Professional Documents
Culture Documents
dela Peña
Scene 1:
| Ang matapang na pagbabalik ni Jose sa Pilipinas mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay noong Hunyo,
1892. Ito ang pangalawa niyang pagbabalik sa Pilipinas, pangalawa sa kanyang paguwi noong Agosto,
1887. Alam ni Jose na papasukin nanaman niya ang isang magulo at mapanganib na mundo ngunit
determinado siyang ang laban ay hindi na sa Espanya, kundi sa Pilipinas na mismo.
Jose: Salamat. Salamat, mga kasama, sa inyong pagpapaunlak sa pagpupulong na ito. Nais ko ring
magpasalamat sa mabuti nating kasamang si Doroteo Ongjuangco na buong pusong nagpahintulot sa
paggamit nating ng kanyang tahanan ngayon.
Alam nating lahat na ang La Liga Filipina ay bunga ng hinanakit at karaingan ng La Solidaridad at ng
Propaganda ngunit kailangan din nating malaman na ang pinakalayunin nito ay ang pagpapasaayos ng
buhay at pamumuhay ng ating mga kababayan. Naniniwala tayong sa bansag na “Unus Instar Omnium” o
“Isa, Gaya ng Lahat.” Kaya naman, lahat tayo ay magtutulungan na gaya ng iisang katawan sa ikabubuti ng
lahat.
Sa bahaging ito ay ipaliliwanag sa atin n gating kasamang si Pedro Serrano ang mga layunin ng Saligang-
Batas ng Liga.
Mariano Crisostomo: Paano naman nating matutustusan ang bawat gusto at bawat pangangailangan ng
Liga at ng mga kasapi nito?
Jose: Magandang tanong ‘yan. Kailangan nating malaman na ang bawat miembro ay magbabayad ng
dalawampiso sa kanilang paganib sa liga at dalawang sentimong ambag sa bawat buwan.
(Maguusap sa kanilang sarili ang mga kasapi at tila aayon ang lahat. Biglang tatayo at magsasalita si
Estanislao Legaspi.)
E. Legaspi: Maganda ‘yan! Hindi kakayaning magpatuloy ng anumang samahan kung walang
paghuhugutan ng mga pangangailangan nito at ng mga kasapi.
F. Villaruel: Kung kaya nga nating magbayad ng limpak-limpak ng salapi para sa buwis ng mga bangus,
kaya din natin para sa kapwa natin mga Pilipino.
J. Zulueta: Ang gampanin ng bawat kasapi ng Liga ay kabilang ngunit hindi lang natatapos sa pagtalima sa
Kataastaasang Konseho ng Liga, pagtuling sa pagpapalawak ng mga kasapi, pagpipitagan sa hatol ng
Kataastaasang Konseho ng Liga, pagkakaroon ng simbolikong pangalan ng hindi maaaring palitan
ninoman maliban nalang siya’y maging presidente ng kanyang koseho, pagsumbong sa awtoridad ng Liga
ng anumang may kinalaman ditto, pagkilos ng ayon saan batayan ng pagiging mabuting Pilipino at
pagtulong sa lahat ng kasapi sa anumang mga paraan.
Jose: Salamat sa pagpapaliwanag, kasamang Juan. At ngayon, bilang panghuli ay pakinggan natin ang
president n gating Liga, ang kasamang Ambrosio Salvador!
A. Salvador: Salamat kasamang Pepe. Gusto kong ihatid ang aking pagpapasalamat sa inyong lahat sa
inyong pagtitiwala sa aking kakayahan. Ipinangangako ko na ang ating Liga ay magiging masigla at
matibay sa aking pamumuno at sa mga susunod pang panahon. Umaasa din akong gagampanan ninyo
ang lahat ng inaasahan sa inyo. Dadating ang araw na aalaalahin ng lahat ng mga Pilipino na sa taong ito,
1892, naitatag ang La Liga Filipina. Mabuhay ang Liga!
Lahat Mabuhay!
(Unang kakamay si Rizal kay Salvador, kakamay ang lahat kay Salvador at aalis na si Jose.)
