You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

(FINAL SA E252 PAGTUTURO AT PAGTATAYA


NG MAKRONG)

DELA CRUZ,TANGELA MARIE D.

BSEFIL 2-1
Mala-Susing Banghay Aralin

Sa

Filipino 3

I-LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.) Malaman ang Layunin at mga dapat isaalang-alang.

2.) Malaman ang bahagi ng talumpati

3.) Makabubuo ng isang talumpati

II-PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagtatalumpati

Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (pahina150-152)

Kagamitan: Libro, Manila Paper

III-PAMAMARAAN

1.) Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga Lumiban
4. Pagbabalik-aral

2.) Panlinang na Gawain

5. Pagganyak

Magtatanong ang guro kung sino na ba ang nakasubok magtalumpati at kung saan ito
ginanap.magsasalaysay siya ng kahit kaunti lamang sa kanyang experience.

6. Aralin

Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa Pagtatalumpati, ididikit na ang manila paper
sa pisara.

 Bibigyang kahulugan na ng guro ang pagtatalumpati.


 Ilalathala na ng guro ang mga Layunin ng Pagtatalumpati(tatawag siya ng mag-aaral na
babasa sa nakasulat sa manila paper),,magtatanong siya para makuha ang atensyon ng
mga mag-aaral.
 Ipapaliwanag ng guro ang mga dapat isaalang –alang ng nagtatalumpati:

7. May pananabik na magtalumpati


8. May sapat na paghahanda at kaalaman sa paksa
9. Kakayahang gumamit ng kawili-wili, malinaw at madalingmaintindihan na salita
10. May mayamang talasalitaan
11. May kaganyak-ganyak na tinig
12. May sapat na kaalaman sa balarila

 Ibabahagi na ng guro ang mga bahagi ng talumpati:


1. Panimula
2. Katawan
3. Pamimitawan
4. Paglalahat

Ano ang pagtatalumpati?paano maisakatuparan ang isang mahusay na talumpati?isa-isahin ang


mga dapat isaalang-alang ng mananalumpati at ipaliwanag ang bawat isa.

3.) Pangwakas na Gawain

1. Paglalapat

Pakinggan ang talumpating babasahin sa harapan at magtala ng mga importanteng isinasaad


dito.Subukang hanapin ang mga alituntunin na tinalakay.

Pamagat: “RTU sa patuloy na pag-abot sa Tugatog ng Tagumpay”

IV- PAGTATAYA

Pumili at Sumulat ng isang talumpati hinggil sa mga paksang:

1. Kahalagahan ng Edukasyon

2. Ang Isang Mabuting Mag-aaral

3. Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa

4. Ang Pangingibabaw ng katotohanan

V- TAKDANG-ARALIN

Isaulo ang talumpating ginawa dahil bukas ay bibigkasin mo ito sa klase.

You might also like