You are on page 1of 17

12

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Unang Markahan
Modyul 5
Akademikong Pagsulat
Pagsulat ng Sinopsis o Buod
Panimula
Maliban sa paglinang sa kakayahang maglahad ng pinakamahalagang kaisipan,
marami pang mga kakayahan na mahuhubog mula sa paglalagom o pagbubuod.
Hindi madali ang pagbuo ng isang paglalagom o pagbubuod kung walang ibang
kakayahang taglay ng isang mag-aaral kagaya nito. Una, nalilinang ang iyong
kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga nakalatag na impormasyon. Ikalawa,
habang ginagawa ang isang paglalagom, natutuhan mong paghawakan ang mga
mahahalagang kaisipan at paghabi-habiin ito nang makuha ang kabuoang konsepto
upang ipaunawa sa mambabasa. Ikatlo, natutuhang pagtimbang-timbangin ang
mga kaisipang nakapaloloob sa isang akda o pag-aaral. Hindi lahat ng inilalahad na
kaisipan ay kailangang isali sa isang paglalagom. Ikaapat, nalilinang ang kakayahan
sa pagpapasya nang naaayon sa malalim na pag-unawa sa binasa.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO;

Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong


sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-93)

Pagkatapos mong mapagdaanan ang modyul 5, ikaw ay inaasahang:

1. nabibigyang-katuturan ang terminong sinopsis o buod bilang isang akademikong


sulatin;
2. nasusuri ang nilalaman ng isang pag-aaral mula sa inilahad na sinopsis o buod
ng isang pag-aaral;
3. nakasusulat ng isang sinopsis o buod mula sa ibinigay na sulating- pananaliksik;
4. nasusunod ang kaayusan sa pagsulat ng sinopsis o buod batay sa elemento nito;
5. natutugunan ang pagmamahal sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsandal
kung ano ang nakalatag na impormasyon sa pagsasagawa ng mga gawaing panukat.

1
Subukin

Panuto: Unawain ang tinutukoy sa bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot. Isulat sa isang buong papel at huwag kalimutang isulat ang pangalan,
baitang/seksyon at bilang ng modyul.

A. Garcia G. Obhetibo
B. Griyego H. Paghabi ng mga Pangyayari
C. Harper I. Prosidyural
D. Katangian ng Sintesis J. Sekwensiyal
E. Kronolohikal K. Sinopsis
F. Layunin ng Sintesis L. Tono

____1. Ang sinopsis ay naglalahad ng pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.

____2. Ito ay isang uri ng pagbubuod na kalimitang ginagamit sa mga tekstong


naratibo.
____3. Sa pagsulat ng sinopsis mahalagang tandan na ito ay dapat hawig sa orihinal
na sipi nito.

____4. Ang pagbubuod ay dapat gumagamit ng angkop ng pang-ugnay upang maging


maayos ito.

____5. Ito ay pagkasunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye


ayon sa pangyayari.
____6. Ang wikang ito ay pinagmulan ng salitang syntithenai na nangangahulugang
combine sa wikang Ingles.

____7. Ang nilalaman sa isang artikulo, teksto o akda ay siyang pagbabatayan sa


haba at bilang ng pangungusap at talata sa pagsulat nito.

____8. Ang uri ng pagkasunod-sunod na ito ay ginagamitan ng mga pananadang


naghuhudyat gaya ng una, pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa.
____9. Naglalayong maisulat sa isang sintesis ang pangunahing kaisipang taglay ng
orihinal na akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.

____10. Siya ang nagbigay ng pagpapakahulugan sa sintesis na pagsama-sama ng


mga ideya, impormasyon at mahahalagang punto upang mabuod ang napakahabang
teksto.

2
Aralin
Pagsulat ng Sinopsis o

2.2 Buod (Ikalimang Linggo)

Alamin

Pinahahalagahan sa ikalimang Linggo, ang pagsulat ng isang sinopsis o buod.