TELON
Scene 2:
| Pagkatapos ng pagpupulong ng La Liga Filipina, dumeretso si Jose kay General Despujol sa Malacanan.
Kinailangan niyang makipagkita sa General upang pagusapan ang kaso ng kanyang pamilya.
(Papasok si Jose, akmang kakamayan ang General ngunit pipigilan siya nito.)
GD: Su nombre?
Jose: Gusto ko hong kumustahin ang kaso ng aking pamilya – ng aking ama, ng aking mga kapatid.
GD: Mukhang mas magandang pagusapan nalang natin ang kinalaman mo kay Bonifacio?
GD: (Ngingiting sandali) Bueno. Napatawad na ang iyong ama, Jose, at malaki ang posibilidad na
mapatawad na rin ang iyong mga kapatid. Ang kaso mo ang problema, Jose. Malabo kang mapatawad
dahil malakas ang kaso laban sa iyo.
GD: Tiniente! –
(Kukunin ng tinienta ang mga papeles at iaabot kay General. Bago pa man niya maiabot ay sinunggaban
ni General ang mga ito.)
GD: (Tatayo at lilibot habang nagbabasa) Ayon sa kaso mo, Jose, sumulat ka ng mga libro at mga polieto
na laban sa Espaniya at laban sa Simbahan, isinulat mo ang El Filibusterismo bilang pagaalaala sa tatlong
traydor na mga pari – Gomez, Burgos at Zamora at ang layunin mo sa pagsusulat ay para sirain ang
Kabanalbanalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.
Jose: Wala ni isa sa mga ‘yan ang may prueba, General. Ang mga akusasyong gaya ng mga ‘yan ay
maaaring manggaling kahit kanino lang. Wala akong ki –
GD: Huwag mo nang paikut-ikutin ang ulo naming Jose! No somos idiotos!
GD: (Dahan-dahan) Ano ang kinalaman mo sa mga pagaalsa at ano ang alam mo kay Bonifacio?
Jose: Wa –
GD: Hindi kami mga tanga, Jose. (Ihahagis niya ang mga polieto sa harapan ni Rizal.) Pobres Frailes –
isang satirika laban sa simbahan at sa mga pari!
(Papalakpak si General Despujol at akmang dadalpin si Rizal ng isang guardia. Papalag siya sa unang
pagkakataon.)
GD: Nasabat ang mga polietong ‘yan sa Ate Lucia mo. Sige, kunin na ‘yan at ipatapon kay Capitan
Carcinero!
TELON
Scene 3: STEAMER
| Dinala si Jose sa isang steamer, Cebu, patungong Dapitan. Bago tumuloy ang steamer ay binasahan siya
ng hatol ni Capitan Carcinero at nakatanggap siya ng sulat mula kay Padre Pastells.
(Hawak pa rin si Rizal ng guardia habang binabasahan siya ng hatol sa kanya. May mga taong nakaupo sa
steamer.)
CC: (May isusulat sa isang papel, tatayo at babasahan si Jose.) Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda, ay ipinatatapon sa Dapitan sa kasong panguupat ng pagaalsa laban sa Espaniya at sa
Simbahan. Ikaw ay mananatili doon sa loob ng apat na taon sa ilalim ng aking superbisyon. Naiintindihan
mo ba ang hatol na ito sa iyo?
(Hindi sasagot si Jose. Uupo siya sa gitna ng steamer, aalis ang guardia at si CC. Darating ang isang
kartero na may dalang sulat para kay Jose.)
Jose: Akin nga iyan. (May ipapipirma ang kartero. Bubuksan ni Jose ang sulat at babasahin ito. Iparirinig
sa voice over ang nilalaman ng sulat.)
Padre Pastells
Compana de Jesus
Filipinas
Jose,
Magandang araw sa iyo! Sana ay natanggap mo ang liham na ito na nasa mabuti kang kalagayan. Kung
ako naman ang iyong tatanungin, ako ay mabuti naman sa awa at tulong ng Dios.
