Professional Documents
Culture Documents
| Ang matapang na pagbabalik ni Jose sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay noong Hunyo,
1892. Ito ang pangalawa niyang pagbabalik sa Pilipinas, pangalawa sa kanyang paguwi noong Agosto,
1887. Alam ni Jose na papasukin nanaman niya ang isang magulo at mapanganib na mundo ngunit
determinado siyang ang laban ay hindi na sa Espanya, kundi sa Pilipinas na mismo.
Jose: Salamat. Salamat, mga kasama, sa inyong pagpapaunlak sa pagpupulong na ito. Nais ko ring
magpasalamat sa mabuti nating kasamang si Doroteo Ongjuangco na buong pusong nagpahintulot sa
paggamit nating ng kanyang tahanan ngayon.
Alam nating lahat na ang La Liga Filipina ay bunga ng hinanakit at karaingan ng La Solidaridad at ng
Propaganda ngunit kailangan din nating malaman na ang pinakalayunin nito ay ang pagpapasaayos ng
buhay at pamumuhay ng ating mga kababayan. Naniniwala tayong sa bansag na “Unus Instar Omnium” o
“Isa, Gaya ng Lahat.” Kaya naman, lahat tayo ay magtutulungan na gaya ng iisang katawan sa ikabubuti ng
lahat.
Sa bahaging ito ay ipaliliwanag sa atin n gating kasamang si Pedro Serrano ang mga layunin ng Saligang-
Batas ng Liga.
Jose: ipaliliwanag naman sa atin ng kasamang Juan Zulueta ang mga gampanin ng bawat kasapi sa Liga.
J. Zulueta: Ang gampanin ng bawat kasapi ng Liga ay kabilang ngunit hindi lang natatapos sa pagtalima sa
Kataastaasang Konseho ng Liga, pagtuling sa pagpapalawak ng mga kasapi, pagpipitagan sa hatol ng
Kataastaasang Konseho ng Liga, pagkakaroon ng simbolikong pangalan ng hindi maaaring palitan
ninoman maliban nalang siya’y maging presidente ng kanyang koseho, pagsumbong sa awtoridad ng Liga
ng anumang may kinalaman ditto, pagkilos ng ayon saan batayan ng pagiging mabuting Pilipino at
pagtulong sa lahat ng kasapi sa anumang mga paraan.
Jose: Salamat sa pagpapaliwanag, kasamang Juan. At ngayon, bilang panghuli ay pakinggan natin ang
president ng ating Liga, ang kasamang Ambrosio Salvador!
A. Salvador: Salamat kasamang Pepe. Gusto kong ihatid ang aking pagpapasalamat sa inyong lahat sa
inyong pagtitiwala sa aking kakayahan. Ipinangangako ko na ang ating Liga ay magiging masigla at
matibay sa aking pamumuno at sa mga susunod pang panahon. Umaasa din akong gagampanan ninyo
ang lahat ng inaasahan sa inyo. Dadating ang araw na aalaalahin ng lahat ng mga Pilipino na sa taong ito,
1892, naitatag ang La Liga Filipina. Mabuhay ang Liga!
Lahat Mabuhay!
(Unang kakamay si Rizal kay Salvador, kakamay ang lahat kay Salvador at lalapitan no Bonifacio si Rizal att
magpapakilala.)
Bonifacio: ikinagagalak ko po kayong makilala Dr. Rizal! Ako nga po pala si Andres, Andres Bonifacio...
Scene 2:
| Pagkatapos ng pagpupulong ng La Liga Filipina, dumeretso si Jose kay General Despujol sa Malacanan.
Kinailangan niyang makipagkita sa General upang pagusapan ang kaso ng kanyang pamilya.
(Papasok si Jose, akmang kakamayan ang General ngunit pipigilan siya nito.)
GD: Su nombre?
Jose: Gusto ko hong kumustahin ang kaso ng aking pamilya – ng aking ama, ng aking mga kapatid.
GD: Mukhang mas magandang pagusapan nalang natin ang kinalaman mo kay Bonifacio?
GD: (Ngingiting sandali) Bueno. Napatawad na ang iyong ama, Jose, at malaki ang posibilidad na
mapatawad na rin ang iyong mga kapatid. Ang kaso mo ang problema, Jose. Malabo kang mapatawad
dahil malakas ang kaso laban sa iyo.
