You are on page 1of 9

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan- Ika-4 Linggo


Pilyego ng mga Gawaing
Pampagkatuto

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura


Manunulat: ARLYN M. AYAG
Paaralan: Jabonga National High School
Distrito: Jabonga -1
email address: arlyn.ayag@deped.gov.ph

Development Team
Writer: Arlyn M. Ayag
Validators: Shelden S. Espina, Elizalde S. Chavit,
Junel D. Lapinid, Mindalita S. Sodicta,
Ruby T. Ado, Ma. Christina A. Quidlat,
Lourdes L. Jamito

Reviewers: Rosell B. Abellana, Avelina C. Duquesa,


Bernie R. Pamplona, Junel M. Anino
Illustrator: Neil J. Arado
Management Team: SDS Romeo O. Aprovechar, CESO V
ASDS Love Emma A. Sudario
CID Chief Rayfrocina T. Abao
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________ Seksyon:_________
Paaralan: ________________________________________________
Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Baitang: 9
Kwarter: IKAAPAT
Kasanayan sa Pampagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng
sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat.
Koda:
Linggo: Hunyo 7-11, 2021 (Ikaapat na Linggo)
Pamagat ng mga Gawain:
Gawain 1: Ikahon Mo!
Gawain 2: Buuin ang mga graphic organizer
Gawain 3: Ihayag Mo!

Mga Kagamitan: papel, ballpen, aklat


Mga Layunin:
1. Nakapagsusuri sa mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng
agrikultura at makapagpapaliwanag nito;
2. Nakapagtatalakay sa mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor
ng
pangingisda, at paggugubat at magbigay ng halimbawa sa ngayong
pangyayari; at
3. Nakapagbibigay ng pinakamabigat na mga epekto ng suliranin ng
sektor
ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat.
Aralin:

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

May mga suliranin na kinakaharap ang sektor ng agrikultura na nakaaapekto sa


produktibidad ng buong sektor. Malaki ang papel ng pamahalaan sa paglutas ng mga
problemang ito. Nagmula sa sektor na ito ang malaking kontribusyon ng agrikultura sa
ating pambansang ekonomiya. Ilan sa kadahilan ay ang sumusunod:

❖ A. PAGSASAKA
1. Pagliit ng lupang pansakahan
Nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka ang
patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at

PAGE \* MERGEFORMAT 6
industriya. Dahil dito, kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo
ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na
paglobo ng populasyon ng bansa. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion
o pagpapaliit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan
na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat)
ng mga hayop at halaman (Adler, 2002). Kung hindi magkakaisa ang
mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating
kapaligiran,
ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga
suliranin.

2. Pagggamit ng teknolohiya
Higit na makakamit ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng
lupa sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Magiging kapaki-
pakinabang lalo na sa hamon ng lumalaking populasyon ang makabagong
kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong
teknolohiya sa pagtatanim. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang
kakulangan ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na
magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa isang polisiya na
nagbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating
agrikultura na dapat matugunan.

3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran


Ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating
mga magsasaka ay isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ng
ating pamahalaan. Isa ito sa mga nakita nina Dy (2005) at Habito at
Bautista (2005) batay sa isinulat nina Habito at Briones (2005) na
kinakailangang matugunan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and
Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa
maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito. Ang
pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang kaugnay na
proyektong nagkakahalaga ng 8.3 B sa panahon ng panunugkulan ni
Pangulong Benigno S. Aquino. May kabuuang 1,147 na pamayanan ang
naikonekta sa mga pagunahing daanan mula noong 2011.

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor


Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang
higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435,
ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang
diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura.
Ang batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang
maaaring hindi kayanin ng departamento nang mag-isa. Ang suliranin sa
irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon, at edukasyon ay mga
tungkulin na maibibigay ng mga ahensyang ang pangunahing
responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit.

5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya


Ayon kina Habito at Briones (2005) ang naging prayoridad ng
pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa
pandaigdigang pamilihan ay ang isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng

PAGE \* MERGEFORMAT 6
agrikultura. Binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon ang
industriya. Dahil dito nawawalan ng mga mangagawa at mamumuhunan sa
sektor ng agrikultura.

6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal


Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa
dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang
nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa
ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade
Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga produktong
mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang
naapektuhan at ipinagbili ang kanilang lupa upang maging bahagi ng mga
subdibisyon.

7. Climate Change
Ang epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad
ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013.
Milyon-milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal
na mga gamit. Kung nagkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga
dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo ay maaaring
mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo.

❖ B. PANGISDAAN
1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda.
Ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga
isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales ayon sa aklat nina Balitao
et al (2012). Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang
mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito
ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan. Dahil dito,
nasisira ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda.
Sinusugan ito ni Michael Alessi (2002) na nagsabi na sa kabila ng mga
polisiya sa Pilipinas.