Nabalitaan ko ang pagpapatapon sa iyo sa Dapitan kaya dali-dali akong sumulat kay Padre Obach upang
ipaalam sa kanya ang iyong kalagayan at pangangailangan. Sinabi niya sa akin na maaarin kang tumira sa
kumbento ng Simbahan kung susundin mo lang ang mga payo niya sa iyo.
Una, gusto niyang bawiin mo ang lahat ng sinabi mo laban sa Iglesia Katolika at na gumawa ka ng mga
pahayag na kontra-rebolusyon. Pangalawa, gusto niyang magbalikloob ka sa Simbahan at magkumpisal.
Panghuli, gusto niya na kumilos ka ng naaayon sa mga gawi ng alipin ng Espaniya at gawi ng mga
pananampalataya.
Laging gumagabay,
Padre Pastells
Jose: Hindi! Hindi ako papaya sa mga kundisyong ito para lang makapanirahan ng walang bayad sa
kumbento kasama ng mga prayle. Hinding hindi ko babawiin ang mga nasabi ko laban sa relihiyon dahil
ang lahat ng mga iyon ay tama. Aso lang ang kumakain ng sarili niyong iniluwa.
Bakit ako magbabalikloob sa Simbahan at magkukumpisal? Bakit ako magkukumpisal sa mga taong gaya
ko ay makasalanan? Maninindigan ako sa mga bagay na ipinaglalaban ko at hinding hindi ako
magpapataboy sa mga kundisyon ng sinuman.
TELON
Scene 4:
|Dahil hindi pumayag si Jose sa mga kundisyon ni Padre Obach, kinailangan niyang tumira kasama ng
kanyang warden, si Capitan Ricardo Carcinero. ‘Di naglaon ay naging magkaibigan ang dalawa.
Nagustuhan ni Capitan Carcinero ang pagiging magalang at matalino ni Jose. Nagkaroon sila ng
magaganda at malalalim na mga paguusap sa harap ng hapagkainan. Alam ni Capitan Carcinero na hindi
isang kriminal si Jose kaya naan pinayagan niya siyang maglibot sa Dapitan na wari’y malaya.
(Nasa loob ng bahay si Jose. Isaisang darating ang tatlo niyang mga bisita – si Francisco na magbabalita sa
kanya ng napanalunan niya sa bolahan, si Padre Sanchez na makikipagtalo sa kanya tungkol sa relihiyon
at si Pablo Mercado na espiyang ipinadala para manmanan siya. Kakatok si Francisco.)
Francisco: Tama ka diyan! Kaya maghahati tayong tatlo at makakukuha tayo ng tig-sais mil dos cientos!
Jose: Una, magbibigay ako ng dalawang-libong piso sa aking ama. Tapos, Dalawandaan naman ang
ibibigay ko sa kaibigan kong si Basa na nasa Hong Kong –
Jose: -- Ang iba naman ay ikakapital ko sa agrikiltura, isang munting paaralan at negosyo dito sa Dapitan!
Francisco: Oh, siya, Jose! Aalis na muna ako. Bukas idadaan ko dito ang bahagi mo sa bolahan!
Jose: Huwag mong kalilimutan Francisco ha? Bukas! Sige! (Bubulong sa sarili) Swerte nga naman oo.
(Pagupo ni Jose ay may kakatok nanaman sa pinto. Aakalain niyang si Francisco. Yun pala ay si Padre
Sanchez)
Jose: Padre Sanchez! Kumusta na kayo? Tuloy kayo! Buti naman at may panahon kayong dalawin ako
dito?
FS: Lagi akong may panahon para sa’yo Jose. Nabalitaan ko sa labas na tumama ka raw sa higit anim na
libo sa bolaha?
FS: Alam ko namang magaling kang magmeneho ng pera. Huwag mong iisiping hihingi ako ng balato kaya
ako naparito ah? (Tatawa ang dalawa.)
Jose: Susubukan kong palaguan ang perang makukuha ko habang nandito ako sa Dapitan.