GD: Tiniente! –
(Kukunin ng tinienta ang mga papeles at iaabot kay General. Bago pa man niya maiabot ay sinunggaban
ni General ang mga ito.)
Jose: Wala ni isa sa mga ‘yan ang may prueba, General. Ang mga akusasyong gaya ng mga ‘yan ay
maaaring manggaling kahit kanino lang. Wala akong ki –
GD: Huwag mo nang paikut-ikutin ang ulo namin Jose! No somos idiotos!
GD: (Dahan-dahan) Ano ang kinalaman mo sa mga pagaalsa at ano ang alam mo kay Bonifacio?
Jose: Wa –
GD: Hindi kami mga tanga, Jose. (Ihahagis niya ang mga polieto sa harapan ni Rizal.) Pobres Frailes –
isang satirika laban sa simbahan at sa mga pari!
(Papalakpak si General Despujol at akmang dadalpin si Rizal ng isang guardia. Papalag siya sa unang
pagkakataon.)
GD: Nasabat ang mga polietong ‘yan sa Ate Lucia mo. Sige, kunin na ‘yan at ipatapon kay Capitan
Carcinero!
| Dinala si Jose sa isang steamer, Cebu, patungong Dapitan. Bago tumuloy ang steamer ay binasahan siya
ng hatol ni Capitan Carcinero at nakatanggap siya ng sulat mula kay Padre Pastells.
(Hawak pa rin si Rizal ng guardia habang binabasahan siya ng hatol sa kanya. May mga taong nakaupo sa
steamer.)
CC: (May isusulat sa isang papel, tatayo at babasahan si Jose.) Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda, ay ipinatatapon sa Dapitan sa kasong pag-uugat ng pagaalsa laban sa Espaniya at sa Simbahan.
Ikaw ay mananatili doon sa loob ng apat na taon sa ilalim ng aking superbisyon. Naiintindihan mo ba ang
hatol na ito sa iyo?
(Hindi sasagot si Jose. Uupo siya sa gitna ng steamer, aalis ang guardia at si CC. Darating ang isang
kartero na may dalang sulat para kay Jose.)
Padre Pastells
Compana de Jesus
Filipinas
Jose,
Magandang araw sa iyo! Sana ay natanggap mo ang liham na ito na nasa mabuti kang kalagayan. Kung
ako naman ang iyong tatanungin, ako ay mabuti naman sa awa at tulong ng Dios.
Nabalitaan ko ang pagpapatapon sa iyo sa Dapitan kaya dali-dali akong sumulat kay Padre Obach upang
ipaalam sa kanya ang iyong kalagayan at pangangailangan. Sinabi niya sa akin na maaarin kang tumira sa
kumbento ng Simbahan kung susundin mo lang ang mga payo niya sa iyo.
Una, gusto niyang bawiin mo ang lahat ng sinabi mo laban sa Iglesia Katolika at na gumawa ka ng mga
pahayag na kontra-rebolusyon. Pangalawa, gusto niyang magbalikloob ka sa Simbahan at magkumpisal.
Panghuli, gusto niya na kumilos ka ng naaayon sa mga gawi ng alipin ng Espaniya at gawi ng mga
pananampalataya.
Laging gumagabay,
Padre Pastells
Jose: Hindi! Hindi ako papayag sa mga kundisyong ito para lang makapanirahan ng walang bayad sa
kumbento kasama ng mga prayle. Hinding hindi ko babawiin ang mga nasabi ko laban sa relihiyon dahil
ang lahat ng mga iyon ay ang mga katotohanan. Aso lang ang kumakain ng sarili niyang iniluwa.
Bakit ako magbabalikloob sa Simbahan at magkukumpisal? Bakit ako magkukumpisal sa mga taong gaya
ko ay makasalanan? Maninindigan ako sa mga bagay na ipinaglalaban ko at hinding hindi ako
magpapataboy sa mga kundisyon ng sinuman.
Scene 4:
|Dahil hindi pumayag si Jose sa mga kundisyon ni Padre Obach, kinailangan niyang tumira kasama ng
kanyang warden, si Capitan Ricardo Carcinero. ‘Di naglaon ay naging magkaibigan ang dalawa.
