You are on page 1of 16

10

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 6:
Paggamit ng Mabisang Pahayag
sa Pagsasagawa ng Suring-Basa

May-akda: Aaron Paul Atienza


Marcerin R. Permejo
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


Aralin 1 – Pagsasagawa ng Suring-Basa

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:

A. nakikilala ang mga teoryang pampanitikan at iba’t ibang genre ng


panitikan;
B. natutukoy ang mga terminong ginamit sa pagsusring pampanitikan;
C. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik
tungkol sa mga teoryang pampanitikan; at
D. nagagamit ang mabibisang pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa
o pagsusuring pampanitikan.

Subukin

A. Isulat ang titik A kung ang nakasaad ay may kaugnayan sa batis ng


impormasyon sa pagsusuri ng akda, titik B kung sa pananaliksik at
titik C kung tumutukoy ito sa teoryang pampanitikan.

___1. Pagsagot ng Haypotesis ___6. Realismo


___2. Pag-aaral ng panitikan ___7. Aklat
___3. Pananaw o pagtingin ___8. Pinagmulan ng
kaalaman/impormasyon
___4. Proseso ng pangangalap ___9. Pagsubok sa mas mainam na
ng impormasyon paliwanag
___5. Mga kaalaman ___10. Sariling karanasam

B. Piliin sa Hanay B ang teoryang nais tukuyin ng nasa Hanay A. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa patlang na katabi ng bawat bilang.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Binibigyang diin ang pagiging marangal a. eksistensyalismo
na tao
_____ 2. Ang kapalaran ay bunga ng kultura at b. realismo
at heredity at hindi ng kanyang sariling pagpili
_____ 3. Kakikitaan ng pagpapahalaga sa papel ng c. humanismo
kababaihan sa lipunan
_____ 4. Ang nilalaman ng teksto ay malapit sa d. peminismo
katotohanan
_____ 5. Pagpapakita ng mga pangyayaring e. imahismo
bunga ng kanyang sariling pagpili
f. naturalismo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
C. Alin sa mga nakatala ang mga elemento ng nobela? Bilugan ang mga
ito.

sukat tauhan tema

tagpuan taludtod banghay

pananaw saknong pananalita

talinghaga kariktan pamamaraan

D. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga termino sa pagsusuring


pampanitikan na nasa Hanay A. Titik lamang ang isulat.

Hanay A Hanay B
___1. Mensahe a. epekto sa kamalayan ng bumabasa
___2. Buod b. kung tungkol saan ang akda
___3. Bisa sa isip c. may kaugnayan sa nadama habang
binabasa o matapos basahin ang akda
___4. Bisa sa damdamin d. pagsasalaysay ng mahahalagang
pangyayari sa akda
___5. Paksa e. kaisipang nais ipabatid ng sumulat
f. papel na ginampanan ng tauhan

Aralin Paggamit ng Mabisang Pahayag


1 sa Pagsasagawa ng Suring-Basa

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsasagawa ng suring-basa gamit


ng mga paraan at mga elemento sa pagsusuring pampanitikan at mabisang
pagpapahayag. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat
ang lahat ng gawain.

Balikan

A. Alalahanin muna ang natutuhan ukol sa pagsusuring pampanitikan.


Isulat ang salitang Tama sa patlang kung wasto ang pahayag at isulat
ang Mali kung hindi ito naaayon sa diwa ng panunuring pampanitikan.

_______ 1. Ang suring-basa ay isa ring anyo ng pagsusuri ng isang akda.


_______ 2. Kasama sa pagsusuri ng nobela ang pagtalakay sa teoryang
pampanitikan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
_______ 3. Ang bisa sa damdamin ay ang nararamdaman ng may-akda.
_______ 4. Nagbibigay ng puna ang isang kritiko ayon sa kanyang pag-
unawa sa binasa.
_______ 5. Layunin ng pagsusuring pampanitikan ang laitin ang isinulat ng
ibang tao.