FS: Maganda ‘yan, Jose. Siya nga pala. Gusto ko nang puntuhin ang ipinunta ko dito. Sandali lang din
ako’t di ako pwedeng magtagal.
FS: Bakit hindi, Jose? Isa ang pangungumpisal sa mga tungkulin mo sa Dios.
Jose: Sa Dios o sa tao? Bakit ko nga ba kailangan mangumpisal? Bakit ko kailangang humingi ng tawad sa
mga taong gaya ko ay makasalanan din? Sa Dios ako nagkukumpisal, Padre.
FS: Hindi naman bababa ang Dios dito sa lupa para pagkumpisalin ka, Jose. Kaya nga siya nagpapadala ng
mga kasangkapan niya.
Jose: Para saan pa ang panalangin, Padre? Alam nating dalawa na ang panalangin ang nagiisang
komunikasyon natin sa Dios. Hindi ko kailangan ng anumang ritual para mapalapit sa Kanya.
FS: (Nanlulumo) Huwag mong sabihin ‘yan, Jose. Alam kong marami kang mapait na karanasan sa
Simbahan pero hindi ‘yan dahilan para lumaban ka sa Santa Iglesia. Nasa Simbahan ang kaligtasan, Jose;
huwag mong kalilimutan ‘yan. (Hindi sasagot si Jose.)
Oh, siya, Jose. Tutuloy na rin ako. Hinihiling ko sa Dios na nawa’y basbasan niya ang isip mo bago pa
mahuli ang lahat.
Jose: Salamat sa dalaw mo, Padre. (Ihahatid ang pari sa pintuan.) Hanggang sa huling pagkikita!
(Babalik si Jose sa kanyang pagkaupo si Jose at susulat kay Blumentritt. Wari’y magsusulat si Jose at
maririnig sa VOICE OVER ang isinusilat niya.)
Dear Blumentritt;
My friend,
I shall tell you how we live here. I have three houses, where I live with my mother, my sister Trinidad, my
nephew and my students. One of the three houses is for my chickens. I have many farm animals, many
fruit trees and many vegetables. I actually have a small boat in which to ride to kill time. I wake up very
early in the morning to prepare food and prepare things I need for the day.
I hope that you come here and see how idyllic life is in Dapitan.
Your friend,
Jose Rizal
Jose: Sandali lang!(Bubuksan ang pinto at makikita ang hindi pamilyar na mukha – Pablo Mercado.)
PM: Ah! Pasensiya na kung nakaabala ako sa iyo. Ako si Pablo Mercado; kamag-anak mo ako!
Jose: Ah, halika tuloy ka. Pagpasensiyahan mo na ang hamak ko tirahan. Anu uli kamo? Kamag-anak kita?
PM: Ah, oo. Hindi mo na siguro ako maalala. Ako si Pablo Mercado. Heto, isang butones na may markang
PM, ako ‘yan – Pablo Mercado at heto nga pala ang isang retrato mo.
Jose: Nakatutuwa namang may kopya ka ng retrato kong ito. Pasensiya ka na ano pero hindi talaga kita
maalala. Ipaalala mo nga ulit sa akin kung paano kita naging kamag-anak?
PM: Naku! Mahabang kuwento ‘yan, Jose! Aabutin tayo ng siyam-siyam! Siya nga pala. Hirap na hirap
akong hanapin ka. Naipatapon ka raw dito?
Jose: Ah, oo. Mukhang kailangan kong manatili ng ilang taon dito. Sulat lang ang tangi kong
komunikasyon sa Maynila.
PM: Nakalulungkot namang malaman iyan, Jose. Sa tingin mo’y may maitutulong ako sa iyo?
Jose: Wala naman sa ngayon pero huwag kang magalala, sasabihin ko sa’yo kung sakaling kailanganin ko
ng tulong mo.
PM: Ah, may naisip ako! Anu kaya’t ako nalang ang maghatid ng mga sulat mo papuntang Maynila? Isang
munting tulong ko nalang sa matagal ko nang hindi nakitang kamag-anak?
