You are on page 1of 16

 

Modyul sa Filipino 3

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larangan
(Akademiko)

Unang Markahan
Baitang 12
Oryentasyon
Patakaran ng PCU
PCU MANUAL

PCU Bisyon
It is the University’s vision to become a “distinctively strong Christian University
integrating faith, character and service in building up and enhancing the quality of life.”

PCU Misyon
We, at Philippine Christian University, a church-related academic institution, commit
ourselves to:

Provide an education that will enhance the development of Christian character;


Promote academic excellence and the highest quality education;
Be responsive to Philippine needs and conditions;
Become responsible stewards of God’s creation and resources;
Foster international understanding and goodwill;
Support the ecumenical movement

Himno ng PCU
Fulfillment of our yearning
For Christian higher learning
To thee our eyes are turning PCU;

Thy blue and silver banner


In firm unchanging manner
Is steadied by unshaken loyalty

REFRAIN:
Thine is love of man in service tendered,
Thine is love of God in worship rendered,
Thine is wholesome growth in Christ engendered, Alma Mater
Modyul 1
I. Asignatura
Filipino 3
Yunit 1 – Batayang Konsepto Kaugnay ng Akademikong Sulatin
II. Paksa
Aralin 1 – Akademikong Sulatin, Ating Alamin
III. Maikling Pagkilala
Ang modyul na ito ay tungkol sa kahalagahan ng Pagsusulat at ng Akademikong
Pagsulat na inihanda para sa pag-aaral sa unang semester ng ikalabindalawang
baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang
sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at
masinop na pagsusulat sa piniling larangan.

Tatalakayin ang iba’t ibang uri ng akademikong pagsulat upang ipakita ang
gamit at kahalagahan nito. Ang mga paksa, gawain, pagpapahalaga, at pagtataya ang
gagawing sandigan upang mahikayat ang mga mag-aaral na pahalagahan ang pagsulat
hindi lamang sa larangang akademiko kundi maging sa pang-araw-araw na buhay.

IV. Inaasahan

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:
A. Naipamamalas ang pag-unawa sa kalikasan, layunin, at paraan ng pagsulat ng
iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.
B. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin.
C. Nakasusulat ng isang tweet upang maipahayag ang natutunan sa aralin.
V. Unang Pagsubok

Alamin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na


ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.

_________ 1. Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o 


kabatiran sa mga mambabasa.
a. Naratibo c. Impormatibo
b. Ekspresibo d. Argumentatibo
_________2. Ito ay isang kasanayang maglulundo ng kaisipan at damdaming nais 
ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum sa paghahatid ng
mensahe ang wika.
a. Pakikinig c. Pagsasalita
b. Pagbabasa d. Pagsusulat
_________ 3. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa  
akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o  
bokasyon ng isang tao.
a. Malikhain c. Akademiko
b. Propesyonal d. Reperensyal
_________ 4. Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng
napakalinaw 
at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay
nakabatay lamang sa isang katotohanan sa totoong buhay.
a. Obhetibo c. Subhetibo
b. Estruktura d. Anyo
_________ 5. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa
kolehiyo.
May ibang nasa sekondaryang antas ang maaaring makaranas na rin ng
ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-
akademiko.
a. Posisyong Papel c. Konseptong Papel
c. Tesis d. Artikulo

VI. Pagtalakay sa Aralin

Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pagsulat 


at ang wika ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng isang sulatin

na 
magluluwal ng iba’t ibang ideya na magiging mensahe ng anumang 
isusulat.

Sa kasalukuyang antas ng iyong pag-aaral, malaki ang gampanin ng pagsulat sa


pagpapahayag ng iyong saloobin, pananaw, opinyon, ideya, at anumang naiisip.
Inilalapat at isinasakonteksto ng pagsulat ang mga impormasyon na nais mong
maipahatid mula sa sariling kaalaman at karanasan na sinangkapan ng
komprehensibong pananaliksik upang maging akademiko.

Akademikong Pagsulat, Dapat Sapat at Lapat


Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang
pinagmumulan ng proseso ng kognisyon. Samakatuwid, magkatambal ang pagsulat at
pag-iisip. Nakapaloob sa pag-iisip ang kalipunan ng mga kaalaman buhat sa biyolohikal
na kaalamang idinulot ng karanasan. Taglay rin ng lawak ng pag-iisip ang imahinasyon
na pangunahing sangkap sa pagpapalawak ng isang uri ng sulatin. Pinabibisa pa ito ng
tamang gamit ng salita, kataga, ekspresyon at kalipunan ng mga pangungusap na binuo
ng kaisipan ng isang tao.
Isang uri ng pagsulat ang akademikong sulatin, Ito ay makikilala sa layunin, gamit,
katangian, at anyo. Taglay ng akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip upang
maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan.
Mga Katangian ng Akademikong Sulatin

1. Komprehensibong Paksa
Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay itinakdang
ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may
kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay sa aspetong pangkabuhayan,
pampolitika, pangkultura, at iba pa. Mahalaga ang gampanin ng paksa sa
kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa nag-uumpisa ang pagpaplano
upang maisakatuparan ang makabuluhang akademikong sulatin.