Ang ganitong paksain ay nagbibigay pagkakataon na malinang ang kakayahan sa
mataas na antas ng pangkognitibo dahil saklaw nito ang pag-unawa, paggamit, pag-
aanalisa, pag-eebalweyt at pagbuo.
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon “ new normal”, nakatutulong nang malaki
sa larangan ng pagtamo ng kaalaman at impormasyon dahil sa mabilis na takbo ng
gawain sa pang-araw-araw. Sa tulong ng paglalagom at pagbubuod, nakatitipid ito
sa panahon dahil marami ang nagmamadali sa pagtapos ng mga gawain. Ang
paglalagom bilang pagpapaikli sa mahabang sulatin, nakatutulong nang malaki sa
pagtitipid at bilang paghahanda sa tunay na buhay tungo sa propesyon,
pagtatrabaho at ibayong pag-aaral.
Kung gayon, sa modyul na ito makukuha mo ang kakayahan sa pagsulat ng
isa sa uri ng paglalagom na sinopsis.

Balikan

Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1.Bakit kailangang ihanay ang mga kaisipan ayon sa tamang pagkaka-ugnay-


ugnay?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan ng gawaing paghahanay ayon sa pagkasunod-sunod ng


mga kaisipan sa pagsulat ng buod?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3
3. Paano mo kaya ibuod ang isang maikling kuwento? Magbigay ng mga
hakbangin.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Ibigay ang iyong tugon sa iba’t ibang sitwasyon.

1 . Nanood ka ng isang teleserye o kaya’y pelikula na sinubaybayan ng iyong mga


kaklase’t kaibigan, tapos may tumawag sa iyo na kaibigan na magpakwento sa iyong
napanood. Paano mo ito ikukuwento sa maiksing paraan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2 . Kung ikaw ay binigyan ng iyong guro ng takdang aralin na magbasa ng isang


alamat at ipabahagi mo sa klase kinabukasan. Ano ang iyong gagawin para
maibabahagi mo ito sa klase nang maayos?_______________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

• Batay sa iyong pagbahagi ng kuwento, ikaw ay nakapagbuod na kung


saan ito ay isang uri ng paglalagom na tinatawag na sinopsis.

Suriin/Talakayin

Naranasan mo na bang magbigay ng kabuoang impormasyon mula sa mga


kaganapang iyong naranasan? Siguradong naranasan mo na ito. Hindi mo
namalayan na ang isang araw mong karanasan ay naibahagi mo sa maikling oras
lamang. Nagawa mo ito dahil, ibinigay mo lamang ang mga mahahalagang
pangyayari. Kung gayon, ang aralin na ito ay pagpapalalim at pag-uugnay sa
kadalasan mo ng ginagawa.

Simulan natin ang talakayan sa pagpapakahulugan ng terminong


sintesis/buod. Sa epistemolohiyang pagpapakahulugan, ang sintesis ay nagmula sa
salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles ay put together o
combine ( Harper, 2016 ). Ito ay matatawag ding sinopsis/ buod. Ito ay isang uri ng

4
lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan
(Julian & Lontoc, 2016). Ayon naman kay Garcia (2016), ang sintesis ay ang
pagsama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod
ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang
kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.

Ang pagsulat ng sintesis/ sinopsis/ buod/lagom ay maaaring isulat sa ilang


pangungusap lamang, isang talata o higit pa, depende sa nilalaman ng impormasyon
na sa loob ng teksto, artikulo at akda. Mahalagang gamitin ang sariling salita sa
pagsulat ng buod.

Layunin ng Sintesis/Sinopsis/Buod
1. Naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksiyon o akda.
2. Naglalayong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan
ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.
3. Naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng akda, kaya dapat na
payak lamang ang mga salita.
4. Naglalayong paikliin mula sa mahabang sulatin.

Katangian ng Sintesis
1. Ito ay tumatalakay sa kabuoan ng orihinal na teksto.
2. Naglalahad ito ng pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
3. Ito ay nagtataglay ng maikling bersyon ng orihinal at naisulat sa sariling
pananalita ngunit napapanatili ang mensahe.
4. Nagtataglay rin ito ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.

