You are on page 1of 5

ST.

ALOYSIUS GONZAGA PAROCHIAL SCHOOL

GUINAYANGAN, QUEZON

Quarter 4 - Modyul 2
Grade 9-LOVE
Inihanda ni: Bb. Anna Rose L. Balmes

Pangalan:
Petsa:

1
Nilalaman
Modyul 2: Ang Pampublikong Sektor

Layunin/Objectives
1. Nasasagot ang mga katanungan na may kinalaman sa pampublikong sektor
2. Napaghahambing ang mga buwis na ipinapataw sa lahat
3. Naipaliliwanag ang TRAIN LAW na may kaugnayan sa pampublikong sector

Lunsaran/Engage
Magandang araw Grade 9! Maligayang pagbabalik sa ating talakayan sa Araling Panlipunan sa
linggong ito. Sa nagdaang linggo ay ating tinalakay ang “Ang Sektor ng Pananalapi”.
Halina’t ating simulan ang ating talakayan.
Mga Bumubuo sa Pampublikong Sektor ng Pilipinas (pahina 276-277)
Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), ang pampublikong sector ng Pilipinas ay
binubuo ng pambansang pamahalaan, mga lokal na yunit ng pamahalaan, at mga korporasyong pagmamay-ari o
kontrolado ng pamahalan (government-owned or controlled corporations – GOCCs), kasama na ang mga
institusyong pinansiyal na pagmamay-ari ng pamahalaan. Kinikilala ng batikang ekonomistang si John Maynard
Keynes ang pamahalaan bilang pangunahing sector ng ekonomiya. Ayon kay Keynes ang pamahalaan ang
kanyang patakaran sa pagbuwis at paggugol upang maisaayos ang daloy ng pera sa sirkulasyon at mapatatag
ang pamilihan. Ang pilosopiyang ito ay bahagi ng konseptong “Keynesian economics”
Ang Kahalagahan ng Pampublikong Sektor (pahina 277-278)
Sa lahat ng institusyon ng pambansang ekonomiya ng Pilipinas, ang pamahalaan ang pinakamalaking
magkonsumo. Sa talahanayan 15.1 sa pahina 277 makikita kung gaano kalaki ang ambag ng pamahalaan sa
kabuoang paggugol para sa domestikong produksiyon (Gross Domestic Expenditures) ng bans amula 2016-
2017.
Ang pamahalaan ang natatanging institusyon sa bansa na may pinakamaraming manggagawa. Noong
2010, humigit-kumulang 1.410 milyon ang kawani ng pamahalaan ng Pilipinas. Walumpu’t siyam na bahagdan
(89%) sa kanila ay career employees at ang nalalabing bahagdan (11%) ay non career employees/
Kung Bakit may Pakikialam ang Pamahalaan sa Ekonomiya (pahina 278-279)
Sa Pilipinas may pakikialam din sa ekonomiya ang pamahalaan. Ito ay may dahilan.
1. Ang pamahalaan ang siyang naghahatid ng mga produkto o serbisyong pampubliko. Halimbawa nito ay
ang mga tulay, kalsada, ospital, paaralan, at seguridad. Ang pampublikong produkto ay para sa buong
sambayanan. Ito ay maaaring matamasa o gamitin ninuman nang walang diskriminasyon.
2. Kinakailangang ibahagi ng pamahalaan ang pambansang kita. Karamihan sa mga Pilipino ay mahirap at
gitnang-uri. Iilan lamang ang mayaman, subalit sila ang kumokontrol sa malaking bahagdan ng
pinagkukunang-yaman ng bansa. Halimbawa, hindi lahat ng magulang ay may kakayahang pag-aralin
ang kanilang ang kanilang mga anak. Dahil sa libreng sa libreng edukasyon sa mga pampublikong
paaralan ay nakapag-aral ang mahihirap na kabataang Pilipino.
3. Kinakailangang tugunan ng pamahalaan ang mga negative externality. Ang ay ang masamang epekto
ngg alinmang aktibidad sa ekonomiya sa ibang tao, kahit na wala naman silang kinalaman
dito.Halimbawa, kadalasan ay hindi sinasagot ng mga negosyo ang epekto ng polusyon sa kapaligiran na
nililikha ng kanilang pabrika. Kadalasan din ang pamahalaan ang bumabalikat sa gastusin upang linisin
ang hangin at ang mga daluyan ng tubig, hakutin ang mga basura, at gamutin ang mga maysakit. Ito ang
dahilan kung bakit may mga ahensiyang tulad ng Metropolitan Manila Development Authority
(MMDA) at ang Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health o DOH).
Mga Pinagkukunang-Pondo ng Pamahalaan (pahina 279-281)
Para umunlad ang bansa, kinakailangang may sapat na pondo ang pamahalaan. Ang pangunahing
pinagkukunan nito ng pondo ay buwis. Ang buwis ay bahagi ng kita ng tao at negosyo na ibinabayad sa
pamahalaan. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue o BIR) at ang Kawanihan ng