Jose: Magandang ideya ‘yan pero mukhang mas magandang ang mga kartero nalang ang gumawa ng
paghahatid ng sulat. Alam naman nating bihasa sila sa mga ganung gawain.
PM: Ah, oo naman, siyempre. Naku, maggagabi na pala. Salamat sa oras mo, Jose. Baka tutuloy na rin
ako.
Jose: Aalis ka na? Gagabihin ka na sa daan. Mahirap mangapa sa dilim. Mas mabuti pa’y dito ka na
magpalipas ng gabi. Bukas ka nalang ng magang-maga tumuloy.
Scene 5:
|Nakaramdam na ng hindi maganda si Jose sa taong nagpakilala sa kanya bilang Pablo Mercado. Di
naglaon ay nalaman niyang siya pala si Florencio Namanan, isang espiya ng mga prayle na nagbabalak
makakalap ng mga ebidensiyang magpapadiin kay Jose. Sa loob ng apat na taong pananatili ni Jose sa
Dapitan ay naging produktibo ang kanyang buhay. Naging manggagamot siya ng mga naninirahan duon,
naging guro sa mga maliliit na mga bata, naging bihasa sa agham, nagsulat ng mga tula, nagpinta ng
magagandang mga obra maestro at naging negosyante. Kahit abala si Rizal ay hindi naging hadlang ang
mga gawain niya para makilala niya si Josephine Bracken.
(Nakaupo si Jose, darating si Josephine Bracken kasama ang kanyang ama. Ihahatid ni Josephine ang
kanyang amain sa receiving area ng klinika ni Jose. Bubuksan ni JB ang pinto.)
JB: You must be Dr. Rizal. I’m Josephine Bracken from Ireland.
Jose: Ireland? They say women from Ireland are beautiful. I see they’re not mistaken.
Jose: I think it would be more fitting if you call me Jose. People call me by that name.
JB: Uh, yes. Dr. Jose. We’ve heard of your expertise as an eye physician even in my home town. I really
need your help.
Jose: Why, Josephine, is there a problem with those big, beautiful, blue eyes of yours? (Hahawakan ang
mga mata ni JB.)
Jose: Oh, I’m sorry. Would you mind bringing him in? (Dadalhin ni JB ang kanyang ama sa loob ng klinika
ni Jose. Susuriin sandal ni Jose ang mga mata ng ama ni JB.)
JB: We’ve already consulted doctors from other countries. They fail to give any help.
Jose: I’m afraid your father’s case is really a difficult one. If I conduct an operation on his eyes, chances
are low for us to recover his eyesight; nevertheless and rest assured, I will try my best and will exhaust
everything that I can.
Jose: (Titipunin ang buhok sa likod ng tainga ni JB.) Don’t call me Dr. Jose ; just “Jose” is enough.
JB: Alright.
Jose: So, I guess you have to come back here on Wednesday so that I can have plenty of time to prepare
the necessary tool that I will use. Don’t worry about your father’s condition.
JB: Thank you, Jose. We’ll come back on Wednesday. (Pagbubuksan ni Jose ng pinto si JB at ang kanyang
ama. Uupo siya at susulat ng tula para kay Josephine na maririnig sa VOICE OVER.)
Josephine, Josephine
Jose: Josephine, you have come back? Whom are you with?
JB: I came here alone. I escaped from home them; I wanted to see you again.
Jose: It’s a good thing you came back. Ever since I saw you, I already felt strange inside me. See, (Ipakikita
sa kanya ang ginawa niyang tula) I made a poem especially for you. I think I’m in love with you,
Josephine!
JB: Yes, I know. I feel the same for you, Dr. Rizal –
Jose: (Pipigilan sa pagsasalita si JB.) Remember, I told you, not to call me Dr. Rizal. Call me “Jose,” as if
your own.
(Biglang makararamdam ng pagsisisi si JB. Tatayo at lalayo kay Jose.)
JB: What am I doing!? Am I crazy? Is it really possible – to fall in love with someone I’ve only seen a few
moments ago?
Jose: Don’t be afrain, Josephine. We share the same feelings. If it is insanity to love, then I, too, am
insane.
