You are on page 1of 16

MODULE 1

Panlinang na Gawain (Gumamit ng bukod na Papel)

1. Ilarawan ang katangian ng panitikan pamamagitan ng pagpuna sa basic


radial.
Ang panitikan ay maaring
basahin at
pag - aralan anumang
panahon.

Ang pantikan ay
Ang panitikan ay malikhain. Ang bawat
unibersal sapagkat PANITIKAN may - akda ay
ito ay walang masining ang pagsulat
pinipiling edad. o
paglikha ng kani -
kaniyang akda.

Ang panitikan ay Ang panitikan ay


permanente. Mawala imahinatibo sapagkat
man tayo dito sa mundo ito ay bunga ng malikhaing
ang panitikan isip ng may
ay mananatiling buhay - akda.

2. Paano nasasalamin ng panitikan ang kultura ng isang bansa?

Bilang isang pilipino dumadaloy sa ating dugo ang ating pagkapilipino.


Naniniwala ako na ang panitikan ang isa sa mga naging sandata natin noon at
hanggang ngayon. Ibig sabihin nito na ang ating kasaysayan ay siyang
pundasyon ng ating paitikan dito sa Pilipinas, sinasalamin nito ang kaganapan
noon na para bang ipinapaala sa henerasyon ngayon ang mga dinanas ng ating
mga ninuno at dahil sa panitikan nalalaman natin ito. Masasabi nating
makatutulong para sa atin na makilala ang ating lahing pinagmulan sa
pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating panitikan na malinaw na salamin ng
ating kultura at kabihasnan .Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, buhay, at hangarin ng mga Pilipino.
Samakatuwid, panitikan ang nagsisilbing tulay upang maabot ng nakalipas ang
kasalukuyan, gayundin upang maipagpatuloy ng kasalukuyan ang pagpapanatili
at pag-unlad ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa
susunod na henerasyon.

3. Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang uri o anyo ng


panitikan.
Prosa/Tuluyan Patula

Ito ay ang mas natural na Ang patula naman ay


pagkakasulat. Tuloy-tuloy at pagpapahayag ng isang
Ang mga manunulat sa pamamagitan
gumagamit ng mga Akdang tuluyan
pangungusap at talata. ng mga may sukat, bilang at
at patula ay
Walang binibilang na mga nakasulat na
pagkaka-ayos upang sa
salita o tunog na mga malikhaing paraan ay
kinakailangan itugma sa iba kasaysayan nga makapagdala ng mensahe o
lumipas at ng emosyon sa mga
pang salita. kasalukuyan mambabasa.
panahon na
Ang mga tuluyan o prosa ay isinusulat ng
may dalawang uri, ito ang makasining na
Ang tula ay may dalawang
mga kathang isip at ‘di pamamaraan, uri, ito ang naratibo at lirikal.
tungkol sa
kathang isip.
buhay ng tao, Epiko o mahabang tula,
karanasan, pag- ballad o Tulang-Inaawit, at
Nobela, Drama, Pabula, ibig,
Alamat, Mitolohiya, Kwentong Awit at Korido ay tulang
pananampalata
Pambata ay mga Kathang- ya, tradisyon at
naratibo.
Isip na tuluyan. iba pa.
Ang mga liriko o lirikal ay
Talambuhay, Sanaysay, at Kanta, Sonet, Awit sa Luksa
Talaarawan naman ang mga o Elegy, ODe, Simpleng
‘Di Kathang-Isip na tuluyan. Liriko, at Haiku.

Siyasat sa Pang-unawa

I. Pagtukoy

Panuto: Tukuyin ang kasagutan ng mga sumusunod na pahayag.

BIBLIYA 1. Ito ang aklat na kinapapalooban ng pananampalatayang Kristiyano.

HOMER 2.Siya ang may akda ng Iliad at Odyssey.

