You are on page 1of 1

ANGHAY ARALIN(lesson plan)

Mala-Susing Banghay Aralin


Sa
Filipino 3
I-LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.) Malaman ang Layunin at mga dapat isaalang-alang.
2.) Malaman ang bahagi ng talumpati
3.) Makabubuo ng isang talumpati
II-PAKSANG ARALIN
Paksa: Pagtatalumpati
Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (pahina150-152)
Kagamitan: Libro, Manila Paper
III-PAMAMARAAN
1.) Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga Lumiban
4. Pagbabalik-aral
2.) Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magtatanong ang guro kung sino na ba ang nakasubok magtalumpati at kung saan ito ginanap.magsasalaysay siya ng kahit kaunti lamang sa kanyang experience.
1. Aralin
Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa Pagtatalumpati, ididikit na ang manila paper sa pisara.
Bibigyang kahulugan na ng guro ang pagtatalumpati.
Ilalathala na ng guro ang mga Layunin ng Pagtatalumpati(tatawag siya ng mag-aaral na babasa sa nakasulat sa manila paper),,magtatanong siya para makuha ang atensyon ng
mga mag-aaral.
Ipapaliwanag ng guro ang mga dapat isaalang alang ng nagtatalumpati:
1. May pananabik na magtalumpati
2. May sapat na paghahanda at kaalaman sa paksa
3. Kakayahang gumamit ng kawili-wili, malinaw at madalingmaintindihan na salita
4. May mayamang talasalitaan
5. May kaganyak-ganyak na tinig
6. May sapat na kaalaman sa balarila
Ibabahagi na ng guro ang mga bahagi ng talumpati:
1. Panimula
2. Katawan
3. Pamimitawan
1. Paglalahat
Ano ang pagtatalumpati?paano maisakatuparan ang isang mahusay na talumpati?isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang ng mananalumpati at ipaliwanag ang bawat isa.
3.) Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Pakinggan ang talumpating babasahin sa harapan at magtala ng mga importanteng isinasaad dito.Subukang hanapin ang mga alituntunin na tinalakay.
Pamagat: RTU sa patuloy na pag-abot sa Tugatog ng Tagumpay

IV- PAGTATAYA
Pumili at Sumulat ng isang talumpati hinggil sa mga paksang:
1. Kahalagahan ng Edukasyon
2. Ang Isang Mabuting Mag-aaral
3. Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa
4. Ang Pangingibabaw ng katotohanan
V- TAKDANG-ARALIN
Isaulo ang talumpating ginawa dahil bukas ay bibigkasin mo ito sa klase.

You might also like