You are on page 1of 6

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 9

School: VILLASOL NATIONAL HIGH SCHOOL Grade Level: 9


Teacher: MRS. JUVELYN A. LIFANA Learning Area: Araling Panlipunan
Teaching Date: February 13-17, 2023 Quarter: 3
Teaching Time: 8:50 – 9:50 Section: LIFANA
I. OBJECTIVES

II. CONTENT

Paikot na Daloy ng Ekonomiya

III. LEARNING RESOURCES

PROCEDURES:

- Prayer
- Greetings
- Checking of Attendance
- Setting up the Mood
- Reminders of Health and Safety Protocols/Classroom Rules

A. REVIEW PREVIEWS LESSONS OR PRESENT NEW LESSON


ACTIVITY

B. ESTABLISHING A PURPOSE FOR THE LESSON/ACTIVITY


ACTIVITY
A. Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang tamang letra upang mabuo ang salita. Ang ilang letra
ay ibinigay na bilang gabay. Isulat ang sagot sa iyong journal notebook.

1. Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya.

M__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ S

2. Salaping kinokolekta ng pamhalaan upang makalikom ng pondo.


__ __ W __ __

3. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon.


__ __ __ B __ __ __ Y __ __

4. Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.

P __ __ __ __ __ __ __ A __
5. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa

__ X __ __ __ T

C. PRESENTING EXAMPLES/ INSTANCES OF NEW LESSON


ACTIVITY
Iguhit ang nakangiting mukha (☺) kung ang pangungusap ay tama at mukhang hindi
nakangiti () kung ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno o journal.
1. Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng ekonomiya.
2. Ang mikroekonomiks ay naglalarawan sa kabuuang dimensyon ng ekonomiya.
3. Ang sambahayan kumakatawan sa mga taong nagmamay-ari ng mga lupain at kapital at ito rin ang mga tao na may talino at
kakayahan upang lumikha ng mga produkto.
4. Ang nagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon ay ang pamahalaan.
5. Ang ikalimang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan sa tungkulin ng pamahalaan at panlabas na sektor.

D. DISCUSSING NEW CONCEPTS AND PRACTICING NEW SKILLS #1


ACTIVITY:

Panuto: Suriin ang ilustrasyon sa itaas at sagutin ang mga


katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno o iyong
journal notebook.
1. Ano ang ipinakikita ng ilustrasyon?
2. Bakit mahalaga ang ugnayan ng sambahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan, at panlabas na sektor sa ekonomiya? Paano nila
mapanatiling malusog at ligtas ang mga mamamayan?

E. DISCUSSING NEW CONCEPTS AND PRACTICING NEW SKILLS #2


Ang macroeconomics ay tumutukoy sa pag-aaral ng kabuuang dimensyon ng ekonomiya. Sinusuri nito ang kaasalan at kabuuang
gawain ng buong ekonomiya. Pinagtutuunan ng pansin ang Gross national product (GNP), Gross National Income (GNI), Gross
Domestic Product (GDP), implasyon, patakarang piskal, at pananalapi ng bansa sa pag-aaral ng macroeconomics.
ANG PAMBANSANG EKONOMIYA
Ang pagsusuri sa buong gawi ng lipunan ay isang napakalawak na gawain. At upang
mailarawan ang galaw ng buong ekonomiya sa isang payak na kalagayan na maipakikita sa
pamamagitan ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo.

MGA KASAPI NG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA


• Sambahayan – binubuo ng mga konsyumer. Sila ang may-ari ng salik ng produksyon at gumagamit ng kalakal at serbisyo.
• Bahay-kalakal – binubuo ng mga prodyuser. Sila ang taga gawa ng kalakal at serbisyo at nagbabayad sa sambahayan ng halaga ng
produksyon.
• Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at nagkakaloob ng serbisyo at produktong pampubliko.
• Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo.

Paikot na Daloy ng Produkto at Sebisyo


1. Unang Modelo: Payak na modelo
Ang payak na paglalarawan ng ekonomiya ay kinapalooban ng dalawang sektor, ang
sambahayan at kompanya. Ang gumagawa ng produkto ay siya ring kumukonsumo. Ang
ideya ng circular flow ay buhat kay Francois Quesnay na batay sa kanyang Tableau
Economique.