UNCLE TOM'S CABIN NI HARRIET BEECHER STOWE 3. Ito ay aklat na


nagsasalaysay sa kaapihan ng mga itim sa kamay ng mga Puti at maging sa
pagpapalaganap ng demokrasaya sa iba’t-ibang bansa.

DIVINA COMEDIA ni Dante 4. Naglalaman ang aklat na ito ng pananampalataya,


moralidad at ugali ng mga Italyano.

SONETO 5. Ito ay nagtataglay ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod.

ALAMAT 6. Isang uri ng panitikang tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.


SANAYSAY 7. Isang genre ng panitikan na tumutukoy sa kurokuro o opinyon ng
manunulat.

ALAMAT 8. Isang uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin
habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.

TULANG PATNIGAN 9. Nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang


pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay nya sa digmaan, hindi kapani-
paniwala ang ibang pangyayari at maituturing na kababalaghan.

PABULA 10. Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.

II. Pagtatapat-tapat
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga kasagutan ng mga nasa
Hanay A. Isulat ang letrang tamang kasagutan.

Hanay A Hanay B
J 1. Ang tungkulin ng teoryang ito ay
matukoy ang nilalaman, kaanyuan o a. Moralistiko
kayarian at paraan ng pagkakasulat ng b. Sosyolohikal
akda.
c. Sikolohikal
B 2. Mahihinuha ang kalagayang d. Formalismo
panlipunan nang panahong kinatha ang
panitikan sa teoryang ito. e. Humanismo
f. Marxismo
H 3. Maaring tingnan ang imahen,
g. Arkitaypal
pagpapakalarawan, posisyon at gawain
ng mga babae sa loob ng akda ang h. Feminismo
ganitong teorya. i. Eksistensyalismo
G 4. Gumagamit ng modelo o huwaran j. Klasismo
ang ganitong teorya upang masuri ang k. Romantisismo
elemento ng akda nangangailangan ng
masusing pag-aaral sa kabuuan ng l. Realismo
akda.

L 5. Ang katotohanan ang binibigyang-


diin at may layuning ilahad ang tunay na
buhay pinapaksa ng teoryang ito.

C 6. Makikita dito ang takbo ng isip ng


may katha antas ng buhay,
paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo
sa isipan at kamalayan ng may-akda.

K 7. Nagpapakita ng pagmamahal ng
tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa.

I 8. Ang tao ay may malayang


pagpapasya para sa kaniyang sarili
upang mapalutang ang pagiging
indibidwal nito at sa gayon ay hindi
maikahon sa lipunan.

F 10. Ang tao ang sentro ng daigdig.”


Binibigyang-pansin ang kakayahan o
katangian ng tao sa maraming bagay.

Pinakikita ang pagtutunggalian o


paglalaban ng dalawang
magkasalungat na puwersa malakas at
mahina mayaman at mahirap
Kapangyarihan at naaapi.

MODULE 2

Panlinang na Gawain
I. Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salawikaing nasa ibaba.

1. “Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib”

- kabaligtaran ng sinasabi ng iyong bibig sa iyong tunay na nararamdaman.

- iba ang sinasabi ng salita mula sa iyong bibig sa sinasabi ng iyong puso o
damdamin.

2. “Ang punong hitik sa bunga ay madalas binabato”

- binabatikos at binabato ng paninira dahil sa nakikitang magagandang


ginagawa nito. Tulad na lamang ng Duterte administration na maraming
media ang talagang naninira sa kanya ngunit kung titinggnan mabuti
maraming nagawang mabuti ang Duterte administration.
- isa pang maari tinutumbok nito ay kung sino yung tinutulungan mo ay siya
pang sumisira sa iyo maaring dahil sa inggit na natatamo sa buhay.

3. “Habang maiksi pa ang kumot, matutong mamaluktot”

- para umasenso sa buhay o gumaan ang iyong pamumuhay


dapat matutong dumiskarte, ,magtipid o magtiis at magpatuloy sa buhay
kahit mahirap ka. Dahil maaring sa pagiging madiskarte ang siyang maghatid
sa iyo ng tagumpay.

