You are on page 1of 26

SHS

Filipino
Piling Larang –Akademik
Modyul 2:
Mga Akademikong Sulatin
Ating Kilalanin!
Filipino – SHS Baitang 11/12
Piling Larang: Akademik – Modyul 2: Akademikong Sulatin Ating Kilalanin!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Rosemarie M. Nocedo


Editor: Leopoldo C. Brizuela, Jr.
Tagasuri: Nora J. Laguda

Tagaguhit: Jotham D. Balonzo


Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay

Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng


kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.

Ipabatidna kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang


bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul
na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.


Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito.Tiniyak kongmatutuwa ka
habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito.Huwag mong


susulatan at iwasang mapunit ang mga
pahina.Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Akademikong Sulatin Ating Kilalanin!

Panimula:

Magandang araw!

Kumusta?

Ayos ka lang ba?

Mabuti naman kung gano’n. Heto na naman tayo para sa panibagong aralin
na lalong pagpapayabong ng iyong kaalaman. Ano-ano nang sulatin ang iyong
nasubukang isulat? Nakasulat ka na ba ng sulating akademiko?

Sa modyul na ito ay makikilala mo ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin


batay sa layunin, gamit, katangian at anyo.

O, ano kayang-kaya ba? Halika umpisahan mo na!

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakakikilala ng iba’t ibang akdemikong
sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian,
at anyo.

1
Muli, may mga bagong salita na dapat mong kilalanin
para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang
ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakay
tungkol sa ating paksa.

Talasalitaan

Basahin natin.

agenda-

tawag sa paksa o aksyong gagawin


na makikita sa katitikan ng pulong

akademikong sulatin-

pormal na sulatin o akdang


isinasagawa sa isang akademikong
institusyon o unibersidad sa isang
partikular na larangang akademik

lohikal-

maayos na pagkakasunod-sunod o
organisasyon ng mga ideya sa isang
sulatin

sanaysay-
katawan-
isang sulating nagsasaad ng sariling
gitnang bahagi o pikakanilalaman ng
damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang
ianumang sulatin kung saan tinatalakay
manunulat kaugnay ng kanyang nakita o
ang paksa
naobserhan tungkol sa isang isyu o paksa

gitnang bahagi o
introduksyon- konklusyon –
pinakanilalaman ng anumang
sulatin panimulang bahagi ng anumang
kung saan tinatalakay panghuling bahagi ng anumang sulatin
sulatin kung saan ipinakikilala sa
ang paksa o isyu ang paksa tatalakayin at
mambabasa na nagbibigay ng paglalahat sa mga
isinusulat sa paraang kawili-wili at ideyang tinalakay sa katawan at
makatawag-pansin tinitiyak na mag-iiwan ng impresyon o
marka sa mga mamababasa

2
Teka! Bago ka magsimula, sukatin muna
natin kung ano na ang alam mo sa ating
aralin.

Panimulang Gawain

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa iyong
sagutang kuwaderno ang titik nasubukin mosanga?
kumakatawan wastong sagot.

1. Ito ay buod ng papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin,


metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral.
a. buod b. balangkas c. abstrak d. sintesis

2. Ito ay maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor.


a. talumpati b. abstrak c. posisyong papel d. bionote

3. Uri ito ng sulatin kung saan ginagamit ng may-akda ang mga larawan na
nagbibigay-kulay o kahulugan kaalinsabay ng mga teksto sa paglalahad
o pagbibigay diskusyon sa isang isyo o usapin.
a. pictorial essay c. katitikan ng pulong
b. lakbay-sanaysay d. posisyong papel

4. Ito ay sulating nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang


naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
a. posisyong papel c. lakbay-sanaysay
b. pictorial essay d. replektibong sanaysay

5. Isa itong mahalagang rekord hinggil sa mga napag-usapan at napagtibay ng isang


partikular na oganisasyon.
a. talumpati c. posisyong papel
b. katitikan ng pulong d. bionote

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 21 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
Nahirapan ka ba sa pagsagot sa unang gawain?