Jose: I will contact a priest as soon as possible! I will marry you now! Today!
(Iiwan ni Jose si JB sa kaniyang klinika, kukunin si Padre Obach at ipakikita sa kanya si Josephine. Papasok
si Jose at Padre Obach.)
Jose: Padre, nagmamahalan kami. Hindi ba’t yun naman ang mahalaga sa isang kasal? Ang pagmamahal?
PO: Pagmamahal? Nababaliw ka na, Jose! (Nanggigigil) Kakikilala mo palang sinasabi mo na ‘yan na
wari’y ilang taon mo na siyang kasama! Isa pa, Jose, hindi ko kayo pwedeng ikasal ng basta-basta.
Kailangan ko pang sumulat sa Obispo ng Cebu. Siguradong hindi rin siya papayag kung malalaman niya
ang bagay na ito!
Jose: No, darling. Please wait. I and father Obach are discussing some matters. (Babalik kay Padre
Obach.) Padre, wala akong nakikitang mali sa pagmamahalan naming!
PO: Jose, wala na akong maitutulong pa sa iyo. Kung malalaman ito ng iyong ina, tiyak na magiging
kahihiyan niya ang inyong kasal at magiging kahihiyan ng simbahan kung papayagan ko kaya. Pasensiya
na. (Lalabas na si PO. Hahabol si Jose.)
Jose: Padre!
Jose: He told me that our wedding could be a problem. Don’t worry, Josephine. Weddings are not
important! What’s important is that we love each other.
Jose: I love you too, Josephine. Today, I promise to you, in the presence of God, that we are husband and
wife.
TELON
Scene 6:
|Naging maganda ang pagsasama ni Jose at ni Josephine kahit na hindi sila kasal ng simbahan. Naging
masipag si Josephine sa pagtulong sa kanyang asawa at matiya niyang pinagaaralan ang wika ni Jose,
Filipino. Nagdalang-tao si Josephine ngunit sa kasamaang palad ay hindi nabuhay ang bata.
(Ipapakitang buntis si Josephine at nagaayos sa bahay. Nadaring ang isa sa mga kapitbahay ni Jose na
nagkukumahog. Dalaldala naman ng dalawa pang iba si Josephine.)
Jose: Kalma lang ho, Aling Bebang. Pumutok na bang panubigan niya?
Jose: Just calm down, Josephine. Just calm down. (Ihihiga si JB sa isang papag.) Breath in, breath out!
Just follow me: breath in, breath out. Come on!
(Magpapatuloy sa paghingal at pagiri at pagiyak si Josephine habang pinupunansan ni Aling Bebang ang
ulo ni Jose at iniaabot kay Jose ng iba pang dalawa ang mga kagamitan. Pagkatapos ng ilang sandal…)
Aling Bebang: Jose, patay ang bata. Paano mo sasabihin kay Josephine?
Jose: Huwag muna nating sasabihin sa kanya, Aling Bebang. Hayaan nalang muna nating
makapagpahinga ang isip at katawan niya.
Aling Bebang: Tama ka diyan. Hindi rin magandang sabihin sa kanya agad at baka mabigla siya.
Jose: (Tatango si Jose.) Aling Bebang, maghanda ka ng ataol na gawa sa makikinis na kahoy. Maliit lang.
Ililibing ko ngayong gabi ang bata.
TELON
Scene 7
|Nang gabing iyon ay inilibing ni Jose ang kanyang siyam-na-buwang anak sa isang kakahuyan sa Dapitan.
Pinangalanan niya itong Francisco bilang pagalaala sa kanyang amang si Don Francisco. Labis na
naghinagpis si Jose sa pangyayaring ito sa kanyang buhay. Mabuti nalang at nandoon ang mga kaibigan at
kapitbahay niya sa Dapitan upang makiramay sa kanyang pangungulila.
(Unang makikita si Jose na nakatayo kasama ang ilang mga tao. Nakaupo naman si JB. Nakikiramay sila at
nagpapaalam nang aalis.)
