You are on page 1of 5

Ang Pagpunta ni Rizal sa Espanya

“My country, my love, my people, i leave you now, you disappear, i lose sight of
you.” -- Jose Rizal

Inihanda nina:
Aguilera, Kit Anthony
Alcazar, Joyce
Alfonso, Marc Arvin
Laqui, Celeste
Magsino, Jennilou
Rino, Regina
Soquiat, Mary Joy
ANG LIHIM NA PAG-ALIS

• Lingid sa kaalaman ng karamihan na aalis si Rizal patungong Europa.

• Paciano – ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.

- Nagbigay kay Rizal ng 700 piso.

• Saturnina- nagbigay sa kanya ng diyamanteng singsing.

• Manuel T. Hidalgo – tumawag kay Rizal at sinabing nakatakdang


maglalayag na ang ang barkong Salvadora patungong Singapore.

• Mayo 1, 1882 – Umalis si Rizal sa Calamba patungong Maynila sakay


ng carromata ng sampung oras.

• Tiyo Antonio Rivera – kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng


Espanya.

• Jose Mercado – ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na


pag-alis patungo sa Espanya.

• Mayo 3, 1882 – araw ng pag-alis ni Rizal.

• Nakadalo pa si Rizal ng misa sa simbahan ng Santo Domingo

• Salvadora – barkong sinakyan ni Rizal.

• Sa kalungkutan ni Rizal, iginuhit niya sa papel ang tanawin ng Maynila


habang naglalayag ang barko.

• Siya lamang ang Pilipino sa barko.

• Ang iba sa mga pasahero ay Espanyol na magbabalik sa Espanya.

• “Almost all of those men spoke ill of the country to which they had gone
for pecuniary reasons”-sinulat ni Rizal sa kanyang diary.
RIZAL SA SINGAPORE

• Mayo 8, 1882- Sa unang pagkakataon, nakita ni Rizal ang Singapore at


namangha sa maunlad at magagandang tanawin sa lugar.

• Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal sa kanyang dalawang araw


na stop-over sa Singapore.

• Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:

• Harding Botaniko

• Distritong Pamilihan

• Templong Budista

• Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag ng Singapore.

• Djemnah – Barkong Pranses na sinakyan ni Rizal na maglalayag


papuntang Europa.

ANG PAGLALAYAG NG DJEMNAH

• Makaraan ng isang Linggo, nakarating ang barko sa Point de Galle na


tinawag niyang “malungkot at nakakaantok”

• Mayo 18 - nagpatuloy ang paglalayag ng barko at nakarating ito sa


Colombo, Ceylon. Sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa
Singapore, Port de Galle, at Maynila.

• Mula sa Colombo, tumawid ang barko sa karagatan ng India papuntang


Café Guardafui sa Africa.

• Mayo 28 – nakita ni Rizal sa unang pagkakataon ang baybayin ng Africa


na tinawag niyang “hindi mabuting tumanggap ng panauhin ngunit
tanyag na lugar”

• Sa Aden naranasan ni Rizal ang sobrang kainitan na napansin niyang


mas mainit pa sa Pilipinas.
• June 2 – nakarating si Rizal sa lungsod ng Suez.

• Limang araw na dinaanan ng Djemnah ang Suez Canal.

• Ferdinand de Lesseps – isang Pranses na nagplano ng pagtatayo ng


Suez Canal na inumpisahan noong Nobyembre 17, 1869.

• Port Said – Hantungan ng Merditerranean sa dulong bahagi ng Ehipto.


Bumaba si Rizal dito upang bisitahin ang magagandang tanawin.

• Nakita ni Rizal ang mga café, simbahan, mosque at mga templo at ang
makukulay na adwana ng Silangan at Kanluran.

NAPLES AT MARSEILLES

• Hunyo 11– Narating ni Rizal ang Naples.

• Natuwa si Rizal sa Italyanong lungsod na ito dahil sa mga aktibidad ng


pagnenegosyo, buhay na buhay na mga tao at kagandahan ng mga
malalawak na tanawin.

• Gabi ng ika-12 ng Hunyo, dumaong ang barko sa Marseilles.

• Binisita niya ang ang Chateu d’If kung saan nakulong si Dantes na bayani
ng nobelang Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas

BARCELONA

• Ang Barcelona ang tinatawag na “greatest city of Cantaluña” at


pangalawa sa pinakamalaking lungsod sa Espanya.

• Hunyo 15, 1882 - nilisan ni Rizal ang Merseilles at narating ang


Barcelona sakay ng tren galing Pransiya.

• Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.

• Hindi maganda ang unang pananaw ni Rizal sa lugar na ito dahil siya ay
nanuluyan sa hindi magandang bahagi ng lungsod.
• Naging maganda naman ang kanyang pananaw sa lugar na ito dahil sa
ang paligid ng lugar ay damang-dama ang kalayaan at liberalismo at ng
mga tao ay pala-kaibigan, at magagalang.

• Las Ramblas – Isang tanyag na kalye sa Barcelona kung saan pumasyal


si Rizal.

• Plaza de Cataluna – paboritong café ng mga mag-aaral na Pilipino (mga


kamag-aral ni Rizal sa Ateneo) at dito binigyan si Rizal ng salu-salo
bilang pag-bati sa kanyang pagdating.

You might also like