You are on page 1of 13

7 Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3
Pag-usbong ng Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa
Timog at Kanlurang Asya

Manunulat: Monalisa M. Santos

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pag-usbong ng Nasyonalismo at Paglaya
Aralin ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang
Asya

Alamin

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:

1. nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng


mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya;

1.1 natatalakay ang kahulugan at konsepto ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga


bansa sa Timog at Kanlurang Asya;
1.2 nasusuri ang mga salik ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya;
1.3 nalalaman ang mga pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Subukin

Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang makapagbigay ng mga salitang


maiuugnay sa kaisipang nasyonalismo.

GAWAIN: Pag-isipan Mo!


Isulat ang sariling pagkaunawa sa salitang “ Nasyonalismo”. Magbigay ng mga salitang
maiuugnay sa kaisipang ito gamit ang concept map.

NASYONALISMO

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
Balikan

Matapos mong mabigyan ng konsepto ang salitang nasyonalismo ay magbalik-tanaw ka sa


ating nakaraang paksa tungkol sa pananakop na naganap sa Timog at Kanlurang Asya maging sa
bansang Pilipinas.

Kung ikaw ang nasa katayuan ng mga sinakop na bansa tulad ng India nanaisin mo bang manatili
sa kamay ng mga mananakop o maging malaya kagaya nang nangyari sa Pilipinas sa panahon ng mga
Kastila? Ano ang pipiliin mong paraan upang makalaya? Bakit?

Mapayapang Marahas na
paraan paraan

Tuklasin

Matapos mong ipaliwanag ang iyong sariling saloobin , atin namang tuklasin kung
paano ipinakita ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang kanilang nasyonalismo sa
pamumuno ng mga nasyonalistang lider at mga dahilan kung bakit nila ito pinangunahan.

Ang kalupitan at mababang pagtingin ng mga British sa mga mamamayan sa India at iba pang mga
bansa sa Timog Asya ang umiiral sa panahon ng kanilang pamamahala. Ang pagkamuhi ng mga Indian sa
dayuhang mananakop ang nagsilbing mitsa sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa mga
mamamayan nito samantalang hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo
dahil karamihan sa mga bansa dito ay hawak ng dating malakas at matatag na imperyong Ottoman. Sino-
sinong mga lider ang namuno upang maipakita ang nasyonalismo sa kanilang bansa? Ano-anong paraan
ang kanilang ginamit upang makalaya sa kamay ng dayuhang mananakop? Halika’t sabay nating tuklasin.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Suriin

Ang nasyonalismo ay damdaming


makabayan na maipakikita sa matinding Anyo ng Nasyonalismo sa Asya
pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan. Defensive nationalism o mapagtanggol
Pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay na nasyonalismo
pagkakaisa. Aggressive nationalism o mapusok na
(Blando et. al Asya) nasyonalismo

PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA AT KANLURANG ASYA

Nasyonalismo sa India
Ang pananakop ng mga Ingles sa India bilang among kolonyal at nang pinakinabangan ng husto
ang mga likas na yaman nito, ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo. Tulad ng
di angkop na patakaran para sa kanilang kultura. Kung inyong matandaan, pinatigil ang suttee-ang
pagpapatiwakal ng mga byudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa ay inalis ng mga
Ingles, ito ang pinakamatandang tradisyon ng mga Hindu. Ipinatigil din ng mga Ingles ang female
infanticide-pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin at pabigat sa mga magulang
pagdating ng panahon. Dahilan upang maisagawa ang pag-aalsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa
mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination, tumutol din ang mga sundalong
Indian, Hindu at Muslim sa pagpapagamit sa kanila ng langis na pinaghihinalaang nagmula sa langis ng
hayop para sa paglilinis ng kanilang mga riple at cartridge na bawal sa kanilang paniniwala. Mas tumindi
pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian nang maganap ang Amritsar Massacre-maraming
mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles. Sa
kaganapang ito ay namatay ang may 400 katao at mayroong 1200 na mga nasugatan noong Abril 13,
1919 ayon kay Blando et. al Asya, Pagkakaisa sa Kabila ng Pagkakaiba.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya


Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamihan sa
mga bansa dito ay hawak ng dating malakas at matatag na imperyong Ottoman. Noong 1918,
napasailalim ng mga Kanluraning bansa ang Kanlurang Asya at naipatupad ang sistemang mandato-ito
na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at nagsasariling bansa ay ipapasailalim
muna sa patnubay ng isang bansang Europeo. Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa
Kanlurang Asya noong 1759. Natamo naman ng Lebanon ang kanyang kalayaan mula sa imperyong
Ottoman noong 1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na republika sa ilalim ng mandato ng bansang
France. Isa ang bansang Turkey, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal na nagsulong
sa pagkakaroon ng isang republika. Sa pamamagitan ng Kasunduang Lausanne noong 1923 naisilang
ang Republika ng Turkey. Ang Iraq naman ay naging protektado ng England noong 1932.
Naranasan naman ng mga Jew o Israelite ang Holocaust-ito ang sistematiko at malawakang
pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o Israelite. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
noong 1945 naisagawa rin ng mga Jew ang Zionism-ang pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew
mula sa ibat-ibang panig ng daigdig (Mateo et al. Asya, Pag-usbong ng Kabihasnan)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
MGA NASYONALISTA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

MOHANDAS GANDHI-nakilala siya bilang Mahatma o “Dakilang Kaluluwa” sa India.


Ang paggamit ng Ahimsa- ito ang hindi paggamit ng dahas o non-violence. Hinimok ni
Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng
may kaugnayan sa mga Ingles, ang Civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan.
Isinagawa rin niya ang pag aayuno o hunger strike upang makuha ang atensiyon ng mga
Ingles at upang mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya. Ang
Satyagraha naman ay ukol sa paglalabas ng katotohanan kasama ang pagdarasal,
meditasyon, at pag-aayuno ayon kay Mateo et al.Asya, Pag-Usbong ng Kabihasnan.
Nakamit ng India ang kanilang kalayaan noong Agosto 15, 1947.

MOHAMMAD ALI JINNAH-nakilala bilang “Ama ng Pakistan”. Pinamunuan niya ang


Muslim League na ang layunin ay ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
Namuno siya upang ang Pakistan ay lumaya mula sa India. Noong Agosto 14, 1947
ipinagkaloob ang kalayaan ng Pakistan.

MUSTAFA KEMAL ATATURK- ang nagbigay-daan sa pagtatamo ng kalayaan ng


Turkey. Pinangunahan niya ang pagkilos na naganap noong Disyembre 1911 sa Battle of
Tobruk, na kung saan ay may 200 Turko at Arabong militar lamang ang lumaban sa 2000
Italyanong naitaboy at 200 na nahuli at napatay. Siya ang tumawag ng halalang pambansa at
hiwalay na parlliamento na siya ang nagsilbing tagapagsalita (speaker). Ito ang Grand
National Assembly ng Turkey.

AYATOLLAH ROUHOLLAH MOUSARI KHOMEINI-aktibo sa larangan ng pulitika.


Gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na
pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito sa Israel.
Dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa pamunuan naipatapon siya sa ibang bansa.Sa
kanyang pagbabalik, pinamunuan niya ang Rebolusyong Islamic noong 1979.

IBN SAUD- ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Bumuo siya ng mga bihasang
sundalo na naging katuwang upang hindi makalapit sa kanya ang mga Ingles at kaaway.
Nagtagumpay siya na mahimok ang mga Nomadikong tribo o pangkat- etniko na mapaayos
ang kanilang pamumuhay. Pinahintulutan niya ang isang kompanya ng Estados Unidos
noong 1936 at 1939 upang magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia bilang patunay na
ang mina ng langis sa bansa ang pinakamayaman sa daigdig.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
Isaisip

Pagkatapos mong nasuri ang teksto ay maaari ka ng maglista ng iyong mga natutuhan
sa iyong binasa gamit ang 3-2-1 chart.

