You are on page 1of 22

SINTESIS/BUO

D
Ang sintesis (synthesis) ay
nagmula sa salitang Griyego
na syntithenial na ang ibig
sabihin sa Ingels ay put
together o combine (Hamper 2016).
Ang sintesis ay kompleks na
kasanayang pang-akademiko
at porma ng analitikong
pagsulat na nagsasangkot sa
pagpapangkat ng mga ideya
patungo sa iba hinggil sa isang
paksa.
Madalas na nalilimitahan
ng oras ang pagbabahagi
ng kaalaman sa iba’t ibang
dahilan.
- maaaring oras sa klase
- oras ng kuwentuhan
- o sukat ng panahon para sa
pagsulat pagbasa ng
artikulo kung nasa anyong
babasahin at pagbbigay ng
kaalaman.
ang sintesis ay ang pagsama-
sama ng mga impormasyon,
mahahalagang punto, at ideya
upang mabuod ang
napakahabang libro, mabuo ang
isang bagong kaalaman, at
maipasa ang kaalamang ito sa
sandilng panahon lamang.
Mga Hakbang na Dapat
Sundin sa Pagsulat ng
Sintesis o Buod
1. Basahin mabuti ang
kabuuang anyo at
nilalaman ng teksto. Kung
hindi pa lubos na
nauunawaan ay ulit-ulitin
itong basahin.
2. Mapadali ang pag-unawa
sa teksto kung isasangkot
lahat ng pandama dahil
maisasapuso at mailalagay
nang wasto sa isipan ang
mahalagang diwa nng
teksto.
3. Isaalang-alang ang
tatlong uri ng
pagsusunod-sunod ng
mga detalye.
Sekwensiyal – pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari sa
isang pangyayari na ginagamitan
ng mga panandang naghuhudyat
ng pagkasusunod-sunod tulad ng
una, pangalawa, pangatlo,
susunod, at iba pa.
Kronolohikal – pagsusunod-
sunod ng mga
impormasyon at detalye
ayon sa pangyayari.
Prosidyural – pagsusunod-
sunod ng mga hakbang o
proseso ng pagsasagawa.
4. Maaari ring isaalang-
alang ang mga bahagi ng
teksto: una, gitna, at
wakas.
5. Gamimtin din ang
proseso sa pagsulat para sa
maayos na anyo ng teksto
at sistematikong pagsulat.
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Sintesis o
Buod
1. Gumamit ng ikatlong
panauhan sa pagsulat
nito.
2. Isulat ito batay sa tono
ng pagkakasulat ng
orihinal na sipi nito.
3. Kailangang mailahad o
maisama rito ang mga
pangunahing tauhan
maging ang kanilang mga
gampanin at mga suliraning
kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng angkop na
pang-ugnay sa paghabi ng
mga pangyayari sa kuwentong
binubuod lalo na kung ang
sinopsis na ginawa ay binubuo
ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang
gramatika, pagbabaybay, at
mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat
ang sangguniang giinamit
kung saan hinango o kinuha
ang orihinal na sipi ng akda.

You might also like