Hindi sapat na malaman ang katuturan, katangian at layunin ng pagsulat ng


sintesis o buod, mahalagang malalaman ang mga dapat tandaan at mga hakbangin
sa pagsulat nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod


Narito ang mga mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng buod o
sinopsis at mga hakbang nito ayon kina Julian, & Lontoc (2016).

1. Gumamit ng ikatlong panauhin sa pagsulat nito.

2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang
damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa
buod na gagawin.

3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang
kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.

5
4 Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa
kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o
higit pang talata.

5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa


pagsulat.

6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha
ang orihinal na sipi ng akda.

Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/Buod


1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang
buong kaisipan o paksa ng diwa nito.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro


ang isinusulat.

5. Ihanay ang ideya sang – ayon sa orihinal.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

Narito naman ang ilang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng sintesis
ayon kay Garcia (2016).

1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos
na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.

2. Mapapadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama


dahil maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahahalagang diwa ng
teksto.

3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.

• Sekwensiyal – pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang


salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng
pagkakasunod – sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod at
iba pa.
• Kronolohikal – pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at
mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.
• Prosidyural – pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng
pagsasagawa.
4. Maari ring isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna at wakas.

6
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at
sistematikong pagsulat.

Halimbawa:

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa
COVID-19

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot


ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay
makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang
karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang
maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng


mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay

Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na
may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga
bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak
natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan
na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay,
kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay
gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.

2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig

Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.


Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at
bibig.
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha
ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong
at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.

3. Takpan ang iyong ubo at bahing

Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang


respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob
ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa
basurahang may takip at maghugas ng kamay.
Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na
droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o
bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng
loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang

7
paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang
paglipat ng virus sa tao o bagay.

4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may


lagnat o ubo

Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang iyong edad ay 60 pataas o may
dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o
kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung
sinomang may lagnat o ubo.
Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet
na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-
iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1
metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may
sakit.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit

Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang


lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad –


ngunit tawagan mo muna ang health facility

Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta nang


maaga kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan
ka kung saan ka pupunta.
Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay
sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa
iba.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad

Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa


mapagkakatiwalaang awtoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa
maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health
Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang
sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa


pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar.
Sila ang mas nakaaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar,
upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili. (WHO Webpage, 2020)

8
Isaisip

Ang sintesis ay isang pagbubuod ng mahabang akda na


kinapalolooban ng mga mahahalagang impormasyon, punto at ideya
upang makabuo ng makabuo ng makabagong kaalaman at maipasa ito
sa sandaling panahon lamang. Dahil sa sintesis, nalilimitahan ang oras sa
pagbabahagi ng kaalaman.

Isagawa

Panuto: Magkalap ng isang balita o mahahalagang impormasyon tungkol sa


pagbukas ng klase ngayong darating na Septembre 13, 2021. Ilahad ang iyong
saloobin tungkol sa paraan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ibuod ang
nasabing impormasyon sa dalawa hanggang tatlong talata ayon sa layunin at
hakbang sa pagsulat ng isang sintesis.

Paksa/Pamagat

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubriks Napakahusay Mahusay Di – gaanong Baguhin Marka


5 3-4 Mahusay 1
2
Pamagat Angkop at Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
malikhain ang pamagat angkop ang ang pamagat
pamagat pamagat

Nilalaman Natumbok at Nailahad nang Hindi masyadong Hindi nailahad


nailahad nang malinaw ang nailahad nang nang malinaw

9
malinaw ang mga karamihan sa mga malinaw ang ang mga
pangunahing ideya pangunahing ideya karamihan sa mga pangunahing
mula sa mga mula sa mga pangunahing ideya ideya mula sa
napakinggan o napakinggan o mula sa mga mga
nabasang balita. nabasang balita. napakinggan o napakinggan,
Makabuluhan at Malinaw ang mga nabasang balita. nabasa at
malalim ang mga aral na napagtanto Hindi rin malinaw napanood na
aral na napagtanto mula sa pakikinig, kung ano ang balita.
mula sa pakikinig, pagbabasa at napagtanto.
pagbabasa at panonood.
panonood.

