You are on page 1of 17

A AN

AL LI
AH IB
I
M
PA B
NG N AG
R I
I PI
G
- AA
N D I DEPARTMENT OF EDUCATION
PA HI Region VII – Central Visayas
Schools Division of Mandaue City
Plaridel St., Mandaue City, Cebu

Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan – Modyul 2
PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Module na ito sa Araling Panlipunan ay


inihanda para sa mga mag-aaral upang matutuhan ang
mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pambansang
ekonomiya. Inaasahan na ang mag-aaral ay magkaroon ng
malalim na kaalaman kung “Paano makakatulong ang
pambansang ekonomiya sa pagbubuti ng antas ng
pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng
bansa? “

Nahahati sa tatlong bahagi ang Self-Learning Kit na ito:


A. Ano ang Nangyari?) ay bahagi na kung saan ay
sasagutin nila ang mga iba’t ibang gawain na hindi pa nila
lubusang nalalaman ang learning competency.
B. Ano ang Dapat Malaman? ay bahagi na kung saan ay
ipaliliwanag ang learning competency na nakapaloob dito.
C. Ano ang Natutunan? ay bahagi na kung saan ay
malalaman kung nahasa ang kanilang kaalaman sa learning
competency na naghihinuha ng mga sitwasyon kung saan
inilalapat ang mga natalakay na mga konsepto.
Ang mga gawain ay makapagpapatibay ng kanilang
kaalaman sa mga iba’t ibang kasanayan sa nasabing
learning competency na pwedeng gamitin at
makapagpapaunlad ng mga pang-araw-araw na
pamumuhay at ng sariling karanasan.

Ingatan at gamitin nang wasto ang SLM na ito.

2
Learning Competencies:

Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga


bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Layunin:

a. Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga aktor


sa paikot na daloy ng ekonomiya.
b. Nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mg bahaging
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.
c. Nakakagawa ng sariling modelo ng paikot na daloy ng
ekonomiya.

Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide Araling Panlipunan 9

I. ANO ANG NANGYARI?

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang pag-aaral kung natutugunan ba ng mga mamamayan ang
kanilang pangangailangan.
a. Daloy ng Ekonomiya c. Paikot na Daloy ng Ekonomiya
b. Pambansang Ekonomiya d. Daloy ng Pambansang Kita
2. Ang pag-aaral kung paano tutugunan ang mga kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paraan.
a. Ekonomiks c. Makroekonomiks
b. Maykroekonomiks d. Pambansang Ekonomiya

3
3. I. Ang maykroekonomiks ay ang pagsusuri sa maliit na yunit ng ekonomiya.
II. Ang makroekonomiks ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng
pambansang kita.
a. Tama, Tama c. Tama, Mali
b. Mali, Tama d. Mali, Mali
4. Sa paraang ito makikita ang ugnayan ng iba’t ibang bahagi ng ekonomiya
kabilang ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, pamilihang
pinansyal, at panlabas na seKtor.
a. Daloy ng Ekonomiya c. Paikot na Daloy ng Ekonomiya
b. Pambansang Ekonomiya d. Daloy ng Pambansang Kita
5. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan
at bahay-kalakal?
a. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital
sa mga bahay-kalakal.
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang
makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon
ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga aktor sa paikot na daloy
ng ekonomiya?
a. Sambahayan c. Pamahalaan
b. Bahay-kalakal d. Wala sa mga nabanggit.
7. Ang tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at
bahay-kalakal mula sa buwis na nakolekta nito.
a. Pamilihang Pinansyal c. Bahay-Kalakal
b. Pamahalaan d. Sambahayan
8. Ang tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkud.
a. Sambahayan c. Bahay-Kalakal
b. Pamahalaan d. Panlabas na Sektor
9. Ang nakikipag-uganyan sa bahay-kalakal at sambahayan sa pamamagitan
ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng produkto.
a. Pamilihang panlabas c. Bahay-kalakal
b. Pamilihang Pinansiya d. Sambahayan
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pamilihang pinansyal?
a. Pawnshop c. Palengke
b. Kooperatiba d. Stock Market
11. Ang mga sumusunod ay mga uri ng pamilihan sa paikot na daloy ng
ekonomiya maliban sa.
a. Pamilihan ng ma Salik ng Produksyon

