You are on page 1of 21

Lit 1 -Sosyedad at Literatura/Panitikang

Panlipunan (SOSLIT)
 Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng
panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga
tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang
Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay
ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng
mayayaman at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon,
pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung
pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o
marhinalisado, at iba pa.
 Sosyedad – Lipunan
 Panitikan – salamin ng lipunan
 Ang Panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon
ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa
kanyang ginagalawang lipunan.
 Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at
binibigyang pintig nito ang ating puso. Hindi ito
isang bagay lamang kundi ito ay isang buhay na
kabahagi ng ating pamumuhay.
 Ang panitikan ay isang mabisang instrumento upang
mapagbago ang damdamin at isipan ng tao, at
mapakilos siya ayon sa idinidikta ng kanyang puso at
isip.
 Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo ang
panitikan, binubuhay at pinasisigla rin nito ang
damdaming pagpapahalaga sa minanang kultura na
binuo ng mga henyo ng ating lahi.
 Ayon kay Zeus Salazar “ ang panitikan gaya ng wika ay hindi
lamang lundayan at tagapagpahalaga ng ating kultura kundi ito
ay kuhanan-impukan ng alinmang kultura”
 Nilalaman at iniingatan nito ang sining, karanasan,
tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa.
 Dito masasalamin ang kagandahan at kagalingan ng kultura
ng bawat lipunan, at dito rin nasusulat ang mga
ipinagmamalaking henyo ng bawat panahon
Pang- + titik + -an
Pangtitikan
Pantitikan
Panitikan
 Panunuring Pampanitikan

 Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang


nilikhang sining
 Ito ay isang kaisipang hindi tapos (Ramos, Mendiola)
 Ibinibilang bilang isang agham ng teksto. Ito’y iniuugnay nila
sa isang gawain ng mga kritiko na may pinaghahanguang
iba’t ibang teorya.
 Ito’y ginagawang esensyal na gawain sa
pagsasanay na ginugugulan ng maraming
oras at panahon sa pagsusulat ng mapanuring
pagpapahayag.
Katangian ng Mabuting Kritiko

 Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng


mga akdang pampanitikan bilang isang sining
 Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng
akdang pampanitikan at hindi manunuri ng
lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya
 Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong
nagaganap sa panitikan
 Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na
patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng
linggwistika, kasaysayan at sikolohiya, atbp.
 Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng
mga akdang pampanitikan bilang isang sining
 Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang
sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay
sa sinusunod na alituntunin at batas.
 Ayon kay AGA, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng
damdaming naninindigan upang maging tiyak na
kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit
Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa
kanyang aklat na Kilates hinggil sa panunuring
pampanitikan…
Inaalam, tinatantiya, tinitimbang, binubusisi, sinisipat,
kinikilatis ng Filipino ang isang bagay para alamin o di
kaya ay tiyakin kung magugustuhan niya ito.
Sa kulturang Filipino, isang gawain ito bago
magdesisyon – sa pagbili, at iba pa.
 Ganito rin sa panitikan, binabasa upang
kilatisin ang isang tula, maikling
kuwento, nobela, dula at iba pang anyo
ng panitikan at teksto
 Kinikilatis ang akda upang makabuo ng
kahulugan at pagpapahalaga kaugnay nito
 Bakit kailangan ito? Hindi ba pinapanood ang isang
pelikula para tumawa o maiyak at masiyahan? Hindi ba
binabasa ang panitikan para makapulot ng mabuting aral
sa buhay?
 Ang sagot sa tanong ay “Oo” at higit pa rito.
 Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda
ay pumapasok sa gawain ng kritisismo. Isa itong gawain o
praktikal na bahagi ng pampanitikang pag-aaral.
 Isa itong espesyalisadong larangan sa loob
nito
 May kaugnayan ang kritisismo sa kabuuang
produksiyon ng panitikan, katunayan ay
itinuturing na mga mahalagang silbi dito
 Sa panunuri, nakikita ang bumubuo sa pagkatao
ng mga Filipino, kung ano ang pinahahalagahan
niya, at kung ano ang suliraning kinasasangkutan
niya .
 Napapalutang kung ano ang klase ng pamumuhay
niya
 Para sa mga estudyante, ang kaalaman at kasanayang
magmumula rito ay hindi lamang magpapatalas sa
mapanuring pag-iisip.
 Hahamon ito sa aktibong pagsali sa mahahalagang
usapin katulad ng pagbubuo ng kaalaman para
makilala ng Filipino ang kanyang sarili, ang kanyang
pagkalahi at pagkabansa, para sa panlipunang
pagbabago.
Bigyang-pansin kung paano nasasagot ng
kanilang anunuri ang mga tanong na:
 Anong karanasan na siyang paksa ng
representasyon ng mga akdang binasa ang
tinutukoy sa pagbasa?
 Paano inilalarawan o nirerepresenta ang karanasan?
 Ano-anong mga pamamaraang pampanitikan ang
ginagamit sa mga akda?
 Anong bisa ng representasyon ang tinutukoy ng
mga nagsuri?
Mga tanong:
 Anong karanasan sa akda ang hinihingi nito na kasangkutan
mo?
 Anong kamalayan ang pinaiiral ng akda?
 Bakit ganoon ang ugali/paniniwala ng mga tauhan?
 Ano-ano ang minamahalaga sa paglalarawang ito? Bakit?
 Kaninong ideolohiya o di kaya ay kinokontra ng akda?
 Paano ito nagagawa ng teksto?

Sinuri o hinusgahan ang akda ng isang manunulat sa


pamamagitan ng mga tanong na:
 Ano ang sinasabi ng akda?
 Paano ito sinabi?
 Kailan ito nasulat?
 Sino ang sumulat?
 Para kanino ito isinulat?

You might also like