You are on page 1of 4

WIKA

KAHULUGAN

Webster – sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang
simbolo.

Hill – ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao

Gleason – masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo


upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura

KATANGIAN – a) masistemang balangkas b) sinasalitang tunog c) pinipili at insinasaayos d)arbitraryo


e)ginagamit f) nakabatay sa kultura g)nagbabago

MGA BARAYTI NG WIKA

IDYOLEK – personal na paraan ng paggamit ng wika

DAYALEK – wikang nalilikha sa dimensyong heograpikal/ batay sa lugar

SOSYOLEK – dimensyong sosyal/ antas sa lipunan batay sa sinasamahang pangkat ng tao sa lipunan

EKOLEK – ginagamit sa bahay

ETNOLEK – etnolinggwistik/ ginagamit ng mga pangkat-etniko

PIDGIN – walang pormal na estruktura/ nobody’s native language/ nabuo para magkaintindihan ang
dalawang taong walang common na wika (ie: TSINOY)

CREOLE – pidgin na nagkaroon ng pormal na estruktura at katutubong tagapagsalita (ie: CHAVACANO)

REJISTER – ginagamit ng partikular na domeyn (trabaho, propesyon, grupo ng tao na may parehong
interes) ang tawag sa mga ekslusibong salitang ginagamit ng partikular na domeyn ay jargon

ANTAS NG WIKA

PORMAL – PAMBANSA (ginagamit sa teknikal na aklat, dokumentong pambansa, pormal na seremonya


at programa) at PAMPANITIKAN (ginagamitan ng idyoma, tayutay/figures of speech, makatang salita)

DI PORMAL – KOLOKYAL (pinaikli at pinadulas na mga salita, ginagamit ng mga komong tao sa araw-
araw) BALBAL (slang words/ mga salitang binali-baliktad, inimbento, ginagamit sa kalye ng mga tambay,
barok) LALAWIGANIN

WIKANG PAMBANSA – ginagamit na pamantayang wika sa buong bansa/ FILIPINO

WIKANG OPISYAL – wikang ginagamit sa pakikipagtransakyong lokal at internasyunal, sa mga


dokumento, sa edukasyon, sa gobyerno at iba pa/ FILIPINO at INGLES
WIKANG PANTURO – FILIPINO at INGLES / wikang ginagamit sa akademikong pag-aaral at pagtuturo /
may dalawang wikang panturo dahil sa kalikasan ng mga asignatura English, math, science, araling
panlipunan, Filipino, edukasyon sa pagpapakatao, MAPEH at iba pa

MONOLINGGWALISMO – kakayahan na makaintindi at makagamit ng iisang wika lamang

BILINGGWALISMO - kakayahan na makaintindi at makagamit ng dalawang wika

MULTILINGGWALISMO – kakayahan na makaintindi at makagamit ng higit pa sa dalawang wika

UNANG WIKA – katutubong wika ng isang tao, unang natutunan, mother tongue

IKALAWANG WIKA – wikang natutunan sa paaralan o sa paligid/ maaari itong pandayuhang wika o ibang
wikang ginagamit sa ibang rehiyon ng bansa

MTB-MLE – MOTHER TONGUE BASED-MULTILINGUAL EDUCATION, ipinatupad sa pamamagitan ng


DepEd Order 16, s. 2012

HOMOGENOUS – pagkakaroon ng iisang porma o standard na anyo ng wika

HETEROGENOUS – pagkakaroon ng iba’t ibang porma o barayti ng wika

LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD – tumutukoy sa isang grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng
barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga espesipikong patakaran sa paggamit ng wika

GAMIT O TUNGKULIN NG WIKA

INSTRUMENTAL – pagtugon sa mga pangangailangan/ liham pangangalakal (business letter),application


letter

INTERAKSYUNAL – para sa relasyong sosyal ng mga tao/liham pangkaibigan, pakikipagtext o chat

REGULATORYO – pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao/ babala, direksyon, paalala, panuto

PERSONAL – pagpapahayag ng sariling opinyon o damdamin/ personal letters, debate

IMAHINATIBO – pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan/ panitikan (tula, nobela, maikling


katha), idyoma,tayutay, simbolismo

HEURISTIK (TANONG) – paghahanap o paghingi ng impormasyon/ pananaliksik/interview o panayam