4. “Ang magtanim ng hangin, Bagyo ang aanihin”

- ipinapahiwatig lamang nito na kung gumawa ka ng masama sa kapwa ay


tiyak na higit na masama pa ang iyong daranasin. Ang mga bagay na
ginagawa mo para sa iyong kapwa ay tiyak na babalik sa iyo ng mas higit pa.
Maari din sa kalikasan, dahil sa ginagawa natin sa ating kapaligiran ay
bumabalik sa atin ng mas matindi tulad ng climate change.

5. “Ang pinakamahirap gawin, ay iyong walang gagawin”


- ito ay nagpapahiwatig na mas masama ang epekto o kahihinatnan ng
walang nagawa kaysa sa may nasimulan ngunit hindi natapos. Ito rin ay
nangunguhulugan na kung wala kang magagawa ay wala kang makukuhang
magandang resulta kaya dapat may gawin ka para may aasahan kang
magandang resulta
II. Panuto: Magbigay ng 4 na halimbawa ng kasabihan pagkatapos ay
ipaliwanag ito.

Kung ano ang itinanim ay siya Walang mahirap na gawa


rin ang aanihin 1. kapag dinaan sa tiyaga.
2.

Kasabihan
Ang kaginhawaan ay nasa
4.
Ang tunay na kaibigan sa ligaya
3. kasiyahan at wala sa at kalungkutan, ikaw ay
kasaganahan. sasamahan.

Pagpapaliwanag:
1. Ang kasabihang ito ay nangangahulugang tulad ng sa butil ng mais na
iyong itananim magbubunga rin ito ng mas maraming mais. Ibig
sabihin lamang na kung ano ang iyong ginagawa ay siya rin ang
gagawin sa’yo. Kapag ito ay kabutihan, ikaw rin ay makakatanggap ng
kabutihan o gagawan ng mabuti ng ibang tao.

2. Ang kasabihang ito ay nagpapahiwatig na kahit anong gawain mahirap


man o madali kung may tiyaga at pokus ka ay matatapos o
malalampasan ito ano man ang katayuan mo sa buhay.

3. Ang kasabihang ito ay nagpaphiwatig na hindi nasusukat sa kung


anong mayroon ka ang kaginhawan ng iyong buhay. Ito ay nakabase
sa kung gaano ka kasaya sa ginagawa mo sa buhay. Naniniwala
akong ang tunay na susi sa tagumpay ay kasiyahan dahil kung ang
mga ginagawa mo ay nakakapagpasaya sa iyo magiging matagumpay
ka. Maari kasi ginagawa mo lamang ito dahil kailangan pero mas
magandang gumagawa ng may saya sa puso.

4. Ang kasabihang ito ay nagpapakita na ang mga tunay na kaibigan ay


sasamahan ka sa hirap at ginhawa. May mga tao kasing sasamhan ka
lang dahil may makukuha sila sa iyo o dahil may pakinabang ka tapos
mawawala na. Kung sino ang mga taong nandiyan sa mga panahon
nalulumbay ka sila ang mga tunay sapagkat wala ka man maibibigay
na sukli sa kanila ay pipiliin nilang damayan ka sa hirap at kasagahan.
Siyasat sa Pang-unawa

Pagtatapat-tapat: Hanapin sa Hanay B ang wastong kasagutan ng mga nasa


hanay A. Isulat ang letra ng tamang kasagutan.

