Professional Documents
Culture Documents
MGA LAYUNIN:
ALAMIN AT PAG-ARALAN
Sa talumpating binitiwan niya sa mga kababayan sa Europa, sinabi niya na “ang labanan ay
nasa Pilipinas at wala sa Madrid. Doon tayo dapat magtagpo-tagpo, magtulungan, sama-
samang makibaka at magdusa alang-alang sa kapakanan ng ating bayan.”
Ang layunin ni Rizal sa pag-uwi sa Pilipinas ay upang: (1) malaman kung maari pang magbago
ang pasya ni Gobernador Heneral Despujol tungkol sa kaniyang proyekto sa Borneo (Borneo
Colonization Project); (2) maitatag ang samahang La Liga Filipina: (3) Harapin ang mga
paratang sa kaniya upang matigil na ang pagpaparusa sa kaniyang pamilya at kababayan.
Sa pagdating ni Rizal sa Maynila, isang pangkat ng mga kawal kasama ang ilang pinuno ng
guwardiya sibil ang sumalubong sa kaniya sa piyer. Sa Hotel de Oriente siya nagtuloy, ang
pinakamagandang otel sa Maynila ng panahong yaon. Kinahapunan ng araw din iyon, siya ay
nagtungo sa Malacañang upang makipanayam kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol
tungkol sa kaso ng kaniyang pamilya at tungkol sa balak na pagtatatag ng kolonya sa Borneo.
Matapos ang ilang ulit na pakikipanayam sa Gobernador Heneral ay pumayag din ito na bawiin
ang parusang pagpapatapon sa kaniyang ama at mga kapatid na babae, subalit hindi sa
kaniyang kapatid na lalaki na si Paciano at si Ubaldo na kaniyang bayaw. Ngunit sa kaniyang
susunod na pakikipanayam noong ika-6 ng Hulyo, 1892 ay naiba ang desisyon ng Gobernador
Heneral. Nang tanungin siya kung may plano pa siyang bumalik sa Hongkong at tinugunan niya
ito ng pagsang-ayon, ipinaalam ng Gobernador Heneral na may natagpuang mga polyeto sa
kanyang mga dalahin. Ang tinutukoy na polyeto ay ang limang babasahing papel na may
pamagat na “Pobres Frailes” na gawa ni Fr. Jacinto at nalimbag sa Imprenta de las Amigos del
Pais Manila.
Ayon sa batikang mananalaysay na si Craig, maaring ang mga ito ay napasama sa ibang mga
walang kabuluhang papel na nadampot ni Lucia sa tahanan ni Jose Maria Basa at
samasamang nilamukot at siniksik sa punda ng kaniyang unan na ginamit niya sa bapor. Ngunit
may kutob si Rizal na sa Maynila na inilagay ng kaniyang mga kaaway ang mga babasahing ito.
Ito ang nakapagwakas ng kaniyang kalayaan. Dahil sa pangyayaring ito, iniutos ni Despujol na
ikulong si Rizal sa Fuerza de Santiago nang walang paglilitis hanggang siya ay ipatapon sa
Dapitan. Ngunit bago naipatapon ay naitatag ni Rizal ang La Liga Filipina.
