You are on page 1of 11

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 9
Patakarang Piskal
Ikatlong Markahan – Ikaanim na Linggo

Jocelyn R. Horique
Manunulat

Grace B. Columbino
Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Ang aralin na ito ay tutuklas sa inyong kaalaman tungkol sa patakarang piskal
ng bansa at kung paano mo maaring gamitin ang iyong personal na karanasan o
kaalaman bilang bayatan sa pagsagot sa mga Gawain.

. Paksa 1 – Patakarang Piskal, Layunin at Pamamaraan nito


. Paksa 2 - Ang Badget at Kalakaran ng Paggasta ng Pamahalaan
. Paksa 3 - Mahalagang papel na ginagampanan ng Patakarang Piskal

Matapos mong mabasa ang aralin na ito, inaasahang maisasakatuparan mo


ang mga sumusunod:
1. Nasusuri ang Layunin at Pamamaraan ng Patakarang Piskal. Melc Q3 W6
2. Naipaliliwanag ang tungkol sa badyet at kalakaran ng paggasta ng
pamahalaan.
3. Nakapagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng pamahalaan sa
Patakarang Piskal.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan


ang letra ng pinakatamang kasagutan.
1. Ito ay isinasagawa upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
a. Expansionary fiscal policy c. contractionary fiscal policy
b. Pagbabadyet d. pagbubuwis
2. Ang ipinatutupad ng Pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang
pangkalahatang presyo sa ekonomiya.
a. Expansionary fiscal policy c. contractionary fiscal policy
b. Pagbabadyet d. pagbubuwis
3. Ang nakalaang halaga para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo upang
maayos na maisagawa ang mga gawaing pampamahalaan.
a. Current operating expenditures c. capital outlay
b. Net lending d. expansionary
4. Ang nagsisilbing panustos para sa pagbili ng mga produkto o serbisyo na
magiging kapakipakinabang sa loob ng maraming taon.
a. Current expenditures c. capital outlay
b. Net lending d. expansionary
5. Ang nagiging paunang bayad ng Gobyerno para sa mga utang nito.
a. Currents expenditures c. capital outlay
b. Net lending d. expansionary
6. Ekonomistang nagpahayag na may malaking papel na ginagampanan ang
Pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya.
a. Adam Smith c. John Maynard Keynes
b. Gerardo Sicat d. Lloyd Reynolds
7. Tumutukoy sa behavior o pag –uugali ng Pamahalaan patungkol sa paggasta
at pagbubuwis nito.

2
a. Patakarang Piskal c. Pagbabadyet
b. Pagbubuwis d. Pangongontrata
8. Ang salaping nalilikom mula sa mga mamamayan at mga kompanya na
nagsisilbing pondo ng Pamahalaan.
a. Buwis c. pondo
b. Savings d. kita
9. Nagaganap kapag mas maliit ang gastos ng Pamahalaan, kaysa sa pondo ng
pamahalaan
a. Budget surplus c. budget deficit
b. Net lending d. capital outlay
10.Ang nagaganap kapag mas malaki ang gastos ng Pamahalaan kaysa sa
Pondo nito.
a. Budget surplus c. budget deficit
b. Net lending d. capital outlay
11. Kagawaran o ahensya na nangangalaga sa paglilikom ng buwis;
a. Bureau of food and drugs c. Department of energy
b. Bureau of internal revenue d. department of finance
12. May malaking gampananin upang mapanatili ang Kaayusan ng ekonomiya.
a. Pamahalaan c. Depatment of justice
b. Paaralan d. mha kompanya
13.Uri ng buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay kalakal
a. withholding tax c. value added tax
b. excise tax d. sales tax
14.Uri ng buwis na ipinapataw upang mabawasan ang kalabisan ng isang
Gawain o negosyo.
a. Withholding tax c. value added tax
b. Excise tax d. sales tax
15. Buwis na ipinapataw sa kalakal at paglilingkod;
a. withholding tax c. value added tax
b. excise tax d. sales tax

Gawain 1: I SHADE MO!