2. Angkop na Layunin
Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng
akademikong sulatin. Nakapaloob sa layunin ang sumusunod:
a. mithiin ng manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t ibang impormasyon
kaugnay ng katotohanan,
b. manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad, 
c. suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon, 
d. iba pang layuning nakaugat sa dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin.

3. Gabay na Balangkas
Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademnikong sulatin. Gabay ito
upang organisahin ang ideya ng sulatin. 
May tatlong uri ng balangkas: 
a. balangkas na paksa
b. balangkas na pangungusap 
c. balangkas na talata
Sa tulong ng pagbabalangkas, napadadali ng manunulat ang kanyang
ginagawang sulatin. Kadalasan ang balangkas din ang kanyang nagiging
burador . Ang paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng
pinal na sipi.

4. Halaga ng Datos

Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing


na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda.
Kung walang datos, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin. 

Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos: 


a. Primarya o pangunahing sanggunian – nakapaloob ang orihinal na 
naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa
b. Sekondaryang sanggunian - makikita ang sariling interpretasyon
batay sa pangunahing impormasyon. 

PRIMARYANG SANGGUNIAN SEKONDARYANG SANGGUNIAN


 Talaarawan  Reaksyon sa isang:
 Pakikipanayan  Aklat
 Liham  Palabas
 Orihinal na gawaing sining  Manuskrito
 Orihinal na larawan  Pahayag ng isang tao
 Orihinal na pananaliksik  Buod ng anumang akda
 Mga isinulat na panitikan
 
Lubhang hindi matatawaean ang ambag ng datos sa akademikong sulatin.
Pinatatatag nito ang paksa, layunin, at kabuuan ng sulatin upang maging
katanggap=tanggap na kuhanan ng batayang kaalaman. Makatutulong ang datos
upang maging sanggunian ang anumang sulatin.
5. Epektibong Pagsusuri

Bahagi rin ng isang komprehensibong akademikong sulatin ang pagsusuri.


Upang maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri. Hindi
makahihikayat ng mambabasa ang isang akademikong sulatin kung ang nilalaman
nito ay nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng manunulat. Kailangang
lagpasan ang opinyon at mapalutang ang katotohanan. 

Ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng


angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa iniikutang paksa. Marapat
lagpasan ng epektibong pagsususri ang mga tsismis o sabi-sabi. Ang paraan ng
pagsusuri ng isang manunulat ay sukatan ng lalim ng kaniyang ginawang obra o
akademikong sulatin. 

6. Tugon ng Konklusyon

Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na


maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa
mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-aaral.
 
Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa
natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon
tungo sa bago o pagopapatuloy ng isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin.

Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip, damdamin, at kilos. Ang


ugnayan ng ideya, nararamdaman o saloobin, at tiyak na kilos ang batayan ng
isang komprehensibo at epektibong pagsulat. Nakasalalay sa ugnayan ng isip,
damdamin, at kilos ang nilalamang dapat maipahayag sa anumang isusulat na
akademikong sulatin. Ito ang batayang sandigan ng manunulat. 
Sa pamamagitan nito, mas nagiging malawak, malalim at matibay ang
anumang impormasyon upang makapaglahad, makapagsalaysay,
malapaglarawan, makapangatuwiran, at makapanghikayat.

Dahil sa pangkalahatang paliwanag na taglay ng konklusyon, may mga


ilang paalala na dapat tandaan para sa susulat:

1. Huwag magpasok ng bagong materyal.

Ang konklusyon ay iyong lugar upang tapusin and iyong sulatin,


hindi magtapon ng karagdagang puntos na hindi mo nagawa sa
katawan ng mga talata. Ibang usapin ang magbigay ng tuntuning
panlahat o ilagay ang iyong argumento sa mas malawak na kontekstong
akademiko, kumpara sa magpakilala ng panibagong ideya na wala ka
nang paglalagyan ng puwang.

2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng tawad sa isang bagay na


naipaliwanag mo na.

Kung sinunod ng iyong sulatin ang lahat ng kumbensiyon ng


akademikong pagsulat – kung nakalikha ka ng tesis at nakapagbigay ng
ebidensya upang patunayan ang iyong posisyon – nasagot mo na ang
inaasahan ng iyong mambabasa.

