You are on page 1of 18

INTRODUKSYON 1

FILIPINO BILANG ISANG PAMBANSA, WIKA NG


BAYAN, AT WIKA NG PANANALIKSIK NA
NAKAUGAT SA PANGANGAILANGAN NG
SAMBAYANAN
 Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pananaliksik o riserts sa ating
kontemporaneong panahon na ang lahat ay matuling pinatatakbo ng mga
imbensyong bunga ng maunlad na agham at teknolohiya
 Sanhi nito,napakahalaga sa mga mag aaral,lalo na sa mga nasa kolehiyo, ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pananaliksik,
 Ito ang dahilan kung kaya sa mga memorandum order ng Commission on
Higher Education (CHED) para sa iba’t ibang kurso at laranganng akademiko
ay nakatadhana ang pagkakaroon ng mga component ng pananaliksik o riserts
upang lubusang malinang sa mga mag aaral ang kasanayang ito.
 Ito rin ang dahilan kung kaya ang tema sa pagdiriwang ng buwan ng wika
noong nakaraang taon,2018,ay Filipino: Wika ng Saliksik
Pagpili ng Batis ng Impormasyon, Pagbasa at
Pagbubuod ng Impormasyon
1.) Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
 Ang impormasyon ay mga bagong kaalaman na natanggap mula sa mga
nababasa, naririnig at napapanood na napoproseso ayon sa sariling karanasan,
 Ang mga impormasyon ay maaring hinngil sa mga teorya,kuro-
kuro,datos,kaalaman,kahulugan,kilos,obserbasyon,persepsyon at iba pa.
 Ang salitang impormasyon ay kasingkahulugan ng salitang “katotohanan”. Ang
mas matibay na impormasyon ay mas paniniwalaan
 Sa pagpili ng impormasyon ay kailangang suriin nang maayos ang datos at kaalaman.
Ang kaalaman ay mga kaisipang natutunan bunga ngpagproseso ng impormasyon o
maaring natamo o natanggap mula sa maramiing nagging karanasan. Samantala,ang
datos ay mga kaalamang kinokolekta,sinusuri,inuunawa at pinaglalaanan ng sapat na
panahon upang makabuo ng impormasyon.
 Ang Batis ng impormasyon ay nahati sa tatlong hanguan: ang hanguang primary,
hanguang sekondarya, at hanguang elektroniko.

Ang hanguang primary (primary sources) ayon kina Bernales, et al. (2012) na ayon kina
Mosura,et al. (1999) ay:
• Mga indibidwal o awtoridad
• Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, union, fraternity, katutubo o
mga pangkat minorya,samahan, simbahan at gobyerno.
• Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa,sistemang legal at
ekonomik at iba, at
• Mga Pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas,
kautusan,kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, journal at
talaarawan.

Ang mga hanguang sekondarya (sekondarya sources) naman ay:


• Mga aklat tulad ng diksyunaryo,ensaykolpidya, taunang ulat o yearbook, almanac at
atlas
• Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter
• Mga tesis, disertasyon at pag aaral ng pasibiliti, nailathala man ang mga ito o hind
• Mga monograph, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Ang hanguang elektroniko o ang internet.


