay damdaming makabayan na


maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa
Inangbayan, ayon sa aklat na SEDP Kabihasnang Asyano.
Ito rin ang bigkis na nagbubuklod sa mga mamamayan ng
isang bansa. Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang
anyo tulad ng defensive nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng
bansang Pilipinas at aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng
bansang Hapon.

Timog Asya

Sa loob ng higit isandaang taon, ang India ay pinamahalaan ng mga British. Nagsimulang
umusbong ang nasyonalismo sa Timog Asya noong 1800. Sa una, ang mga nasyonalista sa India
ay hindi lubos na humihingi ng kalayaan mula sa mga British, kundi reporma lamang.

Upang mas madali at lubos maunawaan ang paksa, basahin at alamin sa ibaba ang
pagkakasunod-sunod ng mahahalagang pangyayari na nagpaigting sa damdaming nasyonalismo
ng mga mamamayan sa Timog Asya

7-AP- Qtr3- Week 6


1914
1885
Sa pagsisimula ng World
1800 Pagtatag ng samahan na
War I, nangako ang mga
"Indian National Congress".
Direktang pinamahalaan ng British ng mas malawig na
Ito ay itinatag ng mga
mga British ang India. karapatan para sa mga
pinakaunang nasyonalista sa
Indian kapalit ng kanilang
India.
tulong sa digmaan.

1919
Pinasa ng mga British ang
Goverment of India Act na
1919 nagtatag ng isang
1920
Malagim na trahedya sa Parliyamento na binubuo ng
Ang paglaban upang makuha
lungsod ng Amritsar sa pagitan mga Indian at British. Ngunit
ang kalayaan ng India ay
ng mga British at Indian. hindi naging katanggap-
pinangunahan ni Mohandas
Umabot sa 400 na Indian ang tanggap sa mga Indian ang
Gandhi.
mga namatay. kanilang limitadong
karapatan kung kaya't
nagpatuloy ang kanilang
protesta.

1930
Isa pang nasyonalista ang
umusbong at 1939
1930 nakipagtulungan kay Gandhi.
Ang pagsiklab ng World
Pinatupad ng mga British Ito ay si Jawaharlal Nehru.
War II, at muling nangako
ang Salt Act na kung saan Dahil sa mga kaganapan na
ang mga British ng mas
bawal gumawa ang mga nagpahina sa ekonomiya ng
malawig na karapatan
Indian ng sarili nilang asin. India, Isa si Nehru sa
para sa mga Indian kapalit
Nilabag ito ni Gandhi at nagplano upang manumbalik
ng kanilang tulong sa
kanyang mga kasama. ang yaman nito. isa sa mga
digmaan.
kanyang naging reporma ay
ang pagkakaroon ng
Industriyalisasyon sa India.

Labis ang naging pinsala ng World War II sa mga British at sa kanilang bansa kung kaya’t ninais

na nilang ipagkaloob ang kalayaan ng India.

Malapit man na makalaya ang India sa mga British, nagkaroon muli ito

ng suliranin. Kung matatandaan, ang India ay binubuo ng mga Hindu at

Muslim. Ang mga Muslim ay nabahala

sapagkat ang Indian National Congress ay

higit na kinabibilangan ng mga Indian at baka

hindi matugunan ang kanilang mga

pangangailangan. Hiniling ng Muslim League

sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah, na magtatag ng hiwalay na

https://www.britannica.com/biography/Jawa
harlal-Nehru/images-videos

https://en.wikipedia.org/wiki/Muhammad
_Ali_Jinnah
bansa para sa mga Muslim ngunit ito ay tinutulan nina Gandhi at Nehru. Dahil sa pagtutol na ito

ay sumiklab ang digmaang sibil sa pagitan ng dalawang pangkat na nagresulta sa pagkamatay

ng libu-libong tao. Nang lumaon ay pumayag na si Gandhi na itatag ang hiwalay at malayang

bansa ang Pakistan noong August 14,1947 at idineklara nadin ang kalayaan ng India noong

August 15, 1947.

Kanlurang Asya

Mula sa naunang mga aralin, nabanggit na ang Imperyong Ottoman ang pangunahing nakasakop

sa mga bansa sa Kanlurang Asya bago pa man ito masakop ng mga bansang Kanluranin kung

kaya’t hindi agad naipakita ng mga ito ang damdaming nasyonalismo.

