You are on page 1of 10

FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK AT TECH-VOC

Student Learning Packet

Pangalan __________________________________ Strand _______________

Mga Paunang Paghahanda

Module # 2 - BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT PANG-AKADEMIK AT

TEKNIKAL—BOKASYUNAL

Pangkalahatang Ideya ng Modyul

Ang Student Learning Kit ng Filipino sa Piling Larangan ay nakaangkla sa kompetensi ng K-12
Batayang Edukasyon Kurikulum ayon na rin sa itinatadhana ng Kagawaran ng Edukasyon. Itong
modyul ay dinisenyo bilang Interaktibong Pagkatutong Pagtalakay. Inihanda ito upang
makatugon sa pangangailangan ng ika-21 siglong edukasyon. Ito rin ay magsisilbing gabay ng
mga mag-aaral sa pagkatuto sa mga araw ng asynchronous.
Bago pa talakayin ang iba’t ibang uri ng mga sulating pang-akademik at/o panteknikal-
bokasyunal, napakahalagang malaman ng mga mag-aaral ang hinggil sa kalikasan ng wika at ang
mga batayang konseptong may kaugnayan dito. Hindi maitatangging wika ang magsisilbing
sandata ng mga mag-aaral upang makabuo ng mga sulating may kinalaman sa kanilang piniling
larangan at espesyalisasyon. Makatutulong ang malinaw na pagkaunawa sa wika tungo sa angkop
at wastong pagbuo at pagpapakahulugan sa mga babasahing ihahain sa mga mag-aaral. Pasulat
man o pasalitang paraan, ang wastong paggamit ng wika ang isa sa pangunahing batayan ng
tagumpay at pagiging epektibo ng mensaheng nais iparating ng isang indibiduwal.

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:

 Matutukoy mo ang mga kahulugan at kabuluhan ng register ng wika;

 Maiuugnay mo ang register ng wika sa sariling kaalaman, pananaw, mga karanasan at mga
sitwasyong pangkomunikasyon.

Kagamitang Pampagtuturo

Dayag, et. al., (2019). Filipino sa Piling Larangan, Phoenix Publishing House Inc., Quezon City

Paunang Pagtataya

Halina at alamin natin ang iyong mga kaalaman sa mga tatalakaying aralin sa modyul na ito.

Basahing mabuti ang mga pahayag. Pagkatapos, bilugan ang pinakaangkop na titik na sumasagot sa tanong.

1
1. Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo
ng kaisipan, at retorika.

a. Pagbasa c. Pakikinig

b. Pagsasalita d. Pagsulat

2. Isang katangian ng talataan na tumutukoy sa pagkakaugnay ng mga bahagi sa loob ng isang

talataan.

a. Empasis c. Kabuoan

b. Kaisahan d. Kohirens

3. Tinatawag ding kalatas ang liham. Ano ang ibig sabihin ng kalatas?

a. balangkas c. sulat

b. saknong d. talata

4. Isa sa mga hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin ito ay isaalang-alang ang pagkakasunod-
sunod ng mga de talye.

a. Abstrak c. Bionote

b. Posisyong Papel d. Sintesis

5. Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

a. Akademiko c. Dyornalistik

b. Propesyonal d. Reperensyal

PANIMULA
Kumusta ka na? Isang malaking karangalan para sa akin ang makasama ka sa
pag-aaral mo ng bagong aralin. Tiyak na kawiwilihan mo ang bagong
leksyong inihanda ko para sa iyo. Panibagong kaalaman na naman ang
mapapayaman ng iyong isipan at karanasan na magagamit sa pang-araw-araw
na gawain.

PANIMULANG GAWAIN
Pagganyak

Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawang nasa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang napansin mo sa mga nakapaskil na larawan?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang emosyon o damdamin ang ipinakikita ng mga tao sa bawat larawan?

2
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Ito rin ba ang emosyon mo sa tuwing ikaw ay magsusulat? Bakit Opo? Bakit Hindi po?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Magaling! Nakayanan mo!

Pang-ugnay na pahayag

Sa pagtatapos ng modyul na ito, umaasa kami, na sa pamamagitan ng mga

gawain sa loob nito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

INTERAKSIYON
Mga Gawaing Pampagkatuto

Magandang buhay! May inihanda akong teksto na iyong babasahin na makatutulong

sa iyong maunawaan lalo at mapapalawak pa ang kaalaman sa konseptong
pangwika. Mangyaring basahin ito at kung kailangang magmarka ng mahahalagang
ideya, gawin. Tara!

Mga Babasahing Teksto / Mga Talang Pangkosepto

PAGSULAT

KAHULUGAN

 Ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan ng manunulat sa mambabasa. Gampanin nito ang

ipabatid sa target na mambabasa ang mensaheng ipinararating ng teksto.

 Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay
hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)

 Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan,

pagbuo ng kaisipan, at retorika. (Xing Jin)

LAYUNIN NG GAWAING PAGSULAT

1. Pansariling Pagpapahayag — ginagawa bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ito ay

pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito,
ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan sa mga halimbawa
nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.

2. Impormasyonal — upang maipaabot ng mensahe sa mga kaparaanang nangangatwiran,

nagpapayo, nagpapaliwanag at iba pa. Kung sa unang layunin ang makikinabang ang nagsusulat,

3
dito ang makikinabang ay ang tao. Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ng mensahe sa mga
kaparaanang nangangatwiran, nagpapayo, nagpapaliwanag at iba pa. Ilan sa mga halimbawa nito ay
memorandum, rebyu at riserts.

3. Malikhain sa tulong ng imahinasyon at nagagawa na ilarawan ang uri ng lipunang kaniyang

ginagalawan — Ang makikinabang dito ay ang sarili at ibang tao. Sa tulong ng imahinasyon at
kapangyarihan ng rehistradong wika, nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na
kanyang ginagalawan. May kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit dito upang ipadama sa
mambabasa ang panoramikong larawan ng buhay. Ilan sa halimbawa nito ang alamat, dula, at iba
pa.

URI NG PAGSULAT

1. Akademiko – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad
ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga kritikal na
sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel

2. Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o

komersyal na layunin. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga ulat panlaboratoryo, kompyuter

3. Dyornalistik – saklaw nito ang pa gsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang-akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

4. Reperensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa

isang paksa. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga bibliography, index, note cards.

5. Propesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon.

Ilansamgahalimbawa:ayangmga policereport, investigative report, legal forms, medical report

BAHAGI NG SULATIN

1. Panimula o Introduksyon– Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng tekstong isusulat.
Ang bahaging ito ay nararapat na maging kawili-wili upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang
mambabasa na tapusing basahin ang teksto.

2. Katawan o Gitna– Ipinaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng pahayag na inilahad sa simula.

Kailangang malinaw at tiyak ang salitang gagamitin upang maunawaan nang mabuti. Mahalagang
magkaroon ng ugna- yan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang
mambabasa dahil ito ang pinaka- malaking bahagi ng teksto.

3. Wakas– Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag-iwan ng
isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-
iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon.

PROSESO O HAKBANG SA PAGSULAT (PANG-AKADEMIKO)

1. Pre-Writing

A. Pagpili ng paksa — sikaping pumili ng paksang may nakakalap na impormasyon, may sapat na
kakintalan at hindi malawak.

B. Pagbuo ng balangkas — isinasagawa upang matiyak ang maaaring kahinatnan ng

isinasagawang pagsulat.

4
C. Pangangalap at pagtitipon ng mga datos- lubos na makatutulong ang mga impormasyong
makukuha sa aklatan.

D. Pagsusuri ng mga nakalap na datos- nararapat masuring mabuti ang kaangkupan ng mga datos
na ito sa paksa ng talakay.

2. Writing

A. Pagsulat ng unang draft o burador —lahat ng mga nasuring impormasyon ay maaari nang
isulat. Kung may mga ideyang naisip ay malaya sa pagsulat.

3. Revising and Rewriting

A. Pagwawasto at rebisyon — isaayos at pagsama-samahin ang mga magkakaugnay na ideya

upang maging malinaw ito.

B. Muling pagsulat — sikaping bigyan ng sapat na atensyon ang mga pagkakamaling nalikha sa
mga naunang hakbang.

C. Pinal na pagsulat — inaasahan ang kawastuhan ng sulatin sa bahaging ito.

KATANGIAN NG ISANG TALATAAN (PANG-AKADEMIKO)

1. Kaisahan- nangangahulugang pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata.

2. Kohirens- tumutukoy sa pagkakaugnay ng mga bahagi sa loob ng isang talataan.

3. Empasis- tumutukoy sa pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa bahagi ng komposisyon.

TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA SULATIN

Layunin Katangian

1. magbahagi ng impormasyon 1. may espesyalisadong bokabularyo

2. manghikayat ng mambabasa 2. tiyak

Gamit 3. tumpak

1. ulat panlaboratoryo 4. malinaw

2. proyekto 5. nauunawaan

3. panuto 6. kompleto ang impormasyon

4. dayagram 7. walang kamaliang gramatikal

8. walang kamalian sa bantas

9. angkop na pamantayang kayarian

10. di-emosyonal

11. obhetibo

Anyo

1. Sulating interpersonal o inter-institusyonal — tumutukoy ang mga ito as mga sulating

ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang maipabatid ang hangarin,
impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala. Hal. liham
pangnegosyo

5
2. Sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal — tumutukoy ang mga ito sa mga sulating
naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang
produkto, serbisyo o kaganapan. Hal. flyers, leaflets, promotional materials, paunawa, babala at
anunsyo

3. Sulating ukol sa isang produkto — tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may kinalaman sa
isang produkto. Hal. deskripsyon ng produkto, manwal sa paggamit ng produkto