4
b. Pamilihan ng mga Tapos na Produkto
c. Pamilihang Pampinansyal
d. Wala sa nabanggit.
12. Dito natutugunan ng bawat bansa ang kani-kanilang pangangailangan sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
a. Pamilihan ng Salik sa Produksiyon
b. Pamilihang Pinansiyal
c. Pamilihang ng mga Tapos na Produkto
d. Pamilihang Panlabas
13. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
b. Kita at gastusin ng pamahalaan
c. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
d. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
14. Kung ang kabuuang kita ni Grace ay Php20,000 at ang kanya namang
kabuuang gastusin ay Php15,000, magkano ang maari niyang ilaan para sa
pag-iimpok?
a. Php 3,000 c. Php 2,000
b. Php 5,000 d. Php 6,000
15. Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang
makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
a. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang
nagbabayad ng buwis.
b. Humingi ng resibo kung mamimili ng malaking tindahan tulad ng
department store.
c. Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa
wastong pagbayad ng buwis.
d. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax
evader.

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Balik-Aral

Ano ang ekonomiks?


• Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano tutugunan ang mga
kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paraan.

Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks?

5
Ekonomiks

Microeconomics Macroeconomics

Ø Ito ang pagsusuri sa Ø Ito ay larangan ng


maliit na yunit ng ekonomiks na pinag-
ekonomiya. aaralan ang gawi ng
Ø Ang maykroekonomiks kabuuang ekonomiya.
ay nakatuon sa desisyon Ø Ang makroekonomiks ay
ng bawat sambahayan nakasentro sa
at bahay-kalakal. komposisyon at galaw ng
pambansang kita.

Ang Pambansang Ekonomiya ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang


bansa. Ito ang pag-aaral kung natutugunan ba ng mga mamamayan ang
kanilang pangangailangan. Ang pagsusuri sa buong gawi ng lipunan ay isang
napakalawak na gawain. At upang mailarawan ang galaw ng buong ekonomiya
sa isang payak na kalagayan na maipapakikita sa pamamagitan ng paikot na
daloy ng produkto at serbisyo.

Paikot na Daloy ng Ekonomiya

• Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan sa ugnayan ng kita at


paggasta.
• Ang payak na paglalarawan ng ekonomiya ay kinapapalooban ng
dalawang sector, ang sambahayan at kompanya.
• Makikita ang ugnayan ng iba’t ibang bahagi ng ekonomiya kabilang ang
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, pamilihang pinansyal, at
panlabas na sektor.

Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Sambahayan
• Ang sektor na binubuo ng lahat ng tao at nagmamay-ari ng mga salik ng
produksyon (lupa, manggagawa, kapital, entreprenyur). Sila rin ay
tinatawag na konsyumer ng mga tapos na produkto at kalakal na nilikha
ng bahay-kalakal upang matugunan ang kanilang walang hanggang
pangangailangan. Nagbabayad sa gastos ng mga produkto at serbisyo
at tumatanggap ng kita galing sa bahay kalakal bilang kabayaran sa
itinustos nilang salik ng produksyon.

6
Bahay-Kalakal
• Ang sektor na bumubuo ng mga produkto o serbisyo mula sa mga salik
produksyon na nagmula sa sambahayan upang gawing bagong
produkto o serbisyo.

Institusyong Pinansyal
• Tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo.

Pamahalaan
• Lumalahok sa Sistema ng Pamilihan. Nangungulekta ng buwis sa
sambahayan at bahay-kalakal upang kumita at makalikha ng
pampublikong paglilingkud.

Panlabas na Sektor
• Nagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa (Export)
• Bumibili ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa (Import)

Mga Uri ng Pamilihan sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya


Pamilihan ng mga Salik ng Produksyon (Factor Market)
• Nagbebenta ang sambahayan ng mga salik ng produksyon (input-lupa,
kapital, paggawa, entreprenyur)
• Bumibili ang bahay-kalakal ng mga salik ng produksyon (input-lupa, kapital,
paggawa, entreprenyur)

Pamilihan ng mga Tapos na Produkto (Product/Goods/Commodity Market)


• Nagbebenta ang bahay-kalakal ng mga tapos na produkto at paglilingkod.
• Bumibili ang sambahayan ng mga produkto at paglilingkod na pagtugon sa
pangangailangan o kagustuhan nito.

Pamilihang Pinansyal (Financial Market)


• Nag-iimpok ang sambahayan.
• Umuutang ang bahay-kalakal.
o Bangko
o Bahay-sanglaan (pawnshop)
o Kooperatiba
o Insurance Company
o Stock Market

7
o

Pamilihang Panlabas (World Market)

• Nagsasagawa ng mga operasyong pangkalakalan sa pagitan ng iba’t


ibang bansa.