Nagustuhan ni Capitan Carcinero ang pagiging magalang at matalino ni Jose. Nagkaroon sila ng
magaganda at malalalim na mga paguusap sa harap ng hapagkainan. Alam ni Capitan Carcinero na hindi
isang kriminal si Jose kaya naan pinayagan niya siyang maglibot sa Dapitan na wari’y malaya.
Scene 5:
Sa loob ng apat na taong pananatili ni Jose sa Dapitan ay naging produktibo ang kanyang buhay. Naging
manggagamot siya ng mga naninirahan duon, naging guro sa mga maliliit na mga bata, naging bihasa sa
agham, nagsulat ng mga tula, nagpinta ng magagandang mga obra maestro at naging negosyante. Kahit
abala si Rizal ay hindi naging hadlang ang mga gawain niya para makilala niya si Josephine Bracken.
(Nakaupo si Jose, darating si Josephine Bracken kasama ang kanyang ama. Ihahatid ni Josephine ang
kanyang amain sa receiving area ng klinika ni Jose. Bubuksan ni JB ang pinto.)
JB: You must be Dr. Rizal. I’m Josephine Bracken from Ireland.
Jose: Ireland? They say women from Ireland are beautiful. I see they’re not mistaken.
JB: Uh, yes. Dr. Jose. We’ve heard of your expertise as an eye physician even in my home town. I really
need your help.
Jose: Why, Josephine, is there a problem with those big, beautiful, blue eyes of yours? (Tititigan ng maigi
ang mga mata ni JB.)
Jose: Oh, I’m sorry. Would you mind bringing him in? (Dadalhin ni JB ang kanyang ama sa loob ng klinika
ni Jose. Susuriin sandal ni Jose ang mga mata ng ama ni JB.)
JB: We’ve already consulted doctors from other countries. They fail to give any help.
Jose: I’m afraid your father’s case is really a difficult one. If I conduct an operation on his eyes, chances
are low for us to recover his eyesight; nevertheless rest assured, I will try my best and will exhaust
everything that I can.
Jose: (Titipunin ang buhok sa likod ng tainga ni JB.) Don’t call me Dr. Jose ; just “Jose” is enough.
JB: Alright.
Jose: So, I guess you have to come back here on Wednesday so that I can have plenty of time to prepare
the necessary tool that I will use. Don’t worry about your father’s condition.
JB: Thank you, Jose. We’ll come back on Wednesday. (Pagbubuksan ni Jose ng pinto si JB at ang kanyang
ama. Uupo siya at susulat ng tula para kay Josephine na maririnig sa VOICE OVER.)
Josephine, Josephine
Jose: Josephine, you have come back? Whom are you with?
JB: I came here alone. I escaped from home them; I wanted to see you again.
Jose: It’s a good thing you came back. Ever since I saw you, I already felt strange inside me. See, (Ipakikita
sa kanya ang ginawa niyang tula) I made a poem especially for you. I think I’m in love with you,
Josephine!
JB: Yes, I know. I feel the same for you, Dr. Rizal –
Jose: (Pipigilan sa pagsasalita si JB.) Remember, I told you, not to call me Dr. Rizal. Call me “Jose,” as if
your own.
JB: What am I doing!? Am I crazy? Is it really possible – to fall in love with someone I’ve only seen a few
moments ago?
Jose: Don’t be afrain, Josephine. We share the same feelings. If it is insanity to love, then I, too, am
insane.
Jose: I will contact a priest as soon as possible! I will marry you now! Today!
(Iiwan ni Jose si JB sa kaniyang klinika, kukunin si Padre Obach at ipakikita sa kanya si Josephine. Papasok
si Jose at Padre Obach.)
Jose: Padre, nagmamahalan kami. Hindi ba’t yun naman ang mahalaga sa isang kasal? Ang pagmamahal?
PO: Pagmamahal? Nababaliw ka na, Jose! (Nanggigigil) Kakikilala mo palang sinasabi mo na ‘yan na
wari’y ilang taon mo na siyang kasama! Isa pa, Jose, hindi ko kayo pwedeng ikasal ng basta-basta.