Nang bumagsak ang Imperyong Ottoman, napasailalim ang mga bansa sa Kanlurang Asya sa

sistemang mandato ng mga bansang Kanluranin. Ang sistemang mandato ay nangangahulugan

na ang isang bansa ay mapasasailalim muna sa patnubay ng mga bansa sa Europeo habang ito ay

naghahanda na maging isang malaya at nagsasariling bansa. Bagamat napapasailalim sa mga

bansang Kanluranin ay hinangad pa din na makalaya ang mga ito. Ang pagpapakita ng

damdaming nasyonalismo ay nagsimula bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang dating mga teritoryo ng Ottoman Empire ay pinaghatian ng mga nagwaging bansa alinsunod

sa itinakda ng League of Nations: Ang Jordan, Iraq, at Palestine ay napunta sa mga British; Ang

Syria at Lebanon naman ay napunta sa mga French; At ang Saudi Arabia at Yemen ay naging

mga independent na mga bansa.

Isa ang bansang Turkey sa humingi ng kalayaan sa pamumuno ni

Mustafa Kemal Ataturk. Siya ay miyembro ng Young Turks na

nabuo dahil sa pang-aabuso ni Abdulhamid II. Ilan sa kanyang mga

binago ay ang pagkakaloob ng demokrasya sa mga Turks at ang

pagbabago ng ekonomiya upang mas maging masagana ang kanilang

bansa. Ginamit niya ang konsepto ng sekularismo sa kanyang


Victor Console/ANL/REX/Shutterstock.com
pamamahala na kung saan pinaghihiwalay ang relihiyon at ang

estado. Dahil sa sekularismo, nagkaroon ng mas malawak na karapatan ang mga kababaihan

tulad ng karapatan sa pagboto, sa pag-aasawa, at sa pagmamana ng mga ari-arian. Sa

pamamagitan ng Kasunduang Lausanne noong 1923, naisilang ang Republika ng Turkey.

7-AP- Qtr3- Week 6


Hindi lamang sa Republika ng Turkey nagkaroon ng modernisasyon at

sekularisasyon, gayundin sa bansang Iran. Noong 1919, isang opisyal ng

hukbong Persia ang iniluklok sa kapangyarihan bilang Shah, na

nangangahulugang “Hari”. Pinamunuan ni Reza Shah Pahlavi ang Persia

(Sa kasalukuyan ay Iran). Dahil sa hindi maayos na pamumuno, naging

kalunos-lunos ang sinapit ng Iran matapos ang digmaan noong 1919.


Keystone/FPG

Upang mabalik ang dating lakas ng Iran, ang pangunahing ginawa ni Reza Shah ay ang

pagsasaayos ng sistemang militar at pananatili ng demokratikong pamamalakad sa pamahalaan.

Isa sa pinakakilalang kilusan sa kasaysayan ay ang kilusang Zionism. Ito ay itinatag ng mga Jew

o mga Israelites upang magkaroon sila ng sarili at malayang bansa. Kaiba ang karanasan ng mga

ito dahil sumailalim sila sa nakakasindak na kaganapan na tinatawag na Holocaust. Ang

kaganapan na ito ay ang malawakang pagpaslang ng mga German Nazi sa mga Jew. Nang

matapos ang kaguluhan, bumalik ang mga Jew sa kanilang lupain at muling pinag-aralan ang

kanilang wika at binuhay ang kanilang kultura upang talikuran ang mga impluwensiyang

kolonyal na natutuhan nila noong sila ay nasa iba’t ibang panig ng Europa. Sa bisa ng Balfour

Declaration, opisyal na idineklara ang pag-sangayon ng mga British sa pagtatag ng hiwalay na

bansa para sa mga Jew

Gawain A: Slogan ng Nasyonalismo


Gumawa ng sariling slogan sa isang buong papel na kung saan maipapahayag mo ang iyong
damdaming nasyonalismo. Maaari mong gawing batayan ang halimbawa na ito na isang pahayag
mula kay Mohandas Gandhi.

“Mas malakas ang puwersa ng walang karahasang lumalaban,


Malaya sa poot at walang armas na kailangan.”
Rubric sa paggawa ng slogan:

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Nilalaman Wasto at ayon sa pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo 10

Pagkamalikhain Naipamalas ang kakaibang istilo sa paggawa ng slogan na


5
nakakahikayat na bigyan ng pansin.

Lagyan ng wastong kaalaman ang sumusunod na bahagi ng concept map. Maari mong piliin ang mga
tamang sagot sa ibaba.
Rehiyon Bansa Nasyonalista Hakbang upang makamit
ang kalayaan
1. 5. 10.
Timog Asya 11.
6. 12.
2. 7. 13.

3. 8. 14.
Kanlurang Asya 4. 9. 15.

