You are on page 1of 14

7

Q3 WEEK 1-2

Pangalan: ________________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________________________________

Araling Panlipunan
Ikatlongng Markahan

Modyul 1 Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16
atika-17 siglo) Pagdating nila sa Timogat Kanlurang Asya

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng
mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
pagdating nila sa Timog atKanlurang Asya

Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito, ang mga inaasahang
malilinang sa iyo ay ang mga sumusunod na mga karunungan:

A. Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa


Timog at Kanlurang Asya.
B. Napupunan ang talahanayan ng mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo
at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
C. Napahahalagahan ang pagmamahal sa sariling bansa sa kabila ng mga

1
impluwensiya ng kolonyalismo at imperyalismo.

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel sa unahan ng


bawat bilang.
1. Alin sa mga sumusunod ay dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na
magtungo sa Asya maliban sa isa;
A. Paglalakbay ni Marco Polo C. Ang Reinkarnasyon
B. Ang mga Krusada D. Ang Renaissance
2. Ito ay nangangahulugang, “muling pagsilang.”
A. Krusada B. Renaissance C. Merkantilismo D. Paglalakbay
3. Ito ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europe.
A. Constantinople B. Espanya C. Jerusalem D. Portugal
4. Sino ang naglakbay at nakapaglibot sa Cape of Good Hope sa dulo ng Africa?
A. Christopher Columbus C. Marco Polo
B. Ferdinand Magellan D. Vasco de Gama
5. Aling bansa ang nasakop ng France?
A. Laos B. Malaysia C. Pakistan D. Thailand
6. Ang mga sumusunod ay mga bansang kanluranin na nakarating sa India, maliban
sa;
A. England B. France C. Portugal D. Wala sa nabanggit
7. Ito ay nagmula sa salitang Latin na, “colonus” na ang ibig sabihin ay magsasaka.
A. Imperyalismo B. Kapitalismo C. Kolonyalismo D. Merkantilismo
8. Ito ay nagmula sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig sabihin ay command.
A. Imperyalismo B. Kapitalismo C. Kolonyalismo D. Merkantilismo
9. Alin ang hindi kabilang sa pangunahing salik na naging resulta ng imperyalismo?
A. Kapitalismo B. Krusada C. Rebolusyong Industriyal D. White Man’s Burden
10. Alin ang hindi kautusang legal na pinasimulan ng mga Ingles?
A. Paggamit sa sariling wika ng India sa sistemang edukasyon
B. Paggamit ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon
C. Pagbabawal ng mga pang-aalipin
D. Pagpapaalis ng suttee
11. Anong uri ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya ang pahayag na, “Ang mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa
Kanluranin?
A. Ekonomiya B. Kalusugan C. Politika D. Sosyo-kultural
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa magandang epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo?
A. Lumawak ang kalakalan
B. Nakilala ang iba’t ibang produkto
C. Lumawak ang kaalaman sa Heograpiya
D. Ang mga paniniwala at pananampalataya ng mga Asyano ay napalitan
13. Naging tanyag ang Portugal dahil ito ang;
A. nanguna sa kalakalan C. may kaalamang pandagat
B. may mahabang baybayin D. unang bansang pumalaot sa kolonisasyon

2
14. Ito ay ang pagtatatag ng permanenteng teritoryo sa mga dayuhang lupain.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalisimo D. Terorismo
15. Ano ang kahalagahan ng instrumentong Astrolabe?
A. Instrumentong gabay sa tamang direksiyon
B. Instrumentong sumukat sa taas ng araw at bituin.
C. Instrumentong ginagamit upang malaman ang oras at latitud
D. Instrumentong panukat sa mga anggulong kinalalagyan ng mga bituin at araw

Aralin Mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng


mga Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16 at ika-17
siglo) Pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya

Balikan
Gawain 1: “Ihanay Mo!”

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang imperyong nakaambag ng mga kontribusyon na


nasa Hanay A. Isulat ang titik lamang. Gawin ito sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
_____1. Gulong A. Lydian
_____2. Barter B. Chaldean
_____3. Hangin Gardens of Babylonians C. Hittite
_____4. Bibliya D. Sumerian
_____5. Pagmimina ng iron Core E. Persian
F. Hebreo

Tuklasin
Gawain 2: “Who Am I?”

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga larawan at ayusin ang mga letra
upang makilala ang konseptong tinutukoy. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1 2
PROUTGAL FANRCE
__

PENA PALACE Eiffel Tower

3 4
NEHTERALND EGLNAND

3
The Anne Frank House Buckingham Palace
Suriin

Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “colonus” na ang ibig


sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng
mga sinakop upang makamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling
interes, samantalang ang imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “imperium”
na ang ibig sabihin ay command. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang
makapangyarihang bansa sa aspektong pangpolitika, pangkabuhayan at kultural na
pamumuhay ng mahina at maliit na bansa upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.

