You are on page 1of 32

Mga Nilalaman

1. Panimula 7. Ikalawang Pagsasanay


2. Layunin 8. Sagot
3. Pamagat 9. Kongklusyon
4. Mga Batang gagamit
5. Mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul
6. Unang Pagsasanay
Panimula:
Ang modyul na ito ay aking ginawa para
sa inyo. Sa modyul na ito sigurado akong may
mapupulot at matututuhan kang aral.
Layunin:
1. Malinang ang kakayahang makapagsalita
ng may kabuluhan
2. Matutunan ang mga tutuntuning dapat
sundin sa tamang pakikipag-usap.
Ang Mabuting
Tagapagsalita
Tayo na,
Samahan mo
akong
magbasa .
Ano ba ang isa sa napakagandang kaloob sa atin ng
ating Panginoon? Ito na marahil ang kakayahan nating
makipag-ugnayan sa pamamagitan ng salita. o ang tinawaga
sa Ingles na “Power of Speech”. Mapalad tayong mga
nakakapagsalita na naihahayag natin ang ating nais
sabihin, mapalad din naman ang kapwa natin na bagama’t di
nila maipahayag ang nais nilang sabihin ay gumagamit
naman sila ng salita gamit ang kanilang mga kamay o
ang“sign language”
Maging ang mga ibon, mga insekto at mga hayop sa
kagubatan ay may sariling paraan ng pakikipag-ugnayan.
Ngunit may mga tao din namang sobrang tipid
magsalita at mayroon din namang pagbuka ng bibig parang
machine gun, walang hinto, walang preno, wala ding
sawa.Katulad ba ni Maria? “Maricel Soriano?
May mga umpukan tayong napakasarap makihalo,
makisabad. Ito ang pinakamasarap na pampalipas oras.
“Tsismisan ba ito?”
Ika nga ng mga mtatanda. “Hindi na baleng iwanan ang
isang hapag-kainan, huwag lamang ang masarap na
usapan.’ Nakatutulong sa paglinang sa ating personalidad
ang ganitong palitan ng kuru-kuro.
Ngunit gaya ng anumang gawaing sosyal, gaya
rin ng anumang palaro, may mga alituntuning dapat sundin
upang lalong maging makahulugan at mabungan ang
usapan.
Sa mga kolehiyo, ang tawag sa mga usapang
ganito’y “group dynamics.” At dito’y nais kong iambag ang
ilang punto na sana’y kapulutan ng aral nang sa gayo’y
ang ating pakikipag-usap ay maging epektibo, para sa
ating sarili at sa ating kapwa.
Una. Huwag nating hayaang tayo ay pangunahan ng
isang tao, ito ay madalas na nangyayari kung kaya’t
nawawala at ating karapatang magsalita.
Ikalawa: Hindi dapat mauwi sa isang pagtatalo ang isang
usapan. Para itong debate ng dalawang pangkat, walang
gaanong mapupulot na aral sa ganitong sistema at
kadalasa’y gulo ang kinauuwian.
Ikatlo: Iwasan ang usapang ang tema o paksa ay ang
ating kapwa dahil mauuwi ito sa tsismisan at
kahahantungan ay away.
Hindi dapat na maging miron lamang ang sinuman
sa isang usapan, bawat isa ay dapat na may maiambag na
tema. Kailangang tumugon ang bawat damdamin at bawat
isip sa anumang pinag-uusapang ideya.
Karaniwan ay may isang lider. Hindi siya ang
sentro ng usapan ngunit siya ang gumigiya, siya ang
nagdadala sa sa buong grupo upang makilahok ang bawat
isa.
Ngunit kung nais ng isang lider na maging
matagumpay ang usapan ay kailangan niyang mapilit ang
bawat isa sa miyembro ng magsalita upang marinig ng
lahat ang kani-kaniyang opinyon sa paksa. Kung may
napapansin siyang mahiyain sa grupo, idadako niya ang
usapan sa kanya. Karaniwan kasi ang walang kibo ay
may itinatagong magandang isipan. Parang nagbubukas
ng kabibi, dahan dahan ang pagbubukas upang
pakinabangan ng lahat ang naiipon niya karunungan.
Kailangang malinang ang kakayahan nating
magsalita. Ito ayt isang malaking susi sa ikasisiya at sa
ikauunlad ng ating pagkatao.
“If you want to have a personality plus – pag-
aralang makilahok sa usapan.
Huwag nating ilagay ang ating sarili sa isang tabi
lang at manahimik samantalang may mga magagandang
ideya na kaya nating ilahad at kapakipakinabang.
•Naintindihan mo ba ang iyong
binasa?
•Kung gayon ay susubukan ko
kung talagang iyong naunawaan.
•Sagutin mo ang mga tanong sa
susunod na pahina upang aking
mapatunayan na naunawaan mo
nga.
•SIMULAN MO NA!
Unang Pagsasanay