Mohandas Gandhi Pakistan Nanguna sa paglabag ng


Salt Act

Reza Shah Pahlavi Mustafa Kemal Ali Jinnah


Ataturk

Jawaharlal Nehru Pagboykot sa produkto


India
ng mga Bristish

Pinamunuan ang
Turkey Iran
Pakistan

Demokratikong Industriyalisasyon
Sekularismo
Pamamalakad

Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Holocaust Ali Jinnah British Mohandas Gandhi Amritsar Massacre French Sistemang Mandato

____________1. Sila ang sumakop at namuno sa bansang India sa loob ng mahabang panahon.

7-AP- Qtr3- Week 6


_____2. Ito ang malagim na trahedyang nangyari sa India sa kumitil sa mahigit 400 na katao.
_____3. Siya ang pinuno ng Muslim League na kung saan ninais magtatag ng hiwalay na bansa
para sa mga Muslim.
_____4. Nangangahulugan na ang isang bansa ay mapasasailalim muna sa patnubay ng mga
bansa sa Europeo habang ito ay naghahanda na maging isang malaya at nagsasariling bansa.
_____5. Ito ang malawakang pagpaslang ng mga Nazi German sa mga Jew.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pangunguna ni Mohandas Gandhi upang
ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
a. Armadong Pakikipaglaban c. Passive Resistance
b. Civil Disobedience d. Sistemang Mandato
2. Nang makamit ng India ang ganap na kalayaan mula sa mga British ay nahati ito sa
dalawang estado, ang India at ang Pakistan. Ano ang naging epekto nito sa katayuan ng bansa
at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Indian
b. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado
c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno
3. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang
isinagawa ni Gandhi laban sa pananakop ng mga British?
a. Active c. Defensive
b. Aggressive d. Passive
4. Upang mabalik ang dating lakas ng Iran, ano ang pangunahing ginawa ni Reza Shah Palavi?
a. Nagpatayo ng mga pabrika
b. Sinunod ang pananaw na Sekularismo
c. Nagbigay ng mas malawig na Karapatan sa mga kababaihan
d. Isinaayos ang sistemang militar
5. Sa bisa ng batas na ito ay opisyal na idineklara ang pagsangayon ng mga British sa pagtatag
ng hiwalay na bansa para sa mga Jew.
a. Balfour Declaration c. Kasunduang Lausanne
b. Indian National Congress d. Zionism

Ngayon ay bubuo ka ng sarili mong pagtataya ukol sa progreso ng iyong mga kaalaman
tungkol sa pagpapahalaga sa nasyonalismo.

1. Ang pagpapakita ng damdaming nasyonalismo ay nakakabuti o hindi nakakabuti dahil


____________________________________________________________________________________________ .
2. Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Asyano dahil sa natatanging mga nagawa ng mga kilalang
nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya na nagpapatunay na ang Asyanong katulad ko ay
____________________________________________________________________________________________ .
3. Ang maaring gawin ng isang karaniwang mamamayan na katulad ko upang maipamalas ang pagmamahal
sa bansa sa kasalukuyang panahon ay
________________________
SAGUTANG PAPEL - Qtr3- Week 6
Pangalan _______________________________________________________________

Pangkat ________________________ Guro __________________________________

PANIMULANG PAGSUSULIT: Isulat ang titik sa sagutang papel.


1. 2. 3. 4.
5.

BALIK TANAW: Alamin at isulat ang tamang sagot sa bawat katanungan sa


Crossword Puzzle.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gawain A: Slogan ng Nasyonalismo


Gumawa ng sariling slogan sa isang buong papel na kung saan maipapahayag mo ang
iyong damdaming nasyonalismo. Maaari mong gawing batayan ang halimbawa na ito
na isang pahayag mula kay Mohandas Gandhi.

TANDAAN: Lagyan ng wastong kaalaman ang sumusunod na bahagi ng concept map.


Maari mong piliin ang mga tamang sagot sa ibaba.
Rehiyon Bansa Nasyonalista Hakbang upang
makamit ang
kalayaan
1. 5. 10.
Timog Asya 11.
6. 12.
2. 7. 13.

3. 8. 14.
Kanlurang 4. 9. 15.
Asya
PAG-ALAM SA NATUTUHAN: Punan ng tamang sagot ang mga patlang. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
1.
2.
3.
4.
5.

PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at


piliin ang titik ng tamang sagot.
1.
2.
3.
4.
5.

PAGNINILAY: Ngayon ay bubuo ka ng sarili mong pagtataya ukol sa progreso ng iyong


mga kaalaman tungkol sa pagpapahalaga sa nasyonalismo. Isulat ang iyong
kasagutan sa portfolio.

7-AP- Qtr3- Week 6

You might also like