Talahanayan 1: Tagpuan ng Mangangalakalna Europeo at Asyano


BILANG LOKASYON TAGPUAN
Una Unang Ruta  Nagsimula sa China at tatawid sa
lungsod ng Samarkand at Bokhara.
Pangalawa Gitnang Ruta  Papunta sa baybayin ng Syria at
dadaan sa Golpo ng Persia.
Pangatlo Timog Ruta  Maglalayag mula sa India,tatahakin
ang Karagatang Indian hanggang sa
makarating ng Egypt sa pamamagitan ng
Red Sea.

TalahanayanDahilan
2: Mga Dahilan na NagbunsodMga Mahalagang
sa mga Pangyayari
Kanluranin na Magtungo sa Asya
Ang Krusada na  Inilunsad ni Papa Urban II noong 1096 sa mga Kristiyanong
inilunsad noong kabalyero.
1096  Layunin na mabawi ang Jerusalem, ang banal na lugar ng
mga Kristiyano na nasakop ng mga Muslim.
Ang Paglalakbay ni  Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga
Marco Polo Venice.
 Nanirahan sa China sa panahon ni Emperador Kublai Khan
ng dinastiyang Yuan nang higit sa halos 11 taon dahil siya
ang tagapayo nito.
 Itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa
ngalan ng Emperador.
 Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, at
Siberia.
 Inilimbag niya ang aklat na “The Travels of Marco Polo”
nang bumalik sa Italy noong 1295.
Ang Renaissance  Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling
pagsilang”.
 Nagmula sa Italya noong 1350.
 Isa itong pilosopikal na makasining at binigyang-diin ang
pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at
Rome.
4
 Pangunahing interes ay labas sa saklaw ng relihiyon.
 Natuon ang interes ng tao sa istilo at desinyo, sa
pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag-uugali, at sa
paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal.
 Nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan
at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersiyal na
nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang- ekonomiya.
Ang Pagbagsak ng Constantinople - ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit
Constantinople sa kontinente ng Europe. Ito ay nagsilbing rutang pangkalakalan
(bahagi mula Europe patungong India, China, at iba pang bahagi ng
ng Turkey sa Silangan na napasakak may ng mga Turkong Muslim noong
kasalukuyan) 1453.

 Teritoryong madalas daanan noong panahon sa Krusada.


 Nang lumakas ang Turkong Muslim at sinakop ang
Jerusalem, nanganib at bumagsak ito sa mga Turkong
Muslim.
 Nasakop nang lubusan noong 1453 nang masakop ng
Turkong Muslim ang Mediterranean.
 Naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga
Turkong Muslim sa mga ruta ng kalakalan mula Europe
patungong Silangan.
 Tanging mga Italyanong mangangalakal nataga Venice,
Genoa, at Florence ang pinayagan ng mga Turkong Muslim
ang makadaan sa ruta.
 Ang kalakal na nakuha sa Asya ng mga Italyano ay dinala
sa bansang Portugal, Spain, Netherlands, England at
France.
 Napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga
mangangalakal na Europeo na pinangunahan ng mga
Portugese at sinundan ng mga Spanish, Dutch, Ingles at
Pranses.
 Ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na kagamitang
pandagat tulad ng astrolabe kung saan ginagamit upang
malaman ang oras at latitude samantalang ang compass ay
ginagamit upang malaman ang direksiyon ng pupuntahan.
Ang Merkantilismo  Naniniwala ang mga Europeo na may malalaking
magagawa ang ginto at pilak sa katuparan ng kanilang
adhikain.
 Konsepto nang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto at
pilak.
 Napalakas ang kapangyarihan ng bansang mananakop
 Nagbibigay daan sa pag-aagawan ng kolonya sa bagong
daigdig.
 Ang pang-katubigang kalakalan at pananakop ng mga
bansang Europeo ay naging daan sa pag-unlad ng
ekonomiya ng Europe.

5
 Pamamaraan sa pakikipagkalakalan at ang pagbabangko
ay napaunlad upang kumitanang lumaki ang bansang
Europe.
 Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na
makarating sa Asya ang nagging daan para sumigla ang
palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyanong
mangangalakal at makilala ng mga Kanluranin ang mga
likas na yaman, mga hilaw na material na panustutus sa
industriya.

