You are on page 1of 8

7 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 5
Learning Activity Sheets

1
Pangalan: ____________________________ Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
Taon at Pangkat: ______________________ Petsa: ___________________

Ang Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa Imperyalismo sa


Timog at Kanlurang Asya

Susing Konsepto

Ang pangyayaring naranasan ng mga Asyano sa kamay ng mga Kanluranin tulad ng


pananakop, pagkontrol sa kanilang pamahalaan, pagsasamantala sa likas na yaman ng kanilang
bansa ang nagbigay-daan upang mabuo ang damdaming nasyonalismo. Bagamat hindi naging
madali ang pakikipaglaban para sa kalayaan na kanilang hinahangad. Ang pagmamahal, pagkakaisa
at pagpapahalaga sa kanilang bansa ang naging susi upang ito ay mapagtagumpayan.
Napakalaki ng papel na ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa
imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Narito at tunghayan natin ang mga sumusunod na
pangyayari;

Nasyonalismo sa Timog Asya: India

Ang ginawang pananakop ng mga Kanluranin sa India ang gumising sa damdaming


nasyonalismo nito. Sa kabila ng pagkakaroon ng ibat-ibang relihiyon at wika sila ay nagkaisa upang
matupad ang minimithi na malayang bansa. Si Mohandas Gandhi o mas kilala sa tawag na Mahatma
Gandhi (Dakilang kaluluwa) ay isang nasyonalistang lider na nanguna sa pagtamo ng kalayaan ng
kanilang bansa sa pamamagitan ng mapayapang paraan ayon sa satyagraha (non-violence).

Narito ang mga patakaraang hindi angkop sa kanilang kultura:


a. Pagpapatigil ng mga Ingles sa suttee o sati – ito ay pagpapatiwakal ng mga biyudang babae
at pagsama sa libing ng namatay na asawa.
b. Pinatigil ang female infanticide – ito ay sadyang pagpatay sa mga sanggol na babae; Ito ay
nagagawa sa kadahilanang ang mga babae ay mababa ang antas sa lipunan kaysa sa mga
lalake.
c. Hindi pantay na pagtingin sa kanilang lahi

Nagkaroon ng hindi pantay na pagtrato ang mga Ingles sa mga sundalong Indian tulad ng
pagbibigay ng hindi sapat na sweldo at mababang ranggo ng mga sundalo. Idagdag pa dito ang hindi
paggalang sa paniniwala ng mga Ingles sa mga Hindu at Muslim. Tumutol ang mga sundalong Hindu
at Muslim na gamitin ang mga ripple at cartridge dahil pinag-hihinalaang nagmula sa langis ng hayop
gaya ng baboy at baka na ginamit na panlinis nito. Mas lalong tumindi ang pagpapakita ng damdaming
nasyonalismo dahil sa malawakang pagpatay ng mga Ingles sa mga Indian na naganap na Amritsar
Massacre noong Abril 13,1919.
Mayroong dalawang isinagawang pagkilos at samahan ang mga Indian dahil sa magkaibang
pananampalataya:
All Indian National Congress – samahan ng mga Hindu na ang layuni ay matamo ang kalayaan
sa India
All Indian Muslim League – ito ay sa pangunguna ni Mohammed Ali Jinnah na layunin ay
magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.

Dahil sa isinagawang pagkilos ng mga Indian laban sa mga Ingles nagtagumpay ang kanilang
hangarin na makalaya mula sa mga mananakop noong Agosto 15,1947 na pinamunuan ni Jawaharlal
Nehru at kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang Pakistan sa pangunguna ni Mohammed Ali
Jinnah na matagumpay na ipinagkaloob ang kalayaan noong Agosto 14,1947.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Iba ang pangyayaring naganap sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Kanlurang


Asya. Hindi ito agad naipakita dahil sa malakas at matatag na Imperyong Ottoman na sumakop
2
sakanila. Matapos bumagsak ang Imperyo, tuluyang nasakop at napasailalim ito sa mga Kanluraning
bansa.
Naipatupad sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang sistemang mandato na pansamantalang
sasailalim sa kamay ng mga Kanluranin habang tinutulungan silang makapagsarili at makapagtatag
ng pamahalaan. Gayunpaman, sa pangunguna ng mga Arabo, Iranian at Turko nagsumikap ang mga
bansang ito na matamo ang kanilang kalayaan bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang Kuwait ang unang lumaya na sa Kanlurang Asya noong 1759. Natamo ng Lebanon ang
Kalayaan noong mula sa Imperyong Ottoman noong 1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na
mandato ng France.
Ang bansang Turkey ay humingi ng kalayaan sa pamumuno ni Mustafa Kemal Ataturk na
nagsulong ng pagkakaroon ng isang republika. Taong 1923, nagkaroon ng Kasunduang Lausanne
isang kasunduang pangkapayaapan na naganap sa Lausanne, Switzerland sa pamamagitan nito
naisilang ang Republika ng Turkey.
Taong 1926, ipinahayag ni Abdul Rahman Bin Faisal bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang
malipol ang lahat ng teritoryo at pinangalanan itong Saudi Arabia.
Taong 1932, ang Iraq ay naging protektado ng England.

