You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL
PALAUIG, ZAMBALES

Paaralan Locloc National High School Baitang/Antas 9


Guro Maebelene J. Dait Markahan 4
Asignatura Araling Panlipunan Petsa/Oras May 22, 2023
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman May pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
(Content Standard) pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.

Pamantayan sa Pagganap Aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga


(Performance Standard) sektor ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya nito tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.

Kasanayang Pampagkatuto Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
(Learning Competencies/Code) pangingisda at paggugubat
Layunin (Lesson Objectives)
 Knowledge Nakikilala ang mga dahilan at epekto ng suliranin sa pangisdaan
 Skills Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng suliranin sa pangingisda na nakikita
sa local na kumunidad
 Attitude Napahahalagahan ang mga pangunahing pangangailangan na nagmumula sa
pangingisda
II. NILALAMAN (PAKSA)
Suliranin sa Pangisdaan

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Kagamitang Panturo Powerpoint Presentation
B. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC Pahina 55
2. Mga Pahina sa Kagamitang Ekonomiks Araling Panlipunan 9: Sektor ng Agrikultura – pp. 371 – 372
Pang Mag-aaral
IV. PAMAMARAAN (PROCEDURES)
1. Balik-aral sa PANIMULA
nakaraang aralin at/o 1. Pagdarasal
pagsisimula ng 2. Pagtatala ng lumiban sa klase
bagong aralin
BALIK ARAL
• Pagbabahagi ng takdang aralin

2. Paghahabi sa layunin Pagganyak


ng aralin LARAWAN-SURI!

3. Pag-uugnay ng mga Sa Ating ginawa sa unang bahagi ng aralin nalaman natin na ang pangisdaan ay may

LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Locloc, Palauig, Zambales
Telephone Nos.: 047-2325311
Email: 301028@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL
PALAUIG, ZAMBALES

halimbawa sa bagong kinakaharap na suliranin na malaki ang nagiging epekto sa pag unlad ng ating ekonomiya.
aralin Ano nga ba ang mga suliraning ito? Ngayon ay ating alamin.
4. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at PANGISDAAN
paglalahad ng
bagong kasanayan # Ang "Pangingisda" ay maaaring opisyal na tinukoy bilang ang proseso ng pagkuha ng ligaw
na isda o iba pang mga nabubuhay sa tubig species mula sa tubig, alinman para sa kabuhayan,
1
bilang isang negosyo o para sa isport.
5. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at Pagtatalakay
paglalahad ng
bagong kasanayan # SULIRANIN SA PANGISDAAN
2
1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda.
Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na
ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales.
Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga mangingisda ay
gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang
lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. Dahil dito, pati ang mga korales na
nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Sinusugan ito ni Michael
Alessi (2002) na nagsabi na sa kabila ng mga polisiya sa Pilipinas, bukas sa lahat at
halos hindi nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami
ng reefs ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga
mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga
pangunahing pagkain ng mamamayan.

2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.


Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna
de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan,
agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga
abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika at
pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-
tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating
ng panahon.

3. Lumalaking populasyon sa bansa.


Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng
mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa
kabuuan. Kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa
teknolohiya, mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan
ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Kung magkagayon, maaaring maganap ang
sapantaha ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring
magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil habang
lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga
yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo.

6. Paglinang sa
Kabihasaan (Tungo PANGKATANG GAWAIN!
sa Formative
Assessment)
Panuto:

LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Locloc, Palauig, Zambales
Telephone Nos.: 047-2325311
Email: 301028@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL
PALAUIG, ZAMBALES

Hahatiin ang klase sa apat ng grupo. Bumuo ng islogan na maaaring magmulat sa mga
mamamayan tugkol sa suliranin sa pangisdaan at kung paano ito maiiwasan. Gagamitin ang
rubric sa pagmamarka.

G. Paglalapat ng aralin
sa pang araw-araw na Bilang isang magaaral, magisip ng paraan kung paano ka makibabahagi sa pag lutas ng
buhay suliranin sa pangisdaan na nagbibigay ng pang araw araw na pangangailangan ng karamihan.

H. Paglalahat ng Aralin ILAHAD ANG NATUTUNAN!

 Anu-ano ang mga suliranin sa pangisdaan?

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA sa patlang kung ang
sinasaad ay tama at isulat ang MALI kung ang isinasaad ay mali

________1. Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na


barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga
korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga
mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat
________2. Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay
nagdudulot ng kasaganahan sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa
kabuuan.
________3. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba
na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika at pumapatay sa mga
anyong-tubig ng bansa.
________4. Habang lumiliit ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang
ng mga yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo.
________5. Dahil sa kurapsyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring
makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon.

LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Locloc, Palauig, Zambales
Telephone Nos.: 047-2325311
Email: 301028@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL
PALAUIG, ZAMBALES

J. Karagdagang gawain Takdang Aralin:


para sa takdang-
aralin at remediation Panuto: Magbigay ng posibleng suliranin sa pagisdaan na makikita mo sa inyong kumunidad.

MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
makukuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral
na nangangailangan ng
iban pang Gawain para
sa remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyon sa tulong ang
aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
pangturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Locloc, Palauig, Zambales
Telephone Nos.: 047-2325311
Email: 301028@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL
PALAUIG, ZAMBALES

MAEBELENE J. DAIT
Student Teacher

Sinuri ni:

JESUSA F. FALLORIN
Cooperating Teacher

Inaprobahan ni:

WILLYN A. BELLIDO, Ed.D


Head Teacher I

Binigyang Pansin ni:

LEONILA A. ELAMPARO
Head Teacher III / School Head

LOCLOC NATIONAL HIGH SCHOOL


Address: Locloc, Palauig, Zambales
Telephone Nos.: 047-2325311
Email: 301028@deped.gov.ph

You might also like