You are on page 1of 15

MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw

A. 1. MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy


ng ekonomiya
2. Layunin: Natatalakay ang kahulugan ng Makroekonomiks at ang papel na ginagampanan
ng sambahayan

B. HALINA’T SIMULAN

Ang Batas Pambansa 7581 na mas kilala sa pangalan na “Price Act of the Philippines” na
naglalayon na tiyakin ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay umaayon sa itinakdang
presyo ng pamahalaan. Sa pag-aaral na gagawin ng Price Coordinating Council at sa utos
ng Pangulo ng Pilipinas maaaring magpatupad Price Control sa presyo ng mga Prime
Commodities ng bansa

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 13

Sa pagpasok ng Kapaskuhan at ang pagpasok ng NCR sa GCQ ay napagdesisyunan ng pamilya


Oikos na umuwi pansamantala sa kanilang mga kamag-anakan sa Batangas. Sinunod nila ang mga
kinakailangan na requirements batay na din guidelines ng IATF. Sa kanilang pag-uwi sa pamilya ni Mia
sa Batangas, at habang ginagawa nila ang 14 days self quarantine, ay napansin ng magkapatid na Tony
at Emi na ang kanilang mga kamag-anakan ay di na kinakailaingan pumunta sa palengke dahil ang
kanilang mga pagkain ay nagmumula na din sa kanilang maliit na lupang sakahan. Mayroon din maliit
na manukan at babuyan sa kanilang lugar. Malayo ito sa kanilang buhay sa Pasay na halos lahat ng
kanilang pangangailangan ay dapat bilihin sa mga pamilihan.

C. HALINA’T ALAMIN
Suriin ang larawan ukol sa Macroeconomics

Page 1 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Ang Ikatlong Markahan ay tatalakay ukol sa Macroeconomics. Ang macroeconomics ay larangan ng


Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri nito ang malawakang pangyayaring
pang-ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product,
implasyon, at antas ng presyo.

Ang makroekonomiks ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang
pambansang ekonomiya. Pangunahing layunin ng pag-aaral ng pambansang ekonomiya ang malaman kung
may paglago sa ekonomiya (economic growth) ng bansa. Gumagamit ang macroeconomics ng iba’t-ibang
modelo ng ekonomiya upang ipakita ang pag-unlad ng bansa na nakabatay sa paikot na daloy ng pera at
produkto. Mayroong limang modelo ng ekonomiya, ito ay ang mga sumsusnod:
• Unang Modelo: Simpleng Ekonomiya
• Ikalawang Modelo: Pamilihan ng mga Tapos na Produkto
• Ikatlong Modelo: Pamilihang Pinansyal
• Ikaapat na Modelo: Pamahalaan
• Ikalimang Modelo: Pamilihang Panlabas

UNANG MODELO: SIMPLENG EKONOMIYA

Kung babalikan natin ang karanasan ng magkapatid na Tony at Emi, isa sa kanilang napansin sa buhay
ng kamag-anakan nila sa probinsya ay ang kanilang kakayahan na mapunan ang kanilang sariling
pangangailangan. Ang pangekonomiyang gawain na ito ay makikita sa unang modelo ng ekonomiya ang
Simpleng Ekonomiya o Sambahayan. Ito ay ang pinakapayak o simple na modelo. Ang lumilikha ng produkto
ay siya ring konsyumer.

Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksyon sa isang takdang panahon. Inaasahan
na ang halaga ng produksyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang ekonomiya
kinakailangan maitaas ng kaukulang aktor ang kanyang produksyon at pagkonsumo

Page 2 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

D. HALINA’T GAWIN

Gawain 1: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang MICRO kung ito ay tumutukoy sa Microeconomics at
MACRO kung ito ay tumutukoy sa Macroeconomics

1. Pangunahing layunin nito ay ang paglago ng pambansang ekonomiya

2. Binibigyang pansin ang trabaho, antas ng presyo at pambansang kita

3. Sumusuri sa pambansang ekonomiya

4. Sumusuri sa pinakamaliit na bahagi ng ekonomiya

5. Tinitignan ang relasyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser

6. Binibigyan ng pagpapahalaga ang pagkamit ng ekwilibriyo sa pamilihan

7. Nakakaapekto ditto ang presyo ng mga produkto at serbisyo

8. Sinusukat nito ang pansariling kita ng konsyumer at prodyuser

9. Ilan sa mga tinatalakay dito ay ang implasyon at gross domestic product

10. Ginagamit ang limang modelo ng ekonomiya

Gawain 2: Isulat ang K kung ito ay katotohanan at O kung ito ay opinyon. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.

