You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Manukan I District
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Araling Panlipunan 7- Unang Markahan
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya (Week 6)
Pangalan: _________________________Baitang/Seksyon: ___________ Petsa: __________

Weekly Home Learning Plan


ARAW ORAS GAGAWIN
Lunes 1 Basahin at Unawain
Martes 1 Pagsagot sa Gawain 1
Miyerkules 1 Pagsagot sa Gawain 2
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon.
(AP7HAS-Ig-1.7)
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na


kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Alamin natin ngayon ang iba’t ibang kahulugan ng mga
salitang may kaugnayan sa suliraning pangkapaligiran.
1. DESERTIFICATION - Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo
na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito tulad ng
nararanasan sa ilang bahagi ng China, Pakistan, Jordan, Iraq, Syria, Yemen at Lebanon.
2. SALINIZATION- Sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o di kaya naman ay inaanod ng
tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali ang isinagawang proseso ng irigasyon sa paligid ng mga
estuary at gayundin sa mga lugar na mababa na ang balon ng tubig o water table. Unti-unting nanunuot ang
tubig-alat o saltwater kapag bumababa ang water level gaya ng nararanasan ng bansang Bangladesh sapagkat
nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog.
3. HABITAT- Ito ay tumutukoy sa tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado
ng land conversion o ang paghahawan ng kagubatan, pagpapatag ng mga mabundok o maburol na lugar upang
mabigyang-daan ang mga proyektong pangkabahayan.
4. HINTERLANDS- Ito ay isang malayong lugar, malayo sa urbanisadong lugar ngunit apektado ng
mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod. Ang lungsod ay nangangailangan ng pagkain,
panggatong, at troso para sa mga konstruksiyon na itinutustos ng hinterlands na humahantong sa
pagkasaid ng mga likas na yaman nito.
5. ECOLOGICAL BALANCE- Kapag balanse ang ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang
kapaligiran, tinatawag itong ecological balance.
6. DEFORESTATION- Ang Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat. Isa ito sa mga
problemang narasan ng Asya sa kasalukuyan.
7. SILTATION- Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar.
Ito ay isa sa problemang kinakaharap ng mga bansa sa Asya na dulot o bunsod ng pagkasira ng
kagubatan at erosion ng lupa, gaya ng kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa Cambodia.
8. RED TIDE- Nagkakaroon ng red tide dahil sa mga dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
9. GLOBAL CLIMATE CHANGE- Ang global warming ay ang pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na
klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao. Karaniwang tinutukoy nito
sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng katamtamang temperature o global warming.
10. OZONE LAYER- Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone.
Mahalagang pangalagaan ang ozone layer sapagkat ito ang nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula
sa masamang epekto ng radiation dulot ng ultraviolet rays.

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya


 Pagkasira ng lupa -Tunay na malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa upang patuloy na
mabuhay ang mga tao. Sa kapakinabangan o productivity nito nakaasa ang mga produktong agrikultural na
tumutustos sa kabuhayan ng mamamayan.
 Urbanisasyon – Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naapektuhan ang kapaligiran nito. Ito ay
nag bunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mga mahihirap na lugar o depressed areas at may
mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa kalusugan.

 Pagkawala ng Biodiversity – ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa sa may pinakamayamang


biodiversity sa buong mundo. Ang China, India, Thailand, Indonesia, ay Malaysia ay katatagpuan ng
pinakamaraming species ng mga isda, amphibian, reptile, ibon, at mammal.
 Pagkasira ng Kagubatan – ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang napakakritikal na
problemang pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng
kagubatan ay nababawasan.
Gawain 1: Halika, Buoin Natin!
Gawin at subukin mong buoin ang mga salitang may kinalaman sa suliraning pangkapaligiran.

1. SEREDITIFACTION --- tumutukoy sa pagkasira ng


lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na
kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng
kapakinabangan o productivity nito;
2. LISAINZATION--- lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang
asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa.
Nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ng
irigasyon;
3. AHIBTAT--- tirahan ng mga hayop at iba pang mga
bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land conversion o
paghahawan ng kagubatan;
4. COELOIGCAL ABLANCE--- balanseng ugnayan sa
pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran;
5. EDORFESTIONTA--- pagkaubos at pagkawala ng
mga punongkahoy sa mga gubat;

Gawain 2: Mabuti at Di Mabuti!


Panuto: Suriin at tukuyin ang sumusunod na impormasyon tungkol sa suliraning pangkapaligiran,
ilagay ang sumusunod na simbolo kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng mabuti at di mabuti
sa likas na yaman.