Panuto: Kulayan ng DILAW ang mga salitang matatagpuan buhat sa puzzle na


naayon sa inilalahad ng pangungusap.

1. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang bumababa ang halaga ng


salapi.
2. Ang mga negosyanteng may malakas na loob na mamuhunan.
3. Tumutukoy sa pagbili ng maramihan.
4. Ang mga taong bumibili ng paisa isa lamang.
5. Ang pag-angkat ng mga produkto o serbisyo ng bansa.

3
I M P L A S Y O N
M T R W O P O K O
P O E H R E Y E N
O Y T O O C O Y E
R K A L K U T T O
T O I E O L I O T
O M L S R A K I I
K N E A E T T N K
S O R L O O O T O
O R E E L R K O R

Gawain 2 : I MATCH MO MAN !

Panuto: Piliin sa hanay B ang tamang letra na angkop sa hanay A.


Isulat ang letra sa patlang.

HANAY A HANAY B
____1. Mga iniluluwas na produkto a. sinusukat ang pagbabago ng presyo
____2. Producer Price Index b. pinagmumulan ng kita ng Pamahalaan
____3. GNP implicit price index c. Wholesale
____4. Consumer price index d. GNP deflator
____5. Buwis e. sinusukat ang pagbabgo ng presyo

Ang Patakarang Piskal ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan


patungkol sa gastusin at pagbubuwis ng pamahalaan, mula ito sa aklat nina Case,
Fair at Oster taong 2012. Ito rin ay isa sa mga polisiya ng pagbabadyet ayon sa
aklat ni Balitao et.al (2014). Tumutukoy ito sa paggamit ng pamahalaan sa
pagbubuwis at paggasta upang mabago ang paggalaw ng ekonomiya. Sinasabi ni
John Maynard Keynes, ang Pamahalaan ay may malaking ginagampanang papel
upang mapanatili ang kaayusan ng kabuhayan. Ang gampananin ng Pamahalaan
ay magtakda ng mga patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad at
matiwasay na ekonomiya. Nakakatulong din ang paraan ng paghahanda ng badyet
ng Pamahalaan upang mapaglaanan ng tamang alokasyon ang bawat kagawaran at
sector ng bansa. Apmodyul9 ,pah.289-296.
May dalawang paraan na ginagamit ang Pamahalaan sa ilalim ng Patakarang
Piskal upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa
kabuhayan ng bansa.
1. Expansionary Fiscal Policy. Ito ay isinasagawa ng Pamahalaan upang
mapasigla ang matamlay na kabuhayan ng bansa. Karaniwang isinasagawa
ito sa pamamagitan ng paggastos sa mga proyektong pampamahalaan o
pagpapababa sa buwis lalo na sa panahon na ang pribadong sector ay
mahina. Sa bawat gastos ng pamahalaan, nagdudulot ito ng mas malaking

4
gastos sa buong kabuhayan kung kayat maasahan ang mas malaking
kabuuang kita para sa bansa.
2. Contractionary Fiscal Policy. Ipinatutupad naman ito ng Pamahalaan
kung nasa bingit ng pagtaas ng pangkalahatang presyo sa kabuhayan.
Karaniwang nagaganap ito kung lubhang masigla ang kabuhayan na
maaring magdulot ng overhealed economy na mayroong mataas na output at
employment.
Ang expenditure program ay tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na
gastusing nararapat upang matugunan ang mga pananagutan o obligasyon ng
pamamahala sa loob ng isang taon. Nahahati ito sa tatlo
1. Current operating procedures- ito ang nakalaang halaga para sa pagbili ng
mga produkto at serbisyo upang maayos na maisagawa ang mga gawaing
pampamahalaan sa loob ng isang taon.
2. Capital Outlays- ito ang panustos sa pagbili ng ng mga produkto at serbisyo
kung saan ang kapakinabangang makukuha mula rito ay maaaring
magamit sa maraming taon.
3. Net Lending-ito ang paunang bayad ng Pamahalaan para sa mga utang nito

Gawain 3: FILL IN THE TABLE!