B. Bago dumako sa pagsusuri, mabuting alalahanin muna ang mga


katangiang taglay ng nobela. Isulat ang Oo o Hindi sa patlang kung ang
pahayag ay may katotohanan o wala ukol sa nobela.
_____1. Ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t
ibang kabanata.
_____2. Tinatawag din itong maikling katha.
_____3. Isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkakasunod at magkakaugnay.
_____4. Kinasasangkutan ito ng isa o ilang tauhan at may isang impresyon
o kakintalan lamang.
_____5. Layunin nitong magbigay-aral tungo sa pag-unlad ng vuhay at
lipunan.

Tuklasin
A. Panimula
Anong salita ang mabubuo mo sa mga letrang ito?

K O R I T I K

Ano ang ginagawa ng taong may ganitong tungkulin?


Bawal judgmental! Ito ang isinisigaw sa isang programang
pantanghalian. Ngunit pagdating sa pagsusuri, kinakailangan ang
paghatol ng isang manunuri o kritiko sa isang akda. Bago makapagsuri,
kailangan ding may sapat na kaalaman ang isang manunuri sa kaniyang
susuriin gayon din sa pagbuo ng isang pagsusuri tulad ng suring-basa o
suring-pelikula.
Basahin at alamin ang mga impormasyon ukol sa pagsusuri.

B. Pagbasa

Alam mo ba na ang pagsusuri ay isang uri ng pagtalakay na


nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining? Hindi lamang ito
nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi ito’y isang paraan ng pagsusuri
sa kabuuan ng tao-ang kaniyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita
at maging ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapuwa at sa
lipunang kinabibilangan niya.
Halimbawa sa pagsusuri ng maikling kuwento, dapat suriin ang
mga elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian,

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
simbolo, pahiwatig, magagandang kaisipan o pahayag at maging ang
paraan kung paano ito nagsimula at nagwakas. Samantala sa nobela,
karaniwan na inaalam ang mga katangiang pampanitikang napapaloob sa
akda (tulad ng elemento ng maikling kuwento); inaalam din ang aspektong
panlipunan, pampolitikal, pangkabuhayan, at pangkultural na nakapaloob
sa nobela at paggamit ng angkop na teoryang gagamitin sa pagsusuri.

Pagsusuri o Suring Basa

Ang suring basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng binasang


teksto o akda tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, o iba
pang gawa/uri ng panitikan. Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa
nilalaman (content), kahalagahan (importance) at ang estilo ng awtor o
may-akda (author’s writing style). Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit
ng isang balangkas o pormat ng suring- basa tulad ng sumusunod:
I. Pamagat, may-akda, genre,
II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang ginamit
Maaaring gumamit ng ibang pormat sa pagsusuri. Ang mahalaga ay
mabigyang pansin ang katangian at mga element ng akdang susuriin.
Ang buod ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na
mahahalagang pangungusap (lalo na kung maikling kuwento). Matapos
basahin ang teksto, balikan isa-isa ang mahahalagang pangyayari,
pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang buod. Kung pelikula o kaya
naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing tauhan at sabihin
ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang wakas.
Samantala, ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang
binasa. Tumutukoy naman sa kung paano naimpluwensiyahan ang pag-
iisip/utak/ o paraan ng pag-iisip ng mambabasa ang bisa sa isip. Bisa sa
damdamin naman ay kung ano ang nadama at paano natigatig ang
emosyon ng mambabasa.
Tumutukoy ang mensahe sa kung ano ba ang gustong sabihin ng
teksto sa mambabasa, o maaari ding gustong sabihin ng sumulat ng teksto.
Nagpapahiwatig ang manunulat at hinihinuha naman ng mambabasa ang
pahiwatig nito. Mas madaling makuha ang mensahe ng manunulat kung
ang mambabasa ay may malalim na pag-unawa sa panitikan.
Mahalaga rin na masuri ang tiyak na teoryang pampanitikan na
lumutang sa nasabing akda. Ayon sa Wikipedia, ang teoryang
pampanitikan ay “sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan
sa pag-aaral ng panitikan.” Nakapaloob sa mga teorya ang mga prisipyo at
kaisipang isinasaalang-alang sa pagtingin sa isang akda.
Maraming mga halimbawa ng teoryang pampanitikan at ang iba rito
ay natalakay na sa naunang aralin.
Hinango sa Modyul para sa mga Mag-aaral sa Filipino 10, pah. 164-165

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
C. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin sa paraang pasalita ang mga tanong.

