You are on page 1of 72

 

TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA,


AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL
 

 
KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG
BAYANI
A.    Pagsilang
1.     Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba,
Laguna
2.     Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo
22, 1861.
3.     Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal
4.     Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal
A.    Magulang
1.     Francisco Mercado
1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818
2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose
3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang
Dominicano sa Calmba.
4. Namatay noong Enero 5, 1898.
2.     Teodora Alonzo
1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa
3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang
Espanyol.
4. Namatay noong Agosto 16, 1911
A.    Magkakapatid na Rizal
1.                 Saturnina
2.                 Paciano
3.                 Narcisa
4.                 Olympia
5.                 Lucia
6.                 Maria
7.                 Jose
8.                 Concepcion
9.                 Josefa
10.            Trinidad
11.            Soledad
A.    Mga Ninuno
1.     Ninuno sa Ama
1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la
Rosa naging anak si
2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha
naging anak si
3. Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging
anak si
4. Francisco Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at
naging anak si
5. Jose Rizal
2.     Ninuno sa Ina
1. Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila
si
2. Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak
nila si
3. Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging
anak nila si
4. Teodora Alonzo na napangasiwa ni Francisco Mercado at
naging anak nila si
5. Jose Rizal
A.    Pamilyang Rizal
1.     Ang Kabuhayan ng Pamilya
1. Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa
mga kinikilalang pamilya sa Calamba.
2. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng
hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang
kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya.
Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo.
3. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa
kanilang mga hanapbuhay.
4.     Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim
ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging
harina, at gawaan ng hamon.
5.     Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng
bahay na bato sa Calamba.
6.     Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang
karangyaan sa panahong iyon.
7.     Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman
ng 1,000 aklat.
8.     Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa
Maynila para mag-aral.
 
B.    Ang Tahanan ng mga Rizal

1.     Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at


matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na malapit
sa simbahan ng Calamba.

2.     Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng


mga punong atis, balimbing, chico, macopa,
papaya, santol, tampoy, at iba pa.

3.     Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng


mga manok at pabo.

 
 
KABANATA 2 – KABATAAN SA CALAMBA
1. Mga Ala-ala ng Kamusmusan
1. Panonood ng mga ibon.
2. Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.
3. Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at
tikbalang.
4. Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang
nakababatang kapatid na si Concha.
5. Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng
pamilya.
6. Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang
unang pagtawid sa Lawa ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta
sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila.
7. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina
ukol sa gamo-gamo.
2. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan
1. Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng
simbahan.
2. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).
3. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga
Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa kaniyang sariling
wika.
4. Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa
kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay
binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.
1.     Mga Inpluwensiya Kay Rizal
1. Namana
1.                             Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya
ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa
paglalakbay, at katapangan.
2.                             Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay
namana niya ang pagiging seryoso, katipiran,
katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata.
3.                             Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay
namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa
insulto.
4.                             Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang
pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at
malayang pag-iisip.
5.                             Mula sa kaniyang ina ay namana niya
pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at
panitikan.
2. Kapaligiran
1.                             Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing
kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at
literatura.
2.                             Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo
sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa
kalayaan at katarungan.
3.                             Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay
natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan.
4.                             Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng
kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa mga
kuwentong bayan at mga alamat.
5.                             Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay
nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:
1.                                                     Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya
ang pagmamahal sa sining.
2.                                                     Manuel Alonzo ay natutunan niya ang
kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan.
3.                                                     Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang
ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa.
6.                             Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang
pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip.
 
 
KABANATA 3 - ANG PAG-AARAL SA CALAMBA AT
BIÑAN
1. Mga Unang Guro ni Rizal
1.                             Doña Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal
2.                             Mestro Celestino
3.                             Lucas Padua
4.                             Leon Monroy
2.     Pagpunta sa Biñan
1.                             Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba
para magtungo sa Biñan para mag-aral.
2.                             Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si
Paciano.
3.                             Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni
Rizal sa Biñan.
3.     Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral
1.                             Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay
sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng kaalaman sa
Espanyol at Latin.
2.                             Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may
kahusayan sa balarilang Espanyol na sinulat nina
Nebrija at Gainza.
3.                             Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng
kaniyang guro.
4.                             Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa
Biñan isa na rito si Andres Salandanan na tumalo sa
kaniya.
5.                             Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang
Juancho na dito ay nakasama ng kaniyang
kaeskuwelang si Jose Guevarra.
6.                             Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna
sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin
at iba pang mga aralin.
7.                             Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral,
siya ay napapalo ng kaniyang maestro halos araw-
araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng
kaniyang mga kamag-aral.
8.                             Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong
Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa at kalahating
taon.
9.                             Nilisan ni Rizal ang Biñan sakay ng
Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba.
4. Ang Gomburza
1.                             Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan
niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong
paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at
Jacinto Zamora.
2.                             Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging
malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos.
3.                             Si Paciano sa maraming pagkakataon ay
naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni
Jose Burgos.
5. Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina
1.                             Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang
ina ni Rizal ay pinagbintangan na nagbabalak na
lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose Alberto) .
2.                             Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang
hipag ng kaniyang ina ay nagkipagsabawatan upang
maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason.
3.                             Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito
ay pinaglakad mula Calamba hanggang Santa Cruz,
Laguna na ang layo ay 50 kilometro.
4.                             Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa
at kalahating taon.
 
 
KABANATA 4 PAG-AARAL SA ATENEO
1.     Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo
1.                             June 20, 1872 – sinamahan si Rizal ni Paciano
para magpunta sa Maynila. Kumuha ng pagsusulit sa
mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa
sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa
Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan
sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip
si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.
2.                             Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa
siya
1.                                                     huli na sa patalaan
2.                                                     maliit para sa kaniyang edad
3.                             Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang
kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.
4.                             Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose
Burgos na tumulong upang makapasok si Rizal sa
Ateneo.
5.                             Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na
pag-aari ni Señora Titay sa Daang Caraballo, na nasa
labas ng Intramuros.
2.     Sistema ng Edukasyong Heswita
1.                             Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob
ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo noong sa
Pilipinas.
2.                             Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay
ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral ng
Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang
matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga Jesuita
ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan.
Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem
Dei Gloriam – Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.
3.                             Hinati ang klase sa dalawang pangkat
1.                             Imperyong Romano – katawagan sa mga
internos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng
bakuran ng Ateneo.
2.                             Imperyong Cartago – katawagan sa mga
externos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng
bakuran ng Ateneo.
1.     Unang Taon sa Ateneo (1872-73)
1.                             Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa
kaniyang unang taon sa Ateneo.
2.                             Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa
imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng mga linggo ay
nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.
3.                             Napanalunan niya ang kaniyang unang
gantimpala sa kaniyang pag-aaral – isang larawang
pangrelihiyon.
4.                             Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang
kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng
aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng
kaniyang pamamahinga sa tanghali.
5.                             Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti
sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili ang kaniyang
pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama
ng loob sa hindi makatwirang puna ng guro sa kaniya.
6.                             Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging
masaya dahilan sa nasa bilangguan ang kaniyang ina.
Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang
kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina ukol sa
kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
2.     Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)
1.                             Walang masyadong mahalagang pangyayari kay
Rizal sa Ateneo sa taong ito.
2.                             Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si
Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa hindi
magandang puna ng guro sa kaniya
3.                             Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga
dating kamag-aral sa Biñan.
4.                             Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng
kaniyang ina.
5.                             Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa
pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga
sumusunod:
1.                                                     Count of Monte Cristo na sinulat ni
Alexander Dumas.
2.                                                     Universal History na sinulat ni Cesar
Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama.
3.                                                     Travels in the Philippines na isinulat ni
Dr. Feodor Jagor.
3.     Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)
1.                             Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang
Ikatlong Taon.
2.                             Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam
kaniyang paglaya kay Rizal.
3.                             Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal
sa klase.
4.                             Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa
wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay ang mga ito
sa sa tamang pagbigkas.
4.     Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)
1.                             Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre
Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing pari
ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti,
lalo na sa pagsulat ng mga tula.
2.                             Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula
Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap
para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.
3.                             Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa
pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na
mayroong limang medalya.
5.     Huling Taon sa Ateneo (1876-77)
1.                             Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang
pag-aaral sa Ateneo.
2.                             Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23,
1877 at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.
6.     Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo
1.                             Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal
1.                                                      Kalihim ng Marian Congregation
2.                                                      Kasapi ng Academy of Spanish
Language
3.                                                      Kasapi ng Academy of natural
Sciences
2.                             Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na
kilalang mahusay na pintor na Espanyol.
3.                             Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de
Jesus.
4.                             Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.
5.                             Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na
tigilan na ang pagsulat ng tula.
7.     Likhang Lilok
1.                             Imahen ng Birheng Maria na
ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre Lleonart.
8.     Unang Pag-ibig ni Rizal
1.                             Segunda Katigbak – ang babaeng unang
minahal ni Rizal.
2.                             Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at
kaibigan ni Rizal.
3.                             La Concordia – ang paaralan na pinapasukan
ni Segunda Katigbak.
4.                             Manuel Luz – ang lalaking takdang
mapangasawa ni Segunda.
 
 
KABANATA 5 PAG-AARAL NG MEDISINA SA
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-82)
1.     Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya
para sa pag-aaral sa unibersidad.
2.     Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay
tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon
nito ng maraming kaalaman ay nanganganib ang
buhay ni Rizal.
3.     Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay
isinama ni Paciano sa Maynila para mag-aral.
4.     Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa
Unibersidad ng Santo Tomas.
5.     Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra
bunga ng mga sumsusunod na dahilan:
1.     Ito ang gusto ng kaniyang ama
2.     Wala pa siyang tiyak na kursong gusto
6.     Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng
payo ukol sa kaniyang dapat na maging kurso sa UST.
7.     Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay
nag-aral sa kursong perito agrimensor sa Ateneo.
8.     Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay
natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon SJ
na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina.
Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang
pagnanais na magamot ang kaniyang ina.
9.     Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na
babae:
1.     Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging
dinadalaw ni Rizal sa gabi sa panahon ng bakasyon na
umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda
Katigbak.
2.     Leonora Valenzuela – kapitbahay ng inuupahang
bahay ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan ng sulat sa
pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.
3.      Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang
inuupahang bahay. Sa kanilang pagsusulatan ay
ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis.
10.                        Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na
Espanyol noong 1878. Si Rizal ay pinalo ng sable sa
likod ng nasabing opisyal.
11.                        Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan
ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay
nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang
sinulat na may pamagat na A La Juventud Filipina.Ang
paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
12.                        Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan
ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-paparangal
sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes.
Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda
na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo
ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga
Pilipino at Espanyol.
13.                        Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina
Rizal ng isang samahan na tinatagwag
na Compañerismo sa layunin na ipagtanggol ang
kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang
mga kamag-aral na Espanyol.
14.                        Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng
mga sumusunod na kadahilanan;
1.     Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
2.     Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga
Espanyol
3.     Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST
 
 
 
KABANATA 6 – PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85)
A. Ang Pag-alis
1.     Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon
ng pag-aaral ng medisina sa UST si Rizal ay nagbalak
na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-
aaral.
2.     Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal
1.     Paciano – ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para
magtungo sa Europa.
2.     Antonio Rivera – ang ama ni Leonor Rivera na
kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya.
3.     Jose Mercado – ang ginamit na pangalan ni Rizal sa
kaniyang lihim na pag-alis patungo sa Espanya.
3.     Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay
ng barkong Salvadora.
4.     Donato Lecha – ang kapitan ng barkong Salvadora.
B.    Singapore
1.     Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore.
2.     Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal
sa Singapore.
3.     Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:
1.     Harding Botaniko
2.     Distritong Pamilihan
3.     Templong Budista
4.     Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag
ng Singapore.
4.      Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng
barkong Djemnah.
B.    Colombo
1.     Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa
barko Djemnah at binalak ni Rizal na magsalita ng
Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.
2.     Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong
malungkot ang lunsod.
3.     Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda
ang lunsod kaysa sa Singapore, Port Galle, at Maynila.
B.    Suez Canal
1.     Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay ng
Red Sea at Mediterrenean Sea.
2.     Ferdinand de Lesseps – isang diplomatikong Pranses
na nagplano ng pagtatayo ng Suez Canal.
3.     Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng
Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita
ng iba’t ibang mga wika.
B.    Naples at Merseilles
1.     Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong
narating ni Rizal ang Naples noong Hunyo 11, 1882.
2.      Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng
Merselles at kaniyang binisita ang Chateu d’If na
siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa
kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.
B.    Barcelona
1.     Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty
narating ang Barcelona sakay ng tren galing Pransiya.
2.     Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
3.     Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal
sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi
magandang bahagi ng lunsod.
4.     Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw
sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay
nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay
palakaibigan, at magagalang.
5.     Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga
mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si
Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang
pagdating.
B.    Amor Patrio
1.     Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng
bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang pangalan sa
panulat na Laong Laan.
2.     Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan
sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo.
3.     Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.
4.     Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor
Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang Tagalog.
5.     Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong
Tagalog
1.     Los Viajes
2.     Revista del Madrid
B.    Paglipat sa Madrid
1.     Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa
epidemya ng kolera sa Pilipinas.
2.     Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na
nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor
buhat ng siya ay umalis.
3.     Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.
B.    Buhay sa Madrid
1.     Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid
sa mga kursong:
1.     Medisina
2.     Pilosopiya at Pagsulat
2.     Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:
1.     Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San
Fernando
2.     Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of
Sanz y Carbonell
3.     Nag-aral ng mga wikang:
1.                             Pranses
2.                             Aleman
3.                             English
3.     Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo
4.     Nagbasa ng maraming mga aklat
5.     Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos
6.     Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto
7.     Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga
Paterno
B.    Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez
1.     Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa
bahay ni Señor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng
Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador
Heneral Polavieja.
2.     Consuelo – ang anak na dalaga ni Don Pablo na
umibig kay Rizal.
3.      Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may
pamagat na A La Señorita C. O. Y P.
4.     Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga
dahilan sa:
a.     Tapat siya kay Leonor
b.     Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay
nanliligaw sa dalaga
B.    Si Rizal Bilang Mason
1.     Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal
ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng
mga Mason.
2.     Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga
taong may malayang kaisipan.
3.     Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi
ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga
prayle sa Pilipinas.
4.     Logia de Acacia – ang balangay ng Masoneya na
inaniban ni Rizal.
B.    Paghihirap sa Paris
1.     Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan
sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa.
Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal
sa Madrid.
2.     Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may
maipadala lamang kay Rizal.
3.     Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa
Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at
nananghalian.
B.    Pagpugay kina Luna at Hidalgo
1.     Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan
sa pagkapanalo nina :
1.      Juan Luna sa Spolarium
2.      Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas
Expuesta al Populacho.
B.    Pagtatapos sa Pag-aaral
1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa
Medisina at Pilosopiya
 
 
 
KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN
                                I.            Sa Paris (1885-86)
1.     Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na
magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa
mata.
2.     Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si
Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng
medisina sa Barcelo.
3.     Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio
Carominas ang patnugot ng pahayagang La
Publicidad .
4.     Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at
naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de Weckert na
pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito
si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero
1886.
5.     Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert
ay kanyang kaibigan partikular na dito ang
pamilyang Pardo de Tavera.
                                I.            Heidelberg
1.     Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal
ay nagtungo ng Alemanya para sa
pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.
2.     Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang
lunsod ng Heidelberg na kilala sa kanyang
unibersidad. Naninirahan siya sa isang boarding
house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya.
3.     Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong
sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng
optalmolohiya sa Alemanya.
4.     A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal
sa kagandahan ng mga bulaklak ng Heidelberg.
5.     Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon
ng Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag
ng Heidelberg.
                                I.            Wilhelmsfeld
1.     Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya
kung saan si Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.
2.     Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal
habang siya ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.
3.     Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at
ito ay kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng
pagsulat sa anak nito na si Friedrich Ullmer na
nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing pamilya.
                                I.            Unang Sulat kay Blumentritt
1.     Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na
ipinadal;a niya kay Blumentritt.
2.     Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo
ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng
mga diyalekta ng Pilipinas.
3.      Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol
at Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit
niyang batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog.
                                I.            Leipsig at Dresden
1.     Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang
binisita upang dumalo ng aralin sa Kasaysayan at
Sikolohiya.
2.     Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich
Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr. Hans
Mever na isang kilalang antropologo.
3.     Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian
Andersen.
4.     Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay
kaniyang nakilala si Dr. Adolph Mever ang direktor ng
Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.
                                I.            Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko
sa Berlin
1.     Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan
sa pagkakroon nito ng siyentipikong kapaligiran at
malaya sa pagtatangi ng lahi.
2.     Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing
manlalakbay na sumulat ng isang akalt tungkol sa
Pilipinas.
3.     Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang
Aleman na nakilala ni Rizal sa Berlin.
4.     Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na
nakilala ni Rizal sa Berlin.
5.     Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang
optalmolohista ng Berlin at dito si Rizal ay naglingkod
sa klinika.
6.     Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na
magsalita sa isang pagpupulong ng Ethnographic
Society ng Berlin.
7.     Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na
binasa ni Rizal sa isinagawang pagpupulong
ng Ethnographic Society ng Berlin.
                                I.            Buhay ni Rizal sa Berlin
1.     Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin
a.     Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya
b.     Palawakin ang kaalaman sa agham at wika
c.      Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng
Alemanya
d.     Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman
e.      Ipalimbag ang Noli Me Tangere
1.     Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman
a.     Seryosa
b.     Matiyaga
c.      Edukada
d.     palakaibiganin
1.     Paghihirap sa Berlin
a.     Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba
b.     Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw
c.      Naglalaba ng kaniyang sariling damit
d.     Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit
na tuberkulosis
 
 
 
 
 
KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME
TANGERE
                                I.            Ang Ideya at Pagsulat ng Noli
1.     Uncle Tom's Cabin  - isang nobela na sinulat ni Harriet
Beecher Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga
aliping itim sa Amerika.
2.     Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan
pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga Pilipino na
magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng
Pilipinas.
3.      Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere
a.     1/2 sa Espanya
b.     1/4 sa Pransya
c.      1/4 sa Alemanya
1.      Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng
Noli Me Tangere.
2.     Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli
Me Tangere sa pamamagitan ng pagpapahiram niya
kay Rizal ng halagang P300 upang magamit sa
pagpapalimbag ng nasabing nobela.
3.     Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me
Tangere at inihanda para sa pagpapalimbag.
4.     Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang
palimbagan na tumanggap upang ilaathala ang Noli
Me Tangere sa halagang P300 sa daming 2,000 kopya.
5.      Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang
nobelang Noli Me Tangere.
6.     Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli
a.     Ferdinand Blumentritt
b.     Dr. Antonio Ma. Regidor
c.      Graciano Lopez-Jaena
d.     Mariano Ponce
e.     Felix Resurrecion- Hidalgo
1.     Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me
Tangere mula sa ebanghelyo ni San Juan.
2.     Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang
bayan.
3.     Elias at Salome  - ang isang kabanata na inalis ni
Rizal sa Noli Me Tangere upang makatipid siya sa
presyo ng pagpapalimbag ng nobela.
 