2. Ikalawang Model: Ang Bahay-kalakal at Sambahayan.


Sa modelong ito, ang ekonomiya ay nahahati sa dalawang sektor: ang sambahayan
at bahay kalakal. Mayroong itong dalawang pamilihan: ang pamilihan ng salik ng
produksiyon
(resource market) at pamilihan ng mga tapos na produkto at serbisyo (product
market).
Ipinagbibili o pinapaupahan ng sambahayan ang paggamit ng kanilang lupa, lakas-
paggawa, kapital, pamamahala sa pamilihan ng salik ng produksiyon (resource
market). Binibili naman ito ng bahay-kalakal na ginagamit sa paggawa ng mga
produkto at serbisyo na ipinagbibili sa sambahayan sa pamilihan ng mga tapos na
produkto at serbisyo (product market).
Ang nasa labas naman na daloy ay nagpapakita ng kita ng ekonomiya. Ginagamit ng
sambahayan ang salapi sa pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa bahay-
kalakal.
Ginagamit ng bahay-kalakal ang kanilang kinikitang salapi sa pagbabayad ng
paggamit nila
ng mga salik ng produksiyon gaya ng sahod, renta, interes at ang matitira ay tubo para sa
may-ari ng bahay-kalakal.

3. Ikatlong Modelo: Pamilihang Pinansyal


Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang
gastusin ng
sambahayan at bahay-kalakal. Kasama na rito ang gastusin sa
pamumuhunan ng bahay-
kalakal at ang kita ng sambahayan sa pag-iimpok. Ang paglago ng
pambansang ekonomiya
ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Ang pagtaas ng produksyon ay
nakabatay sa
paglaki ng pamumuhunan.
Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sa
kanilang mga pangangailangan para sa hinaharap. Ito ay maaaring ilagay
sa pamilihang pinansyal (financial market). Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.

4. Ika-apat na Modelo: Paglahok ng Pamahalaan


Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema
ng pamilihan. Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay
nagigingkaragdagang gawain sa ekonomiya. Ang pagbabayad ng buwis ay takdang gawain
ngsambahayan at bahay-kalakal sa isang pamilihan. (Product Market) (Resource Market)
(Financial Market) (Public Revenue)
Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita mula sa buwis ay
tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng
pampublikong paglilingkod. Ang mga pampublikong paglilingkod ay nauuri sa
pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-kalakal. Upang maging matatag ang
ekonomiya, mahalagang maihatid ang mga pampublikong paglilingkod na ipinangakong
isasakatuparan sa pagsingil ng buwis. Hangad ng bawat sector na makita ang kinahinatnan
ng kanilang pagbabayad ng buwis. Hindi maiiwasan na magtaas sa pagsingil ng buwis.
Ngunit mahalaga na hindi makaramdam ng paghihirap ang mga sector sa pagtataguyod ng
mga pangangailangan at kagustuhan.

5. Ikalimang Modelo: Kalakalang Panlabas


Ang kalakalang panlabas ay may kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga
produkto at serbisyo sa ibang bansa. Ang pag-aangkat (import) ay
pagbili ng mga produkto at
serbisyo mula sa ibang bansa, samantalang ang pagluluwas (export) ay
pagbebenta ng mga
produkto at serbisyong gawa sa ating bansa.

Bukas at Saradong Ekonomiya.


Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang
dalawang perspektiba sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya. Sarado ang
ekonomiya kung
ang pambansang ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang panlabas.
Bukas ang ekonomiya kapag ang pambansang ekonomiya ay nakikilahok sa
kalakalang panlabas.
Makikita sa modelong ito ang relasyon ng panlabas na kalakalan sa paikot na
daloy
ng ekonomiya. Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang pambansang
ekonomiya. Gayundin ang dayuhang ekonomiya. Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya
ng produkto sa isa’t isa. Ang bahay kalakal ay nagluluwas (export) ng mga produkto sa
panlabas na sektor samantalang ang sambahayan ay nag-aangkat (import) mula dito.

ACTIVITY
Ipangkat ang mga estudyante sa limang pangkat at bigyan ng kanya-kanyang task.
Pangkat 1 – Mag uulat tungkol sa unang Modelo
Pangkat 2 – Pangalawang Modelo
Pangkat 3 – Ikatlong Modelo
Pangkat 4 – Ikaapat na Modelo
Pangkat 5 – Ikalimang Modelo

F. DEVELOPING MASTERY (LEADS TO FORMATIVE ASSESSMENT)

ACTIVITY

Panuto: Hanapin sa mga kahon ang katawagan na tumutukoy sa mga sumusunod at ayusin ang mga salita na nasa loob ng kahon
para maging gabay/tanda(clue) mo sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno o journal notebook. Ang sagot sa
bawat bilang ay ibibigay ko pero dapat ayusin ang mga salita.

1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng kabuuang dimensyon ng ekonomiya.


