You are on page 1of 10

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan

MGA PILYEGO NG GAWAING


PAMPAGKATUTO
(Learning Activity Sheets - LAS)
(Ikatlong Linggo)

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa
Timog at Kanlurang Asya

Manunulat:

JANE A. MICAYAS
Teacher III

Mataas na Paaralang Pambansang Pang-Agham ng Siargao


Sangay ng Siargao
Panimula
Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning Activity
Sheets – LAS) ay disenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa
ikapitong baitang upang matutuhan mo ang mga salik, pangyayaring at
kahalagahan na nagbigay-daan sa pag-usbong at pag-unlad ng
nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Ano ang mga
naibunga nito sa mga bansa at pamumuhay ng mga tao?

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:

Paksa: Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya

Pinakamahalagang Kasanayang sa Pampagkatuto

Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa


pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. (MELC)

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagsusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng


nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
2. Nakapagpapasya tungkol sa mga salik, pangyayari at
kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.
3. Nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
unlad ng Timog at Kanlurang Asya.
Paksa: Pag-usbong ng Nasyonalismo sa
Timog at Kanlurang Asya

Pagsusuri ng Teksto

Nasyonalismo sa Asya

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at


pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga
bansang Asyano, ang nagbibigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Asya.
Ang nasyonal i smo ay damdaming makabayan na
maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa
Inang-bayan, ayon sa aklat na Kabihasnang Asyano (SEDP
Edisyon).
Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang anyo
tulad ng defensive nationalism o mapagtanggol na
nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at
aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na
minsang ginawa ng bansang Hapon.
Ang pangunahing manipestayon ng nasyonalismo ay
ang pagkakaisa. Maituturing ding manipestasyon ng
nasyonalismo ang pagmamahal at pagtangkilik ng
mamamayan sa mga produkto, ideya, at kultura ng sariling
bayan.

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya:


Nasyonalismo sa India

Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay-daan upang


magising ang diwa ng nasyonalismo rito. May iba’t ibang mang wika at
relihiyon ang mga Indian, sila naman ay kumilos at nagkakaisa upang
umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.
- Nangunang lider nasyonalista sa India.
- Nagpakita ng mapayapang o non-violent paraan sa
paghingi ng kalayan.
- Nanguna sa layuning matamao ang kalayaan ng India
- Isang Hindu na nakapag-aral.
- Nabaril at namatay siya na hindi nagtagumpay
Mohandas Gandhi na mapag-isa ang Hindu at Muslim sa isang bansa.

Naniniwala si Gandhi sa;


Ahimsa – ang hindi pagamit ng dahas o non-violence.
Satyagraha - naman ukol sa paglabas ng katotohanan kasama ang
pagdarasal, meditasyon, at pag-aayuno.

Pinakinabangan nang husto ng mga Ingles ang mga likas na yaman


ng India. Nararanasan din ng mga Indian ang mga patakarang hindi
angkop sa kanilang kultura, tulad ng pagpapatigil ng mga Ingles sa;

Ito ang naging


dahilan
upang
1. Suttee/Sati - maisagawa 2. Femal e
Ang pagpapatiwakal ang pag-alsa Infanti ci de -
ng mga biyudang ng mga Sepoy
babae at pagsama sa Ang pagpatay sa mga
libing ng namatay na batang babae.
asawa.

Rebelyong Sepoy- Ito ang pag-alsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa


mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination

Mas tumindi pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng


mga Indian nang maganap ang Amritsar Massacre
noong Abril 13, 1919
Amritsar Massacre- maraming mamamayang Amritsar Massacre
Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil
sa pamamaril ng mga sundalong Ingles. Sa
kaganapang ito ay namatay ang may 379 katao
at mayroong halos 1,200 na katao ang
nasugatan.

All Indian National Congress All Indian Muslim League


-Nagkaroon naman ng hiwalay -Naitatag noong 1906.
na pagkilos ang mga Indian
dahil sa kanilang magkaibang -Pinangunahan ni Ali Jinnah
pananampalataya. na kung saan ang interes ng
mga Muslim ang binigyang-
- Naitatag ito sa panig ng mga pansin.
Hindu na ang layunin ay
matamo ang kalayaan ng India. -Layunin ng mga kasapi nito
na magkaroon ng hiwalay na
estado para sa mga Muslim.

Agosto 15, 1947 – Nakamtan ang kalayaan ng mga India sa


pamumuno ni Jawaharlal Nehru. Kaalinsabay nito ang pagsilang
ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman
ng pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya


Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang
nasyonalismo dahil karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating
malakas at matatag na Imperyong Ottoman, bago paman masakop ng mga
Kanluraning bansa noong 1918. Matapos bumagsak ang Imperyong
Ottoman, masakop at mapasailalim sa mga kanluraning bansa, naipatupad
na sa mga bansa sa kanlurang Asya ang sistemang mandato.

Sistemang Mandato- Nangangahulugan ito na ang isang bansa na


naghahanda upang maging isang malaya at isang nagsasariling bansa
ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo. (Mateo
et.al., Asya sa Pag-usbong ng Kabihasnan)
Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo,
Iranian, at mga Turko bago paman ang Unang Digmaang Pandaigdig

Kuwait – unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759.