 
 
KABANATA 9 - PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA
NI VIOLA
                                I.            Ang Paglalakbay
1.     Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina
Rizal at Viola sa Europa.
A.    Dresden
1.     Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa
Eksposisyon ng mga Bulaklak.
2.     Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng
Sining.
3.     Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na
labis na hinangaan ni Rizal sa Dresden.
4.     Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg
telegrama si Blumentritt bago siya pumunta ng
Leitmeritz.
A.    Leitmeritz
1.     Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at
dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt
sa istasyon ng tren dala ang larawan na
pagkakakilalanan kay Rizal.
2.     Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt
habang bumibisita sa Leitmeritz.
3.     Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt
a.     Rosa ang asawa ni Blumentritt
b.     Dolores - anak
c.      Conrad - anak
d.     Fritz - anak
1.     Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at
kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa
madaling pagkatuto ng wikang Aleman.
2.     Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko
ng Europa nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.
3.     Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na
nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.
A.    Prague
1.     Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong
Mayo 17 -19, 1887.
2.     Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng
Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod
dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt.
3.     Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus -
ang dakilang astronomo sa kasaysayan ng
sangkatauhan.
4.     Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan
ni San Juan Nepomuceno pati na ang tulay na
pinaghulugan nito.
A.    Vienna
1.     Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa
sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong
panahong iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si
Rizal sa katalinuhang taglay nito.
2.     Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola
sa Vienna.
A.    Pagbaybay sa Ilog Danube
1.     Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa.
Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka upang makita
ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga pangpang.
2.     Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang
kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin
sa kanilang pagkain.
A.    Lintz tungo sa Rheinfall
1.     Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at
panandaliang namasyal upang malasahan
ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya.
2.     Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at
Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang
pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at
ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking
industriya ng lunsod.
3.     Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng
lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas
at pinanhik ang tore nito.
4.     Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang
sinabing "pinakamaganda sa buong Europa."
A.    Switzerland
1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang
pinakamaganda sa buong Europa.
2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland
a.     Aleman
b.     Pranses
c.      Italyan
1.     Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa
isinasagawang Eksposisyon sa Madrid na ang
ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng Igorot na
suot na bahag at mga makalumang kagamitan ay
pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.
2.     Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na
taong kaarawan at kanyang pinakain si Viola ng isang
masaganang pagkain.
3.     Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at
Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang kanyang
paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik
sa Barcelona.
A.    Italya
1.     Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal
a.     Turin            
b.     Milan
c.      Venice                      
d.     Florence
e.     Rome
1.     Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar"
noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis
ang karangyaan ng nasabing lunsod.
2.     Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa
Roma
a.     Capitolium
b.     Bato ng Tarpeian
c.      Palatinum
d.     Forum Romanum
e.     Ampiteatro
f.       Simbahan ng Santa Maria Magigiore
1.     Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa
mundo at dinalaw ito ni Rizal noong Hunyo 29, 1887.
Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang
pinakamalaking simbahan sa mundo.
 
 
KABANATA 10 ANG UNANG PAGBABALIK
A.    Desisyon na magbalik sa Pilipinas
1.     Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas
a.     Paciano Rizal
b.     Silvestre Ubaldo
c.      Jose Cecilio
1.     Mga Dahilan ng Pagbabalik
a.     Tistisin ang mata ng kanyang ina
b.     Paglingkuran ang kanyang mga kababayan
c.      Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli
d.     Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera
1.     Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang
ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
A.    Pagbabalik Patungo ng Maynila
1.     Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa
barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan
noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na
ang nakakaraan.
2.      Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at
sumakay ng barkong Haipong.
3.     Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.
4.     Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang
pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago
sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.
A.    Pagbabalik sa Calamba
1.     Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa
Calamba.
2.     Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga
unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa
kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang
nakababatang kapatid.
3.     Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang
maka-paglingkod sioya bilang manggagamot.
4.     Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang
ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang
katarata nito ay hindi pa noon hinog.
5.     Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga
-Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig
bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika.
6.     Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang
paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga
ay umabot ng P5,000.
7.     Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba
upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa
bisyong tulad ng sugal at sabong.
8.     Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa
pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang
dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw
na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.
A.     Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere
1.      Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at
naghahatid ng mga sumbong na laban sa
nobelang Noli Me Tangere.
2.     Emilio Terrero - ang gobernador heneral na
nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelang Noli
Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang
kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay
si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.
3.     Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating
guro na sina Padre Federico Faura, Francisco Paula
Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya
ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo,
ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga
kopya.
4.     Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng
mga Pilipino at nagpadala ng kopya ng Noli Me
Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas
upang pag-aralan ang nobela.
5.     Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong
ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng
pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.
6.     Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST
ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay
heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang
pampubliko.
7.     Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng
mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni
Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng
Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura
na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng
simbahan.
8.      Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa
Sensura na nag-ulat na ang Noli Me Tangere
ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan.
Kanyang iminungkahi ang pagbabawal
ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang
nobela.
 
A.     Mga Kaaway ng Noli Me Tangere
1.     Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na
naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa Noli
Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay
ipinagbibili sa mga nagsisimba.
2.     Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me
Tangere.
Jose Salamanca
Luis M. de Pando
Fernando Vida
3.      Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me
Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa
pahayagang La Espana Moderna.
A.    Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere
1.     Marcelo H. del Pilar
2.     Antonio Ma. Regidor
3.     Graciano Lopez Jaena
4.     Mariano Ponce
5.     Segismundo Moret - isang Espanyol na dating
Ministro ng hari ng Espanya at tagapagtanggol ng Noli
Me Tangere.
6.     Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa
Unibersidad Central de Madrid.
7.     Ferdinand Blumentritt
8.     Padre Vicente Garcia - isang iskolar na paring Pilipino
na gumawa ng isang polyeto na ginamitan niya ng
pangalang panulat na Desiderio Magalang at kanyang
sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez
laban sa Noli Me Tangere at sa may akda nito.
A.    Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade
1.     Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong
Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero
upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga
lihim niyang kaaway.
2.     Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may
kultura naging ganap na magkaibigan sina Rizal at
Andrade .
3.     Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal,
iskrimahan, at pagbaril.
A.    Suliranin Agraryo sa Calamba
1.     Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng
kanyang nabasa sa Noli Me Tangere at nagpasimula
ng imbestigasyon sa mga hacienda na pag-aari ng
mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis
na nagaganap dito.
2.     Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa
Calamba sa pagkuha ng mahahalagang datos ukol sa
suliraning agraryo sa kanyang bayan.
3.     Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga
sumusunod:
a.     ang hacienda ng mga paring Dominikano ay
sumasakop sa buong bayan ng Calamba.
b.     Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na
tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng
binabayarang upa sa lupa.
c.      Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng
anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang
ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan,
at pagpapabuti ng agrikultura.
d.     Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa
paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa
lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na
kadahilanan.
e.     Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa
hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay
kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang
mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga
kasama.
A.    Pag-alis sa Calamba
1.     Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa
suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay
labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano.
2.     Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero
na iligpit si Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa
kanya ngunit ang gobernador heneral ay hindi
sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.
3.     Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal
ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya ng
kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose
Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas.
4.     Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at
pinayuhan siya na umalis ng Pilipinas para sa
kabutihan ng una.
5.     Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng
dalawang pangunahing kadahilanan.
6.     Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga
magulang, kapatid at mga kaibigan.
7.     Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng
byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang
bansa.
 
 
 
KABANATA 11 HONGKONG AT MACAO
A.    Biyahe Patungo sa Hongkong
1.     Peberero 3, 1888 - sumakay si rizal ng
barkong Zafiro patungo ng Hongkong at nakarating sa
Amoy, China noong Pebrero 7,1888.
2.     Hndi lumabas si Rizal ng Amoy bunga ng tatlong
dahilan:
a.     hindi mabuti ang kanyang pakiramdam
b.     umuulan noon ng malakas
c.      narinig niya na ang lunsod ay marumi.
1.     Victoria Hotel - dito nanuluyan si Rizal sa pagdating
sa Hongkong
2.     Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na
sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa
Hongkong.
3.     Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong
takas mula sa Marianas na hinuli ng mga Espanyol
noong 1872.
4.     Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong si Jose Basa isang
abogadong tumakas sa Marianas aat biktima ng
terorismo ng Espanya ng 1872.
A.    Pagbisita sa Macao
1.     Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa
patungo sa Macao noong Pebrero 18, 1888 at nakita
niya dito si Jose Sainz de Varanda na sumusunod sa
kanya.
2.     Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-
asawa ng Portugess at sa kanyang bahay si Rizal ay
nanuluyan habang sila ay nasa Macao.
A.    Karanasan sa Hongkong
1.     Naobserbahan ni Rizal ang mga sumusunod sa
Hongkong;
a.     Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero
11- 13, 1888.
b.     Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino at paraan
ng pagganap at paglalarawan ng mg galaw ng mga
tauhan.
c.      Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin
ay inaanihan ng labis na pagkain.
d.     Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng
pangrelihiyon sa Hongkong dahilan sa pag-aari ng
maraming mga bahay paupahan, at malaking
halagang salapi na nakadeposito sa mga bangko na
tumutubo ng malaking interes.
A.    Paglisan sa Hongkong
1.     Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong
sakay ng barkong Oceanic na pag-aari ng mga
Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang
Hapon.
 
 
 
KABANATA 12 SI RIZAL SA HAPON
A.    Ang Pagdating sa Hapon
1.     Pebrero 28, 1888 - duamting si Rizal sa Yokohama at
tumigil sa Grand Hotel.
2.     Mula sa Yokohama nagtungo si Rizal sa Tokyo na
siyang punong lunsod ng nasabing bansa.
A.    Si Rizal sa Tokyo
1.     Juan Perez Caballero - opisyal ng Espanya
sa Tokyo na bumisita kaay Rizal sa hotel at
inanyayahan si Rizal na manirahan sa gusali ng
legasyon.
2.     Tumira si Rizal sa legasyon ng Espanya
sa tokyo dahilan sa mga sumusunod:
a.     Makatitipid siya ng malaki kung sa legasyon
maninirahan
b.     Wala naman siyang itinatago sa mga Espanyol
1.     Sa kaniyang paninirahan sa legasyon ay naging
matalik niyang kaibigan si Juan Perez Caballero at
kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata,
matalino, at mahusay na manunulat.
2.      Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo ay napahiya si Rizal
sa dahilan na napagkamalan na isang Hapon na hindi
marunong magsalita ng nihongo.
3.     Napilitan si Rizal na mag-aral ng wikang nihongo at
natutunan niya ito sa loob ng ilang araw lamang.
4.      Pinag-aralan din ni Rizal ang kabuki, sining, musika,
at jujitsu.
5.     Nakatagpo ni Rizal sa Tokyo ang mga musikerong
Pilipino.
A.    Ang Impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
1.     Ang impresyon ni Rizal sa bansang Hapon
a.     Ang kagandahan ng bansa
b.     Kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga
Hapon
c.      Magandang kasuutan at kasimplehan ng mga
Haponesa
d.     Kakaunti ang magnanakaw sa Tokyo
e.     Halos walang pulubing makikita sa lansangan
A.    Si O-Sei-San
1.     Seiko Usui - ang babaing inibig ni Rizal noong siya ay
nasa bansang Hapon at mas kilala siya sa katawagang
ibinigay ni Rizal na O-Sei-San.
2.     Nakita ni Rizal si O-Sei-San sa labas ng legasyon ng
Espanya sa Tokyo na kung saan malapit ang tinitirhan
ni O-Sei-San.
3.     Inabangan ni Rizal sa kanyang pagdaan sa harapan
ng legasyon at siya ay ipinakilala ng hardinero ng
legasyon kay O-Sei-San na isang manggagamot na
mula sa Maynila at panauhin ng legasyon. Sumagot si
O-Sei-San sa salitang Pranses at Ingles.
4.     Buhat noon ay araw-araw nagkakatagpo si Rizal at O-
Sei-San at nakasama ni Rizal sa pamamasyal sa mga
magagandang lugar ng lunsod ng Tokyo.
5.     Napamahal si Rizal kay O-Sei-San dahilan ang una ay
bigo kay Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng
katarungan.
6.     Si O-Sei-San ay anak ng isang samurai 23 at walang
karanasan sa pag-ibig. Ang magkatulad nilang interes
sa sining ang nagbigay daan sa kanilang pag-ibig.
7.     Nakita ni Rizal kay O-Sei-Sanang kaniyang ideal na
babaing iibigin. Si O-Sei-San ay maganda,
mapanghalina, mahinhin at matalino.
8.     Naibigan ni O-Sei-San si Rizal dahilan sa maginoo,
magalang at pagkakaroon ng maraming kaalaman.
9.     Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan
ng higit sa isang katipan. Si O-Sei-San ay nagsilbing
kasama ni Rizal sa pamamasyal, interpreter at
tagapagturo.
10.                        Ang kagandahan ni O-Sei-San ay halos
bumihag kay Rizal na manirahan sa Hapon at
tanggapin ang magandang hanapbuhay na inaalok ng
legasyon ng Espanya sa Tokyo.
11.                        Pinili ni Rizal ang paglilingkod sa bayan kaysa
sa pakasalan si O-Sei-San .
12.                        Naging tapat si O-Sei-San kay Jose Rizal nag-
asawa lamang ito noong 1897 pagkatapos na bitayin si
Rizal. Napangasawa ni O -Sei-San si Alfred
Charlton na isang Ingles na isang guro ng kemistriya
sa Tokyo.
A.    Pag-alis sa Hapon
1.      Abril 13, 1888 - petsa ng umalis si Rizal
sa Yokohama patungo ng Amerika sakay ng
barkong Belgic.
2.     Sa kanyang paglalakbay sa Pasipiko ay nakatagpo ni
Rizal sa barko ang mag-asawang Reinaldo Turner at
Emma Jacson. Itinanong ng kanilang anak kung kilala
niya si Richal na sumulat ng Noli Me Tangere . Sinabi
niya sa mga bata na siya si Rizal.
3.     Techo Suhiro - isang Hapon na nakasabay ni Rizal sa
barko. Siya ay mamamahayag, nobelista, at
tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Hapon.
a.     Magkatulad si rizal at Techo sa dahilan sa silang
dalawa ay pinaalis sa kanilang mga
bansa ng isang mapagmalupit na pamahalaan.
b.     Kapwa sila mga lalaki ng kapayapaan na gumamit ng
lakas ng panulat sa pagtuligsa sa kabuktutan na
nagaganap sa kanilang bansa.
c.      Nagtungo sila sa ibang bansa upang doon ipagpatuloy
ang kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng
kanilang mga kababayan.
d.     Kapwa sila mayroong misyon na palayain ang
kanilang bansa sa mga mapaniil na pinuno ng
pamahalaan.
 