Hanay A Hanay B
H 1. Kung ilarawan sila ay pandak at
maitim .Sila rin ang unang A. Salawikain
nandayuhan sa Pilipinas. B. Palawan
C. Soliranin
F 2. DIto natagpuan o nahukay ang D. Bugtong
mga buto ng Taong Tabon. E. Boda
F. Palawan
E 3. Ang pananampalatayang taglay G. Cagayan
ng mga Bumbay na nandayuhan sa H. Negrito
Pilipinas. I. Taong Tabon
J. Talindaw
A 4. Ito ay isang talinhagang K. Sambotani
nagtataglay ng malalim na kahulugan, L. Kumintang
Sandigan ng mga matatanda upang M. Hudhud at Alim
mangaral. N. Alamat
O. Biag ni Lam-ang
D 5. Kalimitang Binubuo ng 2 talutod, P. Kundiman
nangangailangan ito ng kasagutan Q. Pabula
sapagkat ito ay pinapahulaan, may R. Ibalon
sukat at tugma.

C. 6. Ang awit sa Paggaod.

J 7. Awit sa pamamangka.

P 8. Awit para sa pag-ibig.

L 9. Awit sa pakikidigma.

K. 10. Awit para sa tagumpay.

Q 11.Mga kwentong binibigyang


buhay ng mga hayop.

N 12. Mga kwentong nagsasalaysay


tungkol sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay.

O 13. Epiko ng Ilokano.

M 14. Epiko ng Ifugao.

R 15. Epiko ng Bikol.

MODULE 3
Panlinang na Gawain

Pagpapaliwanag

1. Ilarawan ang kalagayan ng panitikang Pilipino noong panahon ng kastila. Paano


naging kaiba ang mga ito sapanahon ng katutubo?

Ang kalagayan ng panitikang Pilipino noong panahon ng kastila ay nagkaroon ito ng


malaking baryasyon sapagkat ang panitikang katutubo ay hango sa buhay ng mga
katutubong ninuno natin at noong dumating ang mga kastila ay nagdagdagan ito at ang
mga orihinal na kopya ay sinira ng mga kastila. At ang pagkakaiba ng panitikan noong
panahon ng katutubo at panahon ng kastila ay malayo sapagkat noong panahon ng
kastila ang panitikan ay pumapatungkol sa akdang hinggil sa wika at relihiyon o paksang
kristiyanismo sapagkat nais ng mga kastilang ipalaganap ang kristiyanismo sa bansa.
Dagdag parito nais din nilang ilaganap ang alpabetong Romano kung kaya ang mga
panitikang nakasulat sa baybayin ay kanilang sinunog. Habang sa panahong katutubo,
masasabi nating mayaman na ang ating panitikan bago paman dumating ang mga
kastila, may sarili na tayong alpabeto, paraan ng pagsulat at mga panitikan tulad ng mga
alamat, epiko, awitin at maramipang iba. Karaniwan ang mga paksa ay pumapatungkol
sa kultura at pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong ito. Noon pa man ay may
makulay at mayaman na tayong panitikan na sumasalamin sa ating kultura.

2. Sa mga natapos mong aralin ay natalakay ang mga dulang pantanghalan at mga
dulang panlansangan. Ngayon ay paghambingin ang dalawang uri ng dula
sapamamagitan ng pagpuna sa hierarchy list.

TULANG TULANG

PANTANGHALAN PANLANSANGAN

Isinasagawa sa pamamagitan Isang uri ng dula na


ng pagtatanghal sa harap ng isinasagawa sa
madla na ginagawa sa lansangan o publiko.
entablado.

Mga dulang tungkol sa


Tulang dula na kahit
relihiyon na karaniwang
anumang drama na
prusisyon, pinagsamang
sinulat bilang berso o
awitan at kaunting aksyon.
wikain.

Ang mga tagpo ay sa


Tinatanghal lamang sa labas ng bakuran ng
entablado. tahanan o kaya ay sa
mga kalye.

Isinasagawa lamang ito ng mga Pwedeng itanghal


propesyunal sapagkat sila ang ninuman. Kadalasang ay
may kasanayan na dahil sila mga taong may
dumaan sa puspusunang relihiyong katoliko.
treyning.
3. Bilang isang mag-aaral, bukod sa upang malaman at maunawaan ang mga ito, bakit
mahalagang mapag-aralan mo ang mga nakaraang naisulat na panitikan? Ano ang mai-
aambag nito sa iyong pagkatao?