Lebanon – lumaya mula sa Imperyong Ottoman noong 1770, at noong


1926 ito ay nagging ganap na republika sa ilalim ng mandato ng
bansang France.

Turkey – humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal na


nagsulong sa pagkakaroon ng isang republika. Sa pamamagitan ng
Kasunduang Lausane, naisilang ang Republika ng Turkey noong
1923.

Taong 1926 din ipinahayag ni Abdul ang sarili bilang hari ng Al Hijaz,
matapos niyang malipol ang lahat ng teritoryo at pinangalanan niya
itong Saudi Arabia.

Iraq – nagging protektado ng England noong 1932.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, naisagawa


rin ng mga Jew ang Zionism.

Zionism – Ito ang pag uwi sa mga Palestine ng mga Jew mula sa iba’t
ibang paning ng daigdig. (Mateo et.al., Asya: Pag-usbong ng
Kabihasnan.

Holocaust – Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga


German Nazi sa mga Jew o Israelite. (Mateo et.al., Asya. (Pag -usbong
ng Kabihasnan)

Mula ng manirahan ang mga Jew sa Palestine ay nagsagawa na


ang mga ito ng modernisasyon sa industriya, agrikultura,
pagnenegosyo, at maging sa agham. Ito ang nagbibigay -daan upang
ang mga Jew ay magkaroon ng mas mataas na antas ng pamumuhay
kaysa sa mga Arabo. Ito naman ang naging dahilan upang magkaroon
ng hindi magandang samahan ng dalawang pangkat. Kaya sa
bandang huli ay hiniling ng mga Arabo na ihinto na ang pagbabalik
ng mga Jew sa Palestine. Simulla nang maideklara ang Republika ng
Israel noong Mayo 14, 1948 nagsimula na ang tension sa Palestine.
Gawain 1: Data Retrieval Chart

Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kolumn ng Data Retrieval Chart

Dahilan ng Pamamaraang Manipestasyo Epekto


Rehiyon Bansa Pagpapakita ginamit para n ng sa mga
ng matamo ang Nasyonalismo Bansang
Nasyonalismo kalayaan Asyano
Timog
Asya

Kanlurang
Asya

Pamprosesong mga tanong

1. Ipaliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo?

2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa


sa Timog at Kanlurang Asya?

3. Alin sa mga naging tugon ng mga bansa sa Timog at kanlurang Asya ang
naging mabisa sa pagpapakita ng nasyonalismo at pagkamit ng kalayaan?
Ipaliwanag?
4. Ano-ano ang anyo at manipestasyon ng nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya?

5. Nakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa Timog at


Kanlurang Asya ang pagpapakita ng damdaming nasyonalismo? Patunayan?

Gawain 2: Boom Pa Quiz

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ibigay ang tamang sagot at


isulat ito bago ang bilang.

_____________________1. Anong kaganapan sa Timog Asya ang nagpatindi na ipakita


ng mga Indian ang kanilang nasyonalismo?

_____________________2. Isang manipestasyon nito ay ang pagkakaisa.

_____________________3. Isa itong malakas at matatag na Imperyong humawak ng


mga bansa sa Kanlurang Asya?

_____________________4. Anong bansa ang protektor ng Iraq noong 1932.

_____________________5. Anong samahan ito kung saan ang interes ng mga Muslim
ang binigyang-pansin, na pinangunahan ni Ali Jinnah.

_____________________6. Siya ang unang lider nasyonalista sa India at naniniwala sa


ahimsa at satyagraha.

_____________________7. Isang hari Al Hijaz at pinangalanan niyang Saudi Arabia


ang lahat ng teritoryo ng matapos niyang malipol ang mga ito.

_____________________8. Kailan naisilang ang bansang Pakistan?

_____________________9. Sino ang pinuno noong makamtan ang kalayaan ng


bansang India galing sa kamay ng mga Ingles?

_____________________10. Anong sistema sa isang bansa na naghahanda upang


maging isang malaya at isang nagsasariling bansa ay ipinasailalim muna sa
patnubay ng isang bansang Europeo?
Sanggunian:

AKLAT:

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba

Mga Manunulat: Rosemarie C. Blando, Adelina A. Sebastian, Angelo C.


Espiritu, Erna C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S.
Victor, Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, at Randy R. Mariano.

WEBSITES:

http://ohspmodularlearningforgrade8.weebly.com/pag-usbong-ng-nasyonalismo-
sa-timog-asya.html

https://www.youtube.com/watch?v=ziJNqSJoCns

https://www.youtube.com/watch?v=nlIzSwHIoMY
Answer’s key
Gawain 2: Boom Pa Quiz
1. Amritsar Massacre
2. Nasyonalismo
3. Imperyong Ottoman
4. England
5. All Indian Muslim League
6. Mohandas Gandhi
7. Abdul
8. Agosto 15, 1947
9.Jawaharla l Nehru
10. Sistemang Mandato

You might also like