 
 
KABANATA 13 SI RIZAL SA ESTADOS UNIDOS
A.    Ang Paglalakbay sa Amerika
1.     Abril 28, 1888 - dumating ang barkong Belgic sa
daungan ng lunsod ng San Francisco.
2.     Hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng
barko at sila ay kinuwarentenas dahilan sa takot ng
mga Amerikano na ang mga ito ay mayroong sakit na
kolera.
3.     Nabigla si Rizal sa dahilang noong panahong iyon ay
walang epidemya ng kolera sa Malayong Silangan at
ang konsul ng Estados Unidos sa Hapon ay nagbigay
ng patunay na walang epidemya ng nasabing sakit sa
Hapon.
4.     Nalaman ni Rizal na ang dahilan ng kuwarentenas ay
upang hind makapasok agad ang mga manggagawang
Tsino sa Estados Unidos na ayaw ng mga
Amerikanong manggagawa. Pag pumasok ang mga
manggagawang Tsino ay matatalo ang nakaupong
presidente ng Amerika sa nalalapit na eleksiyon.
5.     Kahit na may kuwarentenas ay pinayagan ng mga
Amerikano na makapasok ang 700 bales ng sutla na
mula sa Tsina na hindi man lamang pinapausukan ng
gamot.
6.     Nakaalis si Rizal at mga biyahero mula sa primara
klaseng kabina mula sa kuwarentenas pagkatapos ng
isang linggo. Ang mga Hapon at Tsino ay ikinulong pa
ng mas mahabang panahon.
7.     Tumuloy si Rizal sa Palace Hotel sa kanyang panahon
ng pananatili sa San Francisco.
8.     Mula sa San Francisco ay tinawid ni Rizal ang
kalawakan ng Estados Unidos hanggang sa lunsod
ng New York.
9.     Narating ni Rizal ang New York noong Mayo 3,
1888 at kaniyang sinabi na ang lunsod ay isang
napakalaking bayan.
10.                        Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng
barkong City of Rome na nagdala sa kanya patungo
ng London.
11.                        Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika
Mabuting Impresyon
a.     ang kaunlaran ng Estados Unidos ay makikita sa
kanyang malalaking lunsod, malawak ang bukid, at
lumalagong mga industriya at abalang mga pabrika.
b.     Ang pagiging masigasig ng mga mamamayang
Amerikano.
c.      Ang likas na kagandahan ng bansa.
d.     Ang mataas na antas na pamumuhay ng tao.
e.     Ang magandang pagkakataon para sa mga dayuhang
manggagawa.
Masamang Impresyon
a.     Ang kawalan ng pagkakapantay ng mga lahi. Ang
Amerika ay isang magandang bayan para sa mga puti
at hindi sa mga taong may kulay ang balat.
 
 
 
KABANATA 14 SI RIZAL SA LONDON
A.    Mga Dahilan ng Pagtira sa London
1.     Mapahusay ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles
2.     Pag-aralan at iwasto ang aklat na Sucesos de las Islas
Filipinas na isinulat ni Morga.
3.     Ligtas ang London sa kanyang pakikipaglaban sa
kalupitan ng mga dayuhan sa Pilipinas.
A.    Pagtawid sa Atlantiko
1.     Sakay ng barkong City of Rome si Rizal ang
nagsilbing interpreter ng mga pasahero bunga ng
kanyang kaalaman sa maraming wika.
2.      Pianahanga ni Rizal ang kanyang mga kapwa
pasahero sa kahusayan niya sa paglalaro ng yoyo.
3.      Nakipagtalakayan sa mga mamamahayag na
Amerikano ukol sa suliranin ng sangkatauhan.
napansin ni Rizal ang kahinaan ng mga ito sa
kaalaman sa geopolitics.
4.     Dumating si Rizal sa Liverpool, England noong Mayo
24, 1888 at nagpalipas ng gabi sa Hotel Adelphi.
A.    Ang Buhay ni Rizal sa London
1.     Dumating si Rizal sa London ng Mayo 25, 1888.
2.     Pansamantalang nanirahan si Rizal sa bahay
ni Antonio Ma. Regidor na isang takas na Pilipino sa
Marianas noong 1872 at nagtatrabaho bilang abogado
sa London.
3.     Nakahanap ng isang bahay na matitirahan si Rizal
sa London at may address na 37 Chalcot Crescent,
Primrose Hill.
4.     Ang may-ari ng nasabing bahay paupahan ay ang
pamilyang Beckett na isang organista ng Katedral
ng St. Paul.
5.     Ang bahay ng mga Beckett ay nasa magandang
lokasyon, malapit sa British Museum.
6.     British Museum - ang pambansang aklatan
ng England na nagtataglay ng napakarami at mga di-
karaniwang mga aklat. Dito ginugol ni Rizal ang
kanyang maraming araw sa London sa pamamagitan
ng pagsasaliksik sa nabanggit na aklatan.
A.    Mga Balita sa Mula sa Pilipinas
1.     Masamang Balita
a.     pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa
Manipestong laban sa mga Prayle na iniharap ni
Doroteo Cortes. Ang manipesto ay nilagdaan ng 800 na
Pilipino at isinulat ni Marcelo H. del Pilar na
humihiling sa pagpapa-alis ng mga prayle sa Pilipinas.
b.     pag-uusig laban sa mga kasama sa lupa sa Calamba,
kabilang dito ang pamilya ni Rizal dahilan sa kanilang
ginawang petisyon para sa repormang agraryo.
c.      Malubhang paninira nina Senador Salamanca at Vida
sa Cortes ng Espanya laban sa Noli Me Tangere ,
gayundin ng mga manunulat na sina Wenceslao
Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Espanyol.
d.     Ang bayaw ni Rizal na si Manuel Hidalgo ay
ipinatapon ni Gobernador Weyler ng walang anumang
ginanap na paglilitis.
e.     Dinakip ng mga Espanyol si Laureano Viado na
kaibigan ni Rizal sa Maynila dahilan sa nahulihan ng
mga Espanyol ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang
bahay.
1.     Magandang Balita
a.     abalitaan ni Rizal ang ginawang pagtatanggol ni Padre
Vicente Garcia sa nobelang Noli Me Tangere laban sa
pagbabatikos ng mga prayle.
A.    Ang Anotasyon ng Sucesos ni Morga
1.     Sucesos de las Islas Filipinas - isang aklat na sinulat
ni Morga noong 1609 ukol sa mga kaganapan sa
Pilipinas.
2.     Binasa din ni Rizal ang mga aklat na sinulat
nina Chirino, Colin, Argensola, at Plasencia ukol sa
mga dating kaugalian ng mga Pilipino sa unang bahagi
ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.
3.     Sa kanyang sulat ay sinabi niyang mahusay ang aklat
ni Morga dahilan sa wala siyang kababawan at
kayabangan na tulad ng sa mga prayle, simple ngunit
ang kanyang mensahe aynasa pagitan ng bawat hanay
ng mga salita.
4.     Sa loob ng sampung buwan ay naging abala si Rizal
sa kanyang pagsasaliksik pangkasaysayan sa London.
5.     Dahilan sa labis na kaabalahan ay kanyang
tinanggihan si Mariano Ponce sa alok nito na maging
patnugot ng isangh pahayagan na sasagot sa mga
paninira ng mga Espanyol laban sa mga Pilipino.
6.     Habang naninirahan sa London, si Rizal ay gumawa
ng saglit na pagbisita sa Paris upang basahin ang
ilang mga babasahing materyal sa Bibliotheque
Nationale o pambansang aklatan ng Pransiya.
7.     Binisita din panandali ni Rizal
ang Madrid at Barcelona upang alamin sa mga Pilipino
ang kanilang ginagawang pagkilos para sa reporma sa
Pilipinas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Rizal si
Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, ang dalawang
higante ng kilusang propaganda.
8.     Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24,
1888 at nagdaos ng Pasko at Bagong Taon sa tahanan
ng mga Beckett . Nagpadala si Rizal ng regalo kay
Blumentritt at Dr. Czepelak.
A.    Ang Aktibong Pakikilahok sa Kilusang Propaganda
1.     Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang
makabayang samahan na tinawag na Asosacion La
Solidaridad na pinasinayaan noong Disyembre 31,
1884.
2.     Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay
nahalal na Pangulong Pandangal ng Asociacion La
solidaridad bilang pagkilala sa kanyang pamumuno
sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa Europa.
3.     Nagpadala si Rizal ng isang liham sa Asociacion La
Solidaridad na nagpapasalamat sa kanilang
pagtitiwala at pagpapayo sa ikapagtatgumpay ng
samahan.
4.     Noong Pebrero 15, 1889 itinatag ni Graciano Lopez
Jaena sa Barcelona ang pahayagang makabayan na
amy pamagat na La Solidaridad na lumalabas tuwing
ikalawa at huling linggo ng buwan at nagsilbing
pahayagan ng kilusang propaganda.
5.      Mga layunin ng Pahayagang La Solidaridad
a.     Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal
at panlipunan sa Pilipinas
b.     Ipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na
kalagayan ng Pilipinas upang malapatan ng lunas ng
pamahalaang Espanya.
c.      Labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas
na noon ay siyang kumokontrol ng pamahalaan.
d.     Isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran.
e.     Isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino
para sa buhay, demokrasya, at kaligayahan.
6. Pinayuhan ni Rizal ang mga miyembro ng
pahayagang La Solidaridad na maging
makatotohanan at tapat sa kanilang mga isusulat
upang igalang ng mga mababasa ang kanilang
opinyon. Sinabi din ni Rizal na huwag gayahin ang
mga mamahayag na binabayaran ng mga
prayle na gumagamit ng pandaraya at mga bulgar na
salita.
7. Los Agricultores Filipino -  ang unang artikulo na
isinulat ni Rizal para sa pahayagang La
Solidaridad at nalathala noong Marso 25, 1889. Sa
nasabing artikulo ay kanyang sinabi na
ang dahilan ng pagiging paurong ng mga magsasakang
Pilipino ay ang napakaraming balakid
sa kanyang pagsulong tulad ng mga mahihigpit na
pinuno, mga magnanakaw, sakunang mula
sa kalikasan, sapilitang paggawa, at marami pang mga
salik na hindi magbibigay daan sa pag-
unlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at ng sining
ng agrikultura sa bansa.
A.    Mga Sinulat ni Rizal sa London
1.     La Vision  del  Fray Rodriguez - isang satirikong
polyeto na sinulat nni Rizal laban kay Padre Jose
Rodriguez at kanyang ginamit na pangalan dito ay
Dimas Alang, nalathala sa Barcelona. Dito ay labis na
tinuya ni Rizal si Padre Rodriguez sa labis nitong
katangahan.
2.     Sa polyetong La Vision del Fray Rodriguez ay
naipakita ni Rizal ang kanyang (a) mataas na
kaalaman sa relihiyon at (b) kahusayan sa panunudyo.
3.     Liham sa mga Kadalagahan ng Malolos - isang sulat
na ipinadala ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos na
noon ay humiling sa pamahalaan na pagkalooban sila
ng pagkakataon na mag-aral ng wikang Espanyol kahit
ito ay laban sa kagustuhan ng prayle paroko ng
Malolos, Bulacan.
4.     Ang nilalaman ng Liham sa Mga Kadalagahan ng
Malolos ay ang mga sumusunod na pagpapayo ni Rizal
sa mga kababaihan:
a.     Ang mga inang Pilipina ay dapat magturo sa kanilang
mga anak ng pag-ibig sa Diyos, bayan at sa
sangkatauhan.
b.     Dapat na ang mga inang Pilipina makatulad ng mga
ina sa Sparta na nasisiyahan na makita ang kanilang
mga anak na lumalaban para sa kalayaan ng bayan.
c.      Dapat ingatan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang
kanilang karangalan at dignidad.
d.     Dapat sikapin ng mga kababaihang Pilipina na
maging edukado, maliban pa sa pagpapanatili ng
kanyang mga likas na katangian.
e.     ang pananampalataya ay hindi lamang ang mahabang
dasal, pagsuot ng mga krusipiho at kagamitang pang-
relihiyon sa katawan, kundi bagkus ang pamumuhay
ng tunay na Kristiyano na may mabuting moral at
kaugalian.
1.     Sumulat din si Rizal ng dalawang artikulo
sa Trubner's Record isang pahayagang Ingles
sa London na may pamagat na Specimens of Tagal
Folklore at Two Eastern Fables.
 
A.    Ang Romansa kay Gertrude Beckett
1.     Gertrude Beckett - anak na babae ng kanyang kasero
sa London at tinawag niya ito sa palayaw na Getie.
Naging malapit ang dalawa, dahilan sa tinutulungan
ng dalaga si Rizal sa kanyang mga gawain tulad ng
paghahalo ng pintura sa kanyang pagpipinta at
paghahanda ng clay para sa kaniyang iskultura.
Tinawag ni Getie si Rizal sa palayaw na Petie.
2.     Ngunit bago pa man mabuo ang isang pag-ibig, si
Rizal ay lumayo kay Gertrude Beckett dahilan sa
kanyang mas mahalagang misyon sa buhay.
3.     Bago umalis si Rizal sa London, kanyang tinapos ang
apat na gawang lilok na may pamagat na :
a.     Promotheus Bound
b.      Triumph of Death Over Life
c.       Triumph of Science Over Death
d.     Ang ulo ng magkapatid na dalagang Beckett
1.     Marso 19, 1889 - nagpaalam si Rizal sa pamilyang
Beckett at nilisan ang London patungo ng Paris.
 
 
 
KABANATA 15 IKALAWANG PAGTIGIL SA PARIS
PARA SA PANDAIGDIG NA EKSPOSISYON NG 1889
A.    Pagtungo sa Paris
1.     Pumunta si Rizal sa Paris dahilan sa
gaganapin noon ang Pandaigdig na Eksposisyon na
darayuhin ng libu-libong mga tao mula sa iba't ibang
panig ng mundo.
2.     Dahilan sa karamihan ng tao, si Rizal ay nahirapan
na makahanap ng lugar na matitirahan at naging
napakamahal pa ng kabayaran sa mga paupahang
kuwarto.
3.     Pansamantalang tumira si Rizal sa kanyang kaibigang
si Valentin Ventura sa 45 Rue Maubuege at dito ay
kanyang inayos ang kanyang anotasyon ng aklat
na Sucesos de las Filipinas na sinulat ni Morga.
4.     Nagpalipat-lipat ng tirahan si Rizal hanggang
makakita siya ng isang maliit na silid at nakasama
niya dito ang dalawang Pilipino na sina Capitan Justo
Trinidad na dating gobernadorcillo ng Santa Ana
at Jose Albert na isang batang mag-aaral mula sa
Maynila.
 