Gramatika Walang mali sa May ilang mali sa Marami-raming Napakaraming


pagkabuo ng mga pagkabuo ng mga mali sa pagkabuo mali sa
pangungusap at sa pangungusap at sa ng mga pagkabuo ng
gramatika sa gramatika. pangungusap at sa mga
wikang Filipino. gramatika. pangungusap
at sa
gramatika.

Kabuuan 15

Pagyamanin/Karagdagang Gawain

Panuto: Basahing mabuti ang mapanuri o kritikal na sanaysay at pagkatapos gawan


ng buod o sintesis/sinopsis.

Mahahalagang impormasyong pinagbabatayan:


Ang mapanuring sanaysay na ito ay nagmula sa sarbey. Nagtakda ng sarbey
sa 20 na mga netibong mamamayan sa pamamagitan ng online. Binubuo ang sarbey
ng apat na katanungan; Ano ang iyong obserbasyon noon sa pamumuhay ng mga
tao? Ano-ano ang nagbibigay sagabal sa iyong layuning lumabas sa bawat araw?
Ano ang iyong obserbasyon o nakikita batay sa iyong karanasan sa; simbahan,
paaralan, daan, at pasyalan. Ano ang naidudulot ng COVID-19 sa mundo?

Katangian nito:
1. Ito ay pormal na sanaysay (mapanuri) dahil gumagamit
ng pormal na salita.
2. Ito ay isang uri ng mapanuring sanaysay dahil nakabatay
sa sarbey at kritikal na binalangkas.
3. Sarbey bilang pagsisiyasat sa katotohanan na nagmula
sa obserbasyon at karanasan ng mga impormante.
4. Ito ay napabilang sa dalawang uri ng layunin sa pagsulat
na panlipunan o pansosyal dahil nagtampok ito kaugnay
sa kalakarang panlipunang kaganapan.

10
PANDEMIC SA PAGBUO NG PANIBAGONG PAMUMUHAY
(NEW NORMAL)
(Mr. Plus)

Sulyapan natin ang nakalipas na panahon. Panahon na nasa normal na


pamumuhay.
Abalang-abala ang mga tao sa pagsisikap, pamamasyal, pagtipon-tipon na
parang walang makakapigil sa mga dapat gawin. Tanging ang panahon, kalusugan
at pera ang naging sagabal sa pagsakatuparan sa naitakdang pakay sa bawat araw.
Punong-puno ang simbahan na halos wala ng mauupuan at nakatayo ka
lamang. Habang nagsasalita si Padre, abalang-abala rin sa malalim na pag-iisip ng
kung ano-ano at pakikipag-usap. Pumunta sa simbahan dahil obligasyon ang
pagsimba tuwing Linggo nang ayon din sa sampung kautusan.
Napakaraming bilang ng mga tao sa paaralan na halos nagbanggaan nang
makaipon ng mga kaalaman. Lalong naging siksikan ang lugar ng sanayang
pangkaalaman kung lahat ay masipag sa pagpunta sa paaralan. Minsan narinig
mula sa mga-aaral kung bakit napagpaliban sa klase,” natagalan ako sa paggising,
dahil matagal din akong natulog!
Hindi mabibilang ang mga nagpapasyalan sa mall, libangan, beach at kung
saan-saan. Naging bamper to bamper din ang daanan ng mga sasakyan. Umiikot sa
labas ng bahay ang buhay araw man o gabi.
Hanggat pinatigil ang mundo at nagbigay ng krisis… COVID-19 bilang
pandemic.
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang bagong coronavirus na
nakakahawa at nagdudulot ng impeksyon sa tao at nakakamatay kung lubhang
mahina ang Immune System. Ito ay napag-alaman at naibalita na nagmula sa
Wuhan China at kumalat sa buong mundo. Kaya nakakaranas ang buong mundo
ng World Health Crisis.
Dahil dito, bawat bansa ay nagpapatupad ng mga precautionary measures
upang masugpo ang lalong pagkuyanap o pagkalat ng ganitong virus. Nagpapatupad
ng lockdown, nagpapatupad din ng Community Quaratine, Enhance Community
Quarantine, General Community Quarantine at Modified Community Quarantine.
Ang World Health Organization at sa pagtalima ng Department of health ay
nagtakda ng mga direktiba at panuntunan na maituturing na “new normal” o
panibagong istandard. Ang mga new normal kaugnay sa proteksyon pangkalusugan
ay pagsusuot ng face mask, social distancing, palaging paghuhugas ng kamay,
paggamit ng mga sanitizers o mga disinfectant at pagkakaroon ng mga supplement
upang palakasin ang resistensiya. Ang paraan ng pakikipag-ugnayan ay kadalasa’y
sa pamamagitan ng social media gaya ng zoom, google meet, video call at iba’t ibang
communication apps.
Sa ganitong katayuan, ang pandemic na ito ang naging sanhi sa pagkabuo ng
panibagong paraan ng pamumuhay. Nahihirapan man ang mga tao sa ganitong
katayuan, subalit pinilit na makikipaglaban upang mabuhay. Nakahihinga ang
kalikasan. Nakaluluwag ang daanan sa mga sasakyan. Naging maingat ang
karamihan sa larangan ng pangkalusugan. Lalong napalalim ang paniniwala at
pananalig sa Panginoon at nabibigyan nang sapat na panahon ang bawat pamilya.
Maaaring maituturing na masalimuot na panibagong paraan ng pamumuhay
datapwa’t makakaahon ang bawat isa at sabay-sabay na malulunasan ang sugat ng
mga kaganapan kung ang bawat isa ay may pagkakaisa, may disiplina at may
pananalig sa Poong Lumikha.