1. Ang Macroeconomics ay ang pag-aaral ng pambansang ekonomiya

2. Sinusukat ng Pambansang kita ang paglago ng ekonomiya ng bansa

3. Ang antas ng presyo ay nakakaapekto sa relasyon ng konsyumer at prodyuser

4. Ang pagtaas ng pangkabuuang presyo ng baboy at manok ay bahagi ng Makroekonomiks

5. Pinakasimpleng modelo ng ekonomiya ang bahay kalakal

6. Ang sambahayan ang nagsisilbing prodyuser at konsyumer

7. Walang kakayahan ang sambahayan na makalikha ng sariling produkto

8. Kinakailangan ng trabaho upang panatili ang pagikot ng pera at produkto

9. Nakikialam sa pagdedesisyon ng sambahayan ang pamahalaan

10. Ang kita ng sambahayan ay batay sa kanyang sariling produksyon

Page 3 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 3: Punan ang patlang. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba

Ang Simpleng Ekonomiya o 1) ____________ ay ang 2) __________ o simple na

modelo. Ang lumilikha ng 3) ___________ ay siya ring 4) __________. Ang kita sa

simpleng ekonomiya ay ang 5) __________ ng produksyon sa isang takdang

6) ___________. Inaasahan na ang halaga ng 7) ___________ ay siya ring halaga ng

pagkonsumo sa produkto. Upang 8) ____________ ang ekonomiya kinakailangan

maitaas ng kaukulang 9) ____________ ang kanyang produksyon at 10) ___________

AKTOR LUMAGO PAYAK MAKROEKONOMIKS


HALAGA SAMBAHAYAN KONSYUMER PRODUKTO
MALAWAK PANAHON PRODUKSYON PAGKONSUMO

• Ang Macroeconomics ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng bansa.


• Binubuo ang Macroeconomics ang trabaho, antas ng presyo at pambansang kita
• Sinusuri ang limang modelo ng ekonomiya sa pag-aaral ng Macroeconomics
• Ang Unang modelo ng ekonomiya ay ang simpleng ekonomiya na binubuo ng
sambahayan na nagsisilbing prodyuser at konsyumer

Karagdagang Babasahin:
➢ Ekonomiks Learners Module, pahina 228 – 231
➢ www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-14-pambansang-ekonomiya
➢ Republic Act 7581 Price Act

E. PAGTATAYA: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1) Paano nakakaapekto ang bilang ng may trabaho sa Pambansang Ekonomiya?


A. Napapanatili nito ang paikot na daloy ng pera at produkto
B. Napapahalagahan nito ang kakayahan ng bawat isang Pilipino
C. Isinasantabi nito ang kakayahan ng tao na magawa ang kanyang gusto
D. Nakapagbibigay ito ng inspirasyon sa mga mag-aaral upang mag-aral ng mabuti

Page 4 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-01

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2) Alin sa mga sumusunod ang layunin ng pag-aaral ng Macroeconomics?


A. Mabawasan ang kriminalidad ng bansa lalo na sa mga kanayunan
B. Makapagbigay ng solusyon sa mga problema ng pamahalaan laban sa droga
C. Mapanatili ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng patuloy na pag-ikot ng pera at
produkto
D. Mapagkuhanan ng mga kaalaman para magawan ito ng thesis na maaring magamit sa
pagpapatag ng demokrasya sa bansa

3) Anong modelo ang nagpapakita ng payak na gawaing pangekonomiya?


A. Unang modelo
B. Ikalawang modelo
C. Ikalimang modelo
D. Ika-apat na modelo

4) Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa Unang modelo ng ekonomiya?


A. Ang prosdyuser ay siya ring konsyumer
B. Lahat ng pangangailangan ay mabibili sa mga pamilihan
C. Ang kita ng pagkonsumo ay batay sa halaga ng produksyon
D. Inaasahan na ang halaga ng produksyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo

5) Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng Unang modelo ng ekonomiya?