Panuto. Talaan ang talahanayan ng halaga nasa tingin ninyo ay dapat maging
pondo ng mga sumusunod na sector na may kabuuang 3,800.8 bilyong piso
MGA SEKTOR HALAGA O PONDO AYON SA BILYONG
PISO
EdukasyoKagawaran ng edukasyon
KalusuganKagawaran ng kalusugan
Social SerTanggulang pambansa
AgrikulturSocial Sevices
TanggulanAgrikultura

Mga Gabay na Tanong

1. Batay sa inyong nagawa, aling sector ang nilagyan ninyo ng malaking


pondo? Bakit?
2. Paano kaya natin mapatataas ang pondo ng bawat sector ng Pamahalaan?

5
Gawain 4: I KONEK MO!
Panuto: Unawain at pag-aralan ang larawan.

https://www.google.com/search?tbs=sbi:AMhZZitQCxE_17GFzrRgRc1-
XBRKLCsBv3STxmxpibNU4IgLxz4jm1yKMfdigJKCzCwt1zHbndvMvqx873LNogWVv4lcpJgF6FsksSoExslGhEcHO2OhEsgyZ06wdCJC6z7h7TdFdD
aK7_1mESpMUUSrrhRPv_1a-oJP295PPOpFI2PJUnD2Kwi7Hf9SXZHmB78iBqI22foonx0ICfLPQEser5_1jNbQxCQ5JtaJB-EO_18cpqHH4pYHP-
Cz4q5iPTg5UKEah6ueV4nzjz9RWT0HSvhazSR8ULgaF6Cn2KjznMLCzxuyZxbqbVOS4mDWmvxFbUbfdQJoU8uFm&btnG=Search%20by%20im
age&hl=en-PH

Mga Gabay na Tanong

1. Mula sa nakikita ninyong larawan, mula saan kaya nagmumula ang mga
gawaing pang ekonomiya?
2. Sa palagay ninyo ,anu-anong pamamaraan ang maaring gamitin ng
Pamahalaan upang mapangasiwaan ang pondo ng at mapangalagaan ang
ekonomiya ng bansa?
3. Bakit kaya kailangang dapat lagyan ng pondo ang mga kagawaran ng bansa?
4. Anong kagawaran kaya ang dapat kailangang bigyan ng malaking
pondo?Bakit?

6
Gawain 5: LET’S HAVE SOME PIE!

Mga Gabay na Tanong:


1. Mula sa nakikita ninyong pie graph? Alin ang may pinakamalaking bahagi?
2. Bakit kaya nasa Social Services napunta ang malaking pondo?
3. Sa palagay ninyo makatwiran ba ang nakalaang porsiyento na naibigay
Sa Defense o depensa na sektor? Bakit?
4.

Ang Patakarang Piskal ay isa sa mga patakaran na ginagamit ng


Pamahalaan kaugnay sa gastusin at ginagawang pagbubuwis nito. May dalawang
paraan na ginagamit ang Pamahalaan sa ilalim ng Patakarang Piskal, ito ay ang
expansionary at contractionary fiscal policy.Mahalaga ito upang maisaayos ang
ekonomiya ng bansa. Ang pagbubuwis ang may malaking bahagi upang
maisakatuparan ang gawaing pang ekonomiya.

Gawain 6: I REFLECT MO!

Panuto: Gumawa ng isang Slogan patungkol sa “BUWIS MO, BAYARAN MO!”


Isulat ito sa sarili mong kwaderno.

Mga Gabay na tanong:


1. Habang ginagawa moa ng sariling slogan ,ano ang pumasok sa iyong isipan
na pagpapahalaga?
2. Mahalaga ba na maghigpit ang Pamahalaan sa paniningil ng pagbabayad ng
buwis? Bakit?

7
Gawain 7: ISULONG MO , PROYEKTO AT PROGRAMA KO!

Tayo ay naninirahan sa isang Lungsod na pinamumunuan ng ating lokal


na opisyal o Local Government Unit, mula sa Alkalde, Mga konsehal at Kapitan ng
Barangay. Sumulat ng lima at ibat-ibang proyekto o programa na ipinatutupad sa
inyong lugar o barangay. Itala ito sa talahanayan sa ibaba.