1. Ano ang sinasabing pinakamagandang kaloob


ng Diyos sa tao?
a. Power of speech
b. Power of hearing
c. Power of touch
d. Power of sight
2. Ano ang sinasabing kakayahan din ng mga
hayop sa kagubatan?
a. pakikipag-away
b. Pakikipag-ugnayan
c. Pakikilahok
d. Pakikipamuhay
3. Ayon sa teksto saan matipid ang ilang tao?
a. Salapi
b. Salita
c. Ngiti
d. Pagkain
4. Ano daw ang masarap na pampalipas oras
sa isang umpukan?
a. Ehersisyo
b. Pag-uusap
c. Pahingahan
d. kainan
5. Ayon sa mga matatanda, ano daw ang
iiwanan kapalit ng masarap na kwentuhan?
a. Asawa
b. Anak
c. Trabaho
d. Hapag-kainan
6. Ano ang maitutulong ng pakikipag-usap sa
ating sarili?
a. Paglinang ng personalidad
b. Paglinang ng kakayahan
c. Paglinang ng kaalaman
d. Paglinang ng talento
7. Ano ang dapat iwasan sa isang usapan o
umpukan?
a. Pamahalaan
b. Kapwa-tao
c. Palabas sa sine
d. Magulang
8. Sa isang umpukan sa kolehiyo, ito ay tinatawag
na ano?
a. Group discussion
b. Panel discussion
c. Group dynamics
d. Debate
9. Ano ang tawag sa mga di nagbibigay ng opinyon
at taga pakinig lamang?
a. Miron
b. Tagatawa
c. Tagalista
d. tagapamagitan
10. Bakit kailangang linangin ang kakayahan sa
pagsasalita?Susi daw ba ito ng ano?
a. Pagkalahi
b. Pagkatao
c. Pagka-Pilipino
d. Pagiging estudyante
•MAGALING!
•Ngayon upang iyong
maunawaan subuking sagutin
ang ilan pang mga tanong.
•SIMULAN MO NA!
1. Paano pinatunayan ng
teksto na ang pagsasalita
ang isa sa pinakamagandang
kaloob ng Panginoon?
2. Bakit kailangang linangin
din ng bawat isa ang
kakayahang magsalita?
3. Makatutulong ba ang
pakikipag-usap sa ating
kapwa?
4. Magagamit ba natin sa
mga gawain sa araw-
araw ang pagsasalita?
•MAGALING!
Hanggang sa susunod....
PAALAM.
Mga Sagot:
Unang Pagsasanay
1. A 6. A
2. B 7. B
3. B 8. C
4. B 9. A
5. D 10. B
Ikalawang Pagsasanay.
(sariling opinyon ayon sa
pagkaunawa sa binasa)
Konklusyon
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng modyul na ito,
umaasa ako na iyong naunawaan ang kahalagahan ng
pagsasalita at pakikipag-usap. Maraming salamat sa
paglalaan ng oras upang ito ay iyong basahin.

You might also like