Huwag kang mag-lala. Nagsisimula ka pa lamang sa


iyong paglalakbay patungo sa pagkatuto.

Halika, may inihanda akong mga dapat mong


matutuhan at ilang gawaing mas lalong
magpapaunlad sa iyong kaalaman.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.

Akademikong Sulatin, Ating Kilalanin


ni: Rosemarie Nocedo

Ano nga ba ang akademikong sulatin? Ayon sa mga eksperto, ang


akademikong sulatin ay pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang
akademikong institusyon o unibersidad sa isang partikular na larangang akademik.
Ito ay itinuturing na intelektuwal na pagsulat na naglalayong mapalawak at mapataas
ang kaalaman hinggil sa iba’t ibang larangan at paksa.

Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura,


karanasan, reaksyon, at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang
makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.

Kabilang sa maituturing na mga halimbawa ng akademikong sulatin ang


talumpati, posisyong papel, katitikan ng pulong, bionote, lakbay-sanaysay,
replektibong sanaysay, pictorial essay, panukalang proyekto, at abstrak. Bagaman
pare-parehong nabibilang sa akademikong sulatin, ang bawat isa ay may taglay na
kanya-kanyang gamit, layunin, katangian at anyo na nagsisilbing nilang
pagkakakilanlan.

?
________________________________
Ano-ano ba ang mga halimbawa ng
akademikong sulatin?

Tama! Ilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin ang talumpati, posisyong


papel, katitikan ng pulong, lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, bionote,
abstrak, pictorial essay, at panukalang proyekto.
4
Nahahati sa dalawang pangkat ang mga sulating ito. Ang unang pangkat ay
ang mga sulating nangangatwiran at naglalahad na kinabibilangan ito ng:

➢ posisyong papel
➢ talumpati
➢ katitikan ng pulong,
➢ panukalang proyekto
➢ abstrak at
➢ bionote.

Mga sulating nagsasalaysay at naglalarawan naman ang ikalawang


pangkat kung saan nabibilang ang lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay at
pictorial essay.

Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga akademikong sulatin?

➢ Ang talumpati ay isang akademikong sulatin na binibigkas sa


harap ng mga tagapakinig. Layunin nitong manghikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o kabatiran at maglahad ng
isang paniniwala. Ito ay nauuri sa dalawa ayon sa balangkas.

Gaya ng talumpati,

➢ Ang posisyong papel ay naglalayon ding manghikayat sa


pamamagitan ng pangangatwiran.

Ito ay sulating naglalahad ng mga katwiran ukol sa panig sa isang isyu.


Naglalaman ito ng malinaw na tindig sa isyu, mga argumento at
pinapatibay ito ng malalakas na ebidensiya. Kinakailangan dito ang
komprehensibong pananaliksik upang makakuha ng mga patunay na
kukumbinsi sa mga mambabasa.

?
______________________________________________________

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


talumpati at posisyong papel?

Tumpak! Nagkakatulad ang talumpati at posisyong papel sa layunin, gamit at


maging sa anyo o estruktura nito. Sa kabilang banda, nagkakaiba sila sa paraan
kung paano ipinababatid ang impormasyon sa pinatutungkulan.
___________________________________________________________________________

5
Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

______________________________________________________________
➢ Ang katitikan ng pulong naman ay isang akademikong sulatin na
naglalaman ng mahahalagang detalye hinggil sa mga napag-usapan at
napagtibay ng isang partikular na organisasyon.

Mahalaga ang rekord na ito bilang batayan sa susunod na pagpupulong at sa


pagsubaybay sa mga problema at aksyong napagtibay sa pulong. Nakatutulong din
ito lalo na sa mga miyembrong hindi nakadalo bilang kanilang referens. Nakasulat ito
sa paraang obhektibo, tiyak at malinaw.