2
Adwana (Bureau of Customs o BoC) ang mga ahensiya sa pagbubuwis ng pamahalaan. Kumokolekta ng buwis
ang BIR s akita at pagkokonsumo ng bansa. Ang iba pang buwis na binabayaran sa pamahalaan ay ang stamp
taxes at community taxes.
Ang pamahalaan ay may iba pang pinagkukunan ng pondo. Halimbawa nito ay ang kita ng mga
korporasyong pagmamay-ari o kontrolado ng estado. Kasama rin dito ang mga utang ng pamahalaan sa
ibayong-dagat at ang mga donasyong pinansiyal mula sa ibang bansa. Ipinapakita sa talahanayan 15.2 sa pahina
280 ang pinagkukunan ng kita ng Pilipinas mula sa 2010 hanggang 2015.
Mga Klasipikasyon ng Buwis (pahina 281-282)
Direktang Buwis
1. Buwis sa Personal na Kita (Personal Income Tax)
2. Buwis sa Kita ng mga Korporasyon (Corporate Income Tax)
3. Buwis sa Ari-arian (Property Taxes)
4. Buwis sa Paglilipat ng Yaman (Estate and Gift Taxes)
Hindi Direktang Buwis
1. Value-Added Tax
2. Tariffs o Duties
3. Excise Tax
Makikita sa talahanayan15.3 ang Progresibong Buwis, Proporsiyonadong Buwis, at Regresibong Buwis sa
pahina 282.
Ang Paggugol ng Pamahalaan (283-288)
Nahahati sa iba’t ibang programa ang paggugol ng pamahalaan. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Panlipunang paglilingkod (social services)
2. Ekonomikong paglilingkod (economic services)
3. Depensa (defense)
4. Pangkalahatang pampublikong paglilingkod (general public services)
5. Pambayad utang (debt servicing-interest payments)
6. Net lending
Makikita sa pigura 15.1 at pigura 15.2 ang Government Expenditure Program at National Government
Expenditures by Economic Classification sa pahina 284-285. Makikita naman sa talahanayan 15.4 sa pahina
286-287 ang National Government Cash Budget 2006-2007.
Ipagpatuloy mo ang pagtuklas sa Pambublikong Sektor , buksan mo ang iyong aklat sa pahina 288-292 at
tunghayan ang “Ang Paghahanda ng Pambansang Badyet”, “Balanced Budget Kontra Deficit Spending”,
“Mga Alternatibong Paraanng Pagpuno sa Kakulangan ng Pambansang Badyet”, Ang Pamahalaan Bilang
Economic Stabilizer”.

(Paalala: Ugaliin ang pagbabasa ng aklat, upang mas malawak na kaalaman ang iyong
makuha)

Gawain/Activity
Gawain 1
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_______________________1. Buwis na ipinapataw sa paglilipat ng o pagpapamana ng yaman.
_______________________2. Buwis sa mga espesipikong produkto tulad ng sigarilyo at alak.
_______________________3. Buwis na ipinapataw sa mga ari-arian tulad ng lupa, bahay, at gusali.
_______________________4. Ito ay buwis sa pagkonsumo ng mga produkto.
_______________________5. Buwis sa produktong inangkat.
_______________________6. Ito ay buwis na ipinapataw s akita ng mga negosyo na klasipikadong
korporasyon.
_______________________7. Ito ay buwis na ipinapataw sa personal n akita ng mga indibidwal.

3
_______________________8. Tumutukoy ito sa perang napupunta sa pagbayad ng utang ng mga korporasyong
ginagarantiyahan ng pamahalaan.
_______________________9. Ang pinaka-ideyal sa lahat ng kalakaran ng paggugol ng pamahalaan.
Nangyayari ito kapag ang kabuoang ginastos ng pamahalaan sa loob ng isang
taon ay katumbas ng pambansang badyet sa taong nabanggit.
_______________________10. Siya ang ekonomistang kumilala sa pamahalaan bilang pangunahing sector ng
ekonomiya.

Gawain 2
Ibigay ang pagkakaiba sa pagitan ng:
1. Deficit spending at surplus spending
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Estate tax at gift tax

3. Direct tax at indirect tax
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Progressive Tax at regressive tax
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pagninilay/Reflection
Ano ang pinakamalaking gampanin ng pamahalaan upang patuloy na matugunan ang ekonomiya ng bansa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Paglalapat/Transfer
Puntahan ang website ng Bureau of Internal Revenue (www.bir.gov.ph) at alamin ang sumusunod na
impormasyon tungkol sa Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) law (R.A. 10965).
Kung walang load ay maaari na magtanong ka sa nakatatandang kasama sa bahay o sa balita sa TV na iyong
napanood. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na tanong.
a. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinasa ang TRAIN LAW?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
b. Paano mapabibilis ng batas ang pag-unlad sa pambansang ekonomiya?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
c. Bakit Insklusibo ang konsepto ng batas?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
d. Paano ito makatutulong sa ekonomikong katayuan ng mga mahihirap?

4
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

You might also like