Maraming nasyonalistang lider mula sa Timog at Kanlurang Asya ang nagpakita at


nagpamalas damdaming nasyonalismo dahil sa maigting na pakikipaglaban maraming bansa sa Asya
ang nagdiwang dahil nagbunga ang matagal nilang inaasam ang pagkakaroon ng malayang
mamamayan at bansa.

Relihiyon at Kultura sa Timog at Kanlurang Asya


Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod
at pagbabalik-loob. Malaki ang naging bahagi nito sa pangaraw-araw na pamumuhay na mga Asyano
magpahanggang ngayon. Naimpluwensyahan nito ang arkitektura, sining, panitikan, personal na gawi
ng tao at patakarang pambansa.

India

Hinduism ang pangunahing relihiyon sa India na mga Aryan ang unang tribong sumasampalataya sa
relihiyong ito. Taong 1829, ipinagbawal ng pamahalaang Ingles ang pagsasagawa ng suttee o sati.
Ito ay ang pagsama ng asawang babae sa pagsunog sa labi ng asawang namatay na itinuturing
tradisyong Hindu na patuloy na isinasagawa sa ibang pangkat ng tao sa India.

Afghanistan

Ang Islam ang relihiyon ng mga Muslim ay sinasabing pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa
buong mundo. Ito ay nagmula sa salitang Arabic na salam na ang ibig sabihin ay kapayapaan,
pagsunod, at pagsuko sa propetang si Muhammad ang huling propeta na ipinadala ni Allah.

Ang burka ay isang tradisyunal na pananamit ng mga kakabaihan na tumatakip sa buong katawan,
pagsuot ng belo na tumatakip sa kanilang mata. Isang grupo ng mga radikal na Muslim ang
nagpatupad ng kautasan na ipagbawal ito, sila ay nagmula sa pangkat ng Taliban sa Afghanistan. Sa
kanilang panahon ipinagbawal nila ang mga sumusunod;

A. Inalis ang karapatan ng mga kababaihan ng bumoto


B. Kawalan ng karapatan sa edukasyon
C. Hindi pagkakaroon ng trabaho
D. At kawalan ng benipisyong pangkalusugan

Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa


Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa ibat-ibang aspekto ng pamumuhay

3
Mga Layunin
1. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya
2. Nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya

3. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Timog at


Kanlurang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo
4. Natutukoy ang ibat-ibang relihiyon na nangibabaw sa Timog at Kanlurang Asya
5. Nasusuri ang Impluwensya at bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba-ibang aspekto ng
pamumuhay

Pagsasanay 1

Pamprosesong Tanong

1. Anu-ano ang mga naranasan ng mga Indian sa mga Kanluranin na hindi angkop sa kanilang

Kultura?___________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

2. Magbigay ng tatlong (3) pangyayari na naranasan ng mga Indian sa kamay ng mga


mananakop na dahilan upang maipakita ang damdaming nasyonalismo sa kanilang bansa?
a. _________________________________________________________________________

b. _________________________________________________________________________

c. _________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, nakabuti ba o nakasama sa pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at


Kanlurang Asya ang pagpapakita ng damdaming nasyonalsimo?Bakit?
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
4
Pagsasanay 2

Panuto: Itambal ang tinutukoy sa bawat bilang sa mga salita sa kanilang hanay. Isulat ang titik nito
sa patlang sa kaliwa.

