You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX,Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
MANUKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Manukan 1 District

LEARNING ACTIVITY SHEET


IKATLONG MARKAHAN -MODYUL 2 SA ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN: ____________________________________SEKSIYON: _______________ISKOR______________

I. PANIMULA
Magandang pagbati aking magigiting na mag-aaral.Binabati ko kayo sa Ikatlong Markahan,Ikalawang linggo ng ating
paglalakbay sa pagkatuto sa Araling Panlipunan 7.Sana po lalo tayong aktibong makilahok sa pagsubaybay at pagsagot sa
ating mga aralin kahit na may pandemya tayo.Basahin at unawain ng mabuti ang LAS na ito Maaring magpatulong ng iyong
mga kamag anak peru kailangan kayo mismo ang magsagot at magsulat sa mga gawain.Sana ay nagkaintindihan tayo mga
mag-aaral.
Ang LAS na ito ay isinulat para matugunan ang iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan kasa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

II. KASANAYAN NG PAMPAGKATUTO

 Nasusuri ang mga salik, pangyayari, at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa timog at kanlurang Asya.

III. KAALAMAN AT KAISIPAN

NASYONALISMO SA PAGBUO NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Nasyonalismo ay ang damdaming Makabayan na maipakita sa pamamagitan ng matinding pagmamahal at


pagpapahalaga sa Inang-bayan. May 2 uri ng nasyonalismo sa asya, ang defensive nationalism o mapagtanggol na
nasyonalismo tulad ng mga pangyayaring naganap sa pilipinas at ang agrresive nationalism o mapusok na nasyonalismo
na naisakatuparan naman sa bansang hapon.

Ang Ahimsa at Satyagraha sa India

Si MOHANDAS GANDHI ang nangunang lider-nasyonalista sa India para makamit ang kanilang Kalayaan. Nakilala
siya bilang Mahatma, isang salitang Sanskrit na nangangahulugang “ Dakilang Kaluluwa” dahil sa kaniyang
mapayapang pamamaraan ng paghingi ng Kalayaan o nonviolent means mula sa mga mananakop na Ingles. Isa siya sa
nanguna sa pagsulong para tutulan ang pamamahala ng mga Ingles sa kanilang bansa.
Binatikos niya ang ilan sa mga patakarang ipinatupad ng mga Ingles na taliwas sa kanilang kultura tulad ng pag-aalis sa
ibat-ibang uri ng diskriminasyon sa mga untouchables at sa Sistema ng pagpapatiwakal ng mga babaeng biyuda (suttee
o sati). Ipinatigil din ng mga Ingles ang female infanticide o pagpatay sa mga bata o sanggol babae. Naging dahilan ng
pag-usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Indian ang naranasan nilang di-pantay na pagtingin sa kanilang lahi o
racial discrimination, na naging dahilan ng pag-aalsa ng mga sepoy na kilala sa katawagang rebelyong sepoy.
SUTTI O SATI – pagpapatiwakal ng mga biyudang bababe at pagsama sa libing ng namatay na asawa.
FEMALE INFANTICIDE – Pagpatay sa mga bagong silang na sanggol na babae.
RACIAL DISCRIMINATION – hindi pantay na pagtingin sa lahi ng mga Indian o pagtanggi sa lahi ng mga Indian o
pagtanggi ng mga lahi.
AMRITSAR MASSACRE- pamamaril ng mga sundalong Ingles o mga Sepoy sa isang selebrasyong Hindu noong
Abril 13, 1919.
Nagtagumpay man sa kalayaang minimithi mula sa mga mananakop ng Ingles ay hindi pa rin napag-isa ang mga Hindu
at
Dahil nais ng mga Muslim na magkaroon ng isang estadong hiwalay sa India, sa pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah
Noong Agosto 14, 1947 ang Kalayaan mula sa India. Kilala siya bilang Ama ng Pakistan at siya rin ang naging
Gobernador
Heneral ng bansa matapos makamit ang Kalayaan mula sa ingles.
JAWAHARLAL NEHRU – matalik na kaibigan ni Mohandas na siyang unang naging punong ministro ng India.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Ang unang bansa sa kanlurang Asya na nakalaya mula sa mga mananakop ay ang bansang Kuwait noong 1659.
MUSTAFA KEMAL – isa sa hindi pumayag sa kasunduang hatiin ang imperyong ottoman sa pagitan ng Italy at France
Matapos ang kanilang digmaan noong 1911-1912.
siya ang tumawag ng halalang pamabansa at hiwalay na parliament at nagsilbing
tagapagsalita tagapagsalita.
Unang nahalal na pinuno ng bagong republika at tinawag na ATATURK na ang ibig
sabihin ay Ama ng mga Turko.
AYATOLLAH RUHOLLAH KHOMEINI -namumuno sa bansang Iran at ibinalik niya ang mga paniniwala at
tradisyong
Islam. Siya ang gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong hunyo 3, 1963 laban sa
patuloy na pagkiling ng Shah ng iran sa mga makadayuhang pakikialam at suporta sa
Israel.
IBD SAUD – Kauna -unahang hari ng Saudi arabia.
Sa kanyang pamumuno Nawala ang nakawan at pangikil na nangyayari sa dumadalo ng pilgrimage sa mecca
at medina.Siya rin ang nagbigay pahintulot sa isang kumpanya sa estados Unidos noong 1936-1939 upang
mgkaroon ng oil concession sa Saudi.