• Sa ngayon ay ang internet ang itinuturing na pinakamalawak at pinakamabilis na
hanguan ng mga impormasyon o datos. Sa isang click lamang ng daliri ay may
mayamang impormasyon ka nang makukuha. Halimbawa nito ay ang ibat ibang
aplikasyon at platforms tulad ng Youtube,Google at Yahoo.
2.) Pagbabasa
Ayon sa mga eksperto, ang bumabasa na may layuning matuto at matandaan ang binabasa
ay nakakapagbasa ng 250-350 salita kada minute; samantala, 400-700 salita naman ang kayang
basahin ng isang naglilibang lamang. Ito ay sapagkat walang kailangang tandaan ang mambabasang
naglilibang lamang.
Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hinde pagbibigay tanong lamang sa mga salitang
binabasa kundi pangangatwiran at pag iisip.
Mga Uri ng Pagbasa
Ang sumusunod ay ang limang uri ng pagbasaayon kina nucasa, et al. (2014)
a.) Masusing Pagbasa. Saklaw nito ang mapanuri at kritikal na pagbasa. Nakatuon ito sa pag-aaral
ng nilalaman at estruktura ng teksto. Dito ay sinusuri at binibigyan ng wastong interpretasyon ang
mga tiyak na detalye ng isang akda. Sapagkat ang layunin ng mambabasa ay makabuo ng
konklusyon at ebalwasyon, walang puwang ditto ang mabilis na pagbabasa.
b.) Masaklaw na Pagbasa. Ito ay pagbasang nakatuon sa pag-unawa sa pangkalahatang
nilalaman ng teksto. Hinde maari ditto ang pabaha-bahaging pagbasasa paksa sapagkat ito
ay pag-aaral sa kabuoan ng isang akda,at hinde sa mga tiyak o espisipikong detalye
c.) Tahimik na Pagbasa. Mata lamang ang gamit dto. Hinde ito ginagamitan ng bibig kaya
di lumilikha ng anumang tunog. Walang interaksyon sa pagitan ng bumabasa at
nakikinig. Ito ay sariling pagbasa. Nararapat lamang ito sa mga silid aklatan ng
pamahalaan, paaralan, kolehiyo o pamantasan at sa mga lugar na katahimikan ang
kailangan.
d.) Mabagal na Pagbasa. Sapat na panahon ang kailangan sa pagbasang ito. Umaayon ito
sa pag aaral ng gramatikang Filipino dahil tinatalakay rito ang ugnayan ng salita sa mga
salita sa loob ng pangungusap o mga salitang bumubuo sa isang teksto kaya
napakahalagang pagtuonan ng interes ang mga salita sa akda. Hinde man ito undertime
pressure na pagbasa sa halip ay study speed kung tawagin, dahil ito ay ang unang bilis sa
pagbasa. Nangunguna ito sa mga mambabasang may mga artikulong mahirap
basahin/unawain.
e.) Mabilis na Pagbasa. May dalawang uri ng pagbasa ayon sa bilis.
Scanning - ito ay tumutukoy sa pagkuha at pagpili ng mga pangunahin na
tiyak na detalyeng pangkaisipan sa akdang binasa. Ang paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon sa libro o anumang babasahin ang halimbawa nito,
Skimming – ito naman ang tawag sa pinaraanan at pinakamabilis na
pagbasang magagawa ng isang tao. Binubususi muna ng mambabasa ang kabuoan ng
aklat bago tuluyang basahin. Ito ay pahapyaw na pagbasa sa kabuoan ng seksyon at
nilalaktawan ang mga detalyeng hinde masyadong mahalaga. Layunin nitong makuha
ang pangkalahatang impresyon o kaisipan na nakalahad sa akda
3.) Pagbubuod ng Impormasyon
• Isa sa pinakamahirap linangin sa mga mag aaral sa kakayahang komprehensyon ang
pagbubuod. Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang tekso o
babasahin. Ito ay naglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa
tekstong binasa. Ito ay hinde sulating orihinal, hinde ito kailangang maging sariling
akda.
• Sa pagbubuod ay kukuha lamang ang pinakamahahalagang kaisipan ng teksto. Kung
maikling kwento ang binubuod o nilalagom, kailangan ang pagkakasunod sunod ng
mga pangyayari.
• Kailangan maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto ay isang ekspositori,
maaaring ilahad ang mga dahilan at katwirang ginamit upang maayos at mabisa ang
paglalahad,.
Pamantayan sa pagsulat ng Buod
Tunghayan sa ibaba ang pamantayan sa pagbubuod ayon kay Bernales (2012):
1.) Basahin mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
2.) Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata.
3.) Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
4.) Gumamit ng sariling pananalita.
5.) Hinde dapat lumayo sa diwa at estilo ng original na akda.
I. TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Isulat naman ang MALI
kung hinde wasto. (20 pts)
A. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
_______ 1.) Ang impormasyon ay mga bagong kaalaman na natanggap mula sa mga
nababasa, naririnig at napapanood na napoproseso ayon sa sariling karanasan.
_______2.) Sa pagpili ng impormasyon ay kailangang isaalang-alang ang masusing pagpili
ng mga makabuluhang datos at kaalaman.
_______3.) Ang datos ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng
impormasyon na maaring matamo o natanggap mula sa maraming naging karanasan.
_______4.) Ang kaalaman ay mga kaalamang kinolekta, sinusri,inunawa at pinaglaanan
ng sapat na panahon kaya nakabuo ng impormasyon.
_____5.) Ang batas ng impormasyon ay nahati sa tatlong hanguan: ang hanguang
primarya, hanguang sekondarya, at hanguang elektroniko.
_____6.) Ayon kina Bernales,et al. (2012) na ayon kina Mosura, et al. (1999), ang
hanguang primarya ay ang mga indibidwal o awtoridad.
_____7.) Mahuhulog sa hanguang sekondarya ang mga pampublikong kasulatan o
dukumento tulad ng konstitusyon, batas-kautusan, kontrata at ang lahat ng orihinal na
tala, katitikan sa korte, sulat, journal at talaarawan.
_____8.) Ganoon din na mahuhulog sa hanguang sekondarya ang mga nalathalang
artikulo sa journal, magasin,pahayagan at newsletter.
_____9.) Ang hanguang elektroniko ang itinuturing na pinakamalawak at pinakamabilis
na hanguan ng mga impormasyon o datos. Isang klik lamang ng daliri ay may
mayamang impormasyon ka nang makukuha.
_____10.) Ang salitang impormasyon ay kasingkahulugan ng salitang “ katotohanan”.
Ang mas matibay na impormasyon ay mas pinaniniwalaan.