Buuhin mo na!

11
_________________________________________________________

Pamagat

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubriks Napakahusay Mahusay Di – gaanong Baguhin Marka


5 3-4 Mahusay 1
2
Pamagat Angkop at Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
malikhain ang pamagat angkop ang ang pamagat
pamagat pamagat

Nilalaman Natumbok at Nailahad nang Hindi masyadong Hindi nailahad


nailahad nang malinaw ang nailahad nang nang malinaw
malinaw ang mga karamihan sa mga malinaw ang ang mga
pangunahing ideya pangunahing ideya karamihan sa mga pangunahing
mula sa mga mula sa mga pangunahing ideya ideya mula sa
napakinggan o napakinggan o mula sa mga mga
nabasang balita. nabasang balita. napakinggan o napakinggan,
Makabuluhan at Malinaw ang mga nabasang balita. nabasa at
malalim ang mga aral na napagtanto Hindi rin malinaw napanood na
aral na napagtanto mula sa pakikinig, kung ano ang balita.
mula sa pakikinig, pagbabasa at napagtanto.
pagbabasa at panonood.
panonood.

Gramatika Walang mali sa May ilang mali sa Marami-raming Napakaraming


pagkabuo ng mga pagkabuo ng mga mali sa pagkabuo mali sa
pangungusap at sa pangungusap at sa ng mga pagkabuo ng
gramatika sa gramatika. pangungusap at sa mga
wikang Filipino. gramatika. pangungusap
at sa gramatika.

Kabuuan 15

12
Tayahin

Panuto: Pagsunud-sunorin ang mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng


paglalagay ng titik A hanggang J. Isulat sa isang buong papel ang iyong kasagutan
at huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang/seksyon at bilang ng modyul.

Karaniwang Gramatikang Pagkakamali sa Pagsulat ng Sanaysay


Tungo sa Lingguwistikong Kasanayan
Abstrak ng pananaliksik ni Antonio C. De Los Reyes

_______(1)Ang pag-aaral na ito ay layuning kilalanin, ilarawan, ipangkat at


suriin ang mga karaniwang gramatikang pagkakamali ng mga Senior High School
sa pagsulat at kaalaman sa linggwistikong kasanayan.

________(2)Sa susunod namananaliksik, iminumungkahing irebisa pa ng husto


ang ginawang pag-aaral hinggil sa Karaniwang Gramatikang Pagkakamali sa
Pagsulat ng Sanaysay Tungo sa Lingguwistikong Kasanayan.

