You are on page 1of 22

Lit 1 -Sosyedad at Literatura/Panitikang

Panlipunan (SOSLIT)
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng
panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang
panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang
bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw
nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga
akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat
ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa,
globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa,
karapatang pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng
mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.
Sosyedad – Lipunan
Panitikan – salamin ng lipunan
Ang Panitikan ay buhay dahil ito ay
repleksyon ng pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang
ginagalawang lipunan.
Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at
binibigyang pintig nito ang ating puso.
Hindi ito isang bagay lamang kundi ito ay
isang buhay na kabahagi ng ating
pamumuhay.
Ang panitikan ay isang mabisang
instrumento upang mapagbago ang
damdamin at isipan ng tao, at mapakilos
siya ayon sa idinidikta ng kanyang puso at
isip.
Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo
ang panitikan, binubuhay at pinasisigla
rin nito ang damdaming pagpapahalaga
sa minanang kultura na binuo ng mga
henyo ng ating lahi.
 Ayon kay Zeus Salazar “ ang panitikan gaya ng wika
ay hindi lamang lundayan at tagapagpahalaga ng
ating kultura kundi ito ay kuhanan-impukan ng
alinmang kultura”
Nilalaman at iniingatan nito ang sining, karanasan,
tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.
Dito masasalamin ang kagandahan at kagalingan
ng kultura ng bawat lipunan, at dito rin nasusulat
ang mga ipinagmamalaking henyo ng bawat
panahon
Pang- + titik + -an
Pangtitikan
Pantitikan
Panitikan
Panunuring Pampanitikan

Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at


diwa sa isang nilikhang sining
Ito ay isang kaisipang hindi tapos (Ramos,
Mendiola)
Ibinibilang bilang isang agham ng teksto. Ito’y
iniuugnay nila sa isang gawain ng mga kritiko na
may pinaghahanguang iba’t ibang teorya.
Ito’y ginagawang esensyal na
gawain sa pagsasanay na
ginugugulan ng maraming oras at
panahon sa pagsusulat ng
mapanuring pagpapahayag.
Katangian ng Mabuting Kritiko

Matapat sa sariling itinuturing ang


panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining
Handang kilalanin ang sarili bilang
manunuri ng akdang pampanitikan at
hindi manunuri ng lipunan, manunulat,
mambabasa o ideolohiya
Laging bukas ang pananaw sa mga
pagbabagong nagaganap sa panitikan
Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko
na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan
at sikolohiya, atbp.
Matapat sa sariling itinuturing ang
panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining
Matapat na kumikilala sa akda bilang isang
akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin
at batas.
Ayon kay AGA, kailangan ng isang kritiko ang
tigas ng damdaming naninindigan upang
maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan
ang kanyang pagmamalasakit
Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa
kanyang aklat na Kilates hinggil sa
panunuring pampanitikan…
Inaalam, tinatantiya, tinitimbang, binubusisi,
sinisipat, kinikilatis ng Filipino ang isang bagay
para alamin o di kaya ay tiyakin kung
magugustuhan niya ito.
Sa kulturang Filipino, isang gawain ito bago
magdesisyon – sa pagbili, at iba pa.
Ganito rin sa panitikan, binabasa
upang kilatisin ang isang tula,
maikling kuwento, nobela, dula at
iba pang anyo ng panitikan at
teksto
Kinikilatis ang akda upang
makabuo ng kahulugan at
pagpapahalaga kaugnay nito
Maaaring maitanong ng mag-aaral kung bakit
kailangan ito? Hindi ba pinapanood ang isang
pelikula para tumawa o maiyak at masiyahan?
Hindi ba binabasa ang panitikan para
makapulot ng mabuting aral sa buhay?
Ang sagot sa tanong ay “Oo” at higit pa rito.
Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang
isang akda ay pumapasok sa gawain ng
kritisismo. Isa itong gawain o praktikal na bahagi
ng pampanitikang pag-aaral.
Isa itong espesyalisadong larangan
sa loob nito
May kaugnayan ang kritisismo sa
kabuuang produksiyon ng panitikan,
katunayan ay itinuturing na mga
mahalagang silbi dito
Sa panunuri, nakikita ang bumubuo sa
pagkatao ng mga Filipino, kung ano ang
pinahahalagahan niya, at kung ano ang
suliraning kinasasangkutan niya .
Napapalutang kung ano ang klase ng
pamumuhay niya
Para sa mga estudyante, ang kaalaman at
kasanayang magmumula rito ay hindi
lamang magpapatalas sa mapanuring
pag-iisip.
Hahamon ito sa aktibong pagsali sa
mahahalagang usapin katulad ng
pagbubuo ng kaalaman para makilala ng
Filipino ang kanyang sarili, ang kanyang
pagkalahi at pagkabansa, para sa
panlipunang pagbabago.
Bigyang-pansin kung paano nasasagot ng
kanilang anunuri ang mga tanong na:
Anong karanasan na siyang paksa ng
representasyon ng mga akdang binasa
ang tinutukoy sa pagbasa?
Paano inilalarawan o nirerepresenta ang
karanasan?
Ano-anong mga pamamaraang
pampanitikan ang ginagamit sa mga
akda?
Anong bisa ng representasyon ang
tinutukoy ng mga nagsuri?
Mga tanong:
Anong karanasan sa akda ang hinihingi nito na
kasangkutan mo?
Anong kamalayan ang pinaiiral ng akda?
Bakit ganoon ang ugali/paniniwala ng mga
tauhan?
Ano-ano ang minamahalaga sa paglalarawang
ito? Bakit?
Kaninong ideolohiya o di kaya ay kinokontra ng
akda?
Paano ito nagagawa ng teksto?

Sinuri o hinusgahan ang akda ng isang manunulat sa


pamamagitan ng mga tanong na:
Ano ang sinasabi ng akda?
Paano ito sinabi?
Kailan ito nasulat?
Sino ang sumulat?
Para kanino ito isinulat?

You might also like