You are on page 1of 5

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA

ARALING PANLIPUNAN 9
Gawain Blg. 4 Kwarter 4

Pangalan ng Mag-aaral:

Baitang at Pangkat:

Petsa:

I. PANIMULANG KONSEPTO

“MGA SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA”

Hindi natin maipagkakaila na ang Sektor ng Agrikultura ay isa sa mga tumataguyod ng


ekonomiya ng ating bansa. Isa ito sa mga sektor na hindi umaasa sa produkto ng iba pang
sektor at may sariling pamamaraan sa pagpapalago ng ekonomiya. Dagdag pa rito ang
pagiging sagana ng Pilipinas sa likas na yaman kaya malaki ang nagiging ambag nito sa
ekonomiya ng bansa. Ngunit sa paglipas ng mga taon, bumababa ang kontribusyon nito sa
ating ekonomiya dahil sa iba’t ibang suliraning kinakaharap nito.

Ayon sa artikulo na nailathala sa Philstar.com, daan-daang libong trabaho ang nalagas


sa sektor ng agrikultura mula 2017 hanggang 2018.

Ang mababang minimum wage ng mga


nagtatarabaho sa agrikultura ang isa sa mga
nakikitang dahilan na nag-udyok sa mga ito upang
lumipat sa sektor ng industriya at paglilingkod.
Dahil dito, lumiliit ang kontribusyon ng agrikultura
sa ekonomiya. Maliban sa mababang presyo ng
palay, marami pang suliranin ang kinakaharap ng
sektor ng agrikultura at ito’y ating pag-aaralan at
aalamin.

A. PAGSASAKA

1. Pagliit ng lupang sakahan


Una sa listahan ang kakulangan ng lupain na
nagagamit sa pagsasaka. Dahil sa topograpiya ng
bansa, hindi umaabot sa sapat na lawak ang mga
lupaing sakahan para makamit ang higit na
malaking produksiyon.
https://bit.ly/3CHgzrQ
2. Kakulangan sa paggamit ng makabagong
teknolohiya
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon
ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng
paggamit ng teknolohiya. Ang kaalaman sa
tamang paggamit ng mga pataba, pamuksa sa
insekto at makabagong teknolohiya o
pamamaraan sa pagtatanim ay magiging kapaki-
pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking
populasyon at demand ng produkto. Ang paggamit
ng makabagong pamamaraan sa pagsasaka ay
makapagpapabilis at makapagpapataas ng
produksiyon.
https://bit.ly/3EMAaqT
3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura
Isa ito sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan. Maraming liblib na lugar sa
bansa ang walang maayos na pasilidad at imprastruktura. Ang mga magsasaka ay
naghahangad ng maayos na daan o “farm-to-market road” para sa mabilis na transportasyon
ng kanilang mga produkto.
4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sector
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay nagtutulak upang higit na maging
matatag ang agrikultura. Kinakailangan ng suporta ng ibang sektor. Halimbawa, ang Land
Bank of the Philippines ay partikular na nakatutulong sa pamamagitan ng pagpapautang sa
mga magsasaka para matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng
gastusin sa abono, binhi, atbp.
5. Pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya
Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Haibo at Briones (2005) ay
ang nagging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay proteksiyon sa mga favored import sa
pandaigdigang pamilihan. Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina
sa agrikultura. Mas binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga
ang industriya.
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
Maraming magsasaka ang nahihirapang makipagsabayan sa presyo ng mga murang
produkto mula sa ibang bansa. Dahil dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto
at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga
subdibisyon.
7. Climate Change
Malaking banta sa sektor ng agrikultura ang pagbabago ng klima ng bansa. Dahil dito,
naapektuhan ang produksiyon ng mga magsasaka.

