You are on page 1of 17

AKADEMIKONG SULATIN,

ATING ALAMIN
•Ano ang akademikong sulatin?
•Ano ang kaibahan ng akademikong sulatin
sa iba pang uri ng sulatin?
•Bakit mahalagang kasanayan ang
pagsulat sa akademikong domeyn at buhay
ng isang tao?
Tunghayan ang batayang kaalaman
kaugnay ng akademikong sulatin.
Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan
ang pagsulat at ang wika ang pangunahing sangkap
sa pagbuo ng isang sulatin na magluluwal ng iba’t
ibang ideya na magiging mensahe sa anumang
isusulat.
Sa kasalukuyang antas ng iyong pag-aaral, malaki
ang gampanin ng pagsulat sa pagpapahayag ng
iyong saloobin, pananaw, opinion, ideya, at anumang
naiisip. Inilalapat at isinasakonteksto ng pagsulat ang
mga impormasyon na nais mong maipahatid mula sa
sariling kaalaman at karanasan na sinangkapan ng
komprehensibong pananaliksik upang maging
akademiko.
AKADEMIKONG PAGSULAT,
DAPAT SAPAT AT LAPAT
 Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang
isip ang pinagmumulan ng proseso ng kognisyon.
Samakatuwid, magkatambal ang pagsulat at pag-iisip.
Nakapaloob sa pag-iisip ang kalipunan ng mga kaalaman
buhat sa biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan.
Taglay rin ng lawak ng pag-iisip ang imahinasyon na
pangunahing sangkap sa pagpapalawa ng isang uri ng
sulatin. Pinabibisa pa ito ng tamang gamit ng salita, kataga,
ekspresyon, at kalipunan ng mga pangungusap na binubuo
ng kaisipan ng isang tao.
 Isang uri ng pagsulat ang akademikong sulatin. Ito ay
makikilala sa layunin, gamit, katangian, at anyo nito. Taglay ng
akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip upang
maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan.
 PAKATANDAAN

PAGSULAT
AKADEMIKONG SULATIN IBA PANG SULATIN
• kasanayang dapat
• kaugnay ng akademikong malaman at mapaunlad
• personal
disiplina • malikhain
• isinusulat sa iskolarling • propesyonal
pamamaraan • eksperimental

 Tulad ng iba pang uri ng pagsulat, ang akademikong sulatin ay


nagtataglay ng tiyak na hakbang o proseso. Sa paraan ng
paggawa ng isang akademikong sulatin, makikita ang tagly
nitong mga katangian. Ito ang mga sumusunod :
1. KOMPREHENSIBONG PAKSA
Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang
pagsulat naman ay itinakdang ipagawa,
madalas nakabatay ang paksa sa isyung
napapanahon na may kaugnayan sa mga
usaping panlipunan batay sa aspektong
pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at
iba pa. Mahalaga ang gampanin ng paksa sa
kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa mag-
uumpisa ang pagpaplano upang
maisakatuparan ang makabuluhang
akademikong sulatin.
2. ANGKOP NA LAYUNIN
Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung
bakit nais makabuo ng akademikong sulatin.
Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng manunulat
kung nais na magpahayag ng iba’t ibang
impormasyon kaugnay ng katotohanan,
manghikayat na paniwalaan ang argumentong
inilalahad, suportahan o pasubalian ang mga dati
nang impormasyon, at iba pang layuning
nakaugat sa dahilan ng pagbuo ng akademikong
sulatin.
3. GABAY NA BALANGKAS
Magsisilbing gabay ang balangkas sa
akademikong sulatin. Gabay ito upang
organisahin ang ideya ng sulatin. May
tatlong uri ng balangkas : balangkas na
paksa, balangkas na pangungusap, at
balangkas na talata. Sa tulong ng
pagbabalangkas, napapadali ng
manunulat ang kaniyang pagsulat ng
sulatin. Kadalasan ang balangkas din ang
nagiging burador ng anumang sulatin.
 TALAHANAYAN NG PAGKUKUNANG DATOS

PRIMARYANG SANGGUNIAN SEKONDARYANG SANGGUNIAN

• talaarawan • reaksiyon sa isang :


• pakikipanayam - aklat
• liham - palabas
•orihinal na gawang sining - manuskrito
•orihinal na pananaliksik
- pahayag ng isang tao
•mga isinulat na panitikan
- buod ng anumang akda
5. EPEKTIBONG PAGSUSURI
Bahagi rin ng isang komprehensibong
akademikong sulatin ang pagsusuri. Upang maging
epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri.
Hindi makahihikayat ng mambabasa ang isang
akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay
nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng
sumulat. Kailangang lagpasan ang opinion at
mapalutang ang katotohanan. Ang pagsusuri ay
nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at
nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng
implikasyon nito sa iniikutang paksa. Marapat
lagpasan ng epektibong pagsusuri ang mga tsismis o
sabi-sabi.
6. TUGON NG KONKLUSYON
Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang
paliwanang sa nais na maipahayag ng
akademikong sulatin. Makikita sa konklusyon ang
kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa
isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong
pabuod ang konklusyon na binuo batay sa
natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon,
huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa
bago o pagpapatuloy ng isinasagawang pag-
aaral o akademikong sulatin.
Dahil sa pangkalahatang paliwanang na taglay ng konklusyon,
may mga ilang paalala na dapat tandaan para sa susulat :
1. Huwag magpasok ng bagong materyal.
Ang konklusyon ay iyong lugar upang tapusin ang iyong sulatin,
hindi magtapon ng karagdagang puntos na hindi mo nagawa sa
katawan ng mga talata. Ibang usapin ang magbigay ng tuntuning
panlahat o ilagay ang iyong argumento sa mas malakawak na
kontekstong akademiko, kumpara sa magpakilala ng panibagong
ideya na wala ka nang paglalagyan ng puwang.
2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng tawad
sa isang bagay na pinaliwanag mo na.
kung sinunod ng iyong sulatin ang lahat ng kumbensiyon ng
akademikong pagsulat – kung nakalikha ka ng tesis at
nakapagbigay ng ebidensiya upang patunayan ang iyong
posisyon – nasagot mo na ang inaasahan ng iyong mambabasa.
3. Huwag magtapos sa “cliff hanger “, na
iniiwang bitin ang mga mambabasa.
Tandaan,na ang tanging layunin ng iyong
sulatin ay magbigay ng katibayan para sa
iyong tesis kung kayat ang konklusyon mo ay
naglalayon na masagot ang lahat ng mga
katanungan ng mambabasa. Kung ang
iyong sulatin ay kulang pa sa impormasyon,
o nangakong malutas ang isang paksa
ngunit hindi naman nagawa, hindi ito
makatutulong sa iyong argumento.
# PAKATANDAAN

PAGSULAT

DAMDAMIN

• ideya • nararamdaman • tugon


• konsepto • saloobin• • aksiyon

ISIP KILOS

PAGSULAT
MGA GAWAIN
GAWAIN :
• Screenshot, iprint at Ilagay sa short bond paper

• Sa mga wala pang FACEBOOK ACCOUNT


gumawa ng account kung ikaw ay wala pa nito.
MAGPOST ng tungkol sa mahalagang natutuhan
sa aralin. Tiyakin na ang laman ng post ay ang
mensahe kaugnay ng kahalagahan ng sulating
akademiko sa sarili, pamilya, at lipunan.
Kailangang magkasya ang pahayag o post sa
loob ng 140 na titik.

You might also like