1. Ipaliwanag ang kahulugan ng pagsusuri.


2. Ano-ano ang maaaring suriin?
3. Ano ang tinatawag na rebyu?
4. Bakit kaya kailangan pa ng balangkas o pormat ng isang suring-basa?
5. Ano ang mga bahagi ng isang suring basa ayon sa inilahad na teksto?

D. Basahin mo nang may pang-unawa ang isang halimbawa ng


pagsusuring pampanitikan.
Sa Mga Kuko ng Liwanag
(Isang Suring Basa)
Lumabas sa unang pagkakataon bilang isang serye sa mga pahina ng
Liwayway Magazine ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes.
Isinasalaysay nito ang buhay at pakikipagsapalaran nina Julio at Ligaya na
kapwa galing probinsiya. Kinakatawan nila ang libo-libong kapuspalad na
nakipagsapalaran sa Maynila.
Si Ligaya ang naunang nagbakasakali kasama ng isang matronang babae
na nagnangangalang Mrs. Cruz na nangako sa kaniya ng isang simpleng trabaho
na may posibilidad na siya ay makapag-aral pa at makapagpadala ng kaunting
tulong sa naiwan niyang mga magulang at kapatid. Pagkalipas ng ilang panahon
na hindi nakapagpadala ng sulat si Ligaya sa kaniyang mga magulang at pati na
rin kay Julio, naisip nito na sundan sa Maynila si Ligaya upang hanapin.
Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod.
Tulad ng ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya sa mga
naggagandahang liwanag ng Kamaynilaan.
Totoong may nilalaman ang pagkakasulat ng Sa Kuko. Ang mga simbolong
tulad ng gusali na unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito
na bakal, graba at semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon
pa ng mga kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang
nagmalasakit na tandaan, na sa kaitiman ay maaaring nagsisimbolo na rin mismo
sa kaibuturan ng lungsod.
Tunay na nahuli ng nobela ang ingay at kalaswaan ng Maynila. Talagang
tugma ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari at tauhang
mapupuntahan, mararanasan at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito
sa mambabasa ang isang makatotohanang buhay sa Lungsod ng mga Pangarap at
Kasawian.
Kung babasahin muli ang nobela, maiisip na maaari pa ring mangyari ang
kuwento nito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lamang ang mga pangalan ng
kalye sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan lang ng cellphone sina Mister
Balajadia at Misis Cruz, gawin lang mas modern ang tindahan ni Ah Tek,
pasakayin lang kahit minsan si Julio sa LRT at iba pa. Sa tingin ko pa nga, kung

