You are on page 1of 34

ARALING PANLIPUNAN - WEEK 21

PAIKOT NA DALOY
NG EKONOMIYA
Balik-aral:
• Ano ang ekonomiks?
• Ang ekonomiks ay isang pag-aaral na nakatuon sa
pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa
kabila ng walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao.
• Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks?
• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon:
maykroekonomiks at makroekonomiks.
Makroekonomiks
• Ang makroekonomiks ay larangan ng Ekonomiks
na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang
ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang
malawakang pangyayaring pang-ekonomiya
tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho,
pambansang kita, gross domestic product,
implasyon, at antas ng presyo.
Makroekonomiks
• Ang makroekonomiks ay tumitingin sa kabuuang
ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang
pambansang ekonomiya.
• Pangunahing layunin ng pag-aaral ng
pambansang ekonomiya ang malaman kung may
paglago sa ekonomiya (economic growth) ng
bansa.
Ano ang Pambansang Ekonomiya?
• Ito ay tumutukoy sa lagay
ng ekonomiya ng isang
bansa. Ito ang pag-aaral
kung natutugunan ba ng
mga mamamayan ang
kanilang mga
pangangailangan. Kung
HINDI, paano ito
malulutas?
Economic Models
• Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng
pamamaraan (economic policies) upang mapatatag ang
pambansang ekonomiya.

• Gumagamit ng modelo (economic model) sa pagsusuri


ang makroekonomiks. Sa pamamagitan ng modelo,
naipapakita nang simple ang realidad. Ipinapaliwanag
nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga datos.
Economic Models
• Ito ay representasyon ng isang konsepto o
kaganapan. Ito ang nagbibigay ng konteksto sa
pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa
makroekonomiks.

• Ito ang naglalarawan ng interdependence ng lahat


ng sektor ng isang ekonomiya.
Mga tanong na isinasaalang-alang sa
pagbuo
ng modelo:
• Ano ang bumubuo sa pambansang ekonomiya?
• Ito ba ay simple lamang?
• Ito ba ay tumututok sa paggalaw ng komplikadong
ugnayan ng mga sektor?
• Ito ba ay nakatutok lamang sa panloob na
kaganapan?
• Isinasama rin ba nito ang panlabas na kaganapan?
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA

• Sambahayan – may-ari ng salik ng produksyon (LMKE) at


gumagamit ng kalakal at serbisyo.
• Bahay-kalakal – taga-gawa ng kalakal at serbisyo at
nagbabayad sa sambahayan (USIT).
• Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at nagkakaloob ng
serbisyo at produktong pampubliko.
• Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at nagpapautang
ng pondo.
PAYAK NA MODELO
NG PAIKOT NA DALOY
NG EKONOMIYA
UNANG MODELO
Pinakapayak na Ekonomiya
IKALAWANG MODELO
Sistema ng Pamilihan
IKATLONG MODELO
Pag-iimpok at Pamumuhunan
Paano nakikinabang ang mga taong nag-impok sa
pamilihang pampinansyal?
ANG PAMILIHANG
PINANSIYAL
SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
Institusyong Pinansiyal
- Tagapamagitan sa ano mang
gawaing may kaugnayan sa
pananalapi.
Impok
- Kumakatawan sa salaping hindi
ginagasta.
ANG PAMAHALAAN
SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
Pamahalaan
- Ang sektor na bumubuo ng
patakaran upang maisaayos ang
ekonomiya
ANG PANLABAS
NA SEKTOR
SA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
Globalisasyon
- Paggalaw ng tao, produkto,
salapi at kaalaman sa iba’t
ibang bansa
Trade surplus
- Nagaganap kapag mas malaki ang
export kaysa sa import

Trade deficit
- Nagaganap kapag mas malaki ang
import kaysa sa export
PAGPAPAHALAGA

• Sa iyong palagay, mahalaga ba sa ekonomiya


ng Pilipinas ang pakikipagkalakalan sa ibang
bansa? Bakit?
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
1. Ito ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang bansa.
2. Ginagamit sa pagsusuri ng ekonomiya upang maipakita nang
simple ang realidad.
3. Uri ng ekonomiya kapag ang bansa ay nakikilahok sa
kalakalang panlabas.
4. Uri ng ekonomiya kapag ang bansa ay HINDI nakikilahok sa
kalakalang panlabas.
5. Mga patakaran na ginagamit upang mapatatag ang
ekonomiya ng bansa.
6. ________

7. _____ 8. _______
9. ________

10. _______
SAGOT:
1. Pambansang Ekonomiya
2. Economic Model.
3. Bukas na Ekonomiya
4. Saradong Ekonomiya
5. Economic Policies
6. panlabas na sektor
7. bahay-kalakal
8. pamahalaan
9. sambahayan
10. pamilihang pinansiyal
Isulat kung ano ang tinutukoy sa bawat
bilang gamit ang mga titik bilang gabay.
• Dibisyon ng Ekonomiks na nakatuon sa kabuuang
ekonomiya. M _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ S
• Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom
ng pondo. B _ _ _ _
• Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon.
S__B_____N
• Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.
P___H____N
• Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
_X___T

You might also like