AT IMPORMATIB (SAGOT) - pagbibigay ng impormasyon / pananaliksik/ balita/ aklat

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

MANUEL L. QUEZON – ama ng wikang pambansa ng Pilipinas, Pangulo ng Pilipinas nagtagubilin sa


Asemblea Nasyonal ng paglikha ng isang SWP (SURIAN NG WIKANG PAMBANSA)

LOPE K. SANTOS – ama ng balarilang Filipino, bumalangkas sa Abakada noong 1940

JAIME DE VEYRA – hinirang na tagapangulo at kinatawan ng Visayang Samar sa SWP noong 1937
CECILIO LOPEZ – kinatawan ng mga Tagalog, Kalihim at Punong Tagapagtanggap ng SWP noong 1937

HADJI BUTU – kinatawan ng mga Muslim sa SWP noong 1937

PANCIANO B.P. PINEDA – Kinatawan ng mga Tagalog at Tagapangulo ng SWP nong 1971

JUAN MANUEL – Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, lumagda sa Kautusang Pangkagawaran


blg 25 noong 1974

LOURDES QUISIMBING – Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan, lumagda sa


kautusan bilang 52 noong 1987

ISIDRO CARINO – Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Palakasan, lumagda sa kautusan


pangkagawaran bilang 21 noong 1990

1935 - nagkaroon ng unang pormal na hakbangin upang ang Pilipinas ay magkaroon ng wikang
Pambansa

1940 – Opisyal na wika – Ingles, Kastila at wikang pambansa (Tagalog)

1940 – sinimulang ituro ang Wikang Pambansa sa mga paaralan

Batas blg 184 – mga kahingian (requirement) ng isang wika na kailangang tugunan upang ituring na
wikang pambansa

a. Maraming nagsasalita
b. Maraming aklat at panitikang nailimbag
c. Ginagamit na wika sa sentro ng kalakalan, edukasyon at pamahalaan

*TAGALOG

(Nob. 9, 1937) – nakapasa sa lahat ng kahingian ng Batas blg 184

(Dis. 30, 1937) – idineklarang pambansang wika

Marso 26, 1954 – Ramon Magsaysay – Proklamasyon Blg 12 – Linggo ng Wika – Agosto 13-19 – Araw ni
Quezon

*PILIPINO (Agosto 13, 1959) – Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon, “Kailanma’y tutukuyin
ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.”

*FILIPINO

1973 Ferdinand Marcos – Konstitusyon ng 1975, Artikulo XV Seksyon 3

1974 patakarang sinimulang ipatupad sa mga paaralan ay edukasyong bilinggwal

1987 Corazon Aquino – Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV Seksyon 6 at 7 – pagyabungin at pagyamanin
pa ang mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika
SITWASYONG PANGWIKA

PANGUNAHING WIKA SA PILIPINAS – Tausug, Kapampangan, Maranao, Maguindanao, Cebuano,


Ilocano, Bicol, Waray, Pangasinense

Mga dapat tandaan

- Multikultural at multilinggwal ang Pilipinas

- Pinag-aaralan na sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang Filipino bilang programa at asignatura

- Aalisin sa kolehiyo ang asignaturang Filipino ayon sa CMO 20 s. 2013

- Pinanunukala ng House Bill 4701 na gamitin ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng
antas ng edukasyon

- Binansagang Social Media Capital of the World ang Pilipinas

- Ingles ang wika ng Internet

- Laganap ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng akademik

- Opisyal na wika sa Pilipinas ang Ingles at Filipino

- Maituturing na wikang global ang Filipino

- Magkakaugnay ang wika, politika at ekonomiya kung kaya’t kailangang magkakaugnay rin silang
suriin

- Ang pagdami ng OFWs sa ibang bansa ang pangunahing dahilan ng paglaganap ng Filipino sa
buong mundo

- Itinuturing na ikalawang wika ng mga Pilipino ang Ingles

Ang pagbabalik-aral na ito ay inihanda ni: Nathanielle Torre

You might also like