Tao1: Nakikiramay kami sa nangyari sa iyong anak, Jose. Inaasan din naming magkakaroon ka na ng anak.
Tao2: Kung nabuhay siguro si Francisco ay magiging kasing galing niya ang kanyang ama.
Tao3: Oo, at malamang ay magiging manananggol din siya n gating Inang Bayan.
(Papasok ang isang kaibigan ni Jose dala ang balitang pumayag na si Governor Blanco sa pagtulong niya
sa Cuba.)
Kaibigan: Isang sulat galing kay Governador Blanco, Jose. Mukhang papayagan ka na sa pagtulong mo sa
labanan sa Cuba.
Jose: Nakapagtataka naman. (Binubuksan ang sulat.) Matagal ko nang ipinadala ang sulat ko sa kanila.
Ngayong lang darating ito. (Babasahing sandal.)
Jose: Sulat nga mula sa Gobernador. Pinapayagan na akong tumulong sa labanan sa Cuba pero hinihiling
sa aking dumaan muna sa Maynila para mapagbilinan ako sa pagpunta ko sa Espaniya.
Kaibigan: Maganda ‘yan, Jose! Nakatutuwa namang isipin na pinagyagan ka ng Gobernador sa iyong
kahilingan.
Jose: Tama ka pero kailangan kong iwanan ang Dapitan. Napamahal na ako dito, kasama.
Kaibigan: Salamat sa tulong mo dito sa Dapitan, Jose. Marami kang nagawang proyekto dito at dahil sa
mga ‘yun ay umunlad ang buhay at pamumuhay naming rito. Salamat din sa pagtuturo mo sa mga
kabataan dito; mula ngayon ay may maiiwan kang marurunong sa bayan na ito.
Jose: Walang anuman ‘yun kaibigan. Itinuring ko naring sarili kong tahanan itong Dapita. Sa apat na
taong pananatili ko dito ay naramdaman ko ang pagkalingan naramdaman ko sa Calamba.
TELON
|Noong Hulyo 31, 1897 natapos ang pagpapatapon kay Jose. Apat na taon din siyang nanatili sa Dapitan.
Labis ang lungkot at pangungulilang naramdaman ng mga naninirahan duon nang umalis si Jose.
Nawalan sila ng isang pangulo, ng isang manananggol at ng isang kaibigan. Nagpaalam kay Jose lahat ng
mga mamamayan ng Dapitan at untiunti silang lumuha habang untiunting lumalayo ang Espaniya, ang
steamer na sinakyan ni Jose papuntang Maynila.
Scene 8
|Nang nasa Maynila na si Jose ay marami siyang nalaman na lubhang bumagabag sa kanya.
Jose: Tama ka diyan, kaibigan! Sasakay sana ako sa Isla de Luzon ngunit nahuli ako dahil nakaalis na pala
ito kahapon ng alas singko.
Jose: Tama at hindi na magtatagal at darating na ang Castilla, dun ako sasakay.
Jose: -- Salamat –
Jose: Mukhang nahuhuli na ako sa mga pangyayari dito. Maaari mo bang ikuwento sa akin?
Kb: Nalaman ng ga prayle ang planong pagpapatapon ng mga miembro ng Katipunan sa pamamahala ng
Espaniya dito sa Pilipinas. Dahil don ay naguguluihanan na ang mga mga Kastilang opisyal.
Kb: Pumutok na ang mga paghihimagsikan sa iba’t ibang mga probinsiya gaya ng Bulacan, Cavite,
Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
Jose: Huwag mong isipin na hindi ko nais ang kalayaan. Ibon mang may laying lumipad, kulungin mo at
iiyak. Ngunit sa tingin ko’y hindi pa tayo handa. Ano ang laban ng sumpit at bolo sa malalakas na mga
armas ng mga kastila? Dadanak lang ang dugo at madadamay ang mga inosenteng mga Pilipino at mga
Kastila.