MGA PROYEKTO o PROGRAMA


1.
2.
3.
4.
5.

Mga Gabay na Tanong

1. Sa mga naisulat ninyong halimbawa ng proyekto o programa, patungkol


saan ang kadalasang ginagawang proyekto at programa? Bakit?
2. Napaglalaanan ba ng pondo ang bawat proyekto at programa?
3. Saan nanggagaling ang inilaang pondo sa proyekto at programa?

4.

Subukin natin ang inyong natutunan sa araling ito.


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Punan ang patlang ng
tamang kasagutan.

_______________ 1. Uri ng buwis na ipinapataw upang mabawasan ang kalabisan


ng isang Gawain o negosyo.

_______________ 2. Buwis na ipinapataw sa kalakal at paglilingkod;

_______________ 3. Kagawaran o ahensya na nangangalaga sa paglilikom ng buwis;

_______________ 4..Ito ang may malaking papel na ginagampanan upang


mapanatili ang Kaayusan ng ekonomiya.

_______________ 5. Uri ng buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o

8
bahay kalakal
_______________ 6. Ito ay isinasagawa upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya ng bansa.

7. Ito ay ipinatutupad ng Pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas


__________________
Ng presyo.
____________ 8. Tumutukoy sa nakalaang halaga para sa pagbili ng mga
Produkto at serbisyo upang maayos na maisagawa ang mga gawaing Pamahalaan.

________________ 9. Ito ang nagsisilbing panustos para sa pagbili ng mga produkto


o serbisyo na magiging kapakipakinabang sa loob ng maraming taon.

________________10. Ito ang nagiging paunang bayad ng Gobyerno para sa mga


utang nito.
________________11. Ang ekonomistang nagpahayag na may malaking papel na
ginagampanan ang Pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya.

________________12. Ito ay tumutukoy sa behavior o pag –uugali ng Pamahalaan


patungkol sa paggasta at pagbubuwis nito.

________________ 13. Ito ay salaping nalilikom mula sa mga mamamayan at mga


kompanya na nagsisilbing pondo ng Pamahalaan.

________________ 14. Nagaganap ito kapag mas maliit ang gastos ng Pamahalaan,
kaysa sa pondo ng pamahalaan

________________ 15. Nagaganap din ito kapag mas malaki ang gastos ng
Pamahalaan kaysa sa Pondo nito.

9
Sanggunian
Ang Patakarang Piskal, pp289-303,Ekonomiks,Araling Panlipunan,Modyul Para sa
Mag-aaral,Vibal Group,Inc.DEPED-IMCS Unang Edisyon 2015
Google links
https://prezi.com/e1vu6c-1vx1z/patakarang-piskal/
https://www.coursehero.com/file/38785464/Aralin-18-Patakarang-Piskalpptx/
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-18-patakarang-piskal
https://prezi.com/e1vu6c-1vx1z/patakarang-piskal/
https://www.google.com/search?rlz=1C1CHBF_enPH864PH864&biw=1366&bih=6
25&sxsrf=ALeKk01m1fOYrs5vVjr5rQ-iomdyKFac-
Q:1588345482010&source=univ&tbm=isch&q=slogan+tungkol+sa+patakarang+pis
kal&sa=X&ved=2ahUKEwiWi_GB-JLpAhWENKYKHSgPC1MQsAR6BAg
KEAE
https://www.slideshare.net/biancadayola/patakarang-piskal-133097332

Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok
C 15. C 10. B 5.
B 14. A 9. C 4.
A 13. A 8. A 3.
B 12. A 7. C 2.
B 11. C 6. A 1.

Pang wakas na Pagsusulit

Budget Deficit 15.


Budget Surplus 14.
Buwis 13.
Patakarang Piskal 12.
John Maynard Keynes 11.
Net lending 10.
Capital outlay 9.
expenditures
Current operating 8.
Contractionary fiscal policy 7.
Expansionary fiscal policy 6.
Withholding tax 5.
Pamahalaan 4.
Bureau of internal revenue 3.
Value added tax 2.
Excise tax 1.

10
11

You might also like