Talahanayan 3: Mga Paraan ng mga Kanluranin sa Pananakop

Kanluraning Pangyayari/Paraan ng Pagsakop Bansang Sinakop


Bansa
/Mananakop
 1502 – nagbalik at nagtatag si Vasco  Calicut sa India
da Gama ng sentro ng kalakalan
 1505 – ipinadala si Francisco de  Mga bansa sa
Almeida bilang unang Viceroy sa Silangan
silangan
 1510 – sa pamumuno ni Alfonso de  Ormuz sa
Albuquerque maraming bansa ang Golpo
PORTUGAL nasakop ng Persia(Iran)
 Diu at Goa sa
India
 Aden sa Red
Sea
 Malaca sa
Malaya
 Moluccas sa
Ternate
 Macao sa
China
 Formosa
(Taiwan)
 paggamit sa mga daungan upang makontrol ang kalakalan
 nanakop sa pamamagitan ng pangkabuhayan o pang-
ekonomiya hanggang sa ipinasok ang Kristiyanismong
Katolisismo sa mga nasasakupan
 1580 – sinakop ng Spain sa loob ng 60 taon
 1640 – nakalaya ngunit ang kanyang mga koloya ay nakuha
ng England at France
 John Cabot – isang Italyanong  Nova Scotia,
marinero Canada
na namuno sa England
 East India Company – isang pangkat  Ceylon
ng  Malaya

6
mangangalakal na Ingles na  Singapore
pinagkalooban ng England ng  Australia
ENGLAND kapangyarihan  New Zealand
 Sentro ng kalakalan ng England sa  Mga pulo sa
India Hilagang
 Nakapagtatag ng permanenting Pasipiko
panirahan sa Hilagang Amerika
 1600 – ginamit ang East India  India
Company
upang mangalakal at pamahalaan ang
pananakop nito at pangalagaan ang
interes nito sa ibayong dagat
 1612 – nabigyan ng permiso ang  Surat
Ingles
para makapagtatag ng pagawaan
 1622 – tinulungan ng Ingles ang mga  India
Persian laban sa Portuguese kaya’t
nakapagtatag ng sentro ng kalakalan
sa kanluran at silangang baybayin
 British East India Company – nakakuha na ng concession
(pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa
Madras mula sa Rajah ng Chandragiri
 1668 – pinaupahan ni Haring Charles ang pulo ng Bombay
 1690 – nakakuha ang kapirasong lupain sa delta ng Ganges
ng mga Ingles sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb, lider ng
Impeyong Mogul
 Tuluyang sinakop ang India nang makita ang malaking
pakinabang sa likas na yaman nito
 Ika-18 siglo – sinakop ang buong  Laos
kolonyang French Indo- China-  Cochin China
 Cambodia
 Annam
FRANCE  Nakipagsabwatan sa pinunong lokal  Pondicherry
ng Bengal  Chandarnagore
 1664 – naitatag ang French East India  Mahe
Company  Karikal
 nakapagtatag ng pamayanang  Pondicherry
pangkomersiyal  Chandarnagore
 Mahe
 Karikal
NETHERLANDS  Dutch East India Company – ginamit upang mamahala sa
isang bahagi ng India
 Sinakop ang East Indies (Indonesia)
TURKONG  nakuha ang Oman at Muscat noong 1507 ng mga
OTTOMAN mangangalakal na Portuguese ngunit napatalsik ng mga
Arabe noong 1650
 1907 – naging protectorate ng Great Britain ang Bahrain,

7
ngunit pinatalsik ang mga British ni Heneral Shah Reza
Pahlavi

Talahanayan 4: Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya

Larangan Mga Patunay


 Pinakinabangan ng husto ang mga likas na yaman at mga
hilaw na sangkap
 Pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga
Ekonomiya produkto
 Ang natural na kapaligiran ng mga Asyano ay unti-unting
naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan.
 Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga
mananakop
 Isinilang ang mga Asyanong naging mga mangangalakal o
middlemen
 Nagtayo ng mga ospital
Politika  Hiwa-hiwalay na estado na iba-iba ang namumuno ang
naging kalagayan ng mga katutubo
 Nagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan
 Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon sa mga
kanluraning bansa at nagkaroon ng fixed border o takdang
hangganan ang teritoryo ng bawat isa
Sosyo-Kultural  Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga
produktong dayuhan
 Ang mga paniniwala, pilosopiya, at pananampalataya ng
mga Asyano ay pinalitan ng mga dayuhan
 Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at mga
kanluranin
 Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga pagkain at
istilong pamumuhay ay ginaya.

Pagyamanin
Gawain 3: “Arrange Me!”

Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita na tinutukoy sa pangungusap. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: BUKLAI KAHN- siya ang Emperador ng dinastiyang Yuan sa
China na nagtalaga ni Marco Polo na maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya.
Sagot: KUBLAI KHAN

1. OCAM OPLO inilimbag niya ang aklat na “The Travels of Marco Polo” nang
bumalik sa Italy noong 1295
2. SANCERENAI isa itong pilosopikal na makasining at binigyang- diin ang
pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at

8
Rome
3. OPLETANTINCONS ito ay teritoryong madalas daanan noong panahon sa Krusada.
4. KANLISTIMOMER ito ay konsepto nang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto at
pilak
5. LAHIGANGTARU nagsisimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at
Bokhara.