3. Huwag magtapos sa “cliff hanger”, na iniiwang bitin ang mga mambabasa.

Tandaan na ang tanging layunin ng iyong sulatin ay magbigay ng


katibayan para sa iyong tesis kung kaya ang knogklusyon mo ay
naglalayon na masagot ang lahat ng mga katanungan ng mambabasa. 

Kung ang iyong sulatin ay kulang pa sa impormasyon o nangakong


malutas ang isang paksa ngunit hindi naman nagawa, hindi ito
makatutulong sa iyong argumento.

VII. Pangunahing Punto 

Mahalaga na mayroong pinagbabatayan ang isang akademikong sulatin.


Pundasyon ang isip na magluluwal ng mabungang impormasyon. Ang
impormasyon ay dapat sangkapan ng lohikal, kritikal, maugnayin, at malikhaing
paraan upang iugnay ang kaalaman sa nilalaman nito. Hindi maihihiwalay sa isip
ang damdamin o puso ng akademikong sulatin. Bukod sa nararamdamang saya,
lungkot, galit, at iba pang saloobin, litaw ang damdaming nais maiparating na
lalong nagiging mabisa sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga tiyak na
pagtugon o pagkilos sa layunin nito.
Kapangyarihan

Ang Twitter ay isang social networking site na naglalaman ng mga


maiikling pahayag tungkol sa iba’t ibang paksa. Nakapagbibigay to ng
mahalagang impormasyon sa loob lamang ng 140 titik. 

Nasubukan mo na bang gamitin ang Twitter? Pumunta sa http://twitter.com


at gumawa ng account kung ikaw ay wala pa nito. Sumulat ng isang tweet tungkol
sa mahalagang natutuhan sa aralin. Tiyaking laman ng tweet ang mensahe
kaugnay ng kahalagahan ng sulating akademiko sa sarili, pamilya, at lipunan.
Kailangang magkasya ang pahayag o tweet sa loob ng 140 titik. Ipahayag ang
paliwanag sa ibaba

Screen shot ng ginawang pahayag sa Twitter


Paliwanag tungkol sa ginawang “Tweet”

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________

VIII. Gawain
A. Kasanayan
Tuklas-Dunong

Sagutin ang sumusunod na tanong sa limang pangungusap. 

1. Anu-ano ang katangian ng akademikong sulatin?


___________________________________________________________
___________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang akademikong sulatin sa buhay ng isang mag-aaral na tulad


mo?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________________________ ________________________________
____
________________________________________________________________
_

3. Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng isang akademikong


sulatin?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________________________ ________________________________
____
________________________________________________________________
_
A. Masid-Danas

Usapan at Bahaginan: Ipahayag sa klase ang inyong sagot sa sumusunod na


isyu. 

1. Kung ang akademikong sulatin ay hindi ibinatay sa komprehensibong


pananaliksik….

2. Usung-uso ang ginagawang pagsipi sa ibang mga akda nang walang pahintulot…

3. Sa paksang ginagawan ng pag-aaral na pagmumulan ng akademikong sulatin,


natuklasang may dalawang ideyang naglalaban…

4. Maraming mag-aaral na pinipilit lamang na sumulat ng pangangailangang maipasa


ang kurso sa paaralan…

IX. Pangwakas na Pagsusulit

A. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang malaking letrang T sa


patlang kung ito ay tama. Kung mali, bilugan ang salita at isulat din sa patlang ang
salitang angkop para rito.

_________ 1. Ang impormasyon ay dapat sangkapan ng lohikal, kritikal,


maugnayin at malikhaing paraan upang iugnay ang kaalaman sa nilalaman ng
akademikong sulatin.
_________ 2. Ang tanging layunin ng sulatin ay magbigay ng kasiyahan para
sa iyong tesis kung kaya’t ang konklousyon ay naglalayon na masagot ang
lahat ng mga katanungan ng mambabasa.

_________ 3. Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na


magpahayag ng akademikong sulatin.

_________ 4. Nahahati sa tatlo ang pinagkukunan ng datos. Maituturing na


pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda.

_________  5. Sa kasalukuyang antas ng iyong pag-aaral, malaki ang gampanin


ng pagsulat sa pagpapahayag ng iyong saloobin, pananaw, opinyon, ideya, at
anumang naiisip.

B. Enumerasyon

Sumulat ng tig-limang pinagkukunan ng datos sa 

PRIMARYANG SEKONDARYANG SANGGUNIAN


SANGGUNIAN

X. Sanggunian

Aklat 
Villanueva, Bondril, Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademiko at Sining)

\\Website 
Villanueva, Voltaire M. et.al, Pagsulat sa Filipino, Piling Larangan

You might also like