B. PANGISDAAN
1. Mapanirang operasyon ng malalaking
komersiyal na mangingisda.
Mula sa aklat nina Balitao et. al. (2012), ang
malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa
paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa
mga korales. Bunga ito ng pamamaraang tinatawag
na thrawl fishing na kung saan ang mga
mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na
may pabigat. Dahil dito, pati ang mga korales na https://bit.ly/3nV7Dc0
nagsisilbing itlugan at pamahayan ng mga isda ay
nasisira.
2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.
Ang mga kemikal at basura ay ilan sa mga pangunahing sanhi sa pagkasira ng mga
anyong-tubig na nagreresulta ng mababang bilang ng nahuhuling isda.
3. Lumalaking populasyon sa bansa.
Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay nangangahulugan ng malaking pagkunsumo
sa mga yamang-tubig.
4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
Dahil sa mababang kita, nahihikayat ang mga ito na lumipat sa ibang sector tulad ng
industriya at paggawa. Bumababa ang suplay ng produkto dahil sa pagbaba ng bilang ng
mga mangingisda.
C. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan.
Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay nagdudulot ng mabilis
na pagkaubos ng mga likas na yaman. Ilan sa mga ito ay ang mga punongkahoy at mineral.
Ang mga sumusunod ay ilan sa epekto ng suliraning ito.

 pagbawas sa suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya.


 pagkawala sa tirahan ng mga hayop
 pagbaha na sumisira sa libo-libong ektarya ng pananim taon-taon.
 pagkaubos ng suplay ng tubig sa mga watershed na ginagamit sa irigasyon ng mga
sakahan.
 pagguho ng lupa dulot ng pagkakalbo ng kagubatan

II. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


MULA SA MELC

Nasusuri ang mgadahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura.(AP9MSP-IVd-7)

Tiyak na Layunin

1. Naiisa-isa ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura, ang mga dahilan at
epekto nito.

III. MGA GAWAIN


Gawain 1: Cause and Effect
Panuto: Punuan ang talahanayan sa ibaba ng mga hinihinging impormasyon.

Sub-sektor ng
Suliranin Dahilan Epekto
Agrikultura
1. Pagsasaka

2. Pangingisda

3. Paggugubat
Gawain 2: Panawagan ko!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong panawagan sa kapwa mo mag-aaral para
maiwasan ang mga suliranin sa sektor ng agrikultura?
2. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong magpatupad ng isang proyekto para
mapangalagaan ang sektor ng agrikultura, ano ang pamagat at layunin ng iyong
proyekto?

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS


Pamantayan Puntos
Malinawnanailahad ang konsepto. 5
Organisado ang ideya. 5
Tugma at konektado ang mgadetalye. 5
Kabuoan 15

V. MGA SANGGUNIAN
AP 9 Learning Activity Sheet #4 Development Team

Writer:
Website ANNA ROSE P. SABIT T-I, Lower Binogsacan National High School
Content Editors: LOLITO
 https://bit.ly/3GCKvWX N. MOISES T-III, Lower Binogsacan National High School
NILO
 https://bit.ly/34nKE3L L. MAYOR MT-II, Anislag National High School
VIVIAN N. PANGAN
 https://bit.ly/3ozaTuY MT-I, Malabog National High School
Language
Aklat Editors: NICK P. AZAÑA P1, Villahermosa High School
ALEJO SAN M. RONTAS
 EkonomiksAralingPanlipunanModyul Para sa P1, Jovellar High Pasig:
Mag-aaral. School Vibal Group Inc,
ROY L. NIPAS P1, Camalig National
Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo High D.
School
De Guzman,
Lay-outJuanito
Artists:
L. LUmibao LYMUEL
Jr., AlexC.P.SANCHEZ T-III, Tiwi Agro-Industrial School
Mateo at Irene Mondejar.
 Ekonomiks Para EUME REY N. NAZ
saKaunlaran, Vibal Group Inc,T-III,
Mark Bariw National
Joseph High School
Z. Arisgado at David Jensen
Education Program
G. Rosario Jr. MYRNA LYNNE G. BUENO Schools Division Office of Albay
Supervisor

You might also like