Para sa akin mahalagang malaman at mapag-aralan natin ang mga nakaraang


panitikan sapagkat ito ay parte na ng ating buhay natin kahit balibaliktarin nating ang
mundo ito ang naging sandalan natin na sumasalamin sa ating kulturang nakakalimutan
na natin ngayon. Bilang karagdagan, ang mga nakaraang panitikan ang siyang
nagsisilbing imahe o boses na magsisiwalat ng mga kaganapan o mga pangyayari
noon kaya’t bahagi rin sila sa mga patunay ng kasaysayan ng Pilipinas. Bukod
pa rito, kung wala ang mga panitikang ito, ano na lang ang kalagayan ng ating panitikan
sa ngayon. Isa na lamang dito ay ginamit ang wika at panitikan noon para
mapepreserba ang ating kultura at kasaysayan. Ang mga ito ay siyang pundasyon ng
ating henerasyon ngayon dahil parte ito sa paghubog ng panitikan at wika ngayon. Ang
pag–aaral nito ay makakatulong sa aking na yumabong at yakapin ang sariling atin.
Naniniwala ako na hindi lamang natin to pinag-aaralan ngunit dapat nating isabuhay ang
mga mabubuti at iwaksi ang masama nating paniniwalang hindi natin kailangan dahil
hindi naka ayon sa iyong kurso. Bukod pa rito ay nadagdagan pa ang aking kaalaman
sa panitikan noon at siyang nagbigay inspirasyon na gumawa rin ng mga sarili kong
akda.

Siyasat sa Pang-unawa

I. Pagtukoy

Panuto: Isulat ang sagot sa tinutukoy na mga pahayag/pangungusap.

BARLAAN AT JOSAPHAT 1. Tinaguriang unag nobelang tagalog.

DOCTRINA CRISTIANA 2. Kauna unahang aklag na inilimbag noong panahon ng


kastila

KOMEDYA O MORO-MORO 3. Isang matandang dulang kastila na naglalarawan ng


pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim.

P. MODESTO DE CASTRO 4. Siya ang may akda ng “Urbana at Feliza”.

FLORANTE AT LAURA 5. Ang tanyag na obra maestra ni Francisco Baltazar.

KARAGATAN 6. Ito ay isang laro na nagbibigay ng isang prenda na kailangang tubusin


sa pamamagitan ng isang tula, awit, sayaw o anumang palabas panlibang.

SENAKULO 7. Isang dula na nagsasalaysay sa buhay at kamatayan ng Panginoong


Hesus.

KARAGATAN 8. Ito ay isang laro sa lamay na hinango sa alamat ng singsing.

SALUBONG 9. Isang dulang palansangan hinggil sa paghahanap ng kinamatayang


krus ni Hesus.

TOMAS PINPIN 10. Siya’y nakilala bilang ama ng palimbagang tagalog.


MODULE 4

Panlinang na Gawain (Gumamit ng bukod ng Papel)

Pagpapaliwanag

1. Ipaliwanag ang mensahe ng tulang “Sa aking mga Kababata” na isinulat ni Dr. Rizal.

Ang tula na isinulat ni Dr. Rizal ay pumapatungkol sa pagmamahal sa sariling wika at