? Ano ang gamit ng pagsulat ng katitikan ng pulong?

__________________________________________________________________________
Tama! Ito ay ginagamit bilang referens ng mga susunod na gaganaping
pagpupulong at pagsubaybay sa mga plano, problema at aksyong napagtibay.
Ginagamit din itong batayan ng mga miyembrong hindi nakadalo sa pulong.
__________________________________________________________________

➢ Ang bionote ay isang sulatin na naglalayong magbigay ng


impormasyon. Naglalahad ito ng mga kwalipikasyon ng isang
indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal. Itinatanghal
dito ang kanyang mga natamo na nagsasabing siya ay maalam at may
awtoriodad sa larangang kanyang kinabibilangan. Karaniwang maikli
lamang ang nilalaman nito.(isang talata lamang). Nasusulat ito gamit
ang ikatlong panahunan. Madalas itong makita sa likurang pabalat ng
libro na may kasamang larawan ng awtor. Ito ay nagsisilbing personal
profile ng isang tao upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
_______________________________________________________

?
Ano ang layunin ng bionote at saan ito
madalas na makikita?

6
________________________________________

Magaling! Tandaan nating ang layunin ng bionote ay ang magbigay ng personal na


impormasyon tungkol sa kwalipikasyon at kredibilidad ng isang awtor. Madalas na
makikita ito sa likurang pabalat ng aklat na kanyang isinulat.
___________________________________________________________________

Isa ring akademikong sulatin na nagpapabatid ang abstrak. Ito ay buod ng


papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at
konklusyon ng pag-aaral. Layunin nitong paikliin ang isang buong papel pananaliksik
upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa patungkol sa nilalaman
nito.
Karaniwang ito ay binubuo lamang ng 200-300 na salita. Simpleng
pangungusap ang ginagamit sa pagsulat. Makikita ito sa unahang bahagi ng
manuskrito.
_________________________________________________________________

? Ano ang abstrak at ano-anong katangian


ang taglay nito?

________________________________________________________________

Tama! Ang abstrak ay buod ng isang papel-pananaliksik. Naglalaman ito ng


kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral. Simpleng
pangungusap lamang ang ginagamit sa pagsulat at binubuo lamang ng 200-300 na
salita.
_________________________________________________________________

Ipagpatuloy mo.

_________________________________________________________________

Ayon kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong


deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o
suliranin. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi: ang panimula, katawan at konklusyon.
Sa bahaging panimula inilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o
motibasyon. Inilalagay naman sa bahaging katawan ang detalye ng mga kailangang
gawin at ang iminumungkahing badyet para sa mga ito. Samantala, sa bahaging
7
konklusyon inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto.
Naglalaman ito ng mga sumusunod: pamagat, proponent ng proyekto, kategorya
ng proyekto, petsa, rasyonal, deskripsyon ng proyekto, badyet na
kakailanganin, at ang pakinabang ng proyekto.

Nararapat na ang panukala ay tiyak at realistic kaya naman mahalaga ang


pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad o organisasyong pag-uukulan nito
bilang unang hakbang sa pagsulat. Tinitiyak din sa pagsulat nito na makumbinsi ang
nilalapitang opisina o ahensiyang mag-aapruba ng panukalang proyekto.
_________________________________________________________________

?
Ano-ano ang mga espisipikong bahagi ng
isang panukalang proyekto?

________________________________________________________________

Tumpak! Ang mga espisipikong bahagi ng isang panukalang proyekyo a:


pamagat,
proponent ng proyekto,
kategorya ng proyekto,
petsa,
rasyonal,
deskripsyon ng proyekto,
badyet na kakailanganin, at
ang pakinabang ng proyekto.
_________________________________________________________________

Atin ding kilalanin ang mga akademikong sulatin na nagsasalaysay at


naglalarawan.