B. Pagbasa at pagbubuod ng Impormasyon


______11.)Layunin sa scanning na makuha ang pangkalahatang impresyon o kaisipan na
nakalahad sa akda
______12.)Nasasaklaw ng mabagal na pagbasa ang mapanuri at krtikal na pagbasa.
______13.)Ang pagbasa ay paglalapat ng kahulugan sa mga nakasulat na kaisipan.
______14.) Ayon kay William S. Gray, ang tinaguriang Ama ng pagbasa, may apat na
hakbang sa pagbasa.
______15.) Karamihan sa mga manunulat ay sadyang ibinibitin ang wakas ng kanilang
akda upang hayaan ang mambabasa ang magbigay ng wakas nito.
_____16.) Ayon sa mga eksperto, ang bumabasa na may layuning matuto at matandaan
ang binabasa ay nakakapagbasa ng 250-350 salita kada minuto.
_____17.) Ang pagbasa ayon kay Thorndike, ay hinde pagbibigay tanong lamang sa mga
salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag iisip din.
_____18.) Ang mabagal na pagbasa ay undertime pressure na pagbasa, hinde ito study
speed kung tawagin.
_____19.) Sa skimming ay nakatuon ang mga mata ng mambabasa sa partikular na
impormasyong hinahanap sa isang tiyak na pahina ng materyal.
_____20.) Ang masusuing pagbasa ay nakatuon sa pag-aaral sa kabuoan ng isang akda, at
hinde sa mga tiyak o espisipikong detalye
II. MAY PAMIMILIAN. Tukuyin kung ano ang binabanggit sa bawat aytem. Isulat ang
titik ng iyong sagot sa laang patlamg. (10pts)
__1.) Ang sumusunod ay mga pamantayan sa pagbubuod maliban sa isa.
a. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
b. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata.
c. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
d. Gumagamit ng mga salitang mula sa may akda
__2. )Ang pagkatuto ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkakilala sa mga tinik,salita,
parirala, pangungusap bago ang pagpapakahulugan sa teksto.
a. bottom-up b. top-down c. interaktib d. iskima
__3.) Sa teoryang ito nagaganap ang interaksyon awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.
a. bottom-up b. top-down c. interaktib d. iskima
__4.) Si Liza ay nagbabasa sa harap ng kaniyang mga kamag-aral ukol sa kanyang ulat.
Ang paraang ng kanyang pagbasa ay
a. malakas b. tahimik c. maingay d. walang gana
__5.) Sa pagbasang ito ay binubusisi muna ng mambabasa ang kabuoan ng aklat bago
tuluyang basahin.
a. Skimming b. Scanning c. Analytic d. Oral
__6.) Ang halimbawa nito ay paghahanap sa diksyonaryo ng kahulugan ng isang termino.
a. Skimming b. Scanning c. Analytic d. Oral
__7.) Tawag sa uri ng pagbasa na palaktaw-laktaw.
a. Skimming b. Scanning c. Analytic d. Oral
__8.) Nararapat lamang ang ganitong pagbasa sa mga silid-aklatan ng pamahalaan, ng
paaralan, ng kolehiyo, o pamantasan
a. Skimming b. Scanning c. Analytic d. Oral
__9.) Bilang ng salita na kayang basahin ng isang naglilibang lamang.
a. 300-700 b. 400-500 c. 400-600 d. 400-700
__10.) Ito ay pagbasang nakatuon sa pag unawa sa pangkalahatang nilalaman ng teksto.
a. masusi b. masaklaw c. tahimik d. malakas

You might also like