You are on page 1of 3

Panuto: Tukuyin mo ang uri ng teksto ayon sa kahulugan at katangian nito.

Isulat ang sagot


na titik sa iyong sagutang papel.

a. Naratibo d. Prosidyural
b. Deskriptibo e. Persweysib
c. Impormatibo f. Argyumentatibo

______1. Ito ay uri ng teksto na nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang
tao, lugar, bagay, o pangyayari.
______2. Ito ay tekstong di-piksyon, layunin nito ang makapagbigay ng impormasyon.
______3. Ito ay tekstong manghikayat o mangumbinsi ng mambabasa sa obhetibong
tono o pamamaraan.
______4. Ang tekstong ito ay nagkukwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring
hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon) o nanggaling lamang sa kathang isip o
(piksyon).
_______5. Ang tekstong ito ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang
o proseso sa paggawa ng isang bagay.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng ng mga salitang ginamit sa teksto at


nakasulat ng madiin sa bawat bilang.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon: talambuhay, balita, artikulo sa


magasin. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian
ang maibibigay mo para sa di piksyon?
2. Ang sumusunod naman any mga babasahing piksiyon: maikling kwento, tula, nobela.
Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para
sa mga babasahing piksiyon?
3. Ang salitang impormatibo, ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa
pinagmulan ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo?
4. May iba’t ibang pananaw o punto de-vista ang tekstong naratibo, unang panauhan,
ikalawang panauhan, ikatlong panauhan. Batay sa mga nabanggit na mga pananaw ano
anong kahulugan ang maibibigay mo para sa unang panauhan?
5. May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag ng mga tauhan ang
kanilang diyalogo, ang direkta o tuwirang pagpapahayag, o di direkta o di tuwirang
pagpapahayag. Batay sa mga nabanggit na paraan, anong kahulugan ang
maibibigay mo sa di direkta o di tuwirang pagpapahayag?

Panuto: Isaayos ang bawat talata upang maging kronolohikal ang pahayag. Isulat ang bilang
na 1-5 sa patlang bilang sekwens o pagkakasunod-sunod ng pahayag. Isulat ang iyoung sagot
sa malinis na papel.
________1. Taong 1940, ipinalabas ni pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang
________2.Taong 1955,nilagdaan ni Pangulong ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg. 186
bilang pagsusog sa Proklamasyon Blg. 12 serye ng 1954 upang ilipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon mula ika-13 hanggang ika -19 ng
Agosto.
_______3. Taong 1935 sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksyon 3 na “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika.”
_______4. 1954 nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang proklamasyon Blg.12 na nagpapahayag
na ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon
sang-ayon sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang araw ni Balagtas (Abril 12)
ay kabilang sa itinakdang Linggo ng Wika.
_______5. Taong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa
pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng
pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng
Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at
napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa”

Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng wastong
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Uri ng tekstong naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay na
may pinagbabatayan.
A. Impormatibo B. Naratibo C. Persuweysib D. Prosidyural

2. Isang uri ng tekstong tumutukoy sa pagsasalaysay ng mga tiyak na pangyayari,


kilos, at galaw sa isang tiyak na panahon.
A. Prosidyural B. Naratibo C. Impormatibo D. Persuweysib

3. Uri ng teksto na nagbibigay ng proseso kung paano gumawa ng isang bagay o


kaya’y maisakatuparan ang mga hakbangin.
A. Naratibo B. Impormatibo C. Persuweysib D. Prosidyural

4. Ito ay uri ng tekstong gumagamit ng mga salitang naglalarawan at binubuhay ang


imahinasyon ng sinomang babasa ng nito.
A. Prosidyural B. Naratibo C. Deskriptibo D. Impormatibo

5. Ang layunin ng tekstong ito ay magpahayag ng katwiran.


A. Impormatibo B. Argumentatibo C. Prosidyural D. Deskriptibo

Panuto: Sumulat ng sarili mong halimbawang tekstong ekspositori. Pumili ng paksa na


nakatala sa ibaba. Isulat ang iyong teksto sa isang malinis na papel.
1. Mataas na singil sa kuryente ngayong may pandemya
2. Pang-araw-araw na pamumuhay sa panahon ng pandemya
3. Pagbubukas ng klase ngayong 2022

Puntos Pamantayan
10 • Nakapagsusulat at nakapagtalakay nang sapat na nilalaman sa isang kawili-
wiling paraan at may kakayahang magpalawig.
• Gumamit ng estilo sa pagsulat nang may kahusayan; may kakayahang gumamit
nang wastong salita sat gramatika
8 • Sapat ang pagtalakay sa nilalaman ngunit kapos sa mas malinaw na
pagpapaliwanag ng nakatalagang paksa.
• May estilo sa pagsulat at marunong pumili ng wastong mga salita subalit may
ilang mga pagkakamali at pagkukulang sa pagsunod sa gramatikang Filipino.
6 • Kulang ang pagtalakay sa nilalaman hindi masyadong malinaw ang
pagkakapaliwanag ng paksa.
• Iba-iba ang estilong ginamit sa pagpili ng mga salitang ginamit sa teksto at may
kakulangan sa pagsunod sa panuntunan ng gramatikang Filipino.
4 • Hindi sapat ang nilalaman ng sulatin at hindi nakapagpalawig sa pagtalakay ng
paksa.
• Mali ang gamit ng mga salita at may kalituhan sa pagsunod sa panuntunan ng
gramatikang Filipino.

You might also like