A.    Buhay ni Rizal sa Paris
1.     Sa kabila ng kasiyahan sa Paris naging abala pa rin si
Rizal sa pagbabasa ng mga aklat sa Bibliotheque
Nationale upang tingnan ang mga datos para sa
kaniyang anotasyon ng Sucesos Las Islas de
Filipinas ni Morga.
2.     Sa mga malalayang oras si Rizal ay dumadalaw sa
bahay ng mga pamilyang Pilipino na sina Pardo de
Tavera, Ventura, Luna, at Bousted. Naging kaibigan
niya ang tatlong magkapatid na Pardo de Tavera, na
ang ama ay isa sa mga biktima ng kalupitan ng mga
Espanyol noong 1872.
3.     Naging ninong si Rizal ni Maria de la Paz Luna na
pangalawang anak nina Juan Luna at Luz Pardo de
Tavera.
4.     Naging malimit si Rizal sa pagdalaw sa pamilyang
Bousted.
5.     Isa sa umakit kay Rizal sa Eksposisyon ng Paris ay
ang Eiffel Tower  na may taas na 984 talampakan.
6.     Dumalo si Rizal at ang kanyang mga kaibigan sa
pagbubukas ng Eksposisyong Paris na pinangasiwaan
ng Pangulo ng Pransiya na si Sadi Carnot.
7.     Isa sa mga bahagi ng kasaysayan sa Pariss ay ang
pagkakaroon ng eksposisyon sa mga likhang sining na
sinalihan ni Juan Luna, Felix Resureccion-Hidalgo, at
Felix Pardo de Tavera. Lumahok din si Rizal sa
pamamagitan ng pagsasali ng kanyang gawang
iskultura, napasali ang kanyang likha ngunit hindi
nagtamo ng gantimpala.
8.     Itinayo ni Rizal sa Paris ang Samahang Kidlat  na
binubuo ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ang
samahan ay panandalian lamang at naglalayon na
paglalapitin ang mga Pilipino sa Paris upang higit
silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon.
9.     Itinatag ni Rizal ang samahang Los Indios Bravos  at
pinalitan nito ang Samahang Kidlat . Nangako ang
mga kasapi nito ng pagsisikap sa katalinuhan at
pagpapalakas katawan upang magtamo ng paghanga
ng dayuhan.
10.                        Samantalang nasa Paris itinatag ni Rizal ang
isang lihim na samahan na nakilala lamang sa panitik
na R.D.L.M. at sinasapantaha na ang kahulugan
ay Redencion de los Malayos (Ang Pagpapalaya sa
Malayo) . Ang samahang ito ay nanatili pa ring isang
palaisipan sa mga nag-aaral ng Rizal.
A.     Ang Paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas
1.     Isa sa pinakamahalagang nagawa ni rizal habang siya
ay nasa Paris ng 1889 ay ang pagpapalimbag ng
kanyang anotasyon ng aklat ni Morga na Sucesos de
las Islas Filipinas na inilathala ng Garnier Freres.
2.     Isinulat ni Blumentritt ang Paunang Salita para
sa Sucesos de las Islas Filipinas at inihandog ni Rizal
ang aklat para sa inang bayan.
3.     Isinulat ni Rizal ang anotasyon ng Sucesos de las
Islas Filipinas sa layunin na ipakita sa mga Pilipino
ang pagkakaroon natin ng mataas na kabihasnan bago
pa man dumating ang mga Espanyol.
4.     Nakatanggap si Rizal ng maraming paghanga mula sa
kanyang mga kaibigan dahilan sa kanyang
paglalathala ng anotasyon sa Sucesos de las Islas
Filipinas ni Morga.
A.    Si Rizal bilang Mananalaysay
1.     Si Rizal ay masasabing mahusay na mananalaysay
dahilan sa mga sumusunod na salik:
a.     Ang kanyang pagsasaliksik sa dalawang dakilang
aklatan ng mundo - British Museum (London) at
Bibliotheque Nastionale (Paris) ay nakapagpalawak ng
kanyang kaalamang pangkasaysayan.
b.     Ang kanyang ginawang anotasyon ng Sucesos de las
Islas Filipinas ay kakikitahan ng malawak na
kaalaman ni Rizal sa histograpiya - ang pag-aaral ng
pagsulat ng kasaysayan.
c.      Ang kaalaman ni Rizal sa maraming wika ay
nakatulong sa kanya upang mabasa ang maraming
dokumentong historikal sa kanyang orihinal na anyo.
d.     Nabasa niya si Pigadicta sa wikang Italyano: Marsden,
Raffles, Lord Stanley, at Wallace sa wikang Ingles;
Blumentritt, Jagor, at Virchow sa wikang Aleman; M.
Jacquet, J. Mallat, at A. Marche sa wikang Pranses; at
sina T. H. Pardo de Tavera, Pedro Paterno, Miguel
Morayta, at Pi y Margall sa wikang Espanyol.
e.     Ang kaalaman ni Rizal sa kasaysayan ay hindi lamang
ukol sa Pilipinas kundi sa kasaysayan ng kolonisasyon
ng mga Europeo sa Asya.
1.     Maliban sa anotasyon ng Sucesos de las Islas
Filipinas naghanda rin si Rizal ng malathalang
artikulong historikal na gaya ng mga sumusunod:
a.     Ma- yi
b.      Tawalisi of Ibn Batuta
c.       Filipinas dentro de Cien Anos
d.      Sobre la Indolencia de los Filipinos
e.      La Politica Colonial de Filipinas
f.       Manila en el mes de Diciembre, 1872
g.      Historia de la Familia Rizal de Calamba
h.      Los Pueblos del Archipielago Indico
1.     Filipinas dentro de Cien Anos - sa artikulong ito ay
hinulaan ni Rizaal ang pagtatapos ng kolonyalismo ng
Espanya sa Pilipinas sa pagtatapos ng ika 19
daantaon.
2.     Sobre la Indolencia de los Filipinos -  tinalakay ni Rizal
ang kadahilanan ng katamaran at pagiging mabagal
na pag-unlad ng mga Pilipino sa mga sumusunod na
salik.
a.     Ang Pag-aalsa ng mga Pilipino at panloob na
kaguluhan kasunod ng pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas.
b.     Ang mga digmaan ng Espanya laban sa mga Portuges,
Olandes, Ingles, at iba pang mga kalaban na dito ay
naglingkod ang mga Pilipino bilang mga kawal ng
hukbong Espanyol.
c.      Ang pananlakay ng mga Muslim ng Mindanao sa mga
baybaying bayan ng Pilipinas.
d.     Ang sapilitang paggawa ng libu-libong mga Pilipino na
naging dahilan upang mapabayaan ang pagsasaka,
komersiyo at industriya sa Pilipinas.
e.     Ang kawalan ng pagsisikap ng mga Pilipino ng
magtrabaho ng higit dahilan sa hindi naman nila
ganap na napakanibangan ang bunga ng kanilang
paghihirap.
f.       Ang pagpapabaya ng pamahalaan sa agrikultura,
komersiyo at industriya.
g.     Ang masamang halimbawa na ipinapakita ng mga
Espanyol ukol sa mga gawaing manwal.
h.    Ang pagtuturo ng mga prayle na "mas madaling
makapasok sa langit ang mga mahihirap" at dahil dito
ay ninais ng mga Pilipino ang kahirapan sa layunin ng
madaliang pagpasok sa langit sa pagsapit ng
kamatayan.
i.       Ang sistema ng edukasyong Espanyol ay hindi
nakapagsulong ng pangkabuhayang kaalaman. Ang
edukasyon ay depresibo, brutal, at hindi makatao.
A.    Iba pang Mga Ginawa sa Paris
1.     Binalak ni Rizal na itayo ang samahan ng mga
Filipinolohista sa Paris ngunit hindi ito
naisakatuparan.
2.     Ipananukala ni Rizal ang pagtatayo ng isang
makabagong kolehiyo ng mga Pilipino sa Hongkong na
ang layunin ay magsanay at magturo ng mga anak ng
mga mabubuting pamilyang Pilipino.
3.     Nagdaos ng kapaskuhan si Rizal sa Paris at
pagkatapos ng Bagong Taon ay saglit na dumalaw
sa London upang tingnan ang katumpakan ng
kanyang anotasyon Sucesos de las Islas Filipinas at
dalawin si Gertrude Beckett.
4.     Mga Dahilan ni Rizal sa Pag-alis sa Paris
a.     Ang napakamahal na halaga ng bilihin dahilan sa
karamihan ng mga taong dumalo sa Pandaigdig na
Eksposisyon sa paris.
b.     Ang masayang kapaligiran ng Paris ay umaagaw ng
kanyang atensiyon sa mga gawaing pampanitikan. Ang
pangangailangan niya na isulat ang El Filibusterismo .
 
 
KABANATA 16 - SI RIZAL SA BRUSSELS
A.    Ang Buhay ni Rizal sa Brussels
1.     Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890)
kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa isang
kainamang bahay paupahan sa 38 Rue
Philippe Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid
na babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie.
2.     Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang
nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng
mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad .
3.     Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali
sa pagpapalakas ng katawan sa gymnasium at sa
pagsasanay sa pagbaril at iskrima.
4.     Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose
Alejandrino napansin niya ang labis na katipiran ni
Rizal sa pamamagitan ng pagkain sa bahay at
pagluluto nila ng pansit.
5.     Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad ng siya ay
nasa Brussels.
a.     A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni
Patricio Escosura.
b.     La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga
katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng
mga Espanyol na ang Pilipino ay mangmang at tanga.
c.      Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal
ang kamangmangan ni Vicente Barrantes sa
tanghalang sining ng mga Tagalog.
d.     Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa
mga prayle sa pagkakait nito ng isang Kristiyanong
libing para sa kaniyang bayaw na si Mariano Herbosa.
e.     Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni
Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma sa
Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng
pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
f.        Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si
Blumentritt laban sa paninira ng mga kaaway nito.
g.       Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo
sa mga Pilipinong humihingi ng Reporma.
h.       Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa
ginawang paninira ni Mir Deas.
i.       Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa
mababang pagtingin ng mga bayarang mamahayag ng
prayle sa mga kayumangging Pilipino.
j.        Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni
Gobernador Weyler sa mga taga-Calamba na huwag magpalinlang
sa mga walang kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utang
na loob na anak (isa na dito si Rizal).
1.      Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng
wikang Tagalog sa pamamgitan ng paggamit ng k at w
at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng arao at
salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal ang kanyang
artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de
Tagala na kanyang inilathala sa La Solidaridad.
2.     Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William
Tell mula sa Aleman sa wikang Tagalog.
3.     Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin
Ventura na ang mga Pilipino sa Madrid ay nagugumon
sa sugal. Sinulatan ni Rizal ang mga Pilipino
sa Madrid at sinaway nila ang mga ito sa kanilang
pagkakagumon sa sugal. Nagalit ang ilang mga Pilipino
kay Rizal at tinawag nila itong Papa imbes na Pepe na
kanyang tunay na palayaw.
4.     Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang
balita.
a.     Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa
Calamba.
b.     Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para
alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don
Francisco Mercado - Rizal.
c.      Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si
Manuel Hidalgo ay muling ipinatapon sa Bohol.
d.     Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na
kamatayan.
1.     Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang
pamilya si Rizal ay nagbalak ng umuwi, sa dahilang
hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang
habang ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay
nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang
kanyang balaking umuwi ay sinalunga ni Graciano
Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga kaibigang
sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce.
2.     Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap
niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila
sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte supremo
sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan
ang kanyang magagawa sa kaso.
3.     Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane
Jacoby - ang pamangkin ng kanyang mga kasera.
 
 
 
KABANATA 17 - MGA KABIGUAN SA MADRID
A.    Kabiguan sa Katarungan
1.     Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang
hiningi ang tulong Asociacion Hispano-Filipina at mga
pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El
Globo, La Republica, at El Resumen upang
matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa
kanyang pamilya at kababayan sa Calamba.
2.     Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang
pamilya ay tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang
abogado kanilang idinulog ang kanilang protesta laban
sa kawalang katarungan ni gobernador heneral
Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.
3.     Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng
Ministerio ng Katarungan ay nawalan ng kabuluhan.
Ang patakaran ng Espanya ay ang "sarahan ang
tainga, buksan ang pitaka, at magkibit-balikat na
lamang."
4.     Natanggap ni Rizal ang masamang balita na
natanggap na nila ang kautusan ng pagpapaalis sa
mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring
Dominikano.
5.     Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang
magawa kundi ang magbigay lamang ng pananalita ng
pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na
makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang
ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni
Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na
makapagsasama sa kaniya sa Reyna.
A.    Iba pang mga Kabiguan sa Madrid
1.     Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para
sa kanyang mga magulang ay namatay naman ang
kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang
propaganda na si Jose Maria Panganiban.
2.     Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si
Rizal ng duwelo dahilan sa karibalan sa babae. Nang
matanggal ang kalasingan ay naayos ang hidwaan.
3.     Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Si
Retana ay isang mamamahayag na binabayaran ng
mga prayle upang manira sa mga makabayang Pilipino
sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na kaya
pinaalis ang pamilya ni Rizal sa Calamba ay dahilan sa
hindi pagbabayad ng utang. Hiningi ni Rizal ang
paumanhin ni Retana o ang duwelo. Hindi ito natuloy
nang humingi ng tawad si Retana at hindi na sumulat
ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga
Pilipino. Isang kabalintunaan na si Retana ang kauna-
unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya ni Rizal na
may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal  .
4.     Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera.
a.     Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga
kasama sa tanghalang Apolo sa Madrid ay nawala ang
kanyang locket na angtataglay ng larawan ni Leonor
Rivera.
b.     Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera
na nagpapabatid ng nalalapit na kasal niya sa isang
inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na
ikinalungkot ni Rizal.
c.      Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong
kabiguan ay naisulat niya kay Blumentritt na "pipiliin
ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay
malaya at ang Rizal ay isang alipin."
d.     Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na
"hindi maunawaan ng kanyang asawa (Rosa) na ang
isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal ay
iiwan siya (Rizal)."
e.     Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi
niyang si Leonor ay "tulad ng isang bata, naipinagpalit
ang diamante sa isang karaniwang bato."
1.     Karibalang Rizal at del Pilar
a.     Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala
si del Pilar sa Madrid dahilan sa kanyang pagsulat
sa La Solidaridad . Sa kabilang dako, ang lideratura
ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo na hindi ganap na
maunawaan at matularan ng kanyang mga
kasamahan.
b.     Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay
nagkakaroon na ng pagkakaiba sa paniniwala at
patakaran sina Rizal at del Pilar.
c.      Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang
karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa Madrid na
may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang
pag-uusapan na kanilang gaganapin sa Enero 1, 1891.
d.     Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La
Solidaridad ay mapasailalim sa samahan ng mga
Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na
magkakaroon ng isang halalan na dito ang
makapagtatamo ng 2/3 na boto ang mananalo.
e.     Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino
sa Madrid noong unang linggo ng Pebrero 1891 at
nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo --
Rizalista at Pilarista . Sa unang araw ng halalan ay si
Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na
kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon
uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta.
f.       Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na
bumoto na ang karamihan kay Rizal at natamo ni
Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa
kanya bilang pinuno ng samahan.
g.     Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya
tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw
niyang maging pinuno ng hati-hating samahan.
1.     Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling
sulat ng pagpapasalamat sa mga kababayan niyang
naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz.
 
 
 
KABANATA 18 - BAKASYON NI RIZAL SA BIARRITZ
A.    Mga Ginawa ni Rizal sa Biarritz
1.     Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si rizal
sa Biarritz at nagbakasyon sa bahay ni Senor Eduardo
Bousted sa Villa Eliada.
2.     Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni
Senor Bousted na sina Adelina at Nellie.
3.     Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at
nakita rito ni Rizal ang mga turista mula sa iba't ibang
panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang
nagpalimot kay rizal sa kanyang mga kasawian
sa Madrid.
4.     Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal
at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay Nellie sa dahilan
sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng
dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan
na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie
Bousted.
5.     Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang
pamagat ng kanyang nobela na Noli ng Neli. Si
Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal
kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan na si
Nellie.
6.     Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa
hindi nahikayat si Rizal na magpakasal sa dalaga
dahilan sa mga sumusunod:
a.     Ayaw ni rizal maging Protestante
b.     Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang
dahilan si Rizal ay mahirap na "doktor na walang
pasyente, manunulat na walang pera" at isang
repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng
pamahalaan sa sariling bayan.
1.     Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting
magkaibigan.
2.     Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang
araw bago siya umalis sa Biarritz patungo ng Paris.
3.     Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at
sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong at
dito nagtrabaho bilang doktor.
4.     Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita
ang mga Jacoby lalo na si Petite Sussane Jacoby.
5.     Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang
Propaganda upang maharap niya ang pagpapalimbag
ng kanyang ikalawang nobela - El
Fililbusterismo . Mula sa Brussels ay kanyang
ipinaalam sa Kilusang Propaganda na itigil na ang
pagpapadala ng kanyang sustentong P 50 bawat
buwan.
6.     Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga
artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila ng
pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni
Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang
propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay
napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay Rizal
na muling magsulat sa pahayagan.
 
 
KABANATA 19 - ANG PAGPAPALIMBAG NG EL
FILIBUSTERISMO SA BELGIUM
Ang Bahay ni Rizal sa Ghent
1.     Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na
isang lunsod pamantyasan ng Belgium.
2.     Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang
nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling
kabanata sa Biarritz.
3.     Naninirahan si Rizal sa Ghent dahilan sa mga
sumusunod:
a.     Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent
b.     Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby
1.     Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang
dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera sa
Unibersidad ng Ghent na sina Jose Alejandrino at
Edilberto Evangelista.
2.     Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay
paupahan at nakasama niya si Jose Alejandrino na
nakapuna ng kanyang labis na katipiran.
3.     Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng
pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang
nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang
palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang
Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa
pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni
Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang
bayad sa palimbagan.
4.     Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng
pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay
napahinto sa kalagitnaan.
5.     Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang
manuskrito ng El Filibusterimo sa apoy.
6.     Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal,
mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng salapi
para maituloy ang pagpapalimbag.
7.      Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng
palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang
ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose
Basa at Sixto Lopez. Pinadalahan din niya ang
kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce,
Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at
Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay ValentinVentura
ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo.
8.     Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa
pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng
Oktibre 1891.
9.     Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng
GOMBURZA .
10.                        Ipinagkumpara ang Noli at Fili.
a.     Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng
puso, damdamin, sariwa, makulay at may taglay na
tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo,
isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit,
karahasan, at pagdurusa.
b.     Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas
mahaba ang Fili kaysa sa Noli ngunit dahilan sa
kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38
kabanata) kung ikukumpara sa Noli (64 kabanata).
c.      Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli.
d.     Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili.
1.     Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng
kanyang balak na gumawa ng ikatlong nobela. Ito ay
hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika.
2.     Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay
kanyang sinimulang sulatin ang ikatlong nobela.
 