Hanay A Hanay B

___1. Pagpapatiwakal ng mga biyudang babae A. Hinduism at Islam


at pagsama sa libing ng kanilang namatay na
asawang lalake

___2. Isang Nasyonalistang lider na nagsulong B. Suttee


ng pagkakaroon ng Republika ng Turkey

___3. Dalawang relihiyon mula sa India na C. Lausanne


nagsagawa ng magkawilay na pagkilos laban sa
mga kanluranin

___4. Kasunduang pangkapayapaan na D. Mustafa Kemal Ataturk


nilagdaan taong 1923 sa Switzerland

___5. Dalawang samahan na naitatag ng E. All Indian National Congress at All Indian
magkaibang relihiyon ng Hindu at Muslim laban Muslim League
sa mga Ingles na sumakop sa kanilang bansa

___6. Malakas at matatag na Imperyong F. Abdul Rahman Bin Faisal


sumakop sa Kanlurang Asya
___7. Siya ang nagbigay pangalan sa bansang G. Mohandas Gandhi
Saudi Arabia na hari ng Al Hijaz
___8. Nasyonalistang lider na naguna sa H. Arabo, Iranian, Turko
paglaya ng bansang India
___9. Tatlong lahi mula sa Kanlurang Asya na I. Non-violence
nanguna sa pagpapakita ng damdaming
nasyasonalismo laban sa mga Kanluraning
mananakop
___10. Satyagraha J. Ottoman

Pagsasanay 3

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang bawat patlang kung ito ay
nagpapakita ng mabuting impluwensya sa pamumuhay ng tao.

_____1. Ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ay pagpapakita ng pagmamahal bayan


_____2. Ang pagtangkilik sa sariling atin ay pagpapakita ng damdaming nasyonalismo
_____3. Ang mga kalalakihan lamang ang may karapatang magsagawa ng pagboto
_____4. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay para sa lahat
_____5. Ang bawat isa ay may karapatang tumanggap ng benepisyong pangkalusugan
_____6. Ang relihiyon ay pagbubuklod at pagbabalik loob sa panginoon
_____7. Ang pagkakaroon ng trabaho sa lipunan ay para sa lahat
_____8. Ang mga kalalakihan lamang ang may karapatan na magkaroon ng posisyon sa pamahalaan
_____9. Ang hindi pagtatangi ng lahi ay simbolo ng paggalang at pagtanggap sa isat-sa
_____10. Ang pagpapatupad ng batas at pagkakapantay-pantay ay karapatan ng bawat isa

5
Pagsusulit 4

Magkaiba man ang pananampalataya ng mga Hindu at Muslim sila ay nagkaroon ng iisang layunin
para sa kanilang bansa. Binago nito ang aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano na hindi hadlang
ang pagkakaiba upang matamo ang iisang layunin na ito ay magkaroon ng isang malayang
mamamayan at bansa.

Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga gawain na nagpapakita ng pagkakaisa sa kabila ng


pagkakaiba-iba ng paniniwala.

1.______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

2.______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

3.______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

4.______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

5.______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

6
Pangwakas

Panuto: Bumuo ng isang pangungusap na nagsisimula sa mga letra ng salitang PAGKAKAISA. Ito
ay dapat angkop sa bahaging ginampanan ng damdaming nasyonalismo upang makamit ang
kalayaan ng mga bansa sa Asya.

Halimbawa: Pantay-pantay na pagtingin sa ibat-ibang lahi

P
______________________________________________________________________

A
______________________________________________________________________

G
______________________________________________________________________

K
______________________________________________________________________

A
______________________________________________________________________

K
______________________________________________________________________

A
_____________________________________________________________________

I
______________________________________________________________________

S
______________________________________________________________________

A
______________________________________________________________________

Pamantayan sa pagmamarka

BATAYAN NG KAPASYAHAN BAHAGDAN MARKA NG GURO


MENSAHE 50%
KAUGNAYAN 30%
KALINISAN 20%
KABUUAN 100%

7
Mga Sanggunian
Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, “Asya sa Gitna ng Pagkakaiba”, (2014) 235-252
Michael M. Mercado, Fredie V. Avendańo, Sulyap sa Kasaysayan ng Asya’, (St. Bernadette
Publishing House Corporation 2007) 405-410

Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 (Mga posibleng sagot)

1.
• Pagpapatigil ng mga Ingles sa suttee o sati
• Pinatigil ang female infanticide
• Hindi pantay na pagtingin sa kanilang lahi
2.
• Pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya
• Hindi pantay na pagtingin ng mga Kanluranin sa mga sundalong Indian
• Amritsar Massacre noong Abril 13,1919.

3. nakabuti, sapagkat sa kabila ng pagkakaiba nagkaroon ng pagkakaisa dahil sa pagmamahal sa


kanilang bansa na mayroong iisang layunin ang makamit ang kalayaan.

Pagsasanay 2

1. B 6. J
2. D 7. F
3. A 8. G
4. C 9. H
5. E 10.I

Pagsasanay 3

1. / 6. /
2. / 7. /
3. 8.
4. / 9. /
5. / 10. /

Pagsasanay 4 (Maaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral)

Inihanda ni:

DONITA J. SALES
Teacher I

You might also like