Makalipas ng isang linggo mula ng siya ay dumating sa Maynila itinatag ni Rizal ang La Liga
Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892, kinagabihan ng pakikipanayam ni Rizal kay Gobernador
Heneral Despujol. Itinatag ang samahan sa bahay ni Doroteo Ongjungco, sa Ilaya Street,
Tondo, Manila. Ayon kay Craig, ang samahan ay iminungkahi ng isang kasapi ng masong
Kastila at ang nagpanukala naman ay si Jose Maria Basa. Ang La Liga Filipina ay isang
pansibikong samahan ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala
ng mga Kastila. Ang saligang batas nito ay isinulat ni Rizal sa Hongkong. Ang ilan sa mga
naroron ay sina:
KasapiSagisag Pangalan
Jose A. Ramos-Socorro
Ambrosio Salvador-Gobernadorcillo
Bonifasio Salvador-Gobernadorcillo
Bonifacio Arevalo-Hurem
Ambrosio Flores-Musa
Moises Salvador-Araw
Faustino Villaruel-Ilaw
Numeriano Adriaano-Ipil
Apolinario Mabini-Katibay
Deodato Arellano
Agustin de la Rosa
Mariano Crisostomo
Estanislao Legaspi
Teodoro Plata
Juan Zulueta
Luis Villareal
Ang mga nahalal na opisyales ng La Liga Filipina ay sina: Ambrosio Salvador, pangulo-isang
mason at Gobernadorcillo ng Quiapo; Deodato Arellano, kalihim: Bonifacio Arevalo, Ingat-
yaman; at Agustin dela Rosa, Fiscal.
Ang paniniwala ng La Liga Filipina ay ang “Isa’y katulad ng lahat” (Unus Instar Ominium).
Sa muling pakikipanayam ni Rizal kay Gob. Hen. Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892, ay
nabigla na lamang siya nang siya ay ipadakip. Siya’y inilulan sa isang karwahe ng palasyo at
inihatid sa isang piitan sa Fort Santiago. Nanatili siya rito hanggang hatinggabi ng Hulyo 14 at
kinaumagahan ay lihim na isinakay sa bapor Cebu patungong Dapitan, isang ilang na bayan ng
Zamboanga.
Sa dekretong nilagdaan ni Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892 ay sinasaad ang sumusunod
na kadahilanan sa pagpapatapon kay Rizal.
1.Naglabas siya ng mga aklat at mga artikulo sa ibang bansa na tumutuligsa sa inang Espanya
pambabatikos sa katolisismo at mga prayle.
2.May natuklasan sa kaniyang maleta nang lumunsad siyang galing sa Hongkong na mga
babasahing may pamagat na Pobre Frailes (Ang kahabag-habag na mga Prayle).
4.Layunin ng kaniyang mga gawain at sulatin ay upang mawalan ng pananampalataya ang mga
Pilipino sa simbahang katoliko.
Kasaysayan ng Dapitan
Ang Dapitan ay isang bayan ng Zamboanga sa isla ng Mindanao. Sa liham ni Rizal kay Jose
Maria Basa noong Disyembre 18, 1894, kaibigan niya sa Hongkong, sinasaad na: “ang bayan
ng Dapitan ay mahirap. Ito’y ilang at malungkot na lugar”.
Ang pangalang Dapitan, ayon kay Rizal ay nangangahulugang “Tagpuan”. Hango sa salitang
Bisaya dapit, nangangahulugang “nag-aanyaya”.
Ang Dapitan ay natuklasan ng isang datu ng Bohol na si Lagubayan bago pa dumating ang mga
mananakop na Kastila. Ayon sa tradisyon, si Lagubayan ay isang matatag at matapang na datu
ng Bohol. Kasabayan niya sina Sikatuna at Sigala, ang magkapatid na datu rin ng Bohol.
Isang araw, ang mga katutubong mandirigma ay minaltrato ang magandang kapatid ni
Lagubayan na si Illison. Ikinagalit ito ni Lagubayan at hinikayat ang mga ibang kasamahan na
lisanin ang lugar nila at manirahan sa ibang lupain kung saan ligtas sila sa mga masasamang
kasamahan.
Pagkatapos ng ilang araw na paglalakbay, narrating nila ang pampang na iyon, doon sila
nanirahan hanggang maging bayan ng Dapitan.
Dumating ang mga kastila sa Dapitan noong 1565. At nakipagsundo si Datu Lagubayan kay
Miguel Lopez de Legazpi. Maraming Filipino ang hindi natuwa sa hindi paglaban ng mga taga-
Dapitan sa nabanggit na mga dayuhang mananakop, ngunit naniniwala ang pangkat ng mga
taong ito na mainam ang talikuran ang pakikihimok sa mga Kastila at makipagtulungan na
lamang sa mga ito.