A. Si Tony ay ginagamit ang kanyang mga tanim na gulay sa pagluluto ng pinakbet
B. Si Mia ay mahilig mamili gamit ang iba’t ibang online shopping websites
C. Si Leni ay namigay ng lugaw sa kanyang nasasakupan na baranggay
D. Si Nato ay nagbebenta ng insurance kahit sa panahon ng pandemic

Inihanda ni:

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS

Page 5 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-02

Pangalan:________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw

A. 1. MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy


ng ekonomiya
2. Layunin: Nasusuri ang ikalawang modelo ng ekonomiya at ang pamilihan ng tapos na
produkto at salik sa produksyon

B. HALINA’T SIMULAN

Batay sa Batas Pambansa 7581 o Price Act ay maaring magbigay ng SRP (Suggested
Retail Price) ng mga prime commodities sa pamilihan. Ito ay ipinapatupad ng Department
of Trade and Industry sa pamamagitan ng pagsubaybay at pagikot at pagbabantay sa
paggalaw sa presyo sa iba’t ibang pamilihan ng mga tapos na produkto tulad ng mga
palengke at supermarkets

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 14

Matapos ang kanilang 14 days self quarantine, ang panganay na anak ng pamilya Oikos na si
Tony, ay napagdesisyunan na sumama sa kanyang mga tyuhin na ibenta ang kanilang inani sa isang
pagawaan ng kakanin sa bayan, ang Coleen’s Kakanin. Ang kanilang ani ang ginamit ng pagawaan ng
kakanin para gumawa ng mga bagong produkto upang ito ay ibenta. May maliit na kita na nakuha si Tony
kaya siya ay nagtungo sa isang kilalang supermarket. Ikinagulat niya na ang mga produkto ng Coleen’s
Kakanin ay ibinebenta sa supermarket.

C. HALINA’T ALAMIN
Sa nagdaang aralin ay tinalakay ang Unang modelo ng ekonomiya: Simpleng Ekonomiya. Ang
sambahayan ay nagsisilbing prodyuser at konsyumer. Upang magkaroon ng pagkakaiba-iba (variety) ang
mga produkto at serbisyo ang sambahayan ay maaring bumili ng produkto sa mga pamilihan. Upang
mapunan ang paglago sa ekonomiya nabuo ang ikalawang modelo ang Bahay-kalakal at mga pamilihan.
Ang bawat modelong pangekonomiya ay naglalarawan ng:
• Representasyon ng isang konsepto o kaganapan.
• Konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks.
• Interdependence (pagkakaugnay) ng lahat ng sektor ng pambansang ekonomiya.
Batay sa karanasan ni Tony ang Ikalawang modelo ay mayroong dalawang aktor ang
sambahayan at ang bahay-kalakal. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon (Lupa,
paggawa at kapital). Samantalang nagmumula sa Bahay-Kalakal(Coleen’s Kakanin) ang nagbebenta ng
supply sa mga pamilihan(supermarkets).
Mula din dito makikita na may dalawang uri ng pamilihan:
1. Pamilihan ng mga salik ng produksyon o factors market
2. Pamilihan ng mga tapos na produkto o goods market
Page 6 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-02

Pangalan:________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Sa ikalawang modelo ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon.


Upang maitaas ang produksyon, kailangang marami ang magagamit na mga salik ng produksyon at
efficient na produksyon. Nilalayon nito na mapanatili ang pag-ikot ng pera at produkto sa pamamagitan
ng mga sumusunod na Gawain:
• Mapataas ang kapital ng bahay kalakal upang mataas ang supply na pwedeng ibenta sa
goods market para mabili ng sambahayan.
• Bilang kapalit magmumula sa sambahayan ang lupa, paggawa at apital na ibinebenta sa
factor market na magsisilbing input sa bahay kalakal upang simulan ulit ang proseso ng
paggawa ng produkto

AKTOR KATANGIAN/GAWAIN

Sambahayan • Namimili sa GOODS MARKET ng mga produkto at serbisyo


• Pinagmumulan ng mga salik ng produksyon na binebenta
sa FACTORS MARKET
Bahay-Kalakal • Nagbebenta ng produkto at serbiyo sa GOODS MARKET
kapalit ng kita
• Bumibili ng mga INPUT para sa produksyon sa FACTORS
MARKET kapalit ng sahod, upa at tubo
Goods Market • Nagbebenta sa Sambahayan ng mga produkto at serbisyo
(Pamilihan ng Kalakal at • Bumibili sa mga Bahay-Kalakal ng mga tapos na produkto
Paglilingkod) at serbisyo