SISTEMANG MANDATO- nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya
at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang europeo.

Tunay na maraming lider Asyano sa kanlurang asya ang napamalas ng pagiging Makabayan, nagpunyagi, at
nagtagumpay na matamo ang inaasam na Kalayaan ng kani- kanilang mamamayan at bansa.

IV. GAWAIN TELL ME !


Panuto: Kilalanin ang mga nasyonalistang lider at tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang pangalan ng
Lider.

______________1. Kilalang kauna-unahang hari ng Saudi arabia. Sa kaniya ring pamumuno Nawala ang mga nakawan at pa-
ngingikil na pangyayari sa pilgrimage sa Mecca at Medina.
______________2. Hindi siya pumayag sa kasunduan ng Italy at France noong 1911-1912, na hatiin ang imperyong ottoman.
______________ 3. Siya ang gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong hunyo 3, 1963 laban sa Patuloy na pagkiling
ng Shah ng iran sa mga makadayuhang pakikialam at suporta sa Israel.
_______________4. Unang nahalal na pinuno ng bagong republika at tinawag na ATATURK na ang ibig sabihin ay Ama ng
mga turko.
_______________5. Ang nangunang lider-nasyonalista sa India para makamit ang kanilang Kalayaan.

V. PAGTATAYA
Panuto:Basahing mabuti at isulat ang titik sa patlang ng tamang sagot.

1.Nakilala bilang Mahatma o Dakilang Kaluluwa.


A. Ali Jinnah B.Ibn Saud C. Mohandas Gandhi D. Mustafa Kemal

2. Ito ay ang damdaming Makabayan na maipakita sa pamamagitan ng matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa


Inang-bayan.
A. Nasyonalismo B. Nasyonalista C. Industriyalisismo D. Kolonyalismo

3. Sa anong taon nagtagumpay sa kalayaang minimithi ang mga hindu laban sa Ingles?
A. 2022 B. 1947 C. 1957 D. 2013

4. Ang sistemang nangangahulugan na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at isang nagsasa-
riling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang europeo.
A. Sistemang mandato B. Sistemang Ingles C. Sistemang Hindu D. Sistemang Turko

5. Uri ng nasyonalismo na ang ibig sabihin ay mapagtanggol na nasyonalismo tulad ng mga pangyayaring naganap
sa pilipinas at ang isa ay ___________ na nasyonalismo o mapusok na nasyonalismo na naisakatuparan naman
sa bansang hapon.Ano ang tawag sa dalawang ito?
A. Defensive at Aggressive B. Asya at Ekonomiya C. Timog at Kanlurang Asya D. Suttee o sati

VI. PAGNINILAY/ REPLEKSIYON:


Ano ang natutunan mo sa leksiyong ito?
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________.

VII. SANGGUNIAN
Aklat
Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espiritu, Erna C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua,
Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan F. del Rosario at Randy R. Mariano. ASYA: pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba
araling panlipunan modyul para sa mag- aaral. Pasig city: Eduresources Publishing, inc, 2016.

______________________________
Pangalan at lagda ng magulang
Inihanda ni: Attested by:

JAY MARIE RETES TRINIDAD JOCELYN S. DINOPOL


Substitute Teacher Dept. Head ARAL. PAN

Quality Checked by: Noted by:

CARMELA E. GURDIEL EPIFANIO GAAME E. PIEDAD


MT-1 School Head

You might also like