Ang kahanga-hangang simbahan ng St. James ang simbolo ng Kristyanismo ng Dapitan. Ito ay
itinayo ng mga paring Heswita noong 1883. Si San Santiago Matanda (St. James the Greater)
ang siyang patron ng Dapitan. Sa mga unang bahagi ng pananakop ng mga Kastila sa ating
bansa, ang Dapitan ay paminsan-minsang sinasalakay ng mga piratang Moro. Itinayo ng mga
paring Heswita ang simbahan ng St. James sa lungsod upang mapangalagaan ang mga
Dapitanons mula sa mga mananakop. At paglipas ng tatlong siglo; ang St. James ay patuloy na
gumaganap ng mahalagang tungkulin sa buhay ng mga Dapitanons.
Kinagabihan nang dalhin sa piitan ng Fuerza Santiago ni Gobernador Despujol si Jose Rizal,
ika-7 ng Hulyo, 1892, sa pamumuno ni Andres Bonifacio ay nagkaisa ang mga Pilipinong may
magkakatulad na paniniwala na magtatag ng Katipunan. Ginanap ang lihim na pulong sa bahay
ni Deodato Arellano sa Azcarraga Street (ngayon ay Claro M. Recto Avenue) Tondo, Maynila.
Ilan sa mga dumalo ay sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, at Ladislao Diwa.
Bumalangkas ng isang kapisanang ang mga layunin ay (1) mapagbuklod ang mga Pilipino, at
(2) lumaban upang makamit ang kalayaan. Tinawag nila ang kapisanan na Anak ng Bayan o
KKK, Kataas-taasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Lingid sa kaalaman ni Rizal ay
ginamit ng lihim ng samahang ito ang kaniyang pangalan upang makakuha ng higit na
maraming kasapi.
Pagpapatapon sa Dapitan
Sakay ng barkong Cebu si Jose Rizal ay nakarating ng Dapitan ng gabi ng ika-17 ng Hulyo,
1892. Ito ang simula ng maraming taon niyang pagtitiis na mamuhay nang malayo sa mga
mahal sa buhay.
Umalis ang bapor sa ganap na ika-isa ng umaga, Hulyo 15. Sa isang mahusay na kamarote sa
kubyerta tumigil si Rizal. Ang kaniyang kamarote ay malapit sa kamarote ni Kapitan Delgras.
May mga sakay din itong mga sundalong kastila, para sa mga garrison sa Mindanao. May
dalawang bilanggong military na kastila, isang sarhento at isang corporal, na parehong naka-
kadena, sa kaniyang tala-arawan sa paglalakbay, inilarawan ni Rizal ang mga nangyari at
nakikita sa barkong sinasakyan.
Si Padre Pablo Pastells, paring superior ng Samahan ng mga Heswita sa Pilipinas ay lumiham
kay Padre Antonio Obach, Heswitang misyonaryo sa Dapitan. Ayon sa liham ay maaring
manirahan si Rizal sa Kumbento kung susunduin ang mga sumusunod sa kondisyon:
a. Babawiin niya ang kaniyang mga sinabi laban sa mga pari at dapat niyang ipakita ang
kaniyang pagiging maka-Kastila at hindi siya sang-ayon sa rebolusyon.
b. Dadalo sa mga rito ng simbahan at ikukumpisal niya ang lahat ng nakaraang pangyayari
sa kaniyang buhay.
c. Kikilos siyang katulad ng isang Kastila at isang taong relihiyoso.
Hindi pumayag si Rizal sa mga kondisyong inihain sa kanya at tinanggihan niya ang pagtira sa
kumbento kasama si Padre Obach. Doon siya tumigil sa tahanan ng komandanteng
tagapagbantay niya na si Kapitan Ricardo Carnicero.
