You are on page 1of 3

St.

Anthony´s College
San Jose, Antique
LA-Ed Department

Aralin sa GEC 110


Masining na Pagpapahayag

Course Learning Outcomes:


Students communicates ideas and opinions effectively.
Students demonstrate skills and competencies required in their work through
production of creative outputs.
Intended Learning Outcomes:
Nadedebelop ang kakanyahan sa pagbuo ng angkop na paksa ,pamagat at ng
isang mabisang komposisyon.
Paksa: Komposisyon: Paksa ng Komposisyon, Pamagat, Iba’t ibang Paraan ng Pagbuo ng
Pamagat
Sanggunian: De Dios, Luz, A., Losano, Luz, L., 2014, Modyul sa Retorika, (Masining na
Pagpapahayag, Grandbooks Publishing Inc., Metro Manila, pp. 25-29

ARALIN 8

KOMPOSISYON

Ay ang sining ng aktwal at payak na pagsulat na binubuo ng sistematiko at organisadong ideya o


kaisipan.
Ay mga hinabing kaisipan tungkol sa isang paksa. Binubuo ito ng tatlong bahagi: ang panimula,
panggitna/katawan at pangwakas/konklusyon.
Ang isang komposisyon ay dapat magtaglay ng mga sumusunod…
 Paksang pangungusap
 Isang diwa
 Kaisahan
 Kaayusan
 Sapat na haba
 Wastong kayarian ng mga pangungusap
 Maayos na ugnayan ng mga ideya.

KAHALAGAHAN NG KOMPOSISYON

1. Mahalaga upang malinaw na matalakay ang nilalamang diwa ng paksa.


2. Mahalaga sa pagpapaunlad ng sariling karanasan sa pagsusulat.
3. Magagamit na pampalipas oras o libangan.
4. Magsisilbing tuntungan sa iba pang malawakang gawaing pasulat.
5. Mahalaga sa pagpapayaman ng utak.
6. Mahalaga sa pagpapaalpas ng nasa damdamin.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON

1. Paghahanap ng Paksa
2. Pumuli ng Paksang Isusulat
3. Pag-iipon ng mga Datos
o Datos o nga impormasyon at kaisipan kaugnay sa napaksang napili.
4. Pagsulat ng Burador
o Burador o draft sa wikang ingles ay panimulang sinulat mo ukol sa napiling paksa.
Hindi ito ang pinal na bersyon ng iyong gawa at maaari pa itong mabago.
5. Pagbasa ng Burador o Unang Pagrerebisa
6. Muling Pagsulat ng Burador
7. Ikalawang Pagrerebisa
8. Pinal na Pagsulat

MUNGKAHING ESTILO NG PAGSULAT NG KOMPOSISYON

S- Una sa panimula ihayag ang SITWASYON ng konsepto ng isusulat.

P- Pangalawa, ihayag ang PROBLEMA ng sitwasyon.

B- Pangatlo, ihayag ang magiging BUNGA ng binanggit na problema.

S- Pang-apat, ihayag ang maaaring SOLUSYON sa bunga at problemang tinalakay.

E- Panlima, ihayag ang maaaring EBALWASYON kung susundin ang imumungkahing solusyon.

PAKSA NG KOMPOSISYON

Paksa

Tinatawag rin na tema, ito ang pinag-uusapan o sentro/pokus ng usapan sa isang komposisyon.
Sa pagpili ng PAKSA, mahalagang magkaroon ka ng sapat na kabatiran sa paksang iyong
susulatin at dapat ding isaalang-alang ang iyong interes sa paksa.

MGA MAPAGKUKUNAN ng PAKSA

 Sariling karanasan
 Naririnig o napapakinggan sa iba
 Nabasa o napanood
 Likhang isip
 Panaginip/ pangarap

PAMAGAT ng KOMPOSISYON

Pamagat 
Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng mga akda at sulatin dahil ito ang nagbibigay pangalan
sa mga ito.
Ang pamagat ng komposisyon ang unang tumatawag ng pansin ng mga mambabasa.
Ito ang madalas na unang natatandaan ng mga mambabasa kaya dapat itong isipin at piliing
mabuti upang maging kaakit-akit.
Ang mabisang pamagat ay kawili-wili, maikli, madaling tandaan at hindi palasak.

IBA’T IBANG PARAAN ng PAGBUO ng PAMAGAT

1. Pangalan ng tauhan, katawagan sa isang tao o grupo ng mga tao


2. Pangalan ng lugar o katawagan sa isang lugar.
3. Mahahalagang pangyayri o kaisipan.

You might also like