Kabilang dito:

➢ ang lakbay-sanaysay. Ito ay akademikong teksto na nagsasalaysay at


naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar,
nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip at
napagtantong ideya.

Tinatawag din itong travel essay o travelogue. Ilan sa mga katangiang


taglay nito ang maayos na daloy ng mga pangyayari, may malinaw na
paglalarawan sa mga lugar, tao at pagkain, gumagamit ng maraming pandiwa
at pang-uri upang maikuwento at mailarawan ang mag pangyayari, tao at
8
lugar at higit sa lahat may mga ideyang napagtanto ang awtor sa ginawang
paglalakbay. Kadalasan mas personal at impormal ang pagkakasulat ng
lakbay-sanaysay.

Layunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ang makapagbigay ng malalim na


insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon.
___________________________________________________________________

?
Sa tingin mo, bakit madalas ay personal at
impormal ang pagkakasulat ng lakbay-
sanaysay?

_____________________________________________________

Mahusay! Ang lakbay-sanaysay ay madalas na isinusulat sa paraang personal at


impormal pagkat ang isinasalaysay at inilalarawan ng may-akda ay ang kanyang
naging personal na karanasan sa ginawang paglalakbay.
___________________________________________________________________

Isa ring akademikong sulating nagsasalaysay…

➢ ang replektibong sanaysay-


Nagsasalaysay ito ng mga personal na karanasan at sinusuri ang
naging epekto ng ng mga karanasang iyon sa manunulat. Layunin
nitong maibahagi sa iba ang naging karanasan at makapagbigay ng
inspirasyon sa mambabasa. Maaaring lamanin nito ang kalakasan ng
manunulat at maging ang kanyang kahinaan. Isinasalaysay at
inilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad ang kanyang
mga kalakasan at kung paano niya naman napagtagumpayan o balak
pagtagumpayan ang kanyang mga kahinaan.

Katulad ng ibang sulating akademiko, ang replektibong sanaysay ay may


simula, katawan at konklusyon. Taglay rin nito ang mga katangian ng lakbay-
sanaysay gaya ng pagkakaroon ng maayos na daloy ng mga pangyayari, malinaw
na paglalarawan at pagsasalaysay sa mga karanasan, at ang paggamit ng pang-uri
at pandiwa maliban sa pagkakaroon ng malinaw na pagsusuri sa mga karanasan sa
buhay. Itinuturing itong isang personal , mapanuri o kritikal na sanaysay.
___________________________________________________________________

? Ano ang isinasalaysay at inilalarawan ng


may-akda sa isang replektibong sanaysay?

9
______________________________________________

Tama! Isinasalaysay at inilalarawan sa isang replektibong sanaysay ang naging


personal na karanasan ng may-akda at sinusuri kung ano ang naging epekto nito sa
kanyang sarili.
___________________________________________________________________

Bilang panghuli ay ang-

➢ pictorial essay-
Isang uri ito ng sulating akademiko na ginagamitan ng may-akda ng
mga litrato na nagbibigay-kulay at kahulugan kaalinsabay ng teksto sa
paglalahad o pagbibigay-diskusyon sa isang isyu o paksa.

Ito ay nakasentro lamang sa iisang tema. Layunin nitong magsalaysay


at maglarawan ng pangyayari gamit ang mga litrato. Ang mga larawan
ang nagsisibing pangunahing tagapagkuwento samantalang ang teksto
ay pansuporta lamang. Ang mga ito ay inaayos sa paraang
kronolohikal upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin, at mga
konsepto sa pinakapayak na paraan.
___________________________________________________________________

? Ano ang gamit ng pictorial essay?

________________________________________________________

Tumpak! Ginagamit ang pictorial essay upang ipahayag ang mga pangyayari,
damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Tandaan lamang na ang
mga larawan ay nakaayos nang kronolohikal para maging malinaw ang
pagsasalaysay ng mga pangyayari.
__________________________________________________________________

10
Magpatuloy ka.
Mag o tayo para sa ilan

pang karagdagang kaalamang dapat mong


matutuhan sa pagkilala sa mga
akademikong sulatin.