GAWAIN: 3-2-1 Chart

Maglista ng mga kaisipang iyong natutunan.


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3 _____________________________________________________________

Mga Kaisipang kinawilihan mo


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2
_____________________________________________________________

Nais mo pang itanong

1 _____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Pagyamanin

Upang mapagtibay ang iyong kaalaman tungkol sa paksa isa ang gawaing ito upang
malaman kung sino-sino ang mga kilalang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya at
pamamaraang ginamit upamg mapabatid ang kanilang pinaglalaban.

Tukuyin kung saang bansa nagmula ang mga pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
na nagpakita ng kanilang pagmamalasakit sa sariling bansa. Gamitin ang mapa upang makilala at
matukoy kung anong bansa ang kanilang pinamumunuan at paraan na ginamit upang makalaya sa mga
mananakop.

Pinagkunan: https://picryl.com/media/southwest-asia-2

NASYONALISTA BANSA PAMAMARAANG GINAWA

1. MOHANDAS GANDHI

2. MOHAMMAD ALI JINNAH

3. AYATOLLAH KHOMEINI

4. IBN SAUD

5. MUSTAFA KEMAL ATATURK

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
Isagawa

Sa puntong ito ay dapat mong maipakita ang iyong suporta at pagmamalasakit


bilang isang Asyano sa pamamagitan ng pagsagot sa isang reflection log sa ibaba.

Reflection Log

Sagutan ang reflection log tungkol sa iyong natutunan na may kaugnayan sa pag-
usbong ng nasyonalismo sa Timog at kanlurang Asya.

Ang nasyonalismo ay _____________________ipinagmamalaki ko ang pagiging


Asyano dahil sa natatanging nagawa ng mga kilalang nasyonalista sa Timog at Kanlurang
Asya na nagpapatunay na ang Asyanong katulad ko ay_____________________.

Tayahin

I. Basahin ang bawat pangungusap at bilugan ang pinakatamang sagot sa bawat katanungan.
1. Ipinatupad ni Gandhi ang ahimsa sa panahon ng imperyalismo. Isa sa paraang ito ay ang
pagboykot sa mga produktong Ingles. Paano ipinakita ng mga Hindu ang pagiging makabayan sa
gawaing ito?
A. Sa pamamagitan ng pagtakwil sa dayuhang produkto
B. Mas kumikita sila ng malaki kapag sariling produkto ang tinangkilik
C. Hindi sila napasunod ng Ingles na bilhin ang banyagang produkto mula sa England
D. Sa pagbili ng sariling produkto sa kabila ng naglipanang banyagang produkto na iniuutos ng
Ingles na kanilang bilhin
2. Civil disobedience laban sa pamahalaang Ingles ay isa sa ginamit na paraan ng mga Indians sa
pangunguna ni Gandhi para labanan ang kanilang mananakop. Paano mailalarawan ang
manipestasyon ng nasyonalismo sa bansang ito?
A. Paggamit ng mapayapang paraan para sa kalayaan
B. Paggamit ng armas para makamit ang kalayaan ng kanilang bansa
C. Pagtangkilik sa mga produktong ibinibenta ng Europeo para hindi magalit sa kanila
D. Idinaan sa diplomasya at tamang ugnayan sa mga Kanluraning bansa upang ibigay ang
kanilang kalayaan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
3. Bilang bahagi ng pagsilbi ay ipinagbawal ng mga Ingles ang sati/suttee na ikinagalit ng mga
Hindu. Samantala, sa Arabia ay pinalaganap ang Islam sa pamamagitan ng pananakop. Alin sa mga
pahayag sa ibaba ang pinakaangkop na pahayag sa naging sanhi ng nasyonalismo ng Hindu at ng
mga Muslim?
A. Parehong mahal ang mga bansa nila, nagkaiba sa paraan ng pagpapakita
B. Pareho nilang nilabanan ang Kanluranin, subalit magkaiba sila ng dahilan
C. Ipinaglaban ng Hindu ang kanilang kaugalian, ang Muslim ay nanakop para sa kanilang
relihiyon
D. Nang dahil sa nasyonalismo ay pareho nilang ipinagtanggol sa marahas na paraan ang
kanilang bansa para lumaya sa mananakop
4. Nang dahil sa nasyonalismo ay isa ang India sa Asyanong bansa na lumaya. Subalit nagkaroon
naman ng sigalot sa pagitan ng Muslim at Hindu sa bansang ito. Ano ang sanhi ng nabanggit na
alitan nila?
A. Gusto nilang masarili ang India
B. Magkaiba sila ng paniniwala at pilosopiya
C. Hindi sila magkasundo sa kung aling relihiyon ang dapat na manaig
D. Dahil magkaiba sila ng relihiyon, nais ng bawat isa na may kaniya-kaniyang teritoryo
5. Alin sa sumusunod ang magandang naidulot ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Paghahalo ng lahi sa mga naganap na pananakop
B. Pagtangkilik ng mga produktong gawa ng mananakop.
C. Natutunan ng lahat ng mga Asyano na pamahalaan ang sarili.
D. Paglaya ng mga bansa mula sa pananakop ng mga Kanluranin.

