You are on page 1of 8

Batayang Kaalaman sa

Panunuring Pampanitikan

Chris Davidson R. Lualhati

0
ENGAGEMENT

Marami ka na bang nabasang mga akda? Diba’t iba’t ibang atake o istilo ang
ginagamit ng mga manunulat nito? Ano ang isa sa mga akdang pumukaw
ng iyong atensyon at nagmulat sa iyo ng reyalidad at paano?

1
EXPLORATION

Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan

•Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para
sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

•Ito ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri atpagpapaliwanag ng panitikan.

•Ang karamihan ng kritiko ay nagkaisa na itoy isang pagtatangkang disiplinado para


higit na mabigyang-halaga atmaunawaan ang isang akdang pampanitikan—tula,
dula,maikling kwento o nobela kaya.

•Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng


buong nilalaman ng akda, paraan ngpagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan oistilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bungang
obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kayamahalagang siya ay maging
matapat.

•Mahalaga sa panunuring pampanitikan na mabatid kung kalian isinulat ang akda


upang ito ay masuri batay sa panahong kinabibilangan nito. Dapat tandaang ito’y
hindi pamimintas. Ito’y pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan batay sa mga
teorya at pagtatalakay.

Mga Sangay:

Ang Pagdulog ay may apat na uri:


• Pormalistiko o pang-anyo
• Moralistiko
• Sikolohikal
• Sosyolohikal-panlipunan

Ang Pananalig naman ay may siyam uri:


• klasisismo
• romantisismo
• realismo

2
• naturalismo
• impresyunalismo
• ekspresyunalismo
• simbolismo
• eksistensiyalismo
• peminismo

Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan:

• Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at


paksa na iyong ilalahad sa paghihimay
• Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang
pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis
• Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong
mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag
ng layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating
• Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa
teksto at sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis
• Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-
katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan

Pakinabang ng Panunuring Panitikan:

Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman


ng akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.

• Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na


binabanggit ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang
pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga
pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang paglalarawan,
simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. At upang
maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring
maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga trabaho sa kapanahunan ngayon
ay nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa trabaho,
atbp. Upang maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may kakayahang
ipahayag ang kanyang mga kaisipan nang malinaw at partikular na nakasulat.
Maaaring hindi siya magsulat ng mga sanaysay sa literatura bilang pamumuhay,
ngunit malamang na ang natutuhan niya mula sa tungkuling iyon ay magiging
kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay.

3
Kahalagahan ng Panitikan:
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng
ating lipunan.

• Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
• Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan
dahil tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at
kwestiyonin ang kasalukuyang sistema.
• Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito,
nagiging isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang
kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas
maitindihan ito ng mga susunod na henerasyon.
• Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang
makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga
suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.
Ang mga sumusunod ay ilang simulain sa panunuring pampanitikan:
1.Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga
sangkap ng pagsulat.
2.Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan ,seryoso at
marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
3.Sa pagsusuri ng anumang akda ayn kailangang mahusay ang organisasyon o
balangkas ng lakhok.Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
4.Sa pagsusuri lng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa,may kalinisan
ang wika at organisado ang paglalahad.
5.Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon may matibay na kaisahan
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitukan.

Mga Paraan sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan


Sa pagsusuri kinakailangan ang kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda paraan ng pagkakabuo nito at ang ginagamit ng awtor o estilo.
Kinanakailangan din ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw
laban man o katig sa katha kaya mahalagang siyay maging matapat . Ang
pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay
pamumuna . Dalawa ang layunin ng panitikan magbigay aliw at magbigay aralkaya
mahalaga din sa mga akda ang magkaroon ng bias sa kaasalan .

4
Mapanuring Pagbabasa
Ang pagbabasa ay ang pagkilala sa mga simbolo at salitang nakalimbag . Ito din ay
pagkakahulugan ng mga mambabasa sa isang akda na naghahatid ng ideya o
mensahe. Paano nga ba natin masasabi na mapanuri ang ating pagbabasa?
Mahalaga ang mapanuring pagbasa sapagkat itoy nagbibigay impormasyon ,
nagpapalawak ng imahinasyon nagbibigay aliw at nagbibigay inspirasyon sa
mambabasa .

Sanggunian:
https://www.coursehero.com/file/49132061/Kabanata-1pptx/
https://bestschooleverblog.wordpress.com/2017/08/03/panunuring-pampanitikan/

5
EXPLANATION

Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan

Name: Score:
Section: Date:

1. Bakit mahalagang suriin ang mga akdang binabasa?

2. Ipaliwanag ang mga paraan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at ang


mapanuring pagbabasa.

3. Paano mo isinasabuhay ang isang akdang iyong binasa?

6
EVALUATION

Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan

Name: Score:
Section: Date:

Sagutin ang mga sumusunod. (5 puntos ang bawat bilang)


1. Ano ang kahulugan ng panunuring pampanitikan?

2. Anu-ano ang mga bahagi ng panunuring pampanitikan? Ipaliwanag ang


bawat isa.

3. Anu-ano ang ilan sa mga simulain sa panunuring pampanitikan?

You might also like