 
 
KABANATA 20 - PANGGAGAMOT NI RIZAL SA
HONGKONG
A.    Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong
1.     Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa
pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang
mga Pilipino sa Europa.
2.     Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.
3.     Para kupkupin ang kanyang pamilya.
A.    Pamamaalam sa Europa
1.     Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa
paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng mga
Pilipino sa Europa.
2.      Mula sa Merseilles sumakay ng
barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng
kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El
Filibusterismo.
3.     Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang
mga babaeng Aleman na nangmamaliit sa kanya sa
usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng
maginoong pamamaraan.
A.    Hongkong
1.     Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20,
1891 at sinalubong ng mga kaibigan at dito ay
nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola
Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal ay nagbukas
ng isang klinika.
2.     Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang
kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo.
Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa,
at Trinidad.
3.     Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa
kapaskuhan sa ibang bansa.
A.    Panggagamot sa Hongkong
1.     Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang
isang manggagamot upang masuportahan niya ang
kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr, Lorenzo
Marquez na kanayang kaibigan. Inilapit niya kay Rizal
ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa mata.
2.     Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan
at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino,
Portuges, at Amerikano.
3.     Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa
Hongkong.
4.     Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.
A.    Ang Proyektong Borneo
1.     Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya
sa Borneo na bubuuin ng mga walang lupang Pilipino
mula sa ating bansa .
2.     Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga
pinunong British at nagtagumpay siya na
mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000
hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at mahusay
na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na
taon ng walang bayad.
3.     Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga
Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na ito
ay maisakatuparan.
4.     Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol
ukol sa kanyang Proyektong Borneo ngunit hindi ito
sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin
sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng
Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito.
A.    Mga Sinulat sa Hongkong
1.     Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal
ng proklamasyon ng Rebolusyong Pranses ng 1789.
2.     A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa
Espanya na ituwid ang kamaliang nagawa sa mga
magsasaka ng Calamba.
3.     Sa Mga Kababayan - isang artikulo na
nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa Calamba.
4.     Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa
kanyang pagbisita sa kulungan ng Hongkong kumpara
sa malupit na kulungan sa Pilipinas.
5.     The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan
si rizal ay nagpapadala ng mga artikulo.
6.      Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong
ay ang saligang Batas ng La liga Filipina.
A.    Ang Pagpapasiya na Magbalik sa Maynila
1.     Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila.
a.     Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong
Borneo
b.     Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
c.      Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa
kanyang paniniwala na matapang si Rizal dahilan sa
siya ay malayo sa mga Espanyol.
1.     Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang
nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa itoo ay
mangangahulugan lamang ng kamatayan.
2.     Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago
umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr. Marquez na
bubuksan lamang kung siya ay mamamatay .
a.     sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid
b.     Sulat sa sambayanang Pilipino
c.      Sulat sa Gobernador Heneral Despujol
1.     Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila.
Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay pagsasampa
naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.
 
KABANATA 21 - ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG
NG LA LIGA
A.    Ang Ikalawang Pagbabalik
1.     Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama
ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de
Oriente.
2.     Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa
Malacanang upang makipagkita sa gobernador heneral
ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.
3.     Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si
Neneng.
4.     Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang
kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San
Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor,
Pampanga. Ang kanyang mga paglalakbay ay
sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na
kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay
sinalakay ng mga kawal Espanyol.
5.     Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si
Rizal kay Despujol.
A.    Pagtatayo ng La Liga Filipina
1.     Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay
ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila.
2.     Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:
a.     Pedro Serano Laktaw
b.     Domingo Franco
c.      Jose Ramos
d.     Ambrosio Salvador
e.     Bonifacio Arevalo
f.       Agustin de la Rosa
g.     Moises Salvador
h.    Luis Villareal
i.       Faustino Villaruel
j.       Mariano Crisostomo
k.     Numeriano Adriatico
l.       Estanislao Legaspi
m.  Teodoro Plata
n.    Andres Bonifacio
o.     Juan Zulueta
A.    Pag-aresto at Pagpapatapon
1.     Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni
Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa
bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-
simbahan.
2.     Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan
sa Fort Santiago.
3.     Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon
si Rizal sa Dapitan.
4.      Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng
barkong Cebu.
 
 
KABANATA 22 - TAPON SA DAPITAN
A.    Ang Buhay ng Isang Tapon
1.     Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at
ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo Carnicero ang
komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
2.     Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na
superior ng mga Jesuita para kay Padre Antonio
Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay
naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay
makatira sa kumbento.
3.     Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na
pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang
naging kaibigan.
4.     Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal,
Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang
gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay
nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang
naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang
P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa
Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili
ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa
bayan ng Dapitan.
5.     Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at
Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na naglalaman ng
mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal.
a.     Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling
kapakinabangan.
b.     Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat
ng tao.
1.     Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal para
sa simbahan.
2.     Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan
Lardet ng duwelo dahilan sa pagbebenta kay Rizal ng
mga kahoy na mababa ang kwalidad.
3.     Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez
sa Dapitan upang muling akitin si Rizal na magbalik
sa simbahan. Ngunit hindi rin ito nagtagumpay.
4.     Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa
Dapitan at nakasama niya ang kanyang mga
kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay.
5.     Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas
na Pablo Mercado (Florencio Namanan) upang isangkot
si Rizal sa mas malaking kaso.
6.     Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang
manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga
mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na
nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang
tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at
kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang
kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay
nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa
iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal
ang mga lokal at halamang gamot.
7.     Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa
Dapitan upang magkaroon ng malinis na tubig sa
bawat bahay ng Dapitan.
8.     Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan:
a.     Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria
b.     Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan
c.      Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa
ng Mindanao sa plasa.
1.     Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa
pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya
ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya,
kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba
pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng
hapon.
2.     Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan
a.     Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat
ng Dapitan para sa paghahanap ng
mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng
Europa.
b.     Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi.
c.       Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia
rizali at Rhacophorus rizali.
1.     Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal
sa Dapitan. Sa panahong ito ay natutunan niya ang
wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo.
2.     Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa
rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa
Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit
sa kanya at nililok niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2)
ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng isang
babaeng taga-Dapitan.
3.     Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan
bilang isang magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang
lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka,
niyog, punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa.
Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa
pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng
mga makabagong makinarya.
4.     Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni
Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay Ramon
Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo
ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni
Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan
upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa
lugar.
5.     Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan
ng paglikha ng mga sumusunod;
a.     sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa
kahoy
b.      makina sa paggawa ng bricks
1.     Si Josephine Bracken.
a.     Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893
dahilan sa panganganak.
b.     Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan
upang samahan ang kanyang ama-amahan na
si George Tauffer upang mapagamot kay Rizal. Dala
nila ang isang tarheta ni Julio Llorente.
c.      Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na
magpakasal ngunit ayaw silang ikasal ni Padre Obach
ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu.
d.     Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine
sa Dapitan upang makisama kay Rizal.
e.     Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa
kanilang anak ni Rizal.
1.     Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio
Valenzuela upang ipaalam kay Rizal ang ukol sa
Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni
Rizal sa Katipunan na tinaggihan naman niya.
2.     Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong
Espanyol bilang isang seruhano sa Cuba. Ang kanyang
kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon
Blanco na sumagot sa kanyang sulat noong Hulyo
1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa
kanyang plano.
3.     Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng
barkong Espana kasama nina Josephine, Narcisa, at
pamangking si Angelica.
 
 
KABANATA 23 - HULING PAGLALAKBAY SA LABAS
NG BANSA
1.     Mula Dapitan patungo ng Maynila
a.     Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at
binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na
si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan
niya sa mata ang isang kapitan ng guardia civil.
b.     Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-
asawang Mateo na kanyang nakilala sa Madrid.
c.      Dumaan ng Iloilo para mamili at nagdaan sa Capiz
ang barko.
1.     Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang
barkong Isla de Luzon na sasakyan sana niya patungo
ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa
barkong Castilla sa loob halos ng isang buwan bilang
panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko.
2.     Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang
himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol. Nalaman
ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan
ng pagbabasa ng mga pahayagan sa barko.
3.     Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang
isang sukat ni Blanco na nag-eendorso sa kanya sa
Ministro ng Digma.
4.     Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla
de Panay na maglalayag na patungong Barcelona.
5.     Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore,
pansamantalang bumaba si Rizal sa Singapore at
pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang
Pilipinong naninirahan na samantalahin na ang
pagkakataon upang makatakas. Hindi ito sinunod ni
Rizal.
6.     Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya
ay lihim na nagpapadala ng telegrama si Blanco sa
Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng
himagsikan.
7.     Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa
pagbitay sa mga Pilipinong naghihinalang kasangkot
sa himagsikan.
8.     Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-
balitang siya ay aarestuhin pagdating sa Barcelona.
9.     Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan
Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay idedetine sa
loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik
sa Maynila.
11. Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de
Panay sa Barcelona at ipinadala sa Munjuich
Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio
Despujol . Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng
kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng
barkong Colon.
 
 
KABANATA 24 - HULING PAGBABALIK AT
PAGLILITIS
A.    Ang Huling Pagbabalik
1.     Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang
kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay.
2.     Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng
mga Espanyol ukol sa nagaganap na madugong
himagsikan sa Pilipinas.
3.     Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal.
4.     Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay
sinikap ni Dr. Antonio Regidor at Sixto Lopez sa
pamamagitan ng isang abogadong Ingles na
si Attorney Fort na bigyan si Rizal ng habeas
corpus  ngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang
barkong Colon ay nasa ilalim ng bandila ng Espanya.
5.     Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon
sa Maynila at tahimik na inilipat si Rizal
sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol
ay nangangalap na ng ebidensiya laban kay Rizal.
Pinahirapan ng mga Espanyol ang maraming mga
Pilipino para isabit si Rizal sa nagaganap na
himagsikan.
6.     Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso
ni Rizal na pinamumunuan ni Colonel Francisco
Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng
mahigpit na imbestigasyon.
7.     Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de
Andrade bilang abogado sa gaganaping paglilitis sa
kanya.
8.     Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre
26, 1896 at sa nasabi ding araw ay nagpasiya ang
hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng
pagbaril.
9.     Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador
Heneral Camilo Polaviela ang kautusan ng pagbaril
kay Jose Rizal.
 
 
KABANATA 25 - ANG KAGITINGAN SA
BAGUMBAYAN
A.    Ang mga Huling Oras ni Rizal
1.     Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan
Rafael Dominguez ang kapasiyahan na siya ay bitayin,
sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na
ika- 7 ng umaga.
2.     Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina
Padre Miguel Saderra Matta (Rector ng Ateneo) at
Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.
3.     Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre
Antonio Rosell, inimbitahan siya ni Rizal na mag-
almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si
Tinyente Luis Taviel de Andrade at nagpasalamat si
Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya.
4.     Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico
Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi ng pare na
mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me
Tangere .
5.      Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara
(guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre Vicente Balaguer
(kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago
Mataix at kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El
Heraldo de Madrid.
6.     Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa
kanyang silid para magtanghalian. Pagkatapos nito ay
ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos
na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang
sa lutuang alcohol at ginawa na rin ni Rizal ang
kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt.
7.     Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer
sa Fort Santiago at kinukulit si Rizal na gumawa ng
isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa
simbahang Katoliko.
8.     Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal
sa Fort Santiago. Lumuhod dito si Rizal at hinalikan
ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay
ibinigay niya ang lutuang alcohol na naglalaman ng Mi
Ultimi Adios .
9.     Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay
nagbalik pa rin ang mga Jesuita sa pangungulit kay
Rizal na gumawa ng retraksiyon.
10.                        Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa
pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na
gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.
11.                        Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng
kanyang huling hapunan sinabi niya kay kapitan
Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng
kanyang mga kaaway .
12.                        Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo
Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na
pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal.
Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon,
ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at
pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na si Rizal ay
lumagda ng isang retraksiyon.
13.                        Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring
Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at tumaggap ng
komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.
14.                        Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling
almusal pagkatapos ay sinulat niya ang dalawang
sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si
Paciano.
15.                         Sa nabanggit din na oras ay dumating si
Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal ang isang
aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de
Cristo . Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal ang isang
sulat na To my dear and unhappy wife, Josephine
December 30, 1896. Jose Rizal.
16.                        Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para
sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni Rizal ang
kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina.
17.                        Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa
mula saa Fort Santiago patungo ng Bagumbayan. Apat
na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang
nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong
naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade
sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila.
Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na
nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay
ng mga taong nanonood.
18.                        Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas
maraming bilang ng mga tao ang naghihintay upang
saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.
19.                        Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade .
Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang manggagamot ng
hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng
pulso nito.
20.                        Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa
Bagumbayan.
21.                        Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang
opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at
binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay
na ito.
22.                        Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal
ay inilibing sa sementeryo ng Paco.

Rizal Lifes And Works

RIZAL Lifes and Home

Works Lifes of Rizal


Works of Rizal
Rizal sa Dapitan
About Developer
IMPORMASYON
PATUNGKOL KAY
RIZAL
José Protacio Rizal Mercado y
Alonso Realonda
* Kapanganakan :                         19 Hunyo 1861
* Lugar ng kapanganakan :      Calamba, Laguna
* Kamatayan :                                30 Disyembre 1896
(edad 35) Dr. Jose Rizal
* Lugar ng kamatayan :          
Bagumbayan (Luneta ngayon)
* Pangunahing organisasyon : Kilusang Propaganda,La Liga
Filipina
* Pangunahing monumento :    Liwasang Rizal (June 19,
1861 -                                                               December
30, 1896) 

Ang Buhay ni Rizal


Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.Ang kanyang ina ang naging unang guro
niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa
Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at
pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika
kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at
Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad
ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan
ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang
pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at
agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan
noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot
siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan,
hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang
Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging
makabayan.Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na
ngayon ay Luneta).

                  Si Rizal ay hindi lamang "ANG PINAKABANTOG NA TAO SA


KANYANG MGA KABABAYAN KUNDI ANG PINAKA-DAKILANG TAO NA
NALIKHA NG LAHING MALAYO. Ang kanyang alaala ay hindi maglalaho sa
kanyang tinubuang lupa, at matutuhan pa ng susunod na henerasyon ng mga Kastila
ang pagbigkas sa kanyang pangalan na may paggalang at pagpipitagan".

                  May mga pagkakataong naririnig natin mula sa ibang panig ang


panukalang si Andres Bonifacio at hindi si Rizal ang dapat na kilalanin bilang
pangunahing pambansang bayani, dahil sa hindi sya kailanman humawak ng baril,
riple o ispada sa pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa ibang bansa, ang piniling
pangunahing bayani ay kabilang sa pangkat ng sundalo o heneral, tulad nina George
Washington ng Estados Unidos, Napoleon, I at Joan of Arch ng Fransya. Ang ating
pambansang Bayani ay isang sibilyan na ang sandata ay kanyang panulat. Gayun pa
man, ang mga Pilipino, sa paggamit ng malayang pagpapasya at kakaibang pananaw,
ay hindi sumunod sa mga halimbawa ng ibang bansa. Mahusay na ipinaliwanag ni
Rafael Palma, ang pagkilala kay Rizal bilang pangunahing bayani kesa kay Bonifacio
sa mga pananalita nito:
                   
                    "Dapat ipagmalaki ng mga Pilipino ang pagkakaroon mula sa kanilang
mga pambansang bayani ng isang katangian ng maraming pantayan ngunit hindi
mahihigitan ng kahit na sino". 

KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL KAY RIZAL

A. Magkakapatid na Rizal

  Saturnina
 Paciano
 Narcisa
 Olympia
 Lucia
 Maria
 Concepcion
 Josefa
 Trinidad
 Soledad

B. Ang pinagmulang angkan ni Rizal

          1. Pinagmulan na angkan ni Rizal sa panig ng kanyang ama.


   
                         Ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay nagmula sa ankan ni Cue
Yi-lam o maskilala sa pangalang Domingo Lamco. Si Don Domingo  Lamco ay isang
mangangalakal na tsino. 

                        Si Lamco ay nagmula at orihinal na mangangalakal sa bayan ng


Chinchow, China. Siya ay napadpad sa Manila noong 1690. Noong mga panahong
iyon, ang mga Tsinong mangangalakal ay nakaranas ng mga pangmamalupit at
pagmamalabis ng mga Kastila. Sila ay pinagbabayad ng mataas na buwis at kung
minsan ay sinasaktan at pinapatay pa. Sa kabila ng mga balakid na ito,
napagtagumpayan parin ni Lamco ang kanyang paghahanap-buhay.