Pagkaraan ng dalawang buwan niya sa pagdating sa Dapitan, pinalad siyang manalo sa loterya
sa Maynila, ang tiket niya Blg. 9736 na nabili na kasama ni Kap. Carnicero at Francisco Equilor
(isang kastilang nakatira sa Dipolog, isang bayang malapit sa Dapitan) ang nanalo ng ikalawang
premyo ng P20,000. Ang P6,200 na naging parte ni Rizal sa premyo ay ibinahagi niya sa
kaniyang ama (P2,000), kay Mariano Basa (P200) at ang nalabi ay ibinili niya ng lupain sa
Talisay, isang kilometro mula sa Dapitan.
Ipinagpatuloy pa rin ni Rizal ang kaniyang mga gawaing pansining. Nagpinta siya sa langis ng
magagandang kurtina sa simbahan. Naglililok din siya ng mga istatwa. Kabilang sa kaniyang
mga nililok ay ang “Ang Dilag ng Dapitan”, isang busto ni San Pablo, isang busto ni Padre
Guerero, at isang nililok na busto ni Josephine Bracken.
Pagkat isang manggagamot, siya ay nagbukas ng isang klinika para sa lahat ng uri ng tao, lalo
na para sa mahihirap. Naging tanyag siya bilang isang siruhano sa Dapitan at sa buong
Pilipinas. Malaunan sa tulong na din ng kanyang naging kaibigang punong tagabantay nasi
Ricardo Carnicero kanyang ipinamintuho na siya ay mapagbigyan ng mga kastilang otoridad na
makasama niya sa Dapitan ang kanyang ina at ilan sa kanyang mga kapamilya, Hindi man
naging madali o agaran itong napag-bigyan ng mga kastila sa tulong na din ni Kapitan
Carnicero malaunan ito din ay pinahintulutan, Ang kaniyang ina at kapatid na si Maria ay
dumating sa Dapitan, noong Agosto, 1893. Sa pagkakataong ito isinagawa ni Rizal ang ikatlong
pagtitistis sa mata ng kaniyang ina. Ang pagtitistis na ito ay nagtagumpay ngunit ang mga mata
ay nagkaroon ng kumplikasyon nang alisin ng benda ng kaniyang ina, nang hindi nalalaman ni
Rizal. Nasabi tuloy ni Rizal sa kaniyang bayaw na si Hidalgo na, “nauunawaan na niya ngayon
kung bakit hindi dapat gamutin ng isang doctor ang miyembro ng kaniyang pamilya”
Hindi nilimitahan ni Jose Rizal ang kanyang sarili sa kanyang mga maaring maitulong sa mga
Dapitanon, dala nang malabis niyang pagpapahalaga sa edukasyon, at ayon na din sa
kanyang pahayag na “ upang ang isang tao ay mabuhay ng marangal at matutong
pangalagaan ang kaniyang karapatan bilang tao ay nararapat ding pahalagahan ang
edukasyon” Dahil dito noong 1893 (hanggang Hulyo 1896) ay nagtayo din siya ng paaralan at
kanyang ginanyak ang mga kabataang Dapitanon na mag-aral. Si Jose Rizal ay nagsilbing
guro sa unang labing-anim na kaniyang naging estudyante. Binigyan diin niya bilang kanilang
guro ang kabuluhan ng sipag at tiyaga, hindi man siya isang tunay na guro ngunit mahusay
niyang binanghay ang balangkas ng mga aralin na binubuo ng pagbasa, pagsulat,
heograpiya, matematika, gawaing industriyal, agham at mga wika tulad ng Ingles at Kastila.
Kasama rin sa kurikulum ang pagpapalakas ng katawan tulad ng boksing, gimnastiks,
pamamangka at iba pa tunay na kumprehensibo na luminang ng kabuuang pagkatao ng bawat
mag-aaral niya. Di nakapagtatakang nagawa niya ang ganito sa dahilang naranasan niya ang
pinakamahusay na edukasyon sa Ateneo at ganundin sa pag-aaral niya sa Europa.