Sadyang siyam lamang


ang mga uri ng sulating
Ang mga sanaysay na akademiko
isinusulat ng mga mag-
aaral sa elementarya ay
maituturing din na Marami pang uri ng teksto ang
akademikong sulatin. kabilang sa akademikong sulatin.
Ilan pa sa mga ito ang buod,
agenda, síntesis, pananaliksik,
ulat-aklat, konseptong papel,
memorándum at iba pa..
Tandaan na ang mga sulating akdemiko
ay nasusulat sa mataas na antas ng wika at
nagbibigay ng mataas na antas ng kaalaman.
Ika nga, “ito ay isinusulat ng iskolar para sa
mga iskolar.”

Ang lakbay-sanaysay at
programang pampaglalakbay ay
iisa.

Bagaman parehong nauukol sa paglalakbay,


parehong nagsasalaysay sa mga karanasan sa lugar
at parehong naglalarawan ng mga nakita at
naramdaman sa paglalakbay, ang programang
pampaglalakbay ay isang bidyu sa,antalang ang
lakbay-sanaysay ay isang tekstiong nakalimbag.

Sa pagsulat ng talumpati at posisyong


papel, sapat na ang paglalahad ng mga
argumento kahit walang ebidensiya o
patunay. Write or Erase?

11
Napakahalaga ng mga ebidensiya o patunay bilang pansuporta sa mga
inilahad na argumento. Pinalalakas nito ang pangangatwiran at
panghihikayat ng manunulat sa mga mambabasa.

Ang larawan sa Tandaang dapat din itong


pictorial essay ay magkakaugnay at dapat ay inaayos sa
dapat akma sa paksa. kronolohikal na paraan.

Yehey!!! Nag-enjoy ka ba sa ating talakayan?

Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nang nagiging


malinaw sa iyo ang gamit, layunin, katangian at anyo ng iba’t
ibang akademikong sulatin.
Dapat mong malaman na nakatuon lamang tayo sa pagkilala sa
mga akademikong sulatin.
Ipagpatuloy mo pa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

12
Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.

_________________________________

PRESS MO ‘YAN ‘TE!


Pagsasanay 1 Panuto: Unawain ang mga pahayag sa
ibaba at tukuyin ang angkop na buzzer
ng tamang sagot na nasa ibaba upang
i-press. Maaaring mai-press ang
parehong buzzer ng dalawang beses.

1. Layunin ng sulating ito na mangatwiran at manghikayat sa pamamagitan ng


malinaw na tindig sa isyu, mga argumento na pinapatibay malalakas na
ebidensiya.

2. Layunin nitong maibahagi sa iba ang naging karanasan at makapagbigay ng


inspirasyon sa mambabasa.

3. Ang sulating ito ay nagiging midyum para makapagpahayag ng saloobin at


magpabatid sa tagapakinig tungkol sa mga napapanahong isyu upang sila ay
hikayatin na gumawa ng nararapat na pagkilos ukol ditto.

4. Ito ay naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

5. Ito ay ginagamit bilang referens sa mga susunod na gaganaping pagpupulong at


pagsubaybay sa mga plano, problema at aksyong napagtibay.

6. Layunin nitong magsalaysay at maglarawan ng pangyayari gamit ang mga litrato.

7. Layunin nitong makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo


tungkol sa isang destinasyon o pook-pasyalan.

8. Ito ay nagsisilbing personal profile ng isang tao upang ipakilala ang sarili sa mga
mambabasa.

9. Layunin nitong paikliin ang isang buong papel pananaliksik upang mabigyan ng
pangkalahatang ideya ang mambabasa patungkol sa nilalaman nito.