Kailangan ko pang sumulat sa Obispo ng Cebu. Siguradong hindi rin siya papayag kung malalaman niya
ang bagay na ito!
Jose: No, darling. Please wait. I and father Obach are discussing some matters. (Babalik kay Padre
Obach.) Padre, wala akong nakikitang mali sa pagmamahalan naming!
PO: Jose, wala na akong maitutulong pa sa iyo. Kung malalaman ito ng iyong ina, tiyak na magiging
kahihiyan niya ang inyong kasal at magiging kahihiyan ng simbahan kung papayagan ko kaya. Pasensiya
na. (Lalabas na si PO. Hahabol si Jose.)
Jose: Padre!
Jose: He told me that our wedding could be a problem. Don’t worry, Josephine. Weddings are not
important! What’s important is that we love each other.
Jose: I love you too, Josephine. Today, I promise to you, in the presence of God, that we are husband and
wife.
TELON
Scene 6:
|Naging maganda ang pagsasama ni Jose at ni Josephine kahit na hindi sila kasal ng simbahan. Naging
masipag si Josephine sa pagtulong sa kanyang asawa at matiya niyang pinagaaralan ang wika ni Jose,
Filipino. Nagdalang-tao si Josephine ngunit sa kasamaang palad ay hindi nabuhay ang bata.
(Ipapakitang buntis si Josephine at nagaayos sa bahay. Nadaring ang isa sa mga kapitbahay ni Jose na
nagkukumahog. Dalaldala naman ng dalawa pang iba si Josephine.)
Jose: Kalma lang ho, Aling Bebang. Pumutok na bang panubigan niya?
Jose: Just calm down, Josephine. Just calm down. (Ihihiga si JB sa isang papag.) Breath in, breath out!
Just follow me: breath in, breath out. Come on!
(Magpapatuloy sa paghingal at pagiri at pagiyak si Josephine habang pinupunansan ni Aling Bebang ang
ulo ni Jose at iniaabot kay Jose ng iba pang dalawa ang mga kagamitan. Pagkatapos ng ilang sandal…)
Scene 7
|Nang gabing iyon ay inilibing ni Jose ang kanyang siyam-na-buwang anak sa isang kakahuyan sa Dapitan.
Pinangalanan niya itong Francisco bilang pagalaala sa kanyang amang si Don Francisco. Labis na
naghinagpis si Jose sa pangyayaring ito sa kanyang buhay. Mabuti nalang at nandoon ang mga kaibigan at
kapitbahay niya sa Dapitan upang makiramay sa kanyang pangungulila.
|Noong Hulyo 31, 1897 natapos ang pagpapatapon kay Jose. Apat na taon din siyang nanatili sa Dapitan.
Labis ang lungkot at pangungulilang naramdaman ng mga naninirahan duon nang umalis si Jose.
Nawalan sila ng isang pangulo, ng isang manananggol at ng isang kaibigan. Nagpaalam kay Jose lahat ng
mga mamamayan ng Dapitan at untiunti silang lumuha habang untiunting lumalayo ang Espaniya, ang
steamer na sinakyan ni Jose papuntang Maynila.
Scene 8
|Nang nasa Maynila na si Jose ay marami siyang nalaman na lubhang bumagabag sa kanya.
Jose: Mukhang nahuhuli na ako sa mga pangyayari dito. Maaari mo bang ikuwento sa akin?
Kb: Nalaman ng ga prayle ang planong pagpapatapon ng mga miembro ng Katipunan sa pamamahala ng
Espaniya dito sa Pilipinas. Dahil don ay naguguluihanan na ang mga mga Kastilang opisyal.
Kb: Pumutok na ang mga paghihimagsikan sa iba’t ibang mga probinsiya gaya ng Bulacan, Cavite,
Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
J: Tumakas ka na, Jose, tutulungan ka naming makatakas sa ilalim ng pamumuno ni Bonifacio. Nais nyang
sumapi ka sa amin.
Jose: revolusyon? Hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Nalulungkot akong malaman ‘yan, kaibigan. Sapagkat
Hindi magagamot ng sama ang is a pang kasamaan.
Ej: nalulungkot? Hindi ba’t dapat kang matuwa at nagsisimula nang kumilos ang mga Pilipino upang
bawiin an gating kalayaan?