Samantala, noong Pebrero, 1895 matapos maging maayos ang paningin ni Doña Teodora,
nagpasya na siyang bumalik sa Maynila. Napansin niya ang pagiging abala ni Rizal at ang
paghinto nito sa pagsulat ng tula. Hiniling ni Doña Teodora na igawa siya ng isang tula. Bilang
tugon sinulat niya ang “Mi Retiro” (My Retreat), isang tulang naglalarawan ng payapa at
matiwasay na pamumuhay ni Jose Rizal sa Dapitan,bilang isang bilanggo. Ipinadala niya sa
kanyang Ina noong Oktubre 22, 1895.
Ang huling pag-ibig ni Rizal ay si Josephine Bracken, isang magandang Irish na taga
Hongkong. Isinilang siya noong Oktubre 3,1876. Ang mga magulang niya ay sina james
Bracken, isang corporal sa British Garrison at si Elizabeth Jane Mcbride. Sa batang edad siya
ay naulila at lumaki sa pangangalaga ni George Taufer, isang Amerikanong inhinyero. Noong
Marso 1895, dumating si Josephine at kaniyang ama-amahan, si George Taufer para ipagamot
ang mata ng huli. Sinamahan sila ng isang Pilipinang nagngangalang Manuela Orlac. Sa unang
kita pa lang ni Rizal ay nabighani na siya kay Josephine. Di naglaon at nagkaibigan ang dalawa.
Nang balakin nila ang magpakasal sa simbahan tinanggihan ito ng kura ng Dapitan sa dahilang
siya ay kailangan munang magbitiw sa masoneriya. Naisipan ni Rizal na isaayos na ang lahat
sang-ayon sa batas ng simbahan. Lumiham siya sa Arsobispo ng Cebu upang humingi ng
pahintulot na sila’y ikasal nina Rizal at Josephine ang kanilang sarili sa harap ng Diyos at
nagsama bilang mag-asawa. Naging maligaya ang pagsasama ng dalawa. Ngunit sa kasawiang
palad, ang anak nila, isang lalaki ay namatay tatlong oras pagkapanganak. Francisco ang
ipinangalan sa sanggol, sunod sa pangalan ng ama ni Rizal. Ito ay iniliham ni Rizal sa kaniyang
ina noong Marso 12, 1896.
Ang Katipunan
Bunga ng kabiguan ng La Liga Filipina na mailunsad ang mga layunin nito na bunga ng
pagdakip isa-isa ng mga may kinalaman sa pagbuo nito, nahati sa dalawa ang grupo ng mga
kasapi ng La Liga; ang Cuerpo de Compromisarios na naniniwala pa din na ipagkakaloob ang
reporma at ang kampo naman ng mga karaniwang tao kung saan kabilang si Gat. Andres
Bonifacio na naniniwala sa paggamit ng armas at sa dahas para makamit ang kalayaan ay
itinatag ang Kataastaasan kagalang-galangang Katipunan nang mga Anak ng Bayan o mas
kilala sa tag-uring Katipunan nuong gabi ng Hulyo 7, 1892. Sa parehong araw ng umagang iyon
ipinadakip si Rizal ikinulong sa piitan ng Fuerza Santiago.
Noong Hulyo 21, 1896, nang inakala ni Andres Bonifacio na handa na sila sa paghihimagsik,
isinugo niya si Dr. Pio Valenzuela kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan upang hingin ang kaniyang
suporta. Nagsama pa si Dr. Valenzuela ng isang bulag na pasyente upang mapagtakpan ang
tunay niyang pakay kay Rizal.
