You are on page 1of 3

Ikalawang Buwanang Pagsusulit sa Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

STEM 11 only
SY: 2020-2021
Name: Date of Examination:

Grade Year Level & Section: Score/s:

PLEASE DO NOT FORGET TO WRITE YOUR NAME

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa kaliwang bahagi bago ang numero.
I. KNOWLEDGE

A. Pagpaplano B. Pag-aayos C. Drafting D. Pagrerebisa E. Pinal na Pagbasa at Pagsusulat

F. Interview G. Sounding out Friends H. Listing I. Journal J. Brainstorming K. Observation

L. Karanasan M. Immersion N. Paksa at Tesis O. Nilalaman P. Lagom Q. Konklusyon

R. Pagsasalaysay S. Paglalarawan T. Talambuhay U. Talaarawan V. Repleksyon

1. Mula sa ginawang proofreading maisasapinal ang akademikong sulatin taglay ang tamang wika at nilalaman
ng akademikong sulatin. - E
2. Pagtatakda ng paksa, paraan ng pangangalap ng datos, pagsusuri, at panahon kung kalian sisimulan at
matatapos ang akademikong sulatin. - A
3. Paghahanda ng sarili upang maayos na maisulat ang akademikong sulatin. Makatutulong ang
pagbabalangkas ng paksa sa bahaging ito. - B
4. Mula sa ginawang sariling pagtataya o ng iba ay babaguhin, aauyusin, at pauunlarin ang akademikong
sulatin. - D
5. Panimulang pagsulat o pagmamapa ng mga ideya. Nasa istilo ng manunulat kung paano lilikhain ang
tentatibong sulatin. - C
6. Paglilista ng mga posibleng makatutulong sa iyong gagawing sulatin - H
7. Ang paggamit ng mga pandama katulad ng mga napansin sa paligid, mga naaamoy, namamasid, at
nahahawakang bagay ay makatutulong sa pagtitipon ng mga mapaghahanguan ng ideya at kaalaman sa
gagawing sulatin. - S
8. Ang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, kasambahay, o kapitbahay ay maaring mapaghahanguan ng
mga ideya sa gagawing sulatin. - T
9. Ang iyong mga narinig, nabasa, napanood, at mga hindi makalimutang pangyayari ay maaring
mapaghanguan ng ideya sa gagawing sulatin. N
10. Ang pagtatanong o pagkuha ng impormasyon sa mga taong mas may higit na kaalaman at karanasan sa
paksa na ibinabalak na isulat ay makatutulong sa bubuuing sulatin. - F
II. PROCESS
SET A.
Basahin at unawain ang mga teksto. Kilalanin at patunayan kung anong disiplina at larangan ang
kinabibilangan nito. Bigyan ng paliwanag o patunay na sumusuporta sa kinabibilangang disiplina o
larangan. Gawing batayan ang rubrik para sa pagmamarka sa PATUNAY sa iyong sagot.

11-15. Maliwanag na ang aklat ng Genesis ay bahagi ng iisang orihinal na akda (ang Torah), at posibleng
natapos ito ni Moises sa ilang ng Sinai noong taóng 1513 B.C.E. Pagkatapos ng Genesis 1:1, 2 (tungkol sa
paglalang ng langit at ng lupa), maliwanag na ang aklat ay sumasaklaw sa libu-libong taon na kinailangan
para maihanda ang lupa upang panahanan ng tao (tingnan ang ARAW, II; PAGLALANG, NILALANG), at
pagkatapos, sumasaklaw ito sa yugto mula sa paglalang sa tao hanggang sa taóng 1657 B.C.E., kung kailan
namatay si Jose.—Tingnan ang KRONOLOHIYA (Mula sa Paglalang sa Tao Hanggang sa Kasalukuyan).-
Watchtower ONLINE LIBRARY
Disiplina: ____________________
Larangan ____________________
Patunay _____________________