10. Layunin nitong maidokumento ang lahat ng napag-usapan sa isang pulong.

13
panimula

ABSTRAK LAKBAY- BIONOTE TALUMPATI PICTORIAL


SANAYSAY ESSAY

REPLEKTIBONG PANUKALANG POSISYONG KATITIKAN NG


SANAYSAY PROYEKTO PAPEL PULONG

Kumusta ang unang pagsasanay?? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 21.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang isagawa ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-
aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

14
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang
pagsasanay, heto pa ang isa pang
Pagsasanay 2 gawaing magpapatibay ng iyong
kaalaman.

MAG-WORD HUNT TAYO!


Panuto: Hanapin mula sa word puzzle ang mahiwagang salita sa direksyong
pahalang, pababa o padayagonal na inilalarawan sa bawat aytem sa ibaba
at pagkatapos ay isulat ang salita sa sagutang kuwaderno.

R Z X G H Y K G T A L U M P A T I G P T

E K G J J D J D J J K T J S B J P Z A E

P Q A B S T R A K B L M D I A C O B N N

L S F T H I U T O T A S R N A S S E U B

E C B N I F B J K O K A O T E I I O K A

K Q U S C T C H E A B M U E M E S F A Y

T I O G B K I A B A A F T S Y T Y U L O

I E D O I K T K A Z Y V P I Q Q O F A Q

B T D B O A A A A Q S B U S G F N F N L

O A K H R T L J B N A K G A J G G M G D

N L A G E N D A S W N G K F L F P S P F

G U K P R I U O T V A G D E G I A H R D

S U E O P T M I L C Y S H G D U P W O G

A P S I L I P E O X S K E U S R E G Y H

N T L O E K T P M N A Q B G L U L W E I

A T O I K O A O P H Y W K W R O O F K S

Y K U L N A T J A T R D A R Q E N R T A

S L E O A M E M O R A N D U M R H G O R

A P I C T O R I A L E S S A Y T Q J Q O

Y B V A A N I R T P I F E E P H W F Q P

15
1. Madalas itong makita sa likurang pabalat ng aklat. Ano ito?

2. Gumagamit ito ng mga larawan para ipahayag ang mga pangyayari,


damdamin, at mga konsepto. Ano ito?

3. Ito ay binuo lamang ng 200 hanggang 300 na salita. Ano ito?


4. Tinatawag din itong travel essay o travelogue. Ano ito?

5. Isinusulat ito sa paraang madulas bigkasin ang mga salita at may

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat


pangungusap at tukuyin kung ito ay
nagsasaad ng wastong impormasyon o
Pagsasanay 3 hindi. Iguhit ang kung ito ay wasto at
k kung di-wasto at palitan ang salitang
nakasalungguhit upang maiwasto ang
pahayag.

____________1. Ang lakbay-sanaysay at replektibong sanaysay ay kapwa


gumagamit ng pang-uri at pandiwa sa pagsasalaysay ng mga
pangyayari at karanasan.

____________ 2. Ang isang bionote ay karaniwang isinusulat sa loob lamang ng


dalawang talata.

____________ 3. Ang talumpati at posisyong papel ay parehong sulating


nangangatwiran at nagsasalaysay.

____________ 4. Hindi mahalagang maglagay ng badyet na kakailanganin sa


pagsasakatuparan ng inihahaing panukalang proyekyo.

____________ 5. Ginagamit ang imperpektibong aspekto ng pandiwa sa


pagsulat ng isang katitikan ng pulong.
16
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin.Huwag kang matakot
dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok
na lamang ito na kailangan mong gawin.

Panapos na Pagsubok

PROVE IT, PROVE IT!


Panuto: Basahin at suriin ang mga siniping bahagi ng mga halimbawang sulatin.
Kilalanin kung anong uri ito ng akademikong sulatin at pagkatapos ay magbigay ng
patunay sa pamamagitan ng pagbanggit tungkol sa katangian, anyo, layunin o/at
gamit nito. Gamit ang talahanayan sa ibaba, isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Pamagat ng Teksto/
May-akda Layunin Gamit Katangian Anyo
1.
2
3.
4.
5.