GAWAIN 4: “You Are Mine!”


Panuto: Isulat sa kahon ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na
nasakop ng mga Kanluranin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isaisip

Gawain 5: “Answer Me!”

1. Papaano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling bansa sa kabila


ng mga impluwensiya ng kolonyalismo at imperyalismo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa
Gawain 6: “Dapat May Label!”
Panuto: Isulat ang D kung Dahilan, P kung Paraan at E kung Epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya ang mga sumusunod na
pahayag.

9
_____1. Ang Paglalakbay ni Marco Polo
_____2. Pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produkto
_____3. Paggamit sa mga daungan upang makontrol ang kalakalan
_____4. Ang Krusada na inilunsad noong 1096
_____5. Pananakop sa pamamagitan ng pangkabuhayan at pangekonomiya

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa unahan ng bawat
bilang.

1. Alin sa mga sumusunod na salita sa ibaba ang nangangahulugang, “muling


pagsilang”?
A. Krusada B. Merkantilismo C. Paglalakbay D. Renaissance
2. Ano ang tawag sa pagtatatag ng permanenteng paniniwala sa mga dayuhang
lupain?
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Terorismo
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing salik na naging
resulta ng imperyalismo?
A. Kapitalismo B. Krusada C. Rebolusyong Industriyal D. White Man’s Burdern
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kautusang legal na
pinasisimulan ng mga Ingles?
A. Pagsisimula ng sistemang edukasyon kung saan Ingles ang ginagamit na wika
B. Paggamit sa sariling wika ng India sa sistemang edukasyon
C. Pagbabawal ng mga pang-aalipin
D. Pagpapaalis ng suttee
5. Ang mga sumusunod ay ang mga teritoryo nakuha ng France maliban sa;
A. Canada B. England C. Laos D. Louisiana sa Amerika
6. Ito ay gingamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.
A. Astrolabe B. Barometer C. Compass D. Telescope
7. Ito ay ang pagtatatag ng permanenteng territoryo sa mga dayuhang lupain.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Terorismo
8. Ang aklat na inilimbag ni Marco Polo sa kanyang pagbalik sa Italy noong 1295 ay
ang;
A. The Travels of Papa Urban II C. The Travels of Marco Polo
B. The Travels of Kublai Khan D. The Travels of Magellan
9. Ang mga sumusunod ay ang magandang epekto ng kolonyalismo at
Imperyalismo maliban sa;
A. Ang mga paniniwala at pananampalataya ng mga Asyano ay napalitan
B. Lumawak ang kaalaman sa Heograpiya
C. Nakilala ang iba’t ibang produkto
D. Lumawak ang kalakalan
10. Sa anong kadahilanan mas kilala ang Portugal?
A. Nanguna sa kalakalan C. Mga Kaalamang pandagat
B. May mahabang baybayin D. Unang bansang pumalaot sa kolonisasyon

10
11. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng instrumentong Astrolabe?
A. Instrumentong panukat sa mga anggulong kinalalagyan ng mga bituin at araw
B. Instrumentong ginagamit upang malaman ang oras at latitud
C. Instrumentong sumukat sa taas ng araw at bituin.
D. Instrumentong gabay sa tamang direksiyon
12. Alin sa mga sumusunod ang nagmula sa salitang Latin na “imperium” na ang
ibig sabihin ay command?
A. Imperyalismo B. Kapitalismo C. Kolonyalismo D. Merkantilismo
13. Anong uri ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya ang pahayag na, “Ang mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa
Kanluranin”?
A. Ekonomiya B. Kalusugan C. Politika D. Sosyo-kultural
14. Alin sa mga Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europe?
A. Constantinople B. Espanya C. Jerusalem D. Portugal
15. Layunin nito na mabawi ang Jerusalem, ang banal na lugar ng mga Kristiyano
na nasakop ng mga Muslim.
A. Paglalakbay ni Marco Polo C. Ang mga Krusada
B. Ang Reinkarnasyon D. Ang Renaissance

Karagdagang Gawain

Gawain 7: “Akin Ka!”

Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na mga konseptong naaayon


sa paksa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. krusada F. nasanay sa paggamit ng mga


produktong dayuhan
B. merkantilismo
C. nagtatag ng sentralisadong pamahalaan G. paggamit sa East India Company
D. pagbagsak ng Constantinople H. paglalakbay ni Marco Polo
E. ipinadala si Francisco de Almeida bilang I. nagtayo ng mga ospital
Viceroy
J. nahaluan ang mga kaugalian

Susi sa Pagwawasto
11
Sanggunian

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon- Dibisyon ng 12Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
13
14

You might also like