2. Ito ang pagtatabi ng ilang bahagi ng kita upang gamitin sa hinaharap.
3. Ito ang grupo ng mga ekonomista na naniniwala sa kahalagahan ng kalikasan.
4. Ito ang tawag sa dami ng mga produkto na itinatago upang ipagbili sa darating napanahon.
5. Ito ang kabayaran na tinatanggap ng manggagawa.
6. Ito ang tumutukoy sa unti-unting pagkasira at pagkaluma ng mga kapital.
7. Ito ang pagdaragdag ng capital para sa hinaharap upang palawakin ang produksiyon.
8. Ito ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon.
9. Ito ang kabayaran na tinatanggap ng kapitalista.
10. Ito ang lumilikha ng mga yaring produkto.

G. FINDING PRACTICAL APPLICATIONS OF CONCEPTS AND SKILLS IN DAILY LIVING

ACTIVITY
Gumawa ng isang #hashtag o tagline tungkol sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
Halimbawa:
H. MAKING GENERALIZATIONS AND ABSTRACTIONS ABOUT THE LESSON
ACTIVITY
Limang(5) Pangkat
Gawin ito sa pamamagitan ng isang (spoken poetry) madamdaming tula sa pagsagot ng mga sumusunod. Kung video, e record mo
ito (ipasa ito online) at kung tula (na may dalawang taludtod at apat na linya sa bawat taludtod}, isulat ito sa iyong kwaderno. Ang
iyong Gawain ay naka base sa mga katanungan sa ilalim.
1. Ano ang iyong damadamin sa pamamalakad ng pamahalaan sa ekonomiya ng ating bansa? Bakit?
A. Natutuwa B. Kontento C. Nabubuwisit D. Nangangamba
2. Nararamdaman mo rin ba ang hirap ng buhay sa ngayon? Paano?
3. Saang sektor ka pupunta upang maramdaman mo ang damdamin ng milyong Pilipino sa ngayon?

I. EVALUATING LEARNING

Panuto: Basahin ang mga sumusunod at isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong kwaderno.
1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng kabuuang dimensyon ng ekonomiya.
A. Makroekonomiks C. Microekonomiks B. Distribusyon D. Produksiyon
2. Sila ang nagmamay-ari ng apat na salik ng produksiyon.
A. Pamahalaan C. Mga Dayuhan B. Bahay-Kalakal D. Sambahayan

3. Ang pamilihang pampinansiyal ay inilalarawan sa anong modelo ng paikot na daloy ng


ekonomiya?
A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo B. Ikalawang Modelo D. Wala nabanggit

4. Sa unang modelo ng paikot ng paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapaliwanag na ang


bahay-kalakal at sambahayan ay iisa lamang.
A. Tama C. Walang Kasiguraduhan B. Mali D. Wala sa nabanggit

5. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-


kalakal?

A. Sa sambahayan nagmula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagproseso ng bahay-kalakal.


B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.

6. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya B. Kita at gastusin ng pamahalaan
C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa D. Transaksiyon ng mga institusying pampinansiyal

7. Upang matustusan ang kakulangan ng bansa, kailangang makipag-ugnayan sa ibang


bansa. Ito ay tinatawag na ___________.
A. Sektor ng Pagluluwas(Export) C. Kagawaran ng Customs B. Panlabas na sector D. World Market

8. Ito ay ang kabayarang tinatanggap ng mga kapitalista


A. Sahod C. Tubo B. Interes D. Kita

9. Sila ang nangongolekta ng buwis at nagbibigay ng serbisyong pampuliko.


A. Bahay-Kalakal C. Pamahalaan B. Sambahayan D. Panlabas na Sektor

10. Ang nagsisilbing pamilihan ng mga salik ng produksiyon.


A. Bahay-Kalakal C. Pamahalaan B. Sambahayan D. Panlabas na Sektor

J. ADDITIONAL ACTIVITIES FOR APPLICATION OR REMEDIATION

G. REMARKS
H. REFLECTION
A. No. of learners who earned 70%

on the formative assessment

B. No of learners who require additional activities for

remediation

C. Did the remedial lessons work?

No. of learners who have caught up with the lesson

D. No. of learners who continue to

require remediation

E. Which of my teaching strategies worked well? Why did this work?

F. What difficulties did I encounter

which my principal or supervisor can help me solve?

G. What innovation or localized materials did I use/discover which I wish to share with other

teachers.

Prepared by: Noted by:

JUVELYN A. LIFANA VICTOR C. CEA


Teacher I Principal I

You might also like