2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan


Ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila bay dahil sa mga
polusyon na nagmumula sa mga tahanan ay binanggit din sa aklat nina
Balitao et al (2012). Ang mga pataba na gamit sa pagtatanim, mga kemikal
na mula sa mga pabrika, mga dumi ng tao, mga kemikal sa mga abono sa
pagtatanim at mga kemikal mula sa mga pabrika na pumapatay sa mga
anyong-tubig ng bansa. Ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan dahil sa
polusyon.

3. Lumalaking populasyon sa bansa


Nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa ang
patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino. Maaaring
maganap ang sapantaha ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki ng
populasyon ay maaaring magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay
kakulangan sa pagkain kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad.

PAGE \* MERGEFORMAT 6
4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
Isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap ay ang mga
magsasaka at mangingisda. Sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos
sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert (2013), hindi kataka-taka na sa lahat
ng sektor, ang mga mangingisda (41.4%) at magsasaka (36.7%) ang may
pinakamataas na poverty incidence noong 2019.

C. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan
Ang ating mga likas na yaman ay mabilis na nauubos dahil sa mga
pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga
troso at mineral.
a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na
ginagamit ng mga industriya.
b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga
hayop
kaya hindi sila makapagparami.
c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong
ektaryang
pananim taon-taon.
d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng
tubig
na gingamit sa irigasyon ng mga sakahan.
e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng
lupa.
Dahil ito sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang
lupa.

Pamamaraan:

Gawain 1: Ikahon Mo!


Basahin, unawain at isulat sa kahon ang tinutukoy sa bawat pangungusap.

mangingisda conversion World Trade Organization


thrawl fishing pagkaubos ng kagubatan Agrikultura
paglaki ng populasyon Batas Republika 8435
Climate Change Batas Republika 9435

1. Isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap at nabibilang sa


mga pangkat ng hikahos.
2. Pagpapaliit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging
pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan.
3. Ang batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming
pangangailangang

PAGE \* MERGEFORMAT 6
maaaring hindi kayanin ng departamento nang mag-isa.
4. Dahil dito, nasisira ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay
ng
mga isda.
5. Madaling makapasok ang mga produktong mula sa miyembro nito
dulot
ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
6. Suliranin na nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo.

7. Ayon sa sapantaha ni Tomas Makthus, ang suliranin na ito ay


maaaring magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa
pagkain.
8. Nagmula sa sektor na ito ang may malaki na kontribusyon sa ating
pambansang ekonomiya.
9. Nagiging sanhi ito ng pagbaha na sumisira sa ibo-libong ektaryang
pananim at nagdudulot din ng pagguho ng lupa.
10. Dahil dito, nabawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na
ginagamit ng mga industriya.

Gawain 2: Buuin ang mga graphic organizer

1. Itala ang mga Suliranin ng Sektor ng Agrikultura gamit ang graphic organizer.

Pagsasaka

Suliranin sa
Sektor ng
Agrikultura
Pangisdaan

Paggugubat

2. Buuin ang graphic organizer tungkol sa mga dahilan at epekto ng suliranin ng


Agrikultura.

PAGE \* MERGEFORMAT 6
Mga dahilan Mga epekto

Gawain 3: Ihayag Mo!


Panuto: Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na tanong. Gawing gabay ang rubriks sa
ibaba.
1. Ang mga yamang tubig at yamang lupa ay naaapektuhan dahil sa polusyon,
bilang
mag-aaral ano ang iyong maitutulong sa epekto ng polusyon sa ating ekonomiya?

_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

2. Sa kalagayan ng agrikuktura sa ekonomiya ng ating bansa, ano-ano ang mga


solusyong ibinabahagi ng ating pamahalaan upang matugunan ang mga epekto nito?

_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

Mga 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos Kabuuang


Rubrics puntos
Nilalaman Naglalaman ng Naglalaman Naglalaman ng Kulang sa
komprehensibo , ng tumpak at tumpak na pagpapakita ng
tumpak at kalidad kalidad ng paglalarawan ng kahusayan sa
na pagkuha ng pagsaysay ng impormasyon akmang pagsaysay
impormasyon impormasyon ng impormasyon
Malikhain Napakaganda at Maganda at Maganda ang Hindi malinaw ang
malinaw ang malinaw ang pagkasulat pagkasulat
pagkasulat pagkasulat

Konseptong Natutunan:
Bilang mag-aaral, ano ang iyong maiaambag upang matugunan ang mga suliranin
at epekto ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?

Sanggunian:
Ekonomiks: Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, Yunit IV Aralin 2, pahina 370-
378,
Ekonomiks: Mga konsepto at Aplikasyon , Yunit III Aralin 25, pahina -323-326.

Susi ng Pagwawasto:
Susi sa Pagwawasto: Gawain 2: Graphic Organizer
Gawain 1: Ikahon Mo!
Maaring magkaiba-iba ang sagot
Mangingisda PAGE \* MERGEFORMAT 6
Conversuon
Batas Republika 8435
Thrawl fishing Gawain 3: Ihayag Mo
__

PAGE \* MERGEFORMAT 6

You might also like