You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

GRADE 11

F11- PT-IA-85
I.LAYUNIN
a. Naitatala ang mga katangian ng Bilinggwalismo at Multilinggwalismo.
b. Natutukoy ang mga kahulugan ng mga konseptong pangwika.

II. PAKSA: Bilinggwalismo at Multilinggwalismo

Sesyon: 2 sesyon
Kagamitan: speaker, cellphone, paper cabbage, tsart
Referens: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Pahina: p.7

III. PAMAMARAAN

A.Panalangin
B. Pagbati
C. Pagtatala ng mga lumiban

D. Pagtuklas (Cabbage Game)


Panuto:
Bubuo ng malaking bilog ang mga mag-aaral.
Maglalaro sila ng cabbage game.
Sapagtugtog ng musika, sasayaw sila habang iapapasa-pasa ang cabbage paper.
Kung sino angmakahawak ng cabbage sa paghinto ng musika ay siyang magbabalat sa unang
bahagi ngcabbage. Babasahin niya ang katanungan, sasagutin o gagawin ang pinapagawa na
nakapaloobdito.

Mga Tanong:
Ano-ano ang mga wikang ginagamit at naiintindihan mo?
Ibigay ang katumbas ng salitang “pagibig” sa Blaan, Cebuano at English

E. Paglinang (Magbibigay ng mga katanungan ang guro)

Ano ang iyong naobserbahan sa ginawang aktibidad?


Paano mo nasagot ang mga katanungan?
Madali lang ba ang mga tanong? Bakit?(Pagpapaliwanag at pagpapalwak ng guro)

F. Pagnilay
Panuto:
Papangkatin ang mga mag-aaral sa dalawa (2).
Itatala ng bawat pangkat ang mga katangian ng Bilinggwal at Multilinggwal sa
talahanayan. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 2minuto upang mag-isip at 3 minuto sa
pagpresenta.Pangkat 1- Talk Show, Pangkat 2 Newscasting
Bibigyan ng iskor ang bawat pangkat gamit ang rubriks
.

You're reading a preview. Unlock full access with a free trial.


Pages 2 to 6 are not shown in this preview.

Download
Mala-Susing Banghay Aralin
SaFilipino 3
I-LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.) Malaman ang Layunin at mga dapat isaalang-alang.

2.) Malaman ang bahagi ng talumpati

3.) Makabubuo ng isang talumpati

II-PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagtatalumpati

Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (pahina150-152)

Kagamitan: Libro, Manila Paper

III-PAMAMARAAN
1.) Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga Lumiban
4. Pagbabalik-aral
2.) Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Magtatanong ang guro kung sino na ba ang nakasubok magtalumpati at kung saan ito
ginanap.magsasalaysay siya ng kahit kaunti lamang sa kanyang experience.

1. Aralin
Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa Pagtatalumpati, ididikit na ang manila paper sa
pisara.

 Bibigyang kahulugan na ng guro ang pagtatalumpati.


 Ilalathala na ng guro ang mga Layunin ng Pagtatalumpati(tatawag siya ng mag-aaral na babasa
sa nakasulat sa manila paper),,magtatanong siya para makuha ang atensyon ng mga mag-aaral.
 Ipapaliwanag ng guro ang mga dapat isaalang –alang ng nagtatalumpati:
1. May pananabik na magtalumpati
2. May sapat na paghahanda at kaalaman sa paksa
3. Kakayahang gumamit ng kawili-wili, malinaw at madalingmaintindihan na salita
4. May mayamang talasalitaan
5. May kaganyak-ganyak na tinig
6. May sapat na kaalaman sa balarila
 Ibabahagi na ng guro ang mga bahagi ng talumpati:
1. Panimula
2. Katawan
3. Pamimitawan
1. Paglalahat
Ano ang pagtatalumpati?paano maisakatuparan ang isang mahusay na talumpati?isa-isahin ang
mga dapat isaalang-alang ng mananalumpati at ipaliwanag ang bawat isa.

3.) Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat
Pakinggan ang talumpating babasahin sa harapan at magtala ng mga importanteng isinasaad
dito.Subukang hanapin ang mga alituntunin na tinalakay.

Pamagat: “RTU sa patuloy na pag-abot sa Tugatog ng Tagumpay”

IV- PAGTATAYA
Pumili at Sumulat ng isang talumpati hinggil sa mga paksang:
1. Kahalagahan ng Edukasyon
2. Ang Isang Mabuting Mag-aaral
3. Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa
4. Ang Pangingibabaw ng katotohanan
V- TAKDANG-ARALIN
Isaulo ang talumpating ginawa dahil bukas ay bibigkasin mo ito sa klase.

You might also like