16-20. Ang Zika ay isang sakit na dulot ng Zika virus, isang virus na hatid ng isang uri ng lamok (Aedes).
Ang mga sintomas ng Zika ay lagnat, rashes, pananakit ng kasukasuan, at pamumula ng mata na parang sore
eyes. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang tumatagal ng ilang araw hanggang isang linggo.Mahalagang
tandaan na ang mga sintomas ng Zika ay kagaya rin ng ibang mga virus na dala ng lamok gaya ng dengue,
at maaari rin itong mapagkalamang trangkaso. Isa pa, maliit na porsyento lamang ng mga tao na na-
impeksyon ng virus ang magkakaron ng mga sintomas; maaaring magkaron ng Zika virus ng hindi
nalalaman.Gaya ng dengue, ito’y nakukuha sa kagat ng lamok na may taglay na Zika virus. Ang mga
sintomas ay kadalasang lumalabas pagkatapos ng 2 hanggang 7 mula sa pagkakakagat ng lamok. -
http://kalusugan.ph/mga-kaalaman-tungkol-sa-zika-virus/
Disiplina: ____________________
Larangan ____________________
Patunay _____________________

21-25. Ang Miss Saigon ay isang pagtatanghal na may tugtugin o teatrong musikal nina Claude-Michel
Schönberg at Alain Boublil sa West End, na may mga liriko nina Boublil at Richard Maltby, Jr. Isa itong
makabagong adaptasyon ng operang Madama Butterfly (Madame Butterfly) ni Giacomo Puccini, na katulad
na naglalahad ng trahikong salaysay ng isang walang patutunguhang pag-iibigan at romansang
kinasasangkutan ng isang babaeng Asyanong nilisan ng kanyang Amerikanong mangingibig. Inilipat ang
tagpuan ng takbo ng kuwento sa Saigon ng dekada ng 1970 noong panahon ng Digmaan sa Vietnam, at
napalitan ang magkasintahang Amerikanong Tinyente at geishang Hapones ng pagmamahalan ng isang
Amerikanong GIat ng isang Vietnamese na naghahanapbuhay sa isang bar.
-https://tl.wikipedia.org/wiki/Miss_Saigon
Disiplina: ____________________
Larangan ____________________
Patunay _____________________

26-30. Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354), na
mas kilala bilang Reproductive Health Law ay naglalayong maikalat ang kaalaman tungkol sa Reproductive
Health, tulungang maipaabot nang mas madali ang mga ligtas at modernong pamamaraan ng contraception,
tulungan ang mga pamilya sa mas maayos na pagpaplano ng pagbuo sa pamilya, at pangangalaga sa
kalusugan ng mga ina. -http://kalusugan.ph/benepisyong-pangkalusugan-ng-reproductive-health-law/
Disiplina: ____________________
Larangan ____________________
Patunay _____________________
SET B.
Piliin sa ibaba ang tamang sagot.
Mga Pagpipilian:

A. Iskaning D. Kaswal G. Re-reading o muling Pagbasa


B. Iskimming E. Pagbasang pang-Impormasyon H. Pagtatala
C. Previewing F. Matiim na Pagbasa

31-32. Kung ikaw ay mabilisang naghahanap ng impormasyon sa iyong pagnahahanap sa pahayagan ng trabaho ano ang gagamitin
mong stratehiya ng pagbabasa? - A

33-34. Kung nakahiligan mong magbasa ng mga pahayagan, ngunit ang pokus mo lamang ay ang basahin ang mga Pamagat nito at
ang pagbasa lamang ng una at huling talata ang iyong pagbibigyang-pansin, anong stratehiya ng pagbabasa ang gagamitin mo? - B

35-36. Kung ikaw ay nababagot at naisipan mong magbasa habang naghihintay sa iyong kaibigan, anong stratehiya ng pagbabasa ang
maaaring gamitin? D

37-38. Sa iyong mga pagsusulit para sa Ikalawang Markahan, nais mong basahin ang bawat tanong ng maingat at layunin mong
maunawaan ito. Anong stratehiya ng pagbabasa ang mas angkop? - f

39-40. Habang nagbabasa, naisipan mong magtala ng mga mahahalagang impormasyon kung kaya’t ninais mong gumamit ng mga
pananda para mas madali mo itong makita at ma balik-balikan. Anong stratehiya ng pagbabasa ang mas angkop na gamitin? - h

I. UNDERSTANDING

41-55. Isulat sa loob ng parihaba ang Iba’t ibang Proseso ng Pagbasa. (15 PTS.)

PROSESO NG PAGBASA

Kumpletuhin ang ilustrasyon na nasa ibaba. (15pts.)

taglay ng taglay ng
mambabasa: teksto:

KAHULUGAN

You might also like