Factors Market • Nagbebenta sa Bahay-Kalakal ng mga Salik ng Produksyon


(Pamilihan ng Salik ng • Pinagmumulan ng Kita ng sambahayan sa pamamagitan ng
Produksyon sahod, upa at tubo

D. HALINA’T GAWIN
Gawain 1: Isulat ang SB kung ang tinutukoy ay gawain ng Sambahayan at BK kung ang tinutukoy ay Gawain
ng Bahay Kalakal. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

___________ 1. Pinagmumulan ng Lupa, Kapital, Lakas Paggawa at Entrepreneur

___________ 2. Pinagmumulan ng mga tapos na produkto at serbisyo

___________ 3. Nagsisilbing konsyumer sa pamilihan

Page 7 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-02

Pangalan:________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

___________ 4. Kumukuha ng Input sa Commodity Market

___________ 5. Namimili sa goods market upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan

___________ 6. Namimili sa factors market ng mga salik ng produksyon

___________ 7. Nagbabayad ng sahod, upa at tubo sa factors market

___________ 8. Mayroong kakayahan na maging prodyuser at konsyumer sa unang modelo

___________ 9. Halimbawa nito ay mga pagawaan at mga pabrika

Gawain 2: Punan ang talahanayan ng mga halimbawa mga Goods market at Factors market.

GOODS MARKET FACTORS MARKET

➢ ____________________ ➢ ____________________

➢ ____________________ ➢ ____________________

➢ ____________________ ➢ ____________________

➢ ____________________ ➢ ____________________

➢ ____________________ ➢ ____________________

Page 8 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-02

Pangalan:________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 3: Ibigay ang mga pangekonomikong gawain ng sambahayan at bahay kalakal.

• Ang Ikalawang Modelo ay binubuo ng Sambahayan, Bahay – Kalakal at mga pamilihan


• May dalawang uri ng pamilihan: goods market at factors market
• Pangunahing layunin ng mga modelo ng ekonomiya ay mapanatiling umiikot ang daloy
ng pera at produkto/serbisyo

Karagdagang Babasahin:
➢ Ekonomiks Learners Module, pahina 232 – 233
➢ www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-14-pambansang-ekonomiya
➢ Republic Act 7581 Price Act

E. PAGTATAYA: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1) Ano ang layunin ng bawat modelo ng ekonomiya?


A. Matigil ang palitan ng kalakal at serbisyo
B. Matulungan ang mga investors mula sa ibang bansa
C. Mapanatili ang paikot na daloy ng pera at produkto sa bawat aktor
D. Maipakita ang kalayaan ng bawat actor mula sa pambansang ekonomiya

Page 9 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-02

Pangalan:________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2) Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa bahay – kalakal?


A. Pinagmumulan ng mga prosukto at serbisyo na ibinebenta sa goods market
B. Nagpapautang sa mga mangangalakal upang lumaki ang kanilang kapital
C. Nagsisilbi na tagapagbenta ng lupa, manggagawa at capital
D. Nagbebenta ng input para sa factors market

3) Anong uri ng pamilihan ang Puregold at Super8?


A. Commodity market
B. Factors market
C. Farmers’ market
D. Goods market
4) Anong pamilihan ang iyong pupuntahan upang makabili ng iyong mga gagamitin sa negosyo na
pagbebenta ng mga tinapay na nais mong itayo?
A. Goods market
B. Factors market
C. Supermarket
D. Wet market

5) Bakit kinakailangan na magbayad ng tamang sweldo ang bahay-kalakal sa kanyang mga manggagawa?
A. Upang magpatuloy ang paglaki ng kita ng kompanya
B. Kinakailangan itong gawin dahil ito ay kanilang pinag-usapan
C. Ang sweldo ng mga manggagawa ay gagamitin na panggastos upang mapanatili ang pag-ikot ng
pera at produkto
D. Ang sweldo ng manggagawa ay maaaring ipautang sa ibang manggagawa kapag sila ay
nangangailangan

Inihanda ni:

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS

Page 10 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATIO-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9


Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Ikatlong Araw

A. 1. MELC: Naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy


ng ekonomiya
2. Layunin: Nabibigay ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan sa ikatlong modelo
ng ekonomiya

B. HALINA’T SIMULAN

Batay sa Batas Pambansa 7581 o Price Act ay naglalaman ng kapangyarihan pamahalaan


na tinatawag na price control. Ang price control ay isang mekanismong pangekonomiya ng
pamahalaan na maaaring gamitin sa panahon ng kalamidad, kaguluhan at digmaan.
Maaaring kontrolin ng pamahalaan ang presyo ng mga prime commodities at ibenta ito sa
pinakamababang presyo na maaaring ipataw ditto.