4. Sulating ukol sa pagkain — tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa pagkain. Hal.
recipe at menu

Target na gagamit

1. mambabasa

2. mamimili

3. mga tao sa labas ng organisasyon

Naunawaan mo ba ang aking mga ipinaliwanag? Ginagamit mo ba sa araw-araw na

pakikipagtalastasan ang mga salitang imformal na binanggit sa bawat halimbawa? Mainam kung
gayon. Hindi ka mahihirapan sa mga pagsasanay na aking ipasasagot sa iyo.
Mga Gawaing Pagsasanay

Ikaw ay nasa bahagi na ng mga gawaing pagsasanay. Naghanda ako ng mga Gawain
para sa iyo nang mas lalo pong mapagtibay ang iyong pag-unawa sa aralin. Huwag
makalilimot na basahing mabuti ang mga panuto. Tiyak kong masisiyahan ka! Tara!

Unang Gawain: PARA SA PANG-AKADEMIKO

Panuto: Basahing mabuti ang isang maikling talataan Suriin kung anong uri ng sulatin, bahagi nito at
mga katangian ng mabuting sulatin.

Ano ba ang kultura? Ano-ano ang bumubuo rito?

Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kaniyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian,
paniniwala at mga batas. Sa kultura nakikilala ang isang bansa at ang kaniyang mga mamamayan.
Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay
na diwa ng pakikipagkapwa.
Ang ating mabubuting gawi, kaugalian at kinamihasnang Pilipino ay nailalarawan ng ating mga
kaalamang-bayan gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko. Kahit na ang mga ito ay
makaluma, maaari itong pagbatayan ng mga kabutihang-asal na dapat ipamana sa mga sumusunod na
henerasyon.
Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito nakasalig ang
ating pagkakakilanlan, kaisahan, kamalayan, at kinabukasan.

Mula sa aklat na Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Ni Rolando A. Bernales

6
1. Ang uri ng sulatin binasa ko ay

___________________________________________________ sapagkat

____________________________________________________________________.

2. Sa aking palagay, ang bahagi ng sulatin ay

__________________________________________

___________________________________________________________________________.

3. Nagtataglay / Di nagtataglay ng katangian ang sulating aking binasa sapagkat

_______________

___________________________________________________________________________.

Unang Gawain: PARA SA TEKNIKAL-BOKASYUNAL

Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa inyong sariling pag-unawa.
1. Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay

____________________________________________ sapagkat

____________________________________________________________________.

2. Sa aking palagay, ang mahalagang maunawaan ang dalawang layunin ng pagsulat dahil ito’y

___________________________________________________________________________.

Kaya

_______________________________________________________________________.

3. Nagtataglay / Di nagtataglay ng katangian ang sulating aking binasa sapagkat

_______________

___________________________________________________________________________.

Ikalawang Gawain: PARA SA LAHAT

Panuto: Batay sa aralin, sagutin ang mga tanong.

1. Bilang isang mag-aaral ng K to 12, ano ang magandang maidudulot ng pag-alam sa batayang
kaalaman sa pagsulat? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________

2. Paano magagamit ang pag-alam sa batang kaalaman sa pagsulat sa iyong tatahaking trabaho?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

7
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano iyong masasabi sa mga gawain? Mapanghamon ba? Bakit?

_____________________________________________________________________________

____________________________________________________

2. Paano mo ito magagamit sa tunay na buhay?

____________________________________________________________________________

________________________________________________________

INTEGRASYON
TALA NG PAG-UNAWA (Closure/Synthesis)

1. Ano-ano ang pangunahing ideya ng aralin?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________
2. Paano ito nakauugnay sa mga dati mo nang natutuhan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________

3. Ano-ano ang nakapukaw sa iyong interes sa iyong mga natutuhan?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

8
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________

4. Ano-anong katanungan ang nais mong tanungin kaugnay ng iyong mga natutuhan sa
aralin?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Ano-ano ang iyong mga napagtanto sa pag-aaral ng aralin ng araling ito?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagninilay / Repleksiyon
1. Ano ang iyong mga puna at obserbasyon kaugnay ng paggamit ng mga kabataan sa
kasalukuyan sa wikang Filipino?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Maisasalamin pa ba sa iyong tamang gamit na wika ang kulturang mayroon ka?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________

9
INTERBENSIYON
Takdang-Aralin:

Bakit mahalagang unawain ang pagkakaiba ng mga sulatin? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________
______________

Panghuling Pagtataya

Maglista ng mga posibleng paksa sa mga sulatin sa inyong napiling track. Magtala ng
labindalawa.
1. ____________ 5. ____________ 9. ____________
____ ____ ____
2. ____________ 6. ____________ 10. ____________
____ ____ ____
3. ____________ 7. ____________ 11. ____________
____ ____ ____
4. ____________ 8. ____________ 12. ____________
____ ____ ____

10

You might also like