TELON
Scene 9
|Ala sais ng hapon, noon Setyembre dos, mil nueve cientos nuventa y sais, inilipat si Jose sa steamer na
Isla de Panay mula sa Castilla. Nakasama niya sa steamer na iyon si Don Pedro Roxas, isang mayamang
taga-Maynila. Nakarinig siya ng babala mula sa mga kapwa niyang Pilipinong nakasakay sa steamer na
iyon.
P1: Jose, Jose, nabalitaan naming may planong dakpin ka bago tayo makarating sa Barcelona.
Jose: Nangako ako kay Gobernador General Blanco na pupunta ako sa Barcelona at tutulong ako sa
labanan sa Cuba bilang isang manggagamot. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko.
P3: Jose, walang magagawa ang tapang mo. Puputulin ng mga Kastila ang ulo mo. Kung gusto mong
mabuhay nang mas mahaba, tumakas ka nalang at manahimik sa isang tagong lugar.
Jose: Hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Mayroon akong palabra de honor at prisipyo na kailangan kong
alagaan.
(Uupo si Jose at aalis ang mga Pinoy na nagbabala sa kanya. Magbabasa siya ng diaryo sa steamer at
biglang darating ang mga tropa ng mga Kastila na aaresto sa kanya.)
TK1: Eres Jose Protacio Rizal Mercado? (Titingin lang si Jose at hindi magsasalita.) Eres Jose Protacio Rizal
Mercado!?
TK2: Inaaresto ka naman, gamit kapangyarihang ipinagkaloob sa amin ni Gobernador General Ramon
Blanco.
TK2: Ididitini ka muna naming sa Ceuta. Doon ka mananatili hanggang makarinig kami ng kautusan mula
kay Gobernador General Blanco.
TELON
|Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steamer, Colon. Punong-punong ng mga sundalo at mga
opisyal ang steamer. Ang hulinh paguwi ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na iyon na
ang pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay niya ang maging kabayaran.
(Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang mananaggol – Si Luis Taviel de
Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya laban sa kanya ni Juez Francisco Olive.)
Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling araw ng iyong paglilitis sa kasong
panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang
mga ebidensiya laban sa iyo. (Papalo)
Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksyon sa
kampanya para sa reporma sa Espanya.
2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga
tao upang maghimagsik.
3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na ay kinalaman ka sa Propaganda
sa Espaniya.
5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong
magpapalaya sa Pilipinas.
3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino.
4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga pinatatapon ng gobyerno.
5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng espesiyal
na organisasyon.
6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang
kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!”
7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaas, “Mabuhay si Jose Rizal!
Kamatayan sa mga manlulupig!”
8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan.
Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan ng pagkakaton ang iyong
mananaggol na iprisenta ang inyong hulingdepensa. (Papalo.)
Luis: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal – Jose Protacio Rizal Mercado y
Alonso Realando.
Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi mabilang na rebelyon. Siya rin ay
naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan.
Ano ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi o paglaban sa
Espaniya? Nagsdeklara ba siya sa madla ng paghihiwalang ng sarili niya sa rehimen ng Espaniya.
Idineklara ba niya, sa harap ng Simbahan at ng Espaniya, na lumalaban siya sa kapangyarihan ng mga ito?
Hindi. Kaya naman ipinapanalngin ko sa harapan ng kagalang-galang na korteng ito na bigyan ang ng
kapatawaran sa kung ano mang pagkakamaling nagawa niya.
Juez: Gracias, Abogado Luis Taviel de Andrade. Ngayon naman ay binibigyan ng pagkakataon ang
nasasakdal upang magbigay ng panghuli niyang depensa.
Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa boong pananatili ko ay wala akong
ibang iniisip kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang
pananatili ko sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo ang pananatili ko doon. Nalaman, sa
pamamagitan ng sulat sa aking ng aking kaibigan si Ferdinand Blumentritt, na kailangan ng espanya ng
isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng digmaan. Dalidali akong sumulat sa
Gobernador General para iaabot ang makakayao ngunit ito ang nakuha kong kapalit.
Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko sa Dapitan at ginamit ang aking
pagkawala para idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang, mga
kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan – minahal ko ang sarili
kong bayan.