                        Mula Maynila tungo si Lamco sa Laguna at dito siya naging Chinese


Community Leader.  Upang makaiwas sa pagmamalupit ng mga Kastila, naisip ni
Domingo Lamco na palitan ang kanyang apelyido, Ito ang karaniwang ginagawa ng
mga tsino upang makaiwas sa pangmamalupit ng mga Kastila, naisip ni Domingo
Lamco na palitan ang kanyang apelyido.  Ito ang kanyang ginagawa ng mga tsino
upang makaiwas sa pangmamalupit sa mga Kastila

2. Pinagmulang Angkan sa Panig ng Ina

                        Sinasabing ang pamilya ni Donia Teodora Alonzo ay nagmula sa angkan


ni Lakandula. Sa panig ng kanyang ina , isang Hapon na naging nuno niya na walang
iba kundi sa Eugenio Ursua na nakapagasawa ng pilipina na ang pangalan ay Benigna.
na naging supling nila ay si Benigna na kinasal naman kay Manuel Dequintos, isang
Abogadong may dugong Pilipinong-Intsik na nagmula sa Panggasinan. Isa sa mga
naging anak ni Atty. Quintos at Regina ay kinasal kay Lorenzo Albert Alonzo, isang
prominentamg Kastila Pilipino mistisong tiga Laguna. Ang magasawang Lorenzo at
Brigida ay pinalad na magkaroon ng mga supling sa katauhan nina, Narcisa; Teodora
na asawa ni Francisco Mercado at Ina ni Jose Rizal.

ANG BATAS RIZAL AT MGA KAUGNAY NA KAUTUSAN

Mga Layunin
1. Maipahayag at mapalitaw ang mga naging motibo ng mga mambabatas sa pagpapatupad
ng Batas Rizal

2. Ilahad ang mga pangyayari noong ipinasa at ipinagdebatihan upang tunay na maunawaan
ang kahalagahan ng pagpapasa ng Batas Rizal

3. Tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng batas.

4. Patunayan na makatwiran ang pagpapatupad ng Batas Rizal

1. i. Ano ang Batas Rizal?

Higit na limampung taon na ang nakalipas mula nang ipinatupad and Republic Act. 1425 o
mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal na pinangunahan ni Jose P. Laurel. Inaprubahan
ito noong ika-12 ng Hunyo 1956 noong ito’y tinatawag pang House Bill No. 5561 na
pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No. 438 na pinangungunahan ni Sen.
Claro M. Recto. Ilang henerasyon na ang naapektuhan sa pagpapatupad ng mga lider ng
gobyerno ng Batas Rizal na kanilang isinulong. Ang pagpapatupad nito ay hindi naging
madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng panukalang batas
na ito bago ito naging isang batas. Mainit na debate ang naganap kung saan iba’t-ibang
opinyon at motibo ang lumabas galing sa mga lider ng gobyerno sa kanilang adhikain na
maitupad ang Batas Rizal.

Nakasaad sa Batas Rizal na kailangan isama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at


unibersidad, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at
isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Bukod pa dito, nakasaad din batas na ito na obligado ang bawat kolehiyo at
unibersidad na magkaroon at magtago sa kanilang mga silid-aklatan ng sapat na orihinal na
sipi at makabagong bersyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pati na rin ang mga
ibang isinulat ni Rizal, kabilang na rito ang kanyang talambuhay. Isinusulong din ang
pagsalin ng mga ito sa Ingles, Tagalog o iba pang diyalekto at ang pagimprinta sa mababang
halaga at pamamahagi ng libre sa mga mamamayang nais magbasa nito sa pamamagitan ng
Purok organizations at Barrio Councils.

ii. Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal

Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng paglilikha ng
Batas Rizal. Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin ang kalayaan at nasyonalismo
kung para saan ang ating mga bayani’y nabuhay at nag-alay ng kanilang mga buhay. Sa
tulong ng batas na ito, mapapaalala sa bawat mamamayang Pilipino ang mga dugo’t pawis
na inialay ng ating mga bayani na maaaring maging ispirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa
pagpapatayo ng isang bansang matagumpay. Pangalawa, ito ay upang bigyang parangal ang
ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaalala sa mga mamamayang Pilipino
ang kanyang mga nagawa at naipaglaban para sa kalayaan ng sariling bayan. Ito ang
magsisilbing paalala narin ng ating mga responsibilidad bilang isang Pilipino, lalong lalo na
sa mga kabataan. Pangatlo, ito ay upang magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino kung
saan sila’y nasa lebel pa lamang ng paglilinang ng kanilang mga isipan at ayon sa ating
bayani, ang pag-asa ng bayan.

Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas


* Enemies that threaten the very foundations of our freedom” ang tawag ni Mayor Arsenio
H. Lacson sa sinumang sumalungat sa Rizal Bill.

* Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano pinigilan ang mga Pilipino basahin ang
mga isinulat ni Rizal. Aniya, “ang impluwensiya ng mga Espanyol ay nabubuhay pa rin sa
mga pari ngayon. “

* ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang nobelang isinulat ni Rizal. Kung kaya,
ang sinumang sumalungat sa Batas Rizal ay para naring inaalis si Rizal sa kanilang isipan.

Panig ng Sumasalungat sa Pagpapatupad ng Batas

* ang mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay naglalaman ng


mga pahayag na subersibo o laban sa simbahan. Ayon sa simbahan, ang sinumang makabasa
nito ay maaaring mag-iba ang paniniwala o sumalungat sa mga itinuturo ng simbahan.

* mistulang may monopoly ng patriyotismo ang grupo ni Recto, gayung noong panahon ng
digmaan, ang ilang mga nagsulong ng Batas Rizal ay nagsilbing collaborator ng Hapon.

* “Our objection then to the Bill proposed is not an objection against our national hero nor
against the imparting of patriotic education to our Children… We believe that to compel
Catholic students to read a book which contain passages contradicting their faith constitutes
a violation of  a Philippine constitutional provision.” (The Statement of the Philippine
Heirarchy)

Mga rebisyon sa Pagpapatupad ng Batas

* gumawa ng bagong panukalang batas Si Sen. Laurel na naglalaman ng mga bagong


probisyon na hindi lalabag sa konstitusyon.

* pinayagan ang pagbabasa ng mga nobela sa makabagong bersyon at hindi na ginawang


“compulsory ” ang pagbabasa ng dalawang nobela sa kanilang orihinal na kopya.

* isama ang buhay, mga ginawa at isinulat ni Rizal sa kurikulum ng mga paaralan sa
kolehiyo at unibersidad at ang orihinal na sipi ang kailangan gamitin upang basehan ng
pagbabasa.

* ito ay magiging bahagi ng kurikulum ng paaralan kung saan ito’y itinuturo ng isang
gurong higit na may nakakaalam sa kurso. Ang mga mag-aaral ay mamarkahan sa pag-aaral
nito at anumang pagbagsak dito ang siyang magiging hadlang sa kanyang pagtatapos ng
anumang kurso.

Ang Pag-Ibig ni Rizal

Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz

Silahis, Abril 22, 1


         --  Ang lalong matatamis na alaalang pinitas sa sanga ng walang-kamatayang 
pakikipagsapalaran ng ating bayani sa larangan ng pag-ibig, ang atin ngayong
matutunghayan.  

           --  Si Rizal, katulad din ng lahat ay may puso at sa pitak ng pusong iya’y minsan
ding namugad  ang pag-ibig.

I.

Kung may kamaliang maituturing sa panig ng mga nagsisulat ng talambuhay ni Dr. Jose
Rizal ay walang iba kundi ang pagtutulad sa kanyang katauhan sa isang Bathala at hindi sa
isang karaniwang taong may mga paang putik.

Dahilan diya'y lumabo na tuloy ang mga dapat lumiwanag na kabanata sa kanyang buhay
lalo na ang nauukol sa kanyang pag-ibig sa pangunang matuwid na ang pag-ibig na ito
kailan ma'y hindi kinilala ng mga pangunahing manunulat ng kanyang talambuhay na isang
damdamin ng kabataan o isang damdaming katugon ng karaniwang tibok ng puso. At,
tanggapin man sakaling ang pag-ibig na iyan ng Bayani ng Kalamba'y nabuo sa isang
dakilang damdaming makabayan, dili iba kundi ang pag-ibig sa kanyang Tinubuan, sukat na
kanyang dahilan iyan upang huwag na mabatid ng mga huling salin ng lahi ang tunay na
damdamin ng kanyang puso?

"Fiat Lux." Pabayaan nating magkaroon ng liwanag. At ang liwanag na hinihintay ng abang


maykatha nito'y walang iba kundi ang ilaw ng katotohanan. Sapagka't naniniwala't nananalig
pa ang maykatha nito na sa pagkakabunyag ng malalabong kabanatang ito sa buhay ni Dr.
Rizal ang kadakilaan niya sa puso ng bayang nagmamahal at halos sumasamba sa kanyang
pagka-bayani'y hindi magbabawas bahagya man, bagkus magiging lalo pa ngang dakila
dahilan sa lalong naging malapit at matapat ang kanyang larawan sa kanila.

Sapagka't kung hindi magiging matapat ang pagbubunyag ng kanyang kabanata sa pag-ibig,
ang panahon ng kanyang kabataan, na masasabing simula ng pag-aalab ng kanyang
damdaming makatao'y maaaring mapakubli at hindi mahirang ang lalong maningning at
kapupulutan ng aral na bahagi nito.

Bilang unang palatandaan ng isang maselang na damdaming naghahari sa kaluluwa ni Dr.


Rizal sa maagang panahon pa lamang ng kanyang kabataan ay ang malabis niyang
pagmamahal sa tula. Napukaw sa kanya ang damdaming-makata sa pagbibigay-sigla ng
kanyang ina at ng matandang kapatid na si Saturnina na "nag-atas" sa batang si Pepe na
magmahal at mag-aral ng mga bagay na may kinalaman sa sining at sa klasiko. Ang mga
aklat ni Saturnina hinggil sa mga paksang nasabi'y pinatutunghayan sa kanyang kapatid
kaya't sa loob ng dalawa pang taon, ay nangyari nang mabasa niya pati ang Bibliyang
Kastila. Nang nakasusulat na si Pepe at sa pagbibigay-sigla ng kanyang ina ay nangyaring
makalikha ang bata ng isang tulang may mga kamalian, datapuwa't may mga kamalian ma'y
nagpapakilala rin ng matayog na lipad ng diwa't tanging salamisim.

Bago siya tumuntong sa kanyang ika-walong taong gulang ay nakasulat siya ng isang dula,
na itinanghal sa isang kapistahan ng nayon, at sa kasiyahan ng kapitan munisipal, siya'y
pinagkalooban noon ng dalawang pisong gantimpala. Gayon din naman, sa gayon ding
gulang, ang mga tala ng kasaysaya'y nagsisiwalat na siya'y nakalikha ng isang tulang
inihandog sa kanyang mga kababata. Anopa't sa gayong maagang pagkakagising ng kanyang
damdaming-makata, ang kanyang kudyapi'y umunlad at tumaginting sang-ayon sa
damdaming inilalarawan ng pihikan niyang diwa. Katibayan nito'y ang kanyang tulang Un
Recuerdo a Mi Pueblo (Isang Gunita sa Aking Bayan) na nagpapasariwa't nagbibigay ng
mga alalahanin hinggil sa kanyang kamusmusan sa Kalamba - sa bayan niyang sinilangan.

“Murang kamusmusan,
bayang iniibig,
Bukal ng ligayang walang
kahulilip
Ng mga awiting kapana-panabik 
na nagpapatakas sa lungkot at pait!

Magbalik kang muli sa


puso ko't dibdib,
Magbalik na muli,
sandaling nawaglit!
Magbalik sa aking
katulad ng pipit
Sa pamumukadkad ng
bulaklak-bukid.”

Ang tulang iyan ay sinulat noong 1876 nang maglalabinlimang taong gulang pa lamang ang
ating bayani at nang siya'y nagsisimula pa ng pag-aaral sa Ateneo.

Kung ang layon nati'y ang sumulat hinggil sa kanyang pagka makata't sa mga nalikha niyang
tula, tayo'y makapagpapatuloy nang walang sagabal. Walang ibig na ipakilala sa mga
talatang sinundan kundi ang maagang pagkakagising kay Rizal ng isang diwang-makata na
ang ibig sabihi'y lalong handa ang kanyang damdamin sa tibok ng puso. Maaaring ang
tibuking ito'y dahilan lamang sa diwang maka-sining sapagka't ang diwang-makata'y may
pag-ibig na matapat sa sining, datapuwa't sa ibabaw niya'y hindi maikakait na handa na nga
ang damdaming may init at sigla ng kabataan upang isaalang-alaang ang ano mang tibukin
ng puso.

Nasa kabataan ang ating bayani, noon. Nguni't talambuhay niya -- at dito nagkakaisa ang
mga pangunahing manunulat na nang siya'y labing-animing taon pa'y nakarama na ng
"masasal na tibukin ng puso". Ang tibukin ng pusong ito'y ukol ni Pepe sa isang dalagitang
nag-aaral sa Kolehyo ng "Concordia", kay Segunda Katigbak. Ang mga pangyayari sa
bahagi ng buhay na ito ng bayani ay naganap pagitan ng Abril hanggang Disyembre ng
1877.

Ang isang kapatid na babae ni Pepe, si Olimpia, ay isa ring kolehiyala noon sa nasabing
kolehiyo at matalik na kaibigan ni Segunda (Gunding). Kung dumadalaw si Mariano,
kapatid na binata ng huli, ay nakakasabay si Pepe, sa pagdalaw sa kapatid naman nito -- kay
Olimpia nga. Sa tuwing darating si Pepe sa kolehiyo'y nasasalubong niya sa tanggapan ng
mga panauhin si Segunda at nag-uusisa agad kay Pepe kung nais na makausap ang kapatid.

Bilang gunita sa mga araw na yaon ng kanyang unang pag-ibig, ang mga unang bugso ng
damdaming naghahari sa puso ni Pepe, ay lalong kaakit-akit manamnam sa sariling
paghahanay din niya:
"Itinatanong niya (ni Gunding) sa akin kung anong bulaklak ang aking naiibigan. Sinabi ko
sa kanyang ibig ko ang lahat ng bulaklak, datapuwa't lalong higit ang maiitim at mapuputi.
Isinagot naman niya sa akin na nais niya ang mga puti at rosas, at pagkatapos ay nag-isip
siya."

"May kasintahan ka ba?", tanong niyang bigla sa akin makaraan ang ilang saglit.

"Wala!" ang tugon ko. "Kailan man ay hindi ako nagkaroon ng kasintahan, sapagka't walang
sino mang dalagang pumapansin sa akin."

"Ikaw ay baliw! Ibig mo bang kumuha ako ng isa para sa iyo," tanong ng dalaga.

"Salamat sa inyo," ang wika kong lipos ng pamimitagan, "nguni't di ko ibig na abalahin pa
kayo."

"Nagunita kong may nagbalita sa akin na siya (si Gunding) ay ikakasal sa darating na
Disyembre, kaya't magalang akong nag-usisa, at siya naman ay tumugon sa lahat at bawa't
isang katanungan ko."

"Dadalaw ba kayo sa inyong bayan sa Disyembre?"

"Hindi", ang tuyot na sagot niya.

"Ibinalita nila sa akin na may malaking pistang idaraos sa inyong bayan, at kayo'y magiging
isa sa mga punong-abala."

"Hindi", ang wika niyang kasabay ng pagtawa. "Nais ng aking mga magulang na ako'y
mamahinga na, nguni't di ko nais, sapagka't nais ko pang manatili dito ng limang taon!"

At isiniwalat ni Rizal, pagkatapos na sila'y nagpatuloy sa pag-uusap, ng iba't ibang


matitimyas na "kabaliwan ng kabataan". Nang sumunod na mga pagkakataon, si Pepe at si
Gunding, ay parang nag-kakahulihan na ng loob, na hindi maikakait na katugon na ng
tibukin ng puso. Aywan kung sa anong himala at nangyaring maipagtapat ni Gunding kay
Pepe ang ganito:

"Nalalaman mo kaya kung gaano kalungkot sa akin, kung ikaw'y mapalayo pagkatapos na
tayo'y magkakilala? Halimbawa'y hindi ako makipag-iisang-dibdib?" at dalawang patak na
luha ang nalaglag buhat sa magagandang mata ng kolehiyala.

Datapuwa't nababatid ni Rizal ang kalagayan ng dalagita. Napipinto na ito upang makipag-
isang-dibdib sa isang lalaking matapat na umiibig at umaasa.

Dumating ang Disyembre at kailangang dumating din naman ang sandali ng paghihiwalay.
Si Pepe'y nagbalik na sa kanyang bayan, si Gunding ay gayon din. Nguni't sa lansanga'y
nagkatagpo sila – si Pepe'y nakasakay sa isang kabayo at si Gunding nama'y sa isang kalesa
-- walang nagawa si Pepe kundi yumukod bago ngumiti samantalang ang dalagita nama'y
nagwasiwas ng panyolitong nag-aanyaya upang sumama o sumunod sa kanya ang binata.
Datapuwa't si Rizal na nakawawatas sa tunay na kalagayan ni Gunding na nakatakda na ang
pakiki-isang-kapalaran sa isa namang matapat na umiibig ay nagpasiyang salungatin ang
simbuyo ng damdamin ng kabataan. Noon di'y ipinihit ang kabayo sa ibang landas, sapagka't
naniniwala siyang maaaring siya ang maging dahilan ng pagkapalungi, kung sakali, ng
matapat na pag-ibig ng isang lalaki't binatang katulad niya. Ayaw niyang maging kaapihan
ng iba ang ikaliligaya niya.