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
may makakaisip mang gawin muling pelikula ang librong ito, magiging swak pa
rin ito sa panlasa ng masa.
Kung lubog man sa dumi at alikabok ang Maynilang inilarawan sa nobela,
mayroon pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga
nakilala ni Julio na mabubuting tao, kapos man sila mismo sa materyal na mga
bagay at kahit hindi nila halos maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-
araw nilang pangangailangan, nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong at
kabaitan kay Julio.
Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng
lipunan ang nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan,
bagkus ipinapakita nito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa
makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at
tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo libong Julio at
Ligayang ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap
na buhay sa probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging
mahirap pa.
Makatotohanan ito sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa
realidad ng lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang
sitwasyon ng mga manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang
tagalungsod, ang diskriminasyon ng ilang tao at ang bulok na sistema na
nagpapatakbo rito.
Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa
katauhan ni Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari
sa kaniya. Hindi siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kaniyang
kapalaran. Hindi siya ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa man
ang mangyari sa kaniya. Hindi si Ibarra si Julio na iniinda lamang ang mga
kasamaang idinudulot sa kaniya ng kaniyang mga kaaway. Ngunit hindi rin
naman siya si Simoun na naniniwalang kasamaan din ang dapat iganti sa
kaniyang mga kaaway. Sa huli,sabi nga ng may-akda, paano mo mamahalin ang
isang tulad ni Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa bandang huli?
At ano ang kabuluhan at kahulugan ng kaniyang kinasapitan?
Maaaring hindi intensiyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na
iyan. Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad
ang kaniyang nobela. Ipinauubaya niya marahil sa atin ang paghahanap ng mga
sagot, ang pagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi
man nito tuwirang sinasabi, maaaring inaanyayahan nitong palawakin ng
mambabasa ang kaniyang kamalayan sa realidad na ito at harinawa, sabayan ng
pagkilos.
-Mula sa Modyul para sa Mag-aaral ng Filipino 10
(halaw sa Isang Suring Basa (Sa mga Kuko ng Liwanag)
ni Kevin Ventura, kinuha noong Nobyembre 12, 2014
mula sa http://vjk112001.blogspot.com/2008/02/sa-
mga-kuko-ng-liwanag-isang-suring.html)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
1. Ano-ano ang mga elementong binigyang pansin sa pagsusuri? Isa-
isahin ang mga ito.
2. Naging patas ba ang pagsusuri? Ipaliwanag ang sagot.
3. May epekto ba ang suring-basa sa nobelang sinuri? Ipaliwanag ang
iyong pananaw ukol dito.