Ayon kay Dr. Valenzuela, nang mapagwari ni Rizal ang kabuuan ng balak ay malungkot niyang
sinabi kay Pio Valenzuela ang hindi niya pagsang-ayon. Sapagkat alam niyang hindi pa handa
ang buong bansa at sanhi na din ng kakulangan sa paghahanda ng mga kailangang sa mga
sandata. Sa inihandog na tulong ng katipunan na siya ay maitakas buhat sa Dapitan, ito ay
malugod na tinanggihan Rizal sa dahilang nakapangako na siya sa otoridad na hindi siya
tatakas at wala siyang balak na sumira sa kaniyang salita. Ipinagtapat ni Rizal na siya ay may
balak na magpunta sa Cuba bilang doktor ng hukbo upang sa gayon ay mapag-aralan niya ang
mga bagay-bagay tungkol sa digmaang nagaganap noon sa bansang Cuba sa pamamaraang
praktikal, na katulad ng Pilipinas ay kolonya din ng Espanya, At kung dumating na ang araw,
kung handa na ang mga Pilipino at mayroon nang sapat na kagamitan ay maari nang
ipagpatuloy ang pakikidigma.
Muling Paglalakbay
Sumulat nang dalawang beses si Rizal kay Gobernador Heneral Blanco, tinanggap ni Rizal ang
kasagutan ng huli na nagpapahintulot sa kaniya sa pagtungo sa Cuba. Ang paglilingkod sa
Cuba ay batay sa minungkahi ni Blumentritt. Mahigit na apat na taon na din noon, na hindi siya
nakapaglakbay kaya’t muli na namang sumilay sa kaniyang mukha ang kasiglahan. Nilisan ang
Dapitan noong Hulyo 31, 1896 lulan ng bapor España patungong Maynila, kasama ang
kaniyang asawang si Josephine, kapatid na si Narcisa, at mga pamangkin. Ayaw na niyang
abutin siya sa Pilipinas ng pagsisimula ng himagsikan. Kailangang abutan niya ang bapor Isla
de Luzon patungong España. Subalit nang siya’y dumating sa Maynila noong Agosto 6, ang
bapor na magdadala sa kaniya sa España ay nakaalis na. kinakailangan pang maghintay siya
ng ibang bapor na masasakyan. Isang buwang naghintay si Rizal ng bapor na maghahatid sa
kaniya sa Espanya patungong Cuba.
Samantala, ang lihim na kilusang katipunan ay natuklasan ng mga kastila noong ika-19 ng
Agosto, 1896 sa pamamagitan ni Teodoro Patino, isang miyembro ng Katipunan na nagtapat sa
kanyang kapatid na si Honoria tungkol sa lihim ng kilusan at siya din namang nagkumpisal sa
mga prayle, di pa lubos ang paghahanda noon ng mga katipuneros sa isang pag-aaklas ngunit
wala na silang magagawa kundi simulan nang maghimaksik noong ika-23 ng Agosto 1896.
Habang lulan naman noon ng bapor de Panay si Rizal, umalis na sa Maynila.
Samantala, patuloy ang madugong labanan ng mga Pilipino at kastila. Lubhang ikinaligalig ni
Gobernador Heneral Ramon Blanco ang pagtatagumpay nina Heneral Mariano Llanera sa
gitnang Luzon at Heneral Emilio Aguinaldo sa Cavite.
Ang Paglilitis kay Rizal, 1896
Disyembre 7, 1896, ang usapin ay iniharap kay huwes Nicolas dela Peña at inihayag ng huwes
ang kaniyang mungkahi:
Disyembre 8, ang usapin ay ibinigay kay Piskal Enrique de Alcocer. Isang karapatan
lamang ang ipinahintulot sa kaniya, ito ay ang makapamili ng kaniyang magiging
tagapagtanggol, sa listahang ibinigay sa kaniya, ang kaniyang pinili ang pangalang
nakapukaw sa kaniyang pansin, at hindi siya nagkamali sapagkat si Tenyente Luis
Taviel de Andrade ay siya ding kapatid ni Jose Andrade, na itinalaga ng noo’y
Gobernador Heneral Emilio Terrero bilang kanyang tagapangalaga nang siya muling
mangibang –bansa sa ikalawang pagkakataon.