Nakaraan ang kabanatang ito ng isang pag-ibig na malungkot sa ating bayani, nguni't siya'y
maalam na lumunas sa sugat ng kanyang puso. Nababatid niyang panaho'y isang
dalubhasang manggagamot at ito ang tiyak na lulunas sa sugat ng kanyang puso, yamang
siya'y maaaring makalimot at ang paglimot na ito'y maaaring sa pamamagitan din ng
paghanap ng ibang pag-ibig na kundi man higit ay sadyang kanais-nais upang magpaalab na
lalo sa kanyang likas at dakilang pagmamahal sa Tinubuang Lupa.

II. Unang Pag-ibig

Sa buhay ng isang tao, masidhing tibukin ng puso'y nadarama sa panahon ng kabataan. Ang
kababata niyang si Leonor Rivera, larawan ng kayumian ng dalagang Pilipina, ay siya
niyang unang naging kasintahan, gaya ng isinisiwalat ng mga nagsisiwalat ng kanyang
talambuhay. Iyan din ang abang palagay ng sumulat nito, sapagka't ang pakikipag-kaibigan
ni Rizal kay Segunda Katigbak, kung umunlad man, ay likha lamang ng mga biglang
pangyayaring bawa't isa sa kanila'y hindi nakawawatas.

Unang sanhi't dahilan kung bakit masasabing dakila't mahalaga sa buhay ni Rizal ang
kanyang pag-ibig kay Leonor Rivera ay sapagka't ang kabanatang ito'y naging sagisag ng
kanyang lunggating katugon ng mataos na hangarin sa ikagiginhawa ng kanyang bayan. Sa
katotohan, ang kasaysayan nila sa pag-ibig ay maaaring kasaysayan din sa pag-ibig ng isang
kabataang katulad nila sa panahong yaon; lalo na't kung "namamagitan" sa pagmamahalan
ng dalawang puso, ang magulang. Datapuwa't ang katangian ng pag-ibig ni Pepe kay Leonor
ay nasa pangyayaring kaakibat nito ang pagsasakit at katugon nga ng damdamin sa pag-ibig
sa Tinubuan.

Kung paano iniibig ni Rizal si Leonor ay masasabing gayon din kainit at kadakila ang pag-
ibig niya sa kanyang bayan; at sa katotohanan, sa mga bansang narating ng bayani sa
Europa, samantalang nagsasakit siyang makagawa tungo sa kabutihan ng kanyang bayan,
ang gunita niya kay Leonor ay halos kaugnay ng paggunita sa kalagayan ng kanyang Inang
Pilipinas, noon.
Sa katunayan, ang magagandang balita kay Leonor ay nakapagpapasigla kay Rizal sa ibang
lupa upang lalong magsumakit siya sa kanyang lunggati at misyon sa paglilingkod sa
Tinubuan. Parang init na pampasigla sa pusong nanglalamig, waring hamog sa buko ng mga
bulaklak, mandi'y unang patak ng ulan ng Mayo sa tigang na lupa!

Kaya't nang mabalitaan niyang makikipag-isang-dibdib na si Leonor sa isang binatang


Inggles, kay Henry C. Kipping na siyang nangangasiwa sa paglalatag ng daang-bakal buhat
sa Bayambang hanggang sa Dagupan, Pangasinan, narama ni Rizal na parang nasagasaan ng
mga gulong ng tren ang kanyang puso. Sa laki ng damdamin ay ibinulalas niya ang lahat ng
laman ng kanyang nagdurugong puso sa kaiibigang-dayuhan, kay Ferdinand Blumentritt.
Ang dalubhasang propesor Aleman ay nagsumakit na malunasan ang sugat ng kanyang puso
at inaliw siya. Sa isa sa mga liham ng pantas na Aleman ay sinabi ang ganito:

“Dinaramdam ko ang pangyayaring nabigo ang pag-ibig mo sa babaing pinaglalaanan ng


iyong puso't kaluluwa, nguni't kung tunay na maaari niyang tanggihan ang pag-ibig at
pagmamahal ng isang Rizal, hindi siya nag-iingat ng kadaki1aan ng kaluluwa. Para siyang
isang musmos na nagtapon ng brilyante upang pulutin pagkatapos, ang isang batong-
buhay . . .”  Sa ibang pangungusap, hindi siya ang nararapat na maybahay ni Rizal.

Gaya ng unang nangyari, si Rizal ay nakapangyari sa kanyang damdamin. Minsan pang


pinapagtagumpay niya ang isipan at matuwid sa ibabaw ng tibukin ng puso, kaya't
nakapagpasiya siyang walang ibang lunas kundi ang lumimot . . . sapilitang lumimot kay
Leonor. At upang magawa ito'y kinailangan niyang dumako na sa ibang panig ng daigdig.
Dito naranasan ni Rizal sa unang pagkakataon kung gaano kahapdi ang lumisan sa sariling
bayang taglay ang isang sugatang puso.

Para bagang ang bayani'y natitigilan kung minsan. May pagkakataon naman siyang wari'y
kausap ang anino ng naglaho niyang Leonor – ang dalagang nang siya'y mapalayo at
nakabagtas ng bughaw na karagata'y saka pa mandin lalong naging malapit sa kanyang
pusong sa palagay niya'y nawalan ng pampasigla sa paglikha ng mga dakilang tibuking
kaugnay ng sa Tinubuang Lupa.

III. Suliranin ng Puso sa Biarritz

Kung hindi man masasabi nang tahasan na kaya nangibang-lupa ang Bayani ng Kalamba ay
dahilan sa kabiguan sa pag-ibig ay hindi naman maikakait na ang bagay na ito'y isa pang
nakapag-atas sa kanya nang gayon, yamang may lalo siyang dakilang layong nais na
maitaguyod sa labas ng Pilipinas, bago pa lamang magwakas ang 1890.

Nabatid ng mga magigiting na kababayan sa ibang lupa ang damdamin ng puso ni Rizal,
kaya't kabilang na rito si Tomas Arejola, na noong ika-9 ng Pebrero ng 1891, ay sumulat sa
bayani at ipinapayong natutumpak na ipalit kay Leonor ang isang Adelina Boustead,
kilalang angkan sa Biarritz na matapat na kaibigan ng mga Pilipinong nagsisidayo roon
sapagka't may isang uri ng otel ang mag-anak sa nasabing lunsod.

Sang-ayon sa mga tala, si Adelina'y isang dalagang marilag, may dakilang kaluluwa at may
mga kaibigang kababayan ni Rizal na naghangad na ang pagkakaibigan ay umunlad at
maging kanais-nais sa dalawang puso.

Datapuwa't nang dumating na ang sandali ng tunay na pagpapasiya, hiningi ni Adelinang si


Rizal ay pumasok na Protestante. Dito nag-alinlangan si Rizal, sapagka't ang gayong pasiya
ay nasasalungat sa malalaya niyang palagay. Bukod dito'y nag-aalinlangan din naman si
Adelina kung talagang tunay siyang iniibig ni Rizal o baka inaaliw lamang ang sarili upang
siya (si Adelina) ay maging pamalit lamang sa isang Leonor, na ang kaugnayan sa pag-ibig
ng bayani'y umabot din sa pandinig ni Adelina. Marahil ay nabulay-bulay din ni Rizal ang
mga bagay na nasabi. Bukod diya'y naisip din niya ang kanyang dakilang layon sa ibang
lupa – ang kanyang misyon sa kapakanan ng Bayang Tinubuan! Kung siya'y magkakaroon
ng isang kabiyak ng dibdib, at, samakatuwid ay ng pamilya o kaanak, hindi kaya magiging
sagabal iyan sa kanyang mga lakad at gawain? Sa kanyang sarili'y naniwala siyang naging
tumpak ang pagtanggi ni Adelina, pagkatapos na maunawaan ang paninindigan at palagay
ng dalaga.

Matapos na ituring na makatarungan ang nangyari sa kanila ni Adelina, ang bayani, noong
ika-3 ng Pebrero, 1888 ay tumulak patungong Hongkong. Doo'y kasalamuha niya ang mga
kabanalang Kastila, kabilang  na rito si Jose Maria Basa, pinagbintangan sa pagbabangon ng
Paghihimagsik sa Kabite. Upang malimot ang nakaraang pangyayari sa kanyang saglit na
pakikipagkaibigan kay Adelina'y sumama siya sa mga kabayang nabanggit nang magsidalaw
sa Makaw, isang kolonyang Portuges, at doo'y nanood sila ng mga dulang Intsik na
nakatawag ng pansin sa bayani kaya't pinag-ukulan din niya ng kaukulang panahon ng pag-
aaral.

IV. O-Sei-San

Pagkatapos ng paglakbay-bayan sa Makaw, si Rizal ay nagpasiyang dumalaw sa Hapon. Sa


loob ng isang maikling panahon ay di lamang nilibot niya ang mahahalagang panig ng
Imperyo ng Ninikat na Araw, kundi sadyang pinagsumakitan niyang mapag-aralan ang
galaw ng mga tao't ang kanilang wika, upang kung dumating ang pagkakatao'y matiyak niya
kung paano siya makikitungo. Nakarating siya sa Tokyo nang hindi sumakay sa anomang
sasakyan sanhi sa pagnanais na makita itong mabuti't mapag-aralan gaya ng ginawa niyang
pag-aaral sa mga narating na lunsod at bayan ng Europa.

Sinasabi ng ilang manunulat ng kanyang buhay na nagdamdam siya ng malabis nang makita
ang mga "coolie" na nagsisihila ng "Rickshas". Ipinalagay niya noong hindi nararapat na
magpakahirap ng gayon ang isang tao, sapagka't ang paghihila ay nauukol lamang sa
kabayo. Anopa't natawag nga ang puso niya ng isang damdaming makatao.

Nakarating din naman siya sa Nikko, Hakone, Miyonoshita . . . ang maririkit na nayon ng
Hapon, na nakatawag sa kanyang pansin sanhi sa kanilang kagandahan, pangkaraniwang
pamumuhay at kainaman ng simoy ng hangin. Nang una'y nagpatala siya sa
pinakapangunang otel sa Tokyo, datapuwa't makaraan ang ilang araw, ay nanirahan na siya
sa tahanan ng legasyong Kastila, na ang pangunang dahilan ay ang makita't masubaybayan
ang kanyang mga kilos at hakbangin.

At doon, ang itinuturing niyang bughaw na kabanata ng kanyang kabataan ay ini-alay nang
buong puso. Nakilala niya rito ang isang O-Sei-San, at nagkaroon siya ng pagkakataon at
saka masidhing pagnanais na makapagpalitan ng tibukin ng puso. Sa pagkakilala sa kanya at
sa katapatan ng kanyang pagmamahal, si O-Sei-San ay tumugon at narama ng ating bayani
ang init at walang maliw na pagmamahahal.

Sa kanyang tala-arawan, ang diwang-makata'y nagtala ng ganito:

"Nakapagpalugod sa akin ang Hapon. Ang magagandang tanawin, ang mga bulaklak,
punong-kahoy, at mga mamamayan - napakatahimik, napakamapitagan at nakasisiya -- O-
Sei-San, sayonara, sayonara! Nakagugol ako ng isang buwang mahalaga't kaayaaya; hindi
ko mabatid kung maaari pa akong magkaroon ng ganyang pagkakataon sa buong buhay ko.
Pag-ibig, salapi, nang ito'y di masasabing di madarama, sa iyo, ay ihahandog ko ang
pangwakas na kabanatang ito ng mga gunitain ng aking kabataan. Walang babaeng katulad
mo ang umibig sa akin. Walang babaeng kaparis mo ang nakagawa ng pagsasakit. Katulad
ng bulaklak ng chodji na nahulog sa tangkay, nang buo at sariwa pa, nang di man nalagas
ang mga talulot o naunsiyami --ganyan ka rin nang mahulog! Hindi naglaho ang iyong
kapurihan at ni hindi man nalanta ang mga talulot ng iyong kawalang-malay -- sayonara,
sayonara!

"Kailan man ay di ka na magbabalik pa upang mabatid na minsan pang ginunita kita at ang
iyong larawan ay nasa aking alaala; gayon man, kailan man ay aalalahanin kita -- ang iyong
pangalan ay mabubuhay sa aking mga himutok at ang iyong 1arawan ay mapapasama at
magbibigay-pakpak sa aking mga gunitain. Kailan ako magbabalik upang magparaan ng isa
pang banal na hapon gaya noon sa Templo ng Meguro? Kailan pa magbabalik ang
maliligayang oras sa iyong piling. Kailan ko matatagpuan itong lalong matimyas, lalong
mapayapa't lalong kalugod-lugod? Nasa iyo ang kasariwaan nito't samyong kariktan .... -
Ah! Huling salin ng isang dakilang angkan, matapat sa isang walang kapalarang
paghihiganti, ikaw'y kaibig-ibig katulad ng lahat ay nagwakas na! Sayonara, sayonara."

V. Ilang Buwan sa "Primrose Hill"

Buhat sa Imperyo ng Ninikat na Araw, ang ating bayani'y nagpatuloy na naman sa kanyang
paglalayag. Una muna'y sa Estados Unidos, sa mga lunsod sa baybayin ng Pasipiko, at buhat
doon ay sumakay siya sa tren at nagdaan sa Salt Lake City, Omaha, Tsikago at Albany.
Lumunsad siya sa siyudad ng New York pagkatapos na makapagpasiyal at makapagmasid sa
balitang talon ng Niagara. Hindi naglaon at nilisan niya ang New York, lulan ng "City of
Rome"

Bago magwakas ang Mayo, noon, ay nakatagpo siya ng isang mauupahang bahay - isang
tahanang malapit sa tinatawag na "Primrose Hill". Nasa dakong hilagang-kanluran ng
Londres, sa isang pook na matahimik ang kanyang natagpuan. Ito'y tinatahanan, noon, ng
isang Mr.Beckett, organista ng Simbahang San Pablo.

Sa mga gawain ni Rizal sa kapakanan ng kanyang bayan, kabilang na rito ang pagtatala't
pag-uukol ng palagay sa bantog na aklat ni Morga, ay nangyaring makapamagitan din ang
isang bagong kabanatang likha ni Kupido, o kundi man masasabing ganito, ay isang tunay
na kabanata ng pakikipagkaibigan. Nakilala niya ang isa sa mga anak na dalaga ng mga
Beckett, nang nagsusumakit ang ating bayani na makapagsalita ng wikang Ingles. Si
Gertrude (Gettie) ang laging naghahatid ng agahan sa silid niya (ni Dr. Rizal), at ang
paraang ito'y kaugalian nang sinusunod ng isang nagpapaupa sa pananahan sa Londres o sa
alin mang lunsod ng Inglaterra).

May ilang buwan ding nanahanan ang bayani sa tahanang iyon ng mga Beckett, at sa loob ng
nasabing panahon, siya't si Gettie ay nagkaunawaan at naging matimyas ang kanilang pag-
uusap at pagkakaibigan. Datapuwa't hindi ninais ni Rizal na makadurog pa siyang muli ng
isang puso ng anak ni Eba. "Hindi ko maaaring pagsamantalahan siya (si Gettie)", ang sabi
ni Dr. Rizal. "Hindi ako maaaring makipag-isang dibdib sa kanya, sapagka't may iba pang
kaugnayan ako na nakapagpapagunita sa puso sa ibabaw ng isang wagas at bugtong na pag-
ibig na maaari niyang itugon sa akin."

Upang maiwasan ang maaaring nangyari sa kanilang dalawa ni Gettie, nilisan agad ng ating
bayani ang Inglaterra upang lumipat naman sa Pransya. Si Gettie, sa kabila ng lahat, ay di
nakalimot, at sa katotohana'y sumulat pa sa kanya, datapuwa't sinadya ni Rizal na malimot
na ang babaeng iyon, bagaman at nababatid niyang siya'y (si Rizal) ay naging malupit
sapagka't iyan lamang sa palagay niya, ang kaukulang lunas sa kabutihan din nilang dalawa.