Suriin

Ang teoryang pampanitikan ay “Isang sistema ng mga kaisipan at


kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang
ang sa layunin ng may-akada sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na
ating binbasa.” (quizlet.com)
Ilan sa mga halimbawa nito ay realismo, humanismo, eksistensiyalismo,
peminismo, imahismo at iba pa.
Mahalaga rin na masuri ang tiyak na teoryang pampanitikan na lumutang
sa isang akda. Halimbawa kung mas binigyang diin ang tungkol sa pagiging
marangal ng tauhan, humanismo. Naturalismo kung pinahahatid ng awtor sa
pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng tauhan na ang kapalaran ay bunga
ng kultura at heredity at hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling pagpili.
Eksistensiyalismo kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay ng
tauhan at mga pangyayari ay bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala
siya na ang isa sa dahilan ng existence ng tao sa mundo ay hubugin ang sarili
niyang kapalaran.
Ang isang akdang nagpapakita ng makatotohanang pangyayari ay maaaring
lapatan ng realismo. Layunin nitong ilarawan ang katotohanan mula sa tauhan,
tagpuan at mga pangyayari. Matapat ang paglalarawan ng may-akda.
Inilalarawan ang lipunan na parang sa totoong buhay. Sa Peminismo naman,
tinitingnan ang katayuan at papel ng kababaihan sa lipunan. Nilalayong labana
ang diskriminasyon at pang-aabuso sa kababaihan, gayon din ang pagkilala sa
kanilang lajas. Sa kabilang dako, ang imahismo ay nakatuon sa imahen o
larawang diwa na siyang nagpapahiwatig ng kahulugan sa akda at nagdudulot ng
bisang pandamdamin.
Batis ng Impormasyon
Ito ay mga pinagmumulan ng kaalaman na nakukuha sa pamamagitan ng
pagbabasa, panonod o pakikinig.
May tatlong uri ang batis ng impormasyon. Primarya, sekundarya at
tersyarya. Ang primarya o pangunahing batis ay mula mismo sa sangkot sa
pangyayari tulad ng biktima, salarin, at saksi. Ang batayan ng pangunahing
impormasyon ay ang orihinalidad. Tinatawag din itong first hand information.
Kabilang din dito ang talaarawan o diary, dyornal, liham, sariling tambuhay, fossil,
buto at relikya.
Sekondaryang impormasyon ang naisulat hinggil sa pangunahing batis.
Hindi na ito orihinal at batay lamang sa mga impormasyong nalathala sa
pangunahing batis. Ang mga halimbawa nito ay aklat, diksyunaryo, ensiklopidya,
artikulo at mga taong pinagkuwentuhan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Ang tersyaryang batis ay ginagamit upang organisahin at hanapin ang
pangunahin at sekundaryang batis. Halimbawa nito ang index at database. Ang
index ay bahagi ng aklat na naglalaman ng mga salita at pariralang ginamit sa
aklat habang ang database ay koleksyon ng data.
Teoryang pampanitikan
Ito ay “Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang sa layunin ng may-akda sa
pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binbasa.” (quizlet.com)
Ilan sa mga halimbawa nito ay realismo, humanismo, eksistensiyalismo,
peminismo, imahismo, naturalismo, romantisismo, klasisismo at imahismo.
Narito pa ag ilan pang karagdagang impormasyon ukol sa mapanuring
pagbasa.
Maaaring iba-iba ang reaksyon ng mambabasa o ng mga kritiko sa isang
akda. Ang isang matalinong mambabasa ay maraming mabubuong tanong sa
kanyang isipan patungkol sa akda. Katibayan ito ng matamang pagsusuri at
malalim na pag-unawa ng kathang binabasa. Ito ang pahayag sa artikulong “Ang
Panunuring Pampanitikan” ni Nenita Papa.
Ayon pa rin sa kanya, “walang tiyak o takdang pamantayan upang
masabing ang isang kathang pampanitikan ay dakila at di-mapapantayan.”
Dagdag pa niya, ang isang kritiko ay dapat na may lubos na kaalaman sa paksa
ng kathang sinusuri, sa pagkakabuo ng akda at sa estilo ng may-akda.
Makatutulong din kung may kaalaman siya sa buhay ng sumulat upang
maunawaan ang karanasan, damdamin at pagpapahalagang nakapaloob sa akda.
Ang pagbibigay ng hatol ng manunuri ay dapat na kapani-paniwala.
Magagawa ito sa paghahayag ng mga paliwanag sa mga tinuran at naaayon sa
itinakdang pamantayan.
Malaking tulong ang paggamit ng mabisang pagpapahayag sa pagbuo ng
isang pagsusuring pampanitikan. Masasabing mabisa ang pagpapahayag kung ito
ay naging malinaw at epektibo ang pagkakagamit ng mga salita upang mahikayat
ang mambabasa na basahin o pakinggan ang iyong pagsusuri. Tandaan, para
maging epektibo ang pagpapahayag ay kailangang gumamit ng mga angkop at
nauunawang salita sa pagpapahayag.

Pagyamanin

A. Pumili ng mga pagsang-ayon at pagtutol na magkasama sa isang


pahayag mula sa binasang pagsusuri ng “Sa mga Kuko ng Liwanag”.
1.
2.
3.
4.
5.
Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod.
1. totoo- pero
2, tama ka- ngunit
3. totoo ang sinabi mo- subalit
4. tinatanggap ko- datapwat
5. talaga- ngunit

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
B. Anong batis ng impormasyon ang kakailanganin para sa pagkalap ng
kaalaman tungkol sa sumusunod?

1. kasingkahulugan ng salitang panitikan

2. mga patotoo tungkol sa naging karanasan sa pagbaha sa isang lugar

3. mga kagamitan ng mga unang taong nanirahan sa Pilipinas

4. proseso sa pagluluto

5. sanhi at bunga ng kakulangan sa pagkain.