Noong Disyembre 11, 1896 ang mga paratang ay binasa kay Rizal at sa kaniyang
tagapagtanggol. Siya ay inakusahan nang: (1) Pag-aalsa; (2) Sedisyon at (3) Pagtatag
ng mga illegal na samahan. Kinamakalawahan, ang usapin ay dinala kay Gobernador
Camilo C. Polavieja at sinabing ang itinakdang huling paglilitis ay gaganapin noon sa
ika- 26 ng Disyembre, 1896.
Samantala naging mapayapa ang kalooban ni Rizal habang pinakikinggan niya ang
napakahabang talumpati ni Enrique de Alcocer maliban na lamang noong narinig niyang
sinabi ng piskal na siya ay nananawagan sa katarungan, sa pagkaawa, sa damdaming
bayan – “para sa mga asawa at mga nangaulilang nangagdanas nanghirap dahil sa
taksil na digmaan.” Nangalugod ang mga kastila nangt hiniling ng piskal ang parusang
kamatayan para kay Rizal.
Sa silid ng Fort Santiago ay ipiniit ang bayani ng lahi na may bantay na isang opisyal at
dalawang alagad. Sa loob ng silid na ito ay may isang mesang sulatan at mga
kagamitan sa panulat, isang kama at isang altar sa dulo.
Halinhinan siyang dinalaw ng mga pari tulad nina Padre Miguel Saderra Mata (Rektor ng
Ateneo Municipal), Padre Jose Villaclara (guro ni Rizal), Padre Vicente Balaguer, at iba
pa.
Sinasabing si Padre Balaguer ang nag-hikayat kay Rizal na gumawa ng retraksyon. Ang
retraksyon ay isang dokumento na nagpapahayag ng muling pagkilala ni Rizal sa
katolisismo at pagbawi ng salita o gawa na labag sa pagiging isang anak ng simbahan.
Dumalaw din doon sina Donya Teodora, Don Francisco at Narcisa sa Fort Santiago. Si
Donya Teodora at Narcisa lamang ang pinayagang pumasok sa loob. Humingi ng tawad
si Rizal sa kaniyang ina. Bago lumisan ang mga ito ipinamigay ni Rizal sa mga mahal
niya sa buhay ang mga nalalabi pa niyang mga personal na gamit noon. Kapagdaka ay
dumating si Trining upang kunin ang ina, at ang ibinigay kay Trining na lutuang de
alcohol na niregalo ni Paz Pardo de Tavera kay Rizal. Pagkabigay ay ibinulong ni Rizal
kay Trining sa wikang ingles ang “There is something inside” upang hindi ito
maunawaan ng nakatunghay sa kanilang guarda civil. Ang sinabi niyang nasa loob ng
gasera ay ang sipi ng tulang mas kilala ngayun na may pamagat na” Mi Ultimo Adios”
na ayon kay Austin Craig,ang nabanggit na tula ay sinulat ni Rizal noong Disyembre 12,
1896.
Nang ika-6:30 ng umaga, Disyembre 30, 1896 mula sa Fort Santiago, lumakad si Rizal
sa daang Malecon patungong Bagumbayan. Noon ay maaliwalas ang umaga. Apat na
sundalo ang nangunguna sa kaniya at sa likuran nila ay si Dr. Rizal, sa kanan niya’y si
Luis Taviel de Andrade at sa kaliw ay si Padre March at Padre Villaclara, mga
Heswitang pari. Siya’y nakadamit na itim. Ang mga kamay ay natatalian sa mga siko
subalit may kaluwagan upang maging malaya sa pagkilos sa kaniyang kamay nakasabit
ang isang rosaryo. Habang siya’y naglalakad ay tumingin sa langit at nasabi niya sa
pari, “Napakaganda ng araw Padre, at tinuran ang,” tuwing umagang ganito ay
naglalakad kami ng aking mahal”. Nang madaanan ang harapan ng Ateneo, nakita niya
ang tuktok ng paaralan. Nagtanong siya, “Iyon ba ng Ateneo, Padre?”