Mabuti Di Mabuti

1. Tahasang pagkawasak ng kagubatan


2. Patuloy na pagtaas ng populasyon
3. Pangangalaga sa likas na yaman
4. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid
5. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman

Sanggunian: Araling Panlipunan –Asya 7

Prepared by: Attested by:

AILEEN M. OMAMALIN JOCELYN S. DINOPOL


Teacher I AralPan Dep’t Head -Designate

Quality checked by: Noted by:

CARMELA E. GURDIEL EPIFANIO GABAME E. PIEDAD


Master Teacher I School Officer In-charge
.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Manukan I District
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Edukasyon sa Pagpapakatao 8- Unang Markahan
Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon (Week 1)
Pangalan: _________________________Baitang/Seksyon: ___________ Petsa: __________

Weekly Home Learning Plan


ARAW ORAS GAGAWIN
Lunes 1 Pagbasa sa Konsepto
Martes 1 Pagsagot sa Gawain
Biyernes Pagsumite ng output
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
e
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Manukan I District
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Edukasyon sa Pagpapakatao 8- Ikaapat na Markahan
Ang Katapatan sa Salita at Gawa (Modyul 1)
Name: ___________________________ Section: ___________ Score: __________

Weekly Home Learning Plan (May 24-28,2021)


ARAW ORAS GAGAWIN
Lunes 1 Basahin ang Pagpapalalim
Martes 1 Pagsagot sa Gawain 1 at
Gawain 2
Biyernes Pagsumite ng output
Learning Competency: Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan at
bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan ESP8PBIIIg-12.1

Pagpapalalim
Apat na Pamamaraan ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe (1974) ng pagtatago ng katotohanan

1. Pananahimik (silence). Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na


maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
2. Pag-iwas (evasion). Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang humihingi ng
impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang mga tanong.
3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
(equivocation). Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong
dalawang kahulugan o interpretasyon.
1. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation). Ito ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon
sa tunay na esensiya ng impormasyon
Mga katangian ng taong may katapatan sa gawa:

 Hindi siya manloloko, manlilinlang o magsisinungaling upang makakuha


lamang ang kanyang gusto sa kapwa.
 Hindi siya nabubulag sa pera upang gumawa ng bawal o mali na lalong ikahihirap ng
nakararami
 Hindi niya binabaluktot ang katotohanan upang hangaan at tanggapin ng mga taong kanyang
nasasakupan.
 Hindi siya kukuha ng mga bagay na hindi kaniya kahit na may pagkakataon siyang gawin ito
para sa sariling kapakanan.
Sisikapin niyang gawin ang kanyang mga sinasabi o ipinapangako bilang patunay ng kaniyang
katapatan.

Mga katangian ng taong may katapatan sa gawa:

 Hindi siya manloloko, manlilinlang o magsisinungaling upang makakuha


lamang ang kanyang gusto sa kapwa.
 Hindi siya nabubulag sa pera upang gumawa ng bawal o mali na lalong ikahihirap ng
nakararami
 Hindi niya binabaluktot ang katotohanan upang hangaan at tanggapin ng mga taong kanyang
nasasakupan.
 Hindi siya kukuha ng mga bagay na hindi kaniya kahit na may pagkakataon siyang gawin ito
para sa sariling kapakanan.
 Sisikapin niyang gawin ang kanyang mga sinasabi o ipinapangako bilang patunay ng kaniyang
katapatan.

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ito ba ay paggalang sa
magulang, paggalang sa nakakatanda o paggalang sa awtoridad. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

_____1. Mapaalam bago umalis ng bahay.

_____2. Pagbibigay ng espasyo ng upuan sa bus sa isang ginang.

_____3. Pagsunod sa curfew na ipinapatupad ng barangay.

_____4. Pagbati sa mga guro na nakakasalubong sa paaralan.

_____5. Pagtulong sa isang lola na tumawid sa daan.

Gawain 2
Panuto: Pagtatapat-tapatin.
Hanapin sa Hanay B ang mga sagot sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
_____1. Katangian ng taong matapat A. Pagsisinungaling upang isalba
ang sarili sa kahihiyan
_____2. Paraan ng pagtatago ng B. Katapatan sa Salita at Gawa
katotohanan
_____3. Dahilan ng pagsasabi ng C. Pag-was (evasion)
katotohanan
_____4. Uri ng pagsisinungaling D. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong
kapwa
_____5. Isang birtud E. Ginagawa ang ipinapangako

Reference: Edukasyon sa Pagpapakatao 8, pahina 314-329

You might also like