Kumalap mula sa mga batis ng impormasyon ng katangiang


mapagkikilanlan sa mga teoryang pampanitikang nasa ibaba. Isulat
ang iyong nakalap sa hiwalay na papel.
1. humanismo
2. eksistensyalismo
3. pormalismo
4. naturalismo
5. peminismo
C. Magbigay ng dalawang pamagat ng akdang natalakay na sa mga
nakaraang aralin na kabilang sa mga genreng nakasaaad sa ibaba.
1. Nobela: ______________ ________________
2. Maikling Kuwento: ______________ ________________
3. Tula: ______________ ________________
4. Sanaysay: ______________ ________________
5. Mitolohiya: ______________ ________________
6. Parabula: ______________ ________________

D. Magtala ng mga konseptong maaaring iugnay sa PAGSUSURING


PAMPANITIKAN. Isulat ang sagot sa loob ng mga bilog.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
E. Tukuyin ang kahulugan ng mga terminong isinagot sa Gawain A.

SALITA/ TERMINO KAHULUGAN


1.

2.

3.

4.

5.

Isaisip

Alamin ang G A H U K L U N A ng mga salita


bago ito gamitin sa pagsusuri ng anumang akda tungo sa epektibo o
mabisang pagpapahayag
Ano ang tamang salita kapag inayos ang mga letrang
sinalungguhitan?
Ang pagbibigay kahulugan sa mga salita ay nakatutulong sa
pagpapalawak ng kaalaman sa talasalitaan. Maliban dito,
imporatanteng nauunawaan ang mga termino sa pagsususring
pampanitikan upang ito ay maging makabuluhan.

Isagawa

A. Ikaw naman ang magbigay ng iyong pagsusuri sa isang teleserye sa


telebisyon. Kailangan mong manood ng isang episode upang makagawa ng
isang simplengpagsusury. Gawing batayan sa pagsusuri ang dalawang
elemento, ang tauhan at tema ng istorya. Siguraduhin ding magagamit ang
mga pangatnig na tanda ng pagsang-ayon at pagtutol.

Batayan sa pagmamarka:
Malinaw na paglalahad ng kaisipan -------- 5 puntos
Angkop na paggamit ng mga pangatnig ---- 5 puntos

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
B. Tandaang sa realismo ay hindi dapat lumayo sa katotohanan. Nasa
susunod na pahina ang mga pagpipiliang paksa.

- Pag-abot sa pangarap
- Pagsabay sa bagong sistema ng pag-aaral
- Kalagayan ng buhay ng ordinaryong Pilipino sa kasalukuyan

Batayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ------------------------------------------- 10 puntos
Malapit sa katotohanang paglalarawan---------10 puntos

Kabuuan-—20 puntos
C. Bumuo ng isang crossword puzzle na naglalaman ng mga terminolohiyang
may kaugnayan sa pagsusuring pampanitikan. Sampung salita ang
kinakailangan sa bubuuing puzzle.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pagbibigay ng wastong kahulugan sa mga salita- 10 puntos
Pagbuo ng crossword puzzle------------------------- 10 puntos
(kaayusan, kalinisan, kagandahan)

Tayahin
A. Pagsusulit: Punan ng tamang letra ang bawat patlang upang maibigay ang
kahulugang hinihingi sa bawat bilang.

1. Tawag sa gumagawa ng pagsusuri ng isang akda


K __ __ __ __ __ __
2. Pormat o pagkakaayos ng mga ideya o konsepto sa pagsususri ng
isang akda B __ __ __ __ __ __ __ __
3. isa pang tawag sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan
S __ __ __ __ __ B __ __ __
4. katha; tekstong isinulat ng may-akda
A __ __ __
5. pinaikling salaysay ng orihinal na akda
B __ __ __
6. sumasagot sa tanong na “Tungkol saan ang binasa?”
P __ __ __ __

Sagutin ang tanong: (2 puntos ang bawat tanong)

1. Ano ang kaibahan ng bisang pandamdamin sa bisang pangkaalaman?

2. Ano ang kahalagahan ng pagsusuring pampanitikan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
B. Magsaliksik tungkol sa isang teoryang pampanitikan gamit ang iba’t ibang
batis ng impormasyon.