II. Kilalanin ang mga nasyonalistang Asyano sa Timog at Kanlurang Asya sa pamamagitan ng pagtapat nito sa
bansang pinamunuan.Isulat lamang ang titk ng inyong tamang sagot na makikita sa kahon sa mga patlang sa ibaba
ng mga larawan.
MOHAMMAD ALI JINNAH MOHANDAS GANDHI MUSTAFA KEMAL ATATURK AYATOLLAH I KHOMEINI IBN SAUD

1. 2. 3. 4. 5.
_________ ___________ __________ ___________ _________

A. Saudi Arabia B. Iran C. India D. Pakistan E. Turkey

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
Karagdagang Gawain

GAWAIN: DATA RETRIEVAL CHART


Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kolumn ng Data Retrieval Chart.

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya


DAHILAN NG PAMAMARAANG EPEKTO SA
PAGPAPAKITA GINAMIT SA MGA
REHIYON BANSA LIDER NG PAGTATAMO NG BANSANG
NASYONALISMO KALAYAAN ASYANO
Timog Asya

Kanlurang
Asya

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano-ano ang dahilan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

2. Alin sa mga naging tugon ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang naging mabisa sa pagpapakita
ng nasyonalismo at pagkakamit ng kalayaan? Ipaliwanag.

3. Nakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang pagpapakita ng
damdaming nasyonalismo? Patunayan.

Sanggunian

Blando et al ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba; Unang Edisyon.Eduresources Publishing Inc.


2014 pp 222-234

Mula sa website
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Mustafa_Kemal_Atat%C3%BCrk,asker.png
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Muhammad_Ali_Jinnah_wearing_a_Sherwani_and_a_Jinnah_
Cap.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:King_s.jpg

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Susi ng Pagwawasto

SUBUKIN:
 Pagmamahal sa sariling bansa- pagtangkilik sa sariling atin, pagsunod sa batas ng pamahalaan
 Pagmamalasakit sa bansa
 Pakikiisa sa layunin
 Pakikibaka

PAGYAMANIN:

1. India- non-violence
2. Pakistan- Muslim League
3. Iran- Pagtatalumpati
4. Saudi Arabia—Neutral/pakikipaglaban
5. Turkey- pakikipaglaban

TAYAHIN:
1. D
2. A
3. C
4. D
5. D
6. Pakistan
7. India
8. Turkey
9. Iran
10. Saudi Arabia

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Monalisa A. Santos
Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano

Tagaguhit: Gwendelen J. Corañez


Tagalapat:

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource, Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12

You might also like