VI. Katuparan ng Pag-Ibig

Walang masasabing katuparan sa pag-ibig ni Dr. Rizal kundi ang sa kay Josephine
Leopoldine Bracken, isang marilag na dalagang lahing Irlandes, at anak-anakan ng isang
halos ay bulag nang inhenyerong Amerikano, na nagngangalang Taufer, at naninirahan sa
Hongkong.
Nang mapatapon ang ating bayani sa Dapitan (tumulak siyang patungo roon, isang tapon ng
pamahalaang Kastila noong ika-15 ng Hulyo, 1892) ay naging isa sa mga ginamot niya ang
nasabing Mr. Taufer.

May labingwalong taon noon si Josephine, maputi, bughaw ang mga mata, mapulang
mangitim-ngitim ang kanyang malago't mahabang buhok at pangkaraniwan kung manamit.
Natuklasan ni
Rizal ang dilag na ito, at, kapagdaka, ang puso niya'y tumibok nang masasal. Paano'y
naniwala siyang si Josephine ay hulog ng langit sa kanya, sa panahong yaon ng kanyang
pag-iisa.

Hindi nakapag-aral ng mataas na karunungan ang dalagang banyagang ito, datapuwa't may
likas na talino, magiliw sa pakikipag-usap at may malaking pananabik na marinig ang lahat
ng isinusulit ng bantog na okulista (ni Rizal). Sa tuwi-tuwinang sila'y magkikita ay lalong
nagiging mahalaga sa kanya ang ating bayani, at ito naman, sa tuwi-tuwinang
makakapanayam si Josephine ay lalo naman itong nagiging kaibig-ibig. Kaya't di naglaon at
sila'y nagkasundo, sa kabila ng pagtutol ni Mr. Taufer, sanhi sa kanyang pagdaramdam na
mawawalan na siya (si Mr. Taufer) ng isang tagapag-akay at isang tunay na katulong sa
kanyang buhay, matapos na maiwan siya ng kanyang kabiyak ng dibdib. Upang maiwasan
ang masamang tangka ni Mr. Taufer ay sumama na si Josephine sa kanyang ama-amahan sa
Maynila.

Kung sa bagay, nang magkasundo na ang ating bayani at si Josephine ay nagbalak agad
silang pakasal kay Padre Obach, isang pari sa Dapitan, nguni't sinabi ng kinatawan ng Diyos
sa lupa na kinailangang pa muna niyang humingi ng pahintulot sa obispo sa Sebu. Nang
lumisan si Josephine kasama ang kanyang ama-amahan sa Maynila, ay ipinayo ni Rizal sa
banal na pari na huwag na munang sumulat sa obispo hinggil sa balak na pag-iisang-dibdib.

Hindi nagbalik sa Hongkong si Josephine sapagka't nanatili sa Maynila. Nang ipagtapat nito
sa ina ni Dr. Rizal na kinakailangan pa ng pari sa Dapitan ang pagkuha ng kaukulang
pahintulot, at samakatuwid ay kinakailangan pa ang paglagda ng bayani sa isang kasulatang
maaaring mangahulugan ng paninindigan niya sa pananampalataya, nagpahayag ng paniwala
ang ina ni Dr.Rizal na hindi dapat na mangyari ang pakikipagkasundo ng manggagamot
sapagka't noon pa't itinuturing nang lider siya ng bayang Pilipino. Kaya't si Josephine at si
Dr. Rizal ay naging magkabiyak ng dibdib sa harap ng Diyos, sa harap ng lipunan ng mga
tao't ng Katalagahan.

Ang pagmamahal ni Dr. Rizal kay Josephine ay ipinakilala sa isang sulat ng ating bayani sa
kanyang ina – sulat na niyari sa Dapitan ay may petsa noong ika-14 ng Marso, 1895.

Anang liham:

"Pinakamamahal kong ina,


Ang may taglay po ng sulat na ito'y si Binibining Josephine Leopoldine Taufer, na munti ko
na pong mapanumapaang maging kabiyak ng dibdib sa harap ng isang alagad ng
pananampalataya, kung may kaukulan ninyong pahintulot. Ang amin pong pag-iisa sa
kanyang payo, ay hindi po natuloy sapagka't nagkaroon ng maraming sagabal. Siya po'y
isang ulila; at ang ama niya'y nasa malayong pook.

"Sapagka't may malaki po akong pagnanais sa kanyang kapakanan, at sapagka't malamang


na siya'y magpasiyang bumalik dito sa aking kinaroroonan sa hinaharap, at sapagka't siya
po'y maaaring mag-isa at walang sino mang tumingin, kaya't hinihingi ko sa inyong ituring
siya rin na parang tunay ninyong anak hanggang sa magkaroon po ng isang mabuting
pagkakataong makabalik siya rito. Tangkilikin ninyo sana si Bb. Josephine na isang taong
minamahalaga ko at pinakamamahal, at sadyang di ko nais na makita sa panganib o sa pag-
iisa.

"Ang inyong anak na nagmamahal,

“Jose"

Noong ika-15 ng Enero ng1896, sa isang sulat naman ni Dr. Jose RizaI sa kanyang kapatid
na si Trinidad ay ibinabalita ang kaligayahan ng ating bayani sa piling ng kanyang
kasintahan sa
Dapitan, nang si Josephine ay magpasiya nang bumalik doon.

Sa ganyang pakikisama ni Dr. Rizal, ang mapunahin, noon, ay walang pagsalang nakatagpo
ng dahilan upang ilagay sa pagsusuri ang pagsisintahan ng dalawang puso, datapuwa't hindi
nangimi ang bayani, sapagka't siya'y anak ng katotohanan, isang tunay na maka-Silangan, na
di nagpapanggap na banal, bagkus ipinakikilala pa noong siya'y isang taong may mga paang
putik, isang lalaking umiibig, at ang pag-ibig na ito'y hindi nakasalig sa pagsunod sa
hinihingi at ini-aatas ng mga tuntunin ng simbahan. Sa kanya ay sukat ang mag-ukol ng
malinis na pagmamahal sa nagmamahal sa kanya nang boong kawagasan. Tumupad nga siya
ng tugkulin sa pagiging tunay na mangingibig. Hindi maaaring siya'y makapagkunwari,
magbalat-kayo kaya o magkunwang walang batik, sapagka't sa harap ng Diyos at ng tao, ay
nababatid niyang siya'y matapat na gaya rin ng kanyang "kasalo sa ligaya't kahati sa hilahil"
sa Dapitan.

Nagkaroon ng bulaklak ang kanilang pag-ibig: isang maliit na sanggol na may walong
buwan ang isinilang ni Josephine, nguni't nabuhay lamang ng tatlong oras! Tatlong oras na
katimbang ng tatlong siglo o tatlong daang taon sa buhay at kapalaran ng isang bayang
nagbabagong-akala na't nagsisimula nang makasinag ng isang pagbubukang-liwayway.

Bukod sa kanyang tulang Huling Paalam na iniuukol niya sa bayan, ang isa sa
pinakamalungkot niyang tula ay nalikha nang ang kanyang kabiyak ng dibdib, si Josephine,
ay pahintulutan na niyang makabalik sa Hongkong. Samantalang minamasid niya sa
pamamaalam ang minamahal na lumisan, naisulat ni Dr. Rizal ang ganitong mga talata:

"Josefina, Josefinang napaligaw sa pampangin


Naming ito na ang hanap,
Isang pugad ng paggiliw,
Ikaw mandi'y golondrinang
di matiyak ang tunguhin
Kung dito nga o sa Shanghay,
Tsina't Hapong mararating,
Nguni't huwag malilimot na
sa lupang ito na rin
ay may pusong nagmamahal,
pusong tunay ang tibukin."     
               
Rizal Lifes And Works

RIZAL Lifes Home

and Works
Lifes of Rizal
Works of Rizal
Rizal sa Dapitan
About Developer

Ginawa at Sinulat ni Rizal


Narito ang ilang akda ni Dr. Jose Rizal
1. Liham sa Kababaihan ng Malolos
Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos na sinulat noog 1889, ipinahahayag ni
Jose Rizal ang kanyang papuri at paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa
pagsusulong ng karapatan sa edukasyon – isang di-karaniwang hakbang para sa maraming
kababaihan sa kanyang panahon. Ayon kay Rizal , namulat siya sa pananaw na ang
kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan. Batay sa kanya,
ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa karunungan ay patunay ng pagkamulat
sa tunay na kahulugan ng kabanalan - kabanalang nakatuon sa kabutihang-asal, malinis na
kalooban at matuwid na pag-iisip. Binibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan –
bilang dalaga at asawa – sa pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay
nito, inilalarawan niya ang katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay
pinakita ang babaing Sparta bilang huwaran ng pagiging mabuting ina. Ipinapayo ni Rizal na
gamitin ang halimbawang ito upang maitaguyod ang isang anak na marangal at
magtatanggol sa bayan. Bahagi rin ng liham ang pagpapaalala ni Rizal sa lahat na gamitin
ang isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy ang katotohanan at hindi maging alipin
ninuman. Pinupuna ang mga hindi kanais-nais na gawain ng mga prayle, gayundin ang
pagiging mulat ukol sa tunay at huwad na relihiyon. Ang payo ni Rizal ay "mulatin ang mata
ñg anak sa pag-iiñgat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa sa tinubuang bayan, at sa
pagtupad ñg ukol. Ulit-uuliting matamisin ang mapuring kamatayan sa alipustang buhay".
2. Ang katamaran ng mga Pilipino
Ang ating kinikilalang bayani ng ating baying si Jose Rizal ay may isinulat na isang
artikulong naglalaman ng kontrobersyal na pahayag laban sa mga kastila na sinisisi sa kanila
ang pagiging tamad ng mga Filipino, ang Indolence of the Filipinos. Meroong dalawang
ipinrisentang ideya si Rizal sa pagsusulat ng Indolence of the Filipinos, unang-una, ang
edukasyon o kawalan ng sapat na edukasyon, at pangalawa, ang relihiyon. Sinabi n’ya na
ang relihiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino. Panahon ng mga
Kastila nang papilla ang relihiyong katoliko. Nagturo ang mga espanyol ng bagong pananaw
o relihiyon/paniniwala sa mga tinatawag na “Indio”. Dahil rito, Sinabi ni Rizal, ang mga
Pilipino ay naging “pala-asa” sa diyos dahil tinuro ng mga kaparian na ang mga inaapi ay
pinagpapala at tanging mahihirap lamang ang nakararating ng langit. Maaring ito ay isa sa
mga istratehiya ng gobyerno/relihiyon upang tuluyang masakop ng mga Kastila ang
Pilipinas. Naging submissive tayo sa mga Espanyol sa pamamagitan, syempre, ng relihiyon.
Marami pang itinuro ang mga pari sa atin tulad na lamang ng mga dasal. Kadalasan, dahil
hawak ng kaparian o simbahan ang marami sa mga kolehiyo at Unibersidad, nagtuturo na
lamang sila ng mga dasal at nobena sa mga estudyante imbes na turuan ng mga lektura.
Naipapakita lamang rito na naging alipin tayo sa isang banyaga sa pamamagitan ng
relihiyon.

3. Noli me Tangere
Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang latin na ang ibig sabihin sa tagalog ay “
Huwag Mo Akong Salingin” na halo sa ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa
isang bulok na lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang mga unang bahagi ng “Noli Me Tangere” noong
1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.
Nang makatapos ng kanyang pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon Ipinagpatuloy ang
pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang unang bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng “Noli Me Tangere” ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa “Uncle Tom’s
Cavin” ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa
kamay ng mga panginoong puting Amerikano.
Inilarawan dito ang Iba’t-ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing
nya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Sa simula,binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang
kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya
upang maging nobela.
Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang
pagsusulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand
Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang “Noli”. Ang lahat ng ito ay
maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

4. El Filibusterismo
Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng
Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na
si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa
bansag na Gomburza o Marciano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ito ang karugtong
o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito
at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre
ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang
ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891,
sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin
Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at
mailathala ng maayos ang aklat noong Septyembre 18, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising
pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Sa introdaksyon ng nasabing nobela ay si Ferdinand Blumentritt ang nagsulat nito na
nagpapabatid na ang nobelang ito ay mas masidhi keysa sa Noli ayon sa pampulitikang mga
ideya ng nobela.

5. Ang Huling Paalam


HULING PAALAM 
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot


ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,


cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas


na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailangan


na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip


noong kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,


taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunita


maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang


akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas


sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,


sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig


ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong


sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw


ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw


tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,


Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo't pinapangulila,


ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw


ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;


kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat


at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.

Ang mga buto ko ay bago matunaw,


mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magkagayon ma'y, alintanahin


na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,


ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,


Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,


walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid


kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,


paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Sources:

http://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/01/13/katamaran-ng-nga-pilipino-ayon-kay-
rizal/
http://joserizal.nhcp.gov.ph/Writings/Other/malolos_tagalog.htm
http://rraarraappoottss.blogspot.com/2011/09/my-reaction-paper-for-el-filibusterismo.html
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/huling-paalam-ni-rizal.html

Rizal Lifes And Works


RIZAL Lifes Home
Lifes of Rizal
Works of Rizal

and Works Rizal sa Dapitan


About Developer

ANG BUHAY NI RIZAL SA DAPITAN

     Noong Hulyo 15, 1892, nakarating sa Dapitan si Rizal at ipinagkaloob siya kay Don
Ricardo Carnicero y Sanchez, ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar. At kasama ng
pagbìbigay na iyon ang isang sulat, na bukod sa mg̃a iba’t ibang bagay, ipinag-uutos sa
Gobernador na patirahin si Rizal sa kumbento roon ng mga Heswita, at kung sakali ay hindi
mangyari ito, ay doon siya patirahín sa bahay ng Gobernador. Dala din ni Rizal ang sulat ni
Padre Pablo Pastells, ang superior ng mga Heswita, para kay Padre Antonio Obach, ang
paring Heswita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay
makatira sa kumbento. Ang mga kodisyong ito ay ang sumusunod: Una, hayag na tatalikdan
at pagsisisihan ni Rizal ang kanyang mga sinabi laban sa relihiyong Katolika, at
maghahayag siya ng mga pagpapatotoong iniibig niya ang Espanya at kinalulupitan niya ang
mga kagagawang laban sa Espanya; ikalawa, na bago siya tanggapín ay gagawa muna siya
ng mga “santo ejercicio” at tsaka “confesión general,” ng kanyang dinaanang buhay; at
ikatlo, na sa haharaping panahon ay magpapakagaling ng asal, na ano pa’t siya’y maging
uliran ng iba sa pagka masintahin sa relihiyong Katolika at sa Espanya. Dahil hindi siya
pumayag sa mga nasabing kondisyon, pansamantala siya tumira sa kuwartel na
pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan.

      Noong Setyembre 21, 1891, nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng
Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang
gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa
kanyang ama at P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa
pagbili ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.

      Hindi naglaon ay tumanggap si Rizal kay Padre Pastells ng isang librong sinulat ng
presbíterong si Don Felix Sara y Salvany, at sa handog na iyo’y nagpasalamat si Rizal at
nangakong tutumbasan ito, bagay na tinupad niya noong ika-15 ng Enero ng 1893, na
nagpadala naman siya kay Padre Pastells ng isang marikit na eskulturang larawan ni San
Pablo, na canyang ginawa. Nagkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol
sa usapin ng relihiyon na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal: (1)
Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan at (2) ang sariling
pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao. Hindi nagtagumpay si Pastells na maibalik
si Rizal para sa simbahan. Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan
upang muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit, tulad ni Padre Pastells, hindi
rin ito nagtagumpay.

     Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang kanyang
mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao
na may alyas na Pablo Mercado (Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas
malaking kaso.

     Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente
ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa
kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa’t kalahating
taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya
ay nasa Dapitan, sinasadya siya ng mga pasyente mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Naging interes din ni Rizal ang mga lokal na halamang gamot.

     Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na
tubig sa bawat bahay ng Dapitan. Inumpisahan niya ang ilang proyektong pangkomunidad sa
Dapitan: (1) Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria; (2) Paglalagay ng pailaw sa
lansangan ng Dapitan at; (3) Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng
Mindanao sa plasa.

     Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa
Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan,
matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang alas 4:00
ng hapon. Ang ilan sa mga iniambag ni Rizal sa agham sa Dapitan ay ang mga sumusunod:
(1) Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng
mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa; (2) Nakapag-ipon siya ng 346
na uri ng mga kabibi at; (3) Natagpuan niya ang species ng Draco rizali, Apogonia rizali at
Rhacophorus rizali.

     Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay


natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo. Ang kahusayan sa larangan ng
sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan.
Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang (1) Paghihiganti ng
Ina, (2) ang ulo ni Padre Guericco, at (3) estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan.

     Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot
ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong
kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa
pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya. Ang
pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay
Ramon Carreon, mangangalakal na taga-Dapitan, sa negosyo ng pangingisda, koprahan at
abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang
mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa
pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod: (1) sulpukan, isang pagsindi ng sigarilyo na
gawa sa kahoy at; (2) makina sa paggawa ng bricks.

You might also like