Professional Documents
Culture Documents
Aklat
Blando, Rosemarie,et.al.Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba ( Modyul
ng Mag-aaral ), pahina 380-381 , Edisyon 2014
C. Mga Kagamitan: Laptop, TV, Power Point Presentation, Pantulong Biswal
III. Pamamaraan:
A. PANIMULANG GAWAIN
Pagbati
Magandang umaga din po sir!
Magandang umaga mga butihin kong mag-aaral.
Panalangin
Tayo’y tumayo muna at manatiling tahimik para Tayo’y manalangin.
sa isang panalangin sa gabay at patnubay ng Amen
Diyos na pangungunahan ni
B PAGGANYAK
Ang ating gawain natin ngayon ay tatawagin
nating “SIGHT SUNG MO AKIS”.
Handa na po Sir!
C. Paglalahad
Tumpak! Ating pag-aaralan sa araw na ito ay
tungkol sa Sistemang Politikal at Pamahalaan sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.
D. Pagtatalakay
PANGKATANG GAWAIN
Upang mas lalo nating maintindihan ang ating
aralin, magkakaroon tayo ng isa pangkatang
Gawain. Papangkatin ko kayo sa apat, bawat
pangkat ay mabibigyan ng paksa.
Unang Pangkat: Monarkiya
Ikalawang Pangkat: Komunismo
Ikatlong Pangkat: Military Government
Ikaapat na pangkat: Demokrasya
E. Paglalapat
Pamantayan
Nilalaman 15 puntos
Pagkamalikhain 10 puntos
Paglalahad 5 puntos
Kabuuan 30 puntos
F. Paglalahat
Pangkatang Gawain: ang kaparehong grupo ay
sasagot sa bawat katanungang ibibigay ng guro.
Pangkat 1
1. Ano-ano ang sistemang pulitikal ng
pamahalaan na umiiral sa Silangan at Timog-
Silangang Asya?
2. Anong uri ng pamahalaan ang sistemang
dinastiya?
Pangkat 2
3. Ano ang mabuti at di mabuting maidudulot sa
bansa at mamamayan ang mga sistemang
pulitikal at pamahalaan nito? Magbigay ng
dalawa sa bawat uri.
Pangkat 3
4. Anong konklusyon ang iyong mabubuo ukol sa
sistemang pulitikal at pamahalaang mayroon ang
mga bansa sa Silangang Asya?
Pangkat 4
5.Nakaapekto ba sa mga bansa sa rehiyon ang
pagpapalit nito ng anyo ng pamahalaan.
G. Pagtataya
A.Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Pilipinas, Indonesia at Taiwan?
a. demokrasya c. monarkiya (walang takda)
b. monarkiya (konstitusyonal) d. One Party Government
2. Figure Head o Simbolikong pinuno lamang ang .
a. monarkiya b. militar c. demokrasya d. One Party Government
3. Ang Myanmar lamang ang natatanging bansa sa Asya ang may ganitong istilo ng pamumuno.
a. demokrasya b. monarkiya c. One Party Government d. Militar
4. Ang mga bansang China at North Korea ay sikat sa ganitong uri ng pamahalaan.
a. demokrasya b. One Party Government c. monarkiya d. Militar
5. Ang pamahalaang demokrasya ay tanyag sa mundo dahil sa:
a. nagiisang partidong pulitikal ang may kapangyarihang bubuo sa pamahalaan
b. pinangangasiwaan ng isang junta o pangkat ng matataas ng opisyal ng hukbong sandatahan
c. may Kalayaan sa pamamahayag at kinikilala ang karapatang pantao
d. pinamumunuan ng hari o reyna.
B. Isulat ang titik T kung sa palagay ninyo ay tama ang pangungusap at titik M
naman kung mali.
1. May Kalayaan ang tao sa pamamahayag sa military government na
pamamahala.
2. Demokrasya ang istilo ng pamahalaan sa Pilipinas.
3. Ang China at North Korea ay parehong demokrasya ang pamahalaan.
4. Pinagbobotohan ang susunod na lider ng monarkiya na pamahalaan.
5. Ang komunismo ay nagbibigay ng pantay pantay na karapatan ang mga tao.
H. Takdang – Aralin
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.
1. Sa apat na uri ng pamahalaan, ano ang pinakamainam para sayo? Bakit?
2. Maliban sa Pilipinas, anong bansa sa Asya ang gusto mong tirhan dahil sa istilo ng kanilang
gobyerno? Bakit?
Inihanda Ni:
Melvin R. Serafica Iwinasto ni:
Mr. Juanito T. Garcia
(Cooperating Teacher)
Inaprubahan ni:
Gng. Julia Bangayan
( OIC Head Teacher)