1. Sumipi ng mahahalagang kaalaman mula sa limang batis ng


impormasyon. Tandaan lamang na kunin ang mga impormasyon
tungkol sa pinagkunan tulad ng may-akda, petsa ng pagkakalathala at
URL address kung sa internet

Pamantayan sa Pagmamarka: Pagsipi ng mga Impormasyon


Nakakalap ng 5 kaalaman na may kumpletong impormasyon
sa pinagkunan--------------------------------------10 puntos
4-5 kaalaman ngunit kulang sa
impormasyon sa pinagkunan --------------------8 puntos
-3 kaalaman na may kumpletong
impormasyon sa pinagkunan --------------------6 puntos
-2-3 kaalaman ngunit kulang sa
impormasyon sa pinagkunan --------------------4 puntos
-1 kaalamang kumpleto sa
impormasyon sa pinagkunan --------------------2 puntos

2. Sumulat ng isang repleksyong papel tungkol sa isinagawang


pananaliksik. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong:
a. Paano mo isinagawa ang pangangalap ng impormasyon?
Ibahagi ang mga detalye o hakbang na ginawa.
b. Anong suliranin ang naranasan mo sa pagsasaliksik?
c. Paano mo ito sinolusyunan?
d. Ano ang maipapayo mo sa kapwa mo estudyante na
gumagamit din ng iba’t ibang batis ng impormasyon sa
pananaliksik?

Pamantayan sa Pagmamarka: Repleksyong Papel


Paglalahad ng saloobin-------------------------- 10 puntos
Organisasyon ng ideya--------------------------- 10 puntos
Kaayusan ng pagsulat -------------------------- 5 puntos
Kabuuan------------------------------------------- 25 puntos

Narito ang dalawa pang gawaing magpapahusay sa iyong kasanayan.


Pumili lamang ng isa at isagawa.

1. Magbasa ng isang halimbawa ng suring-basa o suring-pelikula.


Isulat sa isang buong papel ang sumusunod tungkol sa binasa:

Pamagat ng pagsusuri:
Gumawa ng pagsusuri:
Akdang sinuri:
Sariling reaksyon sa pagsusuri:

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Sanggunian:

2. Magsaliksik tungkol sa mga katangian ng isang tagasuri. Magagawa


mo bang sumuri ng isang akda? Bakit?

Natapos na ang aralin! Binabati kita sa kahusayang iyong pinakita.

Susi sa Pagwawasto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Sanggunian
http://rosiefilipino10.weebly.com/teorya-ng-pampanitikan.html#/

https://www.coursehero.com/file/45120930/GROUP-1-FILDISpptx/

https://quizlet.com/431202334/intefil-batis-ng-impormasyon- flash-cards/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik

https://tl.wikipedia.org/wiki/Teoryang_pampanitikan

https://quizlet.com/416437393/teoryang-pampanitikan-flash-
cards/anieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html

https://www.facebook.com/notes/filipino-iv/pusong-walang-pag-
ibigkabanata-xxiini-roman-reyes/310662628986116/

https://quizlet.com/338702361/mga-uri-ng-paningin-flash-cards/

https://www.facebook.com/notes/filipino-iv/ang-tundo-man-may-langit-
dinkabanata-viiini-andres-cristobal-cruz/310659225653123/

Arrogante, Jose A. (2003), Retorika sa mabisang pagpapahayag.


Mandaluyong City: National Book Store.

https://www.coursehero.com/file/15844363/Panunuring-Pampanitikan/

Modyul para sa Mag-aaral sa Filipino 10

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marcerin R. Permejo (Guro, PHS)


Aaron Paul C. Atienza (Guro, PHS)
Mga Editor: Grace Z. Cristi (Guro, MNHS)
Kimberly S. Capuno (Guro, MHS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri- Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)
Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like