Jose, walang magagawa ang ganyang klaseng prinsipyo. Puputulin ng mga Kastila ang ulo mo. Kung gusto
mong mabuhay nang mas mahaba At mas maligtas ang ating mga kababayan, tumakas ka nalang at
manahimik sa isang tagong lugar kasama naming mga katipunero
Jose: Huwag mong isipin na hindi ko nais ang kalayaan. Ibon mang may laying lumipad, kulungin mo at
iiyak. Ngunit sa tingin ko’y hindi pa tayo handa. Ano ang laban ng sumpit at bolo sa malalakas na mga
armas ng mga kastila? Dadanak lang ang dugo at madadamay ang mga inosenteng mga Pilipino at mga
Kastila.
Scene 9
|Ala sais ng hapon, noon Setyembre dos, mil nueve cientos nuventa y sais, inilipat si Jose sa steamer na
Isla de Panay mula sa Castilla. Nakasama niya sa steamer na iyon si Don Pedro Roxas, isang mayamang
taga-Maynila. Nakarinig siya ng babala mula sa mga kapwa niyang Pilipinong nakasakay sa steamer na
iyon.
(. Magbabasa siya ng diaryo sa steamer at biglang darating ang mga tropa ng mga Kastila na aaresto sa
kanya.)
TK1: Eres Jose Protacio Rizal Mercado? (Titingin lang si Jose at hindi magsasalita.) Eres Jose Protacio Rizal
Mercado!?
TK2: Inaaresto ka namin, gamit ang awtoridad na ipinagkaloob sa amin ni Gobernador General Ramon
Blanco.
|Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steamer, Colon. Punong-punong ng mga sundalo at mga
opisyal ang steamer. Ang hulinh paguwi ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na iyon na
ang pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay niya ang maging kabayaran.
(Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang mananaggol – Si Luis Taviel de
Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya laban sa kanya ni Juez Francisco Olive.)
Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling araw ng iyong paglilitis sa kasong
panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang
mga ebidensiya laban sa iyo. (Papalo)
Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksyon sa
kampanya para sa reporma sa Espanya.
2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga
tao upang maghimagsik.
3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na ay kinalaman ka sa Propaganda
sa Espaniya.
5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong
magpapalaya sa Pilipinas.
3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino.
4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga pinatatapon ng gobyerno.
5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng espesiyal
na organisasyon.
6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang
kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”
7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaas, “Mabuhay si Jose Rizal!
Kamatayan sa mga manlulupig!”
8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan.
(Papalo nanaman ang Juez.)
Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan ng pagkakaton ang iyong
mananaggol na iprisenta ang inyong hulingdepensa. (Papalo.)
Luis: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal – Jose Protacio Rizal Mercado y
Alonso Realando.
Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi mabilang na rebelyon. Siya rin ay
naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan.
Ano ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi o paglaban sa
Espaniya? Nagsdeklara ba siya sa madla ng paghihiwalang ng sarili niya sa rehimen ng Espaniya.
Idineklara ba niya, sa harap ng Simbahan at ng Espaniya, na lumalaban siya sa kapangyarihan ng mga ito?
Hindi. Kaya naman ipinapanalngin ko sa harapan ng kagalang-galang na korteng ito na bigyan ang ng
kapatawaran sa kung ano mang pagkakamaling nagawa niya.
Juez: Gracias, Abogado Luis Taviel de Andrade. Ngayon naman ay binibigyan ng pagkakataon ang
nasasakdal upang magbigay ng panghuli niyang depensa.
Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa boong pananatili ko ay wala akong
ibang iniisip kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang
pananatili ko sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo ang pananatili ko doon. Nalaman no sa
pamamagitan ng sulat sa aking ng aking kaibigan si Ferdinand Blumentritt, na kailangan ng espanya ng
isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng digmaan. Dalidali akong sumulat sa
Gobernador General para iaabot ang makakayao ngunit ito ang nakuha kong kapalit.
Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko sa Dapitan at ginamit ang aking
pagkawala para idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang, mga
kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan – minahal ko ang sarili
kong bayan.
Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay napatunayang nagkasala sa harap ng korteng ito
dahil sa iyong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Ikaw ay pinapatawan ng kamatayan. (Papalo
ang Juez.)