Gawing patnubay ang RUBRIC sa ibaba:upang tayain ang sulatin:

Linaw 5
Balarila 5
Pagkakabuo 5
Patunay 5
KABUOAN 20 Puntos

1. Sa tag-init ng taong 1963 unang namukadkad ang kanyang buhay


bilang makata. Nakasama niya sina Rogelio Mangahas at Lamberto
Antonio nang kumuha ng kursong edukasyon sa University of the East
at sila-sila ang nagpasimuno ng ikalawang matagumpay na kilusang
modernista sa panulaang Filipino. Noong 1967, iniliabas ang unang
koleksiyon niya ng tula, Makinasyon at Ilang Tula. Sinundan ito ng
sampu pang koleksiyon kabilang ang bilingual na Selected Poems
1968-1985.Ang kanyang mga tula ay inilimbag ng UP Press
noong1998 sa dalawang tomong koleksiyon na may pamagat na Una
Kong Milenyum.
-mula sa Bionote ni Virgilio Almario

--- 17
2. Sa pagdating ng punumbayan at Chairman ng MCDC, Juan V.
Toreja. Ipinaalam niya sa lahat ang hindi pagdating ng representative
na taga Pag- ibig na isa sana sa Agenda ng Meeting. At sinabi din
niya na hihiling na sa taga-Pag-ibig ng isang araw kung saan sila ang
magtatakda, upang mapaunlakan ang nais ng mga miyembro na-
maging aware sa mga serbisyo ng Pag-ibig Fund.

At ayon naman sa problema ng MCDC sa pondo, iminungkahi


ng punumbayan ang paghahanap ng financial institution na maaaring
makatulong sa grupo upang maisagawa ang mga mahahalagang
proyekto at activities. Ayon kay G. Cedeño ay meron siyang kakilala
sa UCPB na maaring makatulong sa MCDC, subalit ayon kay Mayor
ay mas maganda kung sa government institution muna lumapit ang
grupo.

- mula sa Katitikan Ng Buwanang Pulong Ng Municipal Development


Cooperative Council ng Ibaan

3. Sumakay kami ng ferry sa Radhusbrygge patungo sa iba’t ibang


museo sa Oslo.Namimigay sila ng leaflets sa turista sa Oslo Central
Station.Sa dami ng halos magkakatabing museo, hindi ito
kakayaning libutin sa loob ng isang araw. Ngunit isa sa mga
museong ito ang tumatak sa aking isipan – ang Viking Museum.

- Mula sa Solo sa Oslo ni Will P. Ortiz

4. 1. Pamagat ng Proyekto: Glosaring Dihital (Ingles-Filipino)


2. Proponent ng Proyekto: Sentro ng Wikang Filipino – UP
Diliman
3. Deskripsiyon ng Proyekto:
Ang Glosaring Dihital (Ingles-Filipino) ay isang glosaring
bilingguwal sa Ingles at Filipino na maaakses sa kompyuter, maaring
nakapasok sa programang Microsoft o sa isang hiwalay na program.
Sa simula, ibabatay ang glosari sa mga gamitin at
pinagkakatiwalaang bilingguwal na diksiyonaryo sa kasalukuyan,
ngunit bahagi rin ng proyekto ang pagpapalawak nito sa tulong ng
mga aktibong tagasalin mulang Ingles patungong Filipino.

