You are on page 1of 23

MAGANDANG

HAPON!
ARALIN 1:
AKADEMIKONG
SULATIN
Layunin:
• Naipamamalas ang pag-unawa sa kalikasan,
layunin, at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t
ibang larangan,
• Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat
ng iba’t ibang anyo ng sulatin;
• Nakasusulat ng isang pahayag ng natutuhan sa
aralin.
• Ano ang akademikong sulatin? Ano ang
kaibahan ng akademikong sulatin sa
ibang uri ng sulatin?
•Bakit mahalagang kasanayan ang
pagsulat sa akademikong domeyn at
buhay ng isang tao?
• Isa sa makrong kasanayan sa
pakikipagtalastasan ang pagsulat at ang
wika ang pangunahing sangkap sa pagbuo
ng isang sulatin na magluluwal ng iba't
ibang ideya na magiging mensahe sa
anumang isusulat.
• Sa kasalukuyang antas ng iyong pag-aaral, malaki
ang gampanin ng pagsulat sa pagpapahayag ng
iyong saloobin, pananaw, opinyon, ideya, at
anumang naiisip. Inilalapat at isinasakonteksto
ng pagsulat ang mga impormasyon na nais mong
maipabatid mula sa sariling kaalaman at
karanasan na sinangkapan ng komprehensibong
pananaliksik upang maging akademiko.
Pagsulat
1. Kasanayang dapat
malaman at
mapaunlad

Akademikong Sulatin Iba pang Sulatin


1. Kaugnay ng 1. Personal
akademikong disiplina 2. Malikhain
2. Isinusulat sa 3. Propesyonal
iskolarling pamamaraan 4. Eksperimental
MGA HAKBANG SA
PAGBUO NG
AKADEMIKONG
SULATIN
1. Komprehensibong Paksa
• Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang
pagsulat naman ang itinakdang ipagawa, madalas
na nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na
may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay
sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika,
pangkultura at iba pa. Mahalaga ang gampanin ng
paksa sa kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa
mag-uumpisa ang pagpaplano upang
maisakatuparan ang makabuluhang akademikong
sulatin.
2. Angkop na Layunin
• Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit
nais makabuo ng akademikon sulatin. Nakapaloob sa
layunin ang mithiin ng manunulat kung nais na
magpahayag ng iba't ibang impormasyon kaugnay ng
katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang
argumentong inilalahad, suportahan, o pasubalian
ang mga dati nang impormasyon, at iba pang
layuning nakaugat sa dahilan sa pagbuo ng
akademikong sulatin.
3. Gabay na Balangkas
• Magsisilbing gabay ang balangkas sa
akademikong sulatin. Gabay ito upang
organisahin ang ideya ng sulatin. May tatlong uri
ng balangkas: balangkas na paksa,balangkas na
pangungusap, at balangkas na talata. Sa tulong
ng pagbabalangkas, napapadali ng manunulat
ang kaniyang pagsulat ng sulatin. Kadalasan ang
balangkas din ang magiging batayan sa pagrebisa
ng pinal na sulatin.
4. Halaga ng Datos
• Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong
sulatin sa datos. Maituturing na
pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang
datos ng anumang akda. Kung walang datos,
walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin.
Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos:
primarya o pangunahing sanggunian at
sekondaryang sanggunian.
• Nakapaloob sa pangunahing sanggunian ang
mga orihinal na dokumento na naglalaman
ng mahahalagang impormasyon ukol sa
paksa. Sa sekondaryang sanggunian,
makikita ang sariling interpretasyon batay sa
pangunahing impormasyon.
Primaryang Sanggunian Sekondaryang Sanggunian
• talaarawan • reaksiyon sa isang:
• pakikipanayam aklat
• liham palabas
• orihinal na gawang sining manuskrito
• orihinal na larawan pahayag ng isang tao
• orihinal na pananalikisk buod ng anumang akda
• mga isinulat na panitikan
5. Epektibong Pagsusuri
• Bahagi rin ng isang komprehensibong
akademikong sulatin ang pagsusuri. Upang
maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing
pagsusuri. Hindi makahihikayat ng mambabasa
ang isang akademikong sulatin kung ang
nilalaman nito ay nakabatay lamang sa
pansariling pananaw ng sumusulat. Kailangang
lagpasan ang opinyon ay mapalutang ang
katotohanan.
• Ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o sanhi ng
suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga
kaugnay ng implikasyon nito sa iniikutang paksa.
Marapat lagpasan ng epektibong pagsusuri ang mga
tsismis o sabi-sabi. Ang paraan ng pagsusuri ng isang
manunulat ang sukatan ng lalim ng kaniyang
ginawang obra o akademikong sulatin.
6. Tugon ng Konklusyon
• Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa
nais na maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa
konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na
katanungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa
anyong pagbuod ang konklusyon na binuo batay sa
natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng
payo o rekomendasyon tungo sa bago o pagpapatuloy na
isinasagawang pag-aaral o akademikong sulatin.
• Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip, damdamin, at
kilos. Ang ugnayan ng ideya, nararamdaman o saloobin, at
tiyak na kilos ng batayan ng isang komprehensibo at
epektibong pagsulat. Nakasalalay sa ugnayan ng isip,
damdamin, at kilos ang nilalamang dapat maipahayag sa
anumang isusulat na akademikong sulatin. Ito ang
batayang sandigan ng manunulat. Sa pamamagitan nito
mas magiging malawak, malalim, at matibay ang anumang
impormasyon upang makapaglahad, makapagsalaysay,
makapaglarawan, makapangatuwiran, at
makapanghikayat.
Ilang paalala na dapat tandaan para sa
pagsulat:
1. Huwag magpasok ng bagong materyal
Ang konklusyon ay iyong lugar upang tapusin ang
iyong sulatin, hindi magtapon ng karagdagang puntos
na hindi mo nagawa sa katawan ng mga talata. Ibang
usapin ang magbigay ng tuntuning panlahat o ilagay
ang iyong argumento na mas malawak na kontekstong
akademiko, kumpara sa magpakilala ng panibagong
ideya na wala ka nang paglalagyan ng puwang.
Ilang paalala na dapat tandaan para sa
pagsulat:
2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi
ng tawad sa isang bagay na pinaliwanag mo na.
Kung sinunod ng iyong sulatin ang lahat ng
kumbensiyon ng akademikong pagsulat - kung
nakalikha ka ng tesis at nakapagbigay ng ebidensiya
upang patunayan ang iyong posisyon - nasagot mo na
ang inaasahan ng iyong mambabasa.
Ipaliwanag ang pahayag sa ibaba:

“Husay sa pagsulat,
tagumpay ang katapat”
Mayroon bang
katanungan?

You might also like