________(3)Ang antas ng kaalaman na ipinakita ng mga mag-aaral sa lingguwistikong


kasanayan sa pagtataya na may kinalaman sa istruktura ng salita, pagbuo ng
pangungusap, at bokabularyo/pangkahulugan ng salita ang naging resulta ay
may kabuuang interpretasyon na kasiya-siya.
________(4)Mga tanong ang ginamit upang makalap ang mga salik na nakaaapekto
sa mga mag-aaral sa paggawa ng mali sa gramatika sa pagsulat ng Filipino.
Ang ginamit na istatistikal na pamamaraan at statistically treatment para malaman
ang porsyento at karaniwang pagkakamali sa gramatika.

________(5)Sa mga guro, sa Junior High School at Senior High School sa


asignaturang Filipino, Ipagpatuloy natin ang magandang simulain at pagbuo ng
mga kagamitang pagtuturo na maaaring makatulong at mahikayat ang mga mag-
aaral na magsanay na mabuti sa Asignaturang Filipino at sa iba Asignatura.

________(6)Sa mga mag-aaral, mahalin, igalang ang mga guro na walang sawa
sa pagbibigay ng kaalaman at seryosohin at sikaping mapahalagahan ang mga
kagamitang pagtuturo na inihahanda ng guro. Sikaping makakuha ng magandang
marka sa mga pagsusulit na ibinibigay ng guro, ito man ay pasalita o pasulat.

________(7)Ipagpatuloy na mapaunlad ang sariling kasanayan upang makabuo ng


iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng tamang pagsulat ng sanaysay at huwag
mapagod sa pagwawasto ng mga sulatin ng mag-aaral at iyon ng sa gayon ay gawin
nang maging magaling ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin.

________(8)Ang kabisaan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagsulat ng


sanaysay sa Filipino ay naging positibo at tinanggap ng mananaliksik batay sa
mga naging sa mga tanong at pagsusulit na ginawa. Ayon sa mga krayteryang
inilahad sa pagtatanong at pagtataya ay naging resulta na may kabuuang
interpretasyong mataas.

1
________(9)Ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral na ipinamalas sa pagsulat ng
sanaysay sa antas ng kaalaman sa lingguwistikong kasanayan ay ipinakita din
ng datos na nakalap na walang bisang palagay na “walang makabuluhang
kaugnayan ng mga salik panghikayat sa pagsulat ng sanaysay sa antas
ng kaalamang lingguwistikong kasanayan ng mga tagatugon”, sa pagkatuto ng mga
mag-aaral batay sa pagsulat ng sanaysay ay nakakuha ng “May makabuluhang”
kaugnayan sa pagitan nila.

________(10)Ang mananaliksik ay gumamit ng pamamaraan ng deskriptibong


pananaliksik kasama ng pag-aanalisa ng datos. Binigyang pansin ng pananaliksik
na ito ang mga salik na nakakaapekto sa paggawa ng mali sa gramatika ng Senior
High School sa Technical-Vocational-Livelihood Industrial Arts Shielded Metal Arc
Welding, Technical-Vocational-Livelihood Home Economics Caregiving at
Academic-Humanities and Social Sciences ng Buenavista Integrated National
High School para sa taong 2020-2021 at ginamitan ng istatistikal na
pamamaraang weighted mean at standard deviation na pagsulat.

2
Sanggunian:
Julian, A.B.,& Lontoc,N. ( 2016).Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (
Akademik).Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Garcia, F. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Quezon City: SIBS
Publishing House, Inc.

ADM Module, DepEd

Website:
Filipino sa Piling Larang ( 2018 ). Nakuha noong Hulyo 08, 2020 mula sa
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/abstrak.html.Senin (
1984 ). Abstrak. Nakuha noong Hulyo 08, 2020 mula sa https://abstrack-
ok.blogspot.com/1984/07/abstract-tagalog-halimbawa-ng-abstrak.html
WHO Webpage ( 2020) . Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang
sarili at ang iba laban sa COVID-19. Nakuha Hulyo 08, 2020.
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-
hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like