-mula sa Proposal para sa Pagbuo ng


Glosaring Dihital (Ingles-Filipino)

18
Panahon ngayon ng pagbalikwas at hindi pagtakas; panahon
ng paggising at hindi pananahimik; panahon ng pagiging
5.
makatao at hindi pagiging walang silbi…sapagkat tayo…
tayo ang mga itinakda upang muling isukbit ang mga
sandatang dati nang isinalong ng panahon. Tayo ang
magpupunla sa bagong henerasyon ng pamanang
kalayaan.Tayo ang makabagong mga beterano ng digmaan
na magsasabuhay at pagyayamanin ang dakilang
kasaysayan ng lahing Pilipino…para sa isang lipunang
malinis; para sa isang lipunang payapa; at para sa mas ligtas
na kinabukasan ng bansang Pilipinas.

Magandang hapon sa inyong lahat!


.
- mula sa Sa Muling Pagsukbit ng Sandata
ni: Leo C. Brizuela, Jr.

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito.
Iwasto ang iyong mga sagot sa pahina 21.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap?
Alamin sa ibaba.

 nagawa lahat


 1 ang hindi nagawa
 2 ang hindi nagawa
 3 pataas ang hindi nagawa

19
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang
gusto ko pa ng karagdagang
gawain.

Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!

Panuto: Pumili ng alinman sa dalawang akademikong sulatin na nasa ibaba.


Sumulat ng sulatin batay sa layunin, katangian, gamit at anyo. Maglakip ng
angkop na larawan (ginupit o sariling guhit) upang magdagdag- linaw at
kulay sa mensahe. Palagaan sa magulang pagkatapos at idagdag sa
portfolio ng asignatura. Gagamiting RUBRIC pa rin nbilang gabay-pagtataya
ang ginamit sa panapos na gawain.

a. Pictorial Essay b. Lakbay-sanaysay

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Nag-enjoy ka na, natuto


ka pa, di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!

20
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok Panapos na Pagsubok


1. c Subhetibo ang sagot kaya
2. d gagamitan ng Rubric
3. a
4. d
5. b Karagdagang Gawain
Subhetibo ang sagot
Pagsasanay 1
1.posisyong papel
2. replektibong sanaysay
3. talumpati
4. panukalang proyekto
5. katitikan ng pulong
6. pictorial essay
7. lakbay-sanaysay
8. bionote
9. abstrak
10. katitikan ng pulong

Pagsasanay 2
1. bionote
2. pictorial essay
3. abstrak
4. lakbay-sanaysay
5. talumpati

Pagsasanay 3

1.

2. -isang talata

3. - nangangatwiran at aglalahad

4. - mahalaga

5. - perpektibo

21
Mga Sanggunian

➢ Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Senior High School Applied Subject- Filipino sa


Piling Larang -Akademik (Curriculum Guide). Disyembre 2013.

➢ Ortiz, Will.“Solo sa Oslo.” Malikhaing Sanaysay: Anyo, Kasaysayan, at


Antolohiya.Mga awtor.Eugene Evasco, Will Ortiz, at Elyrah Salanga-Torralba.Quezon
City: C&E, 2013. 153-157. Limbag

➢ Santos, Corazon L. at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Larang- Akademik


➢ (Kagamitan ng Mag-aaral). Kagawaran ng Edukasyon, Unang Limbag 2016.
➢ Santos, Corazon L. at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Lang- Akademik
➢ (Patnubay ng Guro). Kagawaran Ng Edukasyon. Unang Limbag 2016.
➢ “Virgilio S. Almario: Pambansang Alagad Ng Sining Para Sa Literatura.” Web.
Inakses.noong.5.Pebrero.2016.

➢ http://www.upd.edu.ph/~updinfo/octnovdec08/articles/almario.html

➢ Zafra, Galileo.Proposal para sa Pagbuo ng Glosaring Dihital (Ingles-Filipino). 12


Hulyo 2007.https://www.academia.edu/5641061/PAGSULAT

➢ https://www.tagaloglang.com
➢ https://masongsongrickiemae.wordpress.com
➢ https://www.coursehero.com
➢ https://www.slideshare.net
➢ https://modules.arvicbavol.com

22
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like