Mga Modelo sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Ikaapat na Modelo (Pamahalaan)

Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa


sistema ng pamilihan. Maaaring maliit at mabagal ang gampanin ng pamahalaan
dito. Maaari namang malaki rin at aktibo ang pamahalaan dito.

Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging


karagdagang gawain sa ekonomiya. Tulad din ng pag-iimpok at pamumuhunan,
broken lines ang ginagamit sa pagbabayad ng buwis. Ang pagbabayad ng buwis
ay takdang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa isang pamilihan.

Sumusingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita mula sa buwis ay
tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha
ng paglilingkod ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-
kalakal.

Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay may tatlong pinagbabatayan: una,


ang pagtaas ng produksiyon; ikalawa, ang produktibidad ng pamumuhunan; at
ikatlo, ang produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan.

8
Ikalimang Modelo (Panlabas na Sektor)

Sa ikalimang modelo ipinapakita ang ugnayan ng panlabas ng sektor sa


pambansang ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng
produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.

May mga pinagkukunang-yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksiyon na


kailangan pang angkatin sa ibang bansa. Lumilikha ng produkto mula sa
pinagkukunang-yaman ang pambansang ekonomiya. Gayundin ang dayuhang
ekonomiya. Maaaring magkapareho ang kanilang produkto. Maaari rin namang
magkaiba. Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya ng produkto sa isa’t isa.

Ang bahay kalakal ay nagluluwas (export) ng mga produkto sa panlabas na sektor


samantalang ang sambahayan ay nag-aangkat (import) mula dito.

III. ANO ANG NATUTUNAN?

LAGUMANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.

9
1. Ang pag-aaral kung paano tutugunan ang mga kagustuhan at pangangailangan
ng tao sa pinakamahusay na paraan.
a. Ekonomiks c. Makroekonomiks
b. Maykroekonomiks d. Pambansang Ekonomiya

2. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at


bahay-kalakal?
a. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim
ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga
bahay-kalakal.
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng
produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng
karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.

3. I. Ang maykroekonomiks ay ang pagsusuri sa maliit na yunit ng ekonomiya.


II. Ang makroekonomiks ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng pambansang
kita.
a. Tama, Tama c. Tama, Mali
b. Mali, Tama d. Mali, Mali

4. Ang tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkud.


a. Sambahayan c. Bahay-Kalakal
b. Pamahalaan d. Panlabas na Sektor

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga aktor sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
a. Sambahayan c. Pamahalaan
b. Bahay-kalakal d. Wala sa mga nabanggit.

6. Ang tagapaglikha ng pampublikong paglilingkud para sa sambahayan at bahay-


kalakal mula sa buwis na nakolekta nito.
a. Pamilihang Pinansyal c. Bahay-Kalakal
b. Pamahalaan d. Sambahayan

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga aktor sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
a. Sambahayan c. Pamahalaan
b. Bahay-kalakal d. Wala sa mga nabanggit.

8. Sa paraang ito makikita ang ugnayan ng iba’t ibang bahagi ng ekonomiya


kabilang ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, pamilihang pinansyal, at
panlabas na sektor.
a. Daloy ng Ekonomiya c. Paikot na Daloy ng Ekonomiya

10
b. Pambansang Ekonomiya d. Daloy ng Pambansang Kita

9. Dito natutugunan ng bawat bansa ang kani-kanilang pangangailangan sa


pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
a. Pamilihan ng Salik sa Produksiyon
b. Pamilihang Pinansiyal
c. Pamilihan ng mga Tapos na Produkto
d. Pamilihang Panlabas

10. Ang nakikipag-uganyan sa bahay-kalakal at sambahayan sa pamamagitan


ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng produkto.
a. Pamilihang panlabas c. Bahay-kalakal
b. Pamilihang Pinansiyal d. Sambahayan

11. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?


a. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
b. Kita at gastusin ng pamahalaan
c. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
d. Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal

12. Kung ang kabuuang kita ni Grace ay Php20,000 at ang kanya namang
kabuuang gastusin ay Php15,000, magkano ang maari niyang ilaan para sa
pag-iimpok?
a. Php 3,000 c. Php 2,000
b. Php 5,000 d. Php 6,000

13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pamilihang pinansyal?


a. Pawnshop c. Palengke
b. Kooperatiba d. Stock Market
14. Ang mga sumusunod ay mga uri ng pamilihan sa paikot na daloy ng
ekonomiya maliban sa.
a. Pamilihan ng mga Salik ng Produksyon
b. Pamilihan ng mga Tapos na Produkto
c. Pamilihang Pampinansyal
d. Wala sa nabanggit.

15. Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang


makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
a. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang
nagbabayad ng buwis.

11
b. Humungi ng resibo kung mamimili ng malaking tindahan tulad ng
department store.
c. Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa
wastong pagbayad ng buwis.
d. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax
evader.

MGA KARAGDAGANG GAWAIN


Gawain 1: Tukuyin mo!
Suriin ang bawat aytem at tukuyin kung anong uri ng aktor sa paikot na daloy ng
ekonomiya at ang uri ng pamilihan ang mga sumusunod mula sa larawan at
salitang maaaring gamiting gabay.

LARAWAN SALITA Uri ng Aktor Uri ng Pamilihan

Bangko

1.

Bureau of Internal
Revenue (BIR)

2.

Mini’s Sari-Sari
Store

3.

Sanglaan

4.

12
Mandaue City
Hall

5.

Pamilyang Torres

6.

ACG International
Trading

7.

Goddies
8. Manufactured
Goods

Bahay ni Nanay
Tonya

9.

Insurance
Company

10.

Gawain 2: Suriin at Unawain


Upang mahigit na maunawaan ang binasang teksto, masdang mabuti ang mga
bagay na makikita sa dayagram. Tukuyin at isulat sa loob ng kahon kung anong
sektor ang ipinapakita sa dayagram. Pagkatapos ng pagsasagawa ng pagsusuri
ay maaari mo nang sagutan ang mga pamprosesong tanong.

13
Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa paikot na daloy?
2. Papaanong nagkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang sektor ng
ekonomiya? Ipaliwanag.

14
ANSWER KEY:
Paunang Panghuling GAWAIN 1 Uri ng Aktor Uri ng Pamilihan
Pagtataya Pagtataya

1 ___ A 1 Instituyong Pinansyal Pamilihang Pinansyal

2 A ___ 2 _______ NA

3 ___ A 3 Bahay-Kalakal Pamilihan ng mga


Tapos ng Produkto

4 C ___ 4 ________ ___________

5 ___ D 5 Pamahalaan NA

6 D ___ 6 ________ Pamilihan ng mga


Salik ng Produksiyon

7 ___ D 7 Panlabas na Sektor ___________

8 C ___ 8 __________ Pamilihan ng mga


Tapos ng Produkto

9 ____ D 9 Sambahayan Pamilihan ng mga


Salik ng Produksiyon

10 C ___ 10 ___________ Pamilihang Pinansyal

11 ___ A

12 D ___ GAWAIN 2

13 ___ C 1. Panlabas na Sektor

14 B ___ 2. _________

15 ___ B 3. Pamahalaan

4. ________

5. Pamilihang Pampinansiyal

15
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

MARY GRACE C. TUÑACAO


Writer

AVE ROSARIO V. ARMECIN, Ph D


MARITERR P. JUMAO-AS
VERONICA M. ENGLIS
MENCY B. RABANES
ANCIE U. DOMPOR
EVELYN B. MAH
Editors

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD Education


Program Supervisor – (LRMDS)

ESTELA B. SUSVILLA PhD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

16
SINOPSIS

Ang Self-Learning Kit na ito sa araling panllipunan ay inihanda para sa


mga mag-aaral upang susuriin ang mga isyung pang-ekonomiya tulad ng
globalisasyon, isyu sa paggawa at migrasyon kaakibat ang implikasyon nito
sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Hangarin sa pag-aaral ng mga aralin na nakapaloob sa modyul na ito


na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga hamon at tugon sa mga
isyung nabanggit tungo sa pagpapabuti ng ng kalidad ng pamumuhay.
Makatutulong ang pagunawang ito sa pagpapanatili ng dignidad ng buhay
ng isang indibiduwal.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang masagot ang tanong


na ‘Paano nakaapekto ang mga isyung pang-ekonomiya sa pamumuhay
ng mga Pilipino?’

May-Akda: MARY GRACE C. TUÑACAO. Nagtapos sa


UNIVERSITY OF CEBU LAPU-LAPU & MANDAUE sa kursong
YOUR PICTURE Bachelor of Science in Business Administration noong
2014 at kumuha ng Diploma of Professional Education sa
Cebu Technological University noong 2018. Kasalukuyang
nagtuturo sa Labogon National High School bilang guro
sa ika-siyam baiting.

17

You might also like