BASAHIN ANG KWENTO NG PAMILYA OIKOS

Kabanata 14

Nakabalik na muli sa Pasay ang pamilya Oikos. Pinagiisipan ng magkakapatid na sina Tony, Emi
at Boyet kung ano ang dapat nilang gawin sa kanilang mga nakuhang Aguinaldo noong Pasko.
Iminungkahi ng kanilang ama na si Nono na magbukas sila ng account sa isang banko at magsimula
mag-impok ng pera. Sagutan ang Gawain 1 sa iyong module

C. HALINA’T ALAMIN
Batay sa karanasan ng magkapatid ang Ikatlong modelo o Pamilihang Pinansyal ay may layunin
na tulungan ang sambahayan/konsyumer sa kanilang pag-iimpok. Samantalang ang Bahay – Kalakal
naman ay maaaring mangutang upang idagdag sa kanilang pamumuhunan kung nagnanais silang
palawakin pa ang kanilang produksyon. Sa tulong nito, nagkakaroon ng karagdagang pangekonomikong
gawain na nagdudulot ng pagdaloy ng pera at produkto/serbisyo.

Page 11 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

SAMPUNG TANONG NG MATALINONG KONSYUMER NA MAG-IIMPOK


a. Ano ang Pera?
Ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
b. Ano ang Pagkonsumo?
Pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo
c. Ano ang Kita?
Ibinabayad sa mga entrepreneur kapalit ng pangangasiwa sa mga salik ng produksyon
d. Ano ang Pag-iimpok?
Bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay inilagak sa bangko para sa pangangailangan sa
hinaharap
e. Ano ang savings?
Isang paraan ng pagpapaliban ng gastos. Kitang hindi ginagamit sa pagkonsumo o hindi
ginastos sa pangangailangan.
f. Ano ang investments?
Ipon na ginagamit upang kumita
g. Ano ang economic investment?
Paglalagak ng ipon sa negosyo upang lumago ang financial assets
h. Anu – ano ang halimbawa ng mga financial assets?
Stocks, bonds, o mutual funds
i. Ano ang bangko?
Institusyon na maaring mapag-impokan ng pera ng sambahayan. Maari din itong magpautang
upang mapalaki ang economic investments.
j. Ano ang pangunahing layunin ng financial intermediaries?
Nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan

AKTOR KATANGIAN/GAWAIN

Sambahayan • Namimili sa GOODS MARKET ng mga produkto at serbisyo


• Pinagmumulan ng mga salik ng produksyon na binebenta sa
COMMODITY MARKET
• Mag-impok sa Pamilihang Pinansyal
Bahay-Kalakal • Nagbebenta ng produkto at serbiyo sa GOODS MARKET kapalit ng kita
• Bumibili ng mga INPUT para sa produksyon sa COMMODITY MARKET
kapalit ng sahod, upa at tubo
• Mangutang ng karadagang puhunan sa Pamilihang Pinansyal
Goods Market • Nagbebenta sa Sambahayan ng mga produkto at serbisyo
(Pamilihan ng Kalakal at • Bumibili sa mga Bahay-Kalakal ng mga tapos na produkto at serbisyo
Paglilingkod)
Commodity Market • Nagbebenta sa Bahay-Kalakal ng mga Salik ng Produksyon
(Pamilihan ng Salik ng • Pinagmumulan ng Kita ng Sambahayan sa pamamagitan ng sahod, upa
Produksyon at tubo

Pamilihang Pinansyal • Maaring mag-impok ang Sambahayan


• Maaaring mangutang ang Sambahayan
• Mahihiraman ng pera para sa pandagdag ng puhunan ng Bahay-Kalakal
Page 12 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

D. HALINA’T GAWIN

Gawain 1: Tulungan ang magkakapatid na sina Tony, Emi at Boyet. Magbigay ng mga kabutihang dulot ng
pag-iimpok.

Gawain 2: (HANAP-SALITA): Hanapin ang walong(8) Financial Intermediaries at apat (4) na mahalagang
konsepto na may kaugnayan sa pagkonsumo at pag-iimpok.

A G H J K O I V S N M Y U J D F S X V E R T P R O D U C T H

I S D C D F B B A N K H T R E D C J Y K U I O L A Q C F B M

N C F R T H F C V S I E R T Y U R D F E R T Y U I O K L O U

V Q W E R T Y U I O T P A S D F E G H J K L Z X C V B N M T

E Z X C V B N M N B A T Y U I O D F G H J K L Y T R E W Q U

S M N B V C X Z G Z X C V B N M I A S D F G H J K L P E R A

T J K L L O A N S E R T Y U G H T V B N M F R T Y U I O P L

M S D F G H S E R T Y U I J K L U A S E R T G B N M K L O F

E A S X C F S R G B N P A G K O N S U M O J U I L K J F E U

N W E D F G E F V G T Y H J I M I C X C S D F V B R T F G N

T A S D E R T F C D E R T F D S O S E R B G H J K L O L I D

S A V I N G S A S X W E R G F I N A N C E C O M P A N I E S

W S D F V B N H I K L O P J G J S V D E R T H N M K L O P G

Page 13 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 3: Sumulat ng islogan na nagpapakita ng kabutihang dulot ng pag-iimpok sa panahon ng pandemya.


Gamitin ang rubrics bilang gabay

2 points 1 point
PAMANTAYAN 3 points
Gumamit ng mga Gumamit ng ilang Walang kaangkopan ang
MALIKHAING
angkop na salita sa angkop na salita sa mga salita na ginamit
PAGSULAT
pagsulat upang pagsulat upang maging
maging kaaya-aya ang kaaya-aya ang islogan
islogan
Angkop ang islogan May bahagi ng slogan na Walang kaangkopan sa
TEMA
sa ibinigay na tema di angkop sa ibinigay na ibinigay na tema
tema

• Ang Ikaltlong modelo ng ekonomiya ay Pamilihang Pinansiyal


• Pangunahing gawain ng pamilihang pinansyal ay pag-iimpok at pagpapautang ng
puhunan
• Pangunahing layunin ng mga modelo ng ekonomiya ay mapanatiling umiikot ang daloy
ng pera at produkto/serbisyo

Karagdagang Babasahin:
➢ Ekonomiks Learners Module, pahina 234 - 235
➢ www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-14-pambansang-ekonomiya
➢ Republic Act 7581 Price Act

E. PAGTATAYA: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang pag-iimpok?
A. Bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay inilagak sa bangko para sa pangangailangan sa
hinaharap
B. Kita ng bahay-kalakal na inilalagay upang karagdagang pasweldo sa mga manggagawa
C. Bahagi ng kita na maaring gastusin upang impambili ng mga luho
D. Pagbibigay ng karagdagang pribilehiyo sa pagnenegosyo

Page 14 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP9-Q3-W1-03

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2. Alin sa mga sumsunod ang bahagi ng Pamilihang Pinansyal?


A. Commercial Banks
B. Supermarkets
C. Cooperative
D. Corporation

3. Ano ang nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera sa nais mangutang o mag-loan?


A. Financial Intermediaries
B. Macroequilibrium
C. Factors Market
D. Goods Market

4. Bakit mahalaga sa Bahay – Kalakal ang Pamilihang Pinansiyal?


A. Pinagmumulan ng mga lupa, manggagawa at kapital
B. Maaari siya mag-impok ng pera para sa kanyang mga manggagawa
C. Karagdagang pamilihan na maaring pagbentahan ng mga tapos na produkto
D. Maaaring manghiram ng karagdagang puhunan para sa pagpapalawak ng operasyon sa bahay
– Kalakal

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihan na dulot ng pag-iimpok ng sambahayan sa


Pamilihang Pinansyal?
A. Ginamit ni Kris ang kanyang credit card sa online shopping
B. Nagamit ni Jena ang insurance ng kanyang ama upang magpatuloy sa pag-aaral
C. Ipinambili ni Paolo ng sports car ang nakuha niyang dibidendo mula sa stock market
D. Nanalo sa lotto ang mag-asawang Vina at Mark at kanila itong ipinautang sa kanilang mga
kapamilya

Inihanda ni:

CARLITO B. ABALOS JR.


PCNHS

Page 15 of 15

You might also like