pagkakaroon ng malalim o marubdob na pagmamahal sa bayan. Ipinapaala niya sa mga
sa mga kabataan na huwag kalilimutang mahalin at gamitin ang ating sariling wika
sapagkat ito ay atin huwag nating hayaang mawalan ng saysay ang sakripisyo ng mga
ninuno natin. Nangangahulugan na dapat ang mga bagong henerasyon ay dapat na
mahalin, gamitin at pagyabungin ang ating sariling wika. Tunay ngang si Dr. Jose Rizal
ay dumadaloy sa dugo niya ang pagkamakabayan sapagkat sa murang edad ay naisulat
niya na ang tulang ito. Ang nakapaloob sa tulang ito ay mg pangangaral na dapat
mahalin ng mga Pilipino ang kanilang wika imbis na ang wikang banyaga. Bilang isang
kabataan sa ngayong batid kong marami na ang nabago sa kultura natin. Nawa’y ang
tulang ito ay pinapa alalahanan tayo na dapat pahalagahan ang wikang Filipino sa
murang edad pa lamang. Kung ating babalikan ang kasaysayanito ay ang isa
ipinaglaban ng ating mga bayani kaya dapat respetuhin at gamitin.

2. Bakit kaya gumagamit ng mga sagisag panulat ang mga manunulat sa panahong ito?

Gumagamit ng mga sagisag panulat ang mga manunulat sa panahong ito dahil labis na
ipinagbabawal ang pagsasalita o pagsulat ng anumang uri na bumabatikos sa mga
kastila sa panahong ito. Kung kaya’t ang mahuli man na mga pangalan ng manunulat ay
kikitilan ng buhay. Sa madaling salita, ang sagisag panulat ay nagsilbibilang talukbong o
pabalat kayo upang mailahad ang mga nais ipahiwatig na mga salita o kaganapan sa
Pilipinas sa pamamagitan ng diyaryo o libro.

3. Anu-ano kaya ang layunin ni Dr. Rizal sa pagsulat ng Noli me Tangere at El


filibusterismo?

Batid kong ang layunin ni Dr. Jose Rizal kaya sinulat niya ang Noli me Tangere at El
filibusterismo upang sa ganitong paraan ay maipahayag at maipaalam niya ang
kaganapan sa Pilipinas at ang mga di makataong trato at pang aabuso ng mga Kastila
sa mga Pilipino. Dagday pa dito, ay nais niyang gisingin ang mga natutulog na diwa ng
mga Pilipino para magkaisa at bawiin ang bansang sinilangan sa mga dayuhan.
4. Sa sarili mong opinyon, Sino kay Andres Bonifacio at Jose Rizal ang karapat-dapat
maging pambansang bayani? Bakit?

Ang dalawang bayani ay parehong may naiambag at nagbuwis ng buhay upang


makamit ang inaasam asam na kalayaan ng Pilipinas, ngunit sa magkaibang paraan. Si
Andres Bonifacio ay gumamit ng itak at si Jose Rizal naman ay panulat. Kung iisipin
natin bago pa man lumaban si Andres Bonifacio gamit ang itak ay naunang ginamit ni
Dr. Jose Rizal ang panulat laban sa kastila kahit kapalit pa nito’y buhay niya. Ang
kanyang mga sinulat ang nagpagising sa diwa ng mga pilipino upang ipaglaban ang
ating bayn sa mga masamang dayuhan. Siya ang naging unagr ugat upang
maisakatuparang ang paglaban sa mga dayuhan. Ganunpaman, hindi ko sinsabing si
Andres Bonifacio ay hindi karapat dapat ngunit para sa akin si Dr. Jose Rizal ang
nagpamulat sa mga Pilipino na kailangan nilang lumaban at magkaisa kumbaga siya
ang nagbigay ng ideya, pag asa, at lakas ng loob sa mga Pilipino upang lumaban sa
unang pagkakataon. Bukod rin sa mga nakamit niyang mga medalya at sertipiko sa mga
eskwelahan ginamit rin niya ang mga kanyang kaalaman upang tumulong at gumamot.
Dagdag pa rito, ayon sa historyan ang mga prinsipyo ni Rizal ay ginamit ni Andres
Bonifacio at tinitingala nya ito na parang guro. Alam kong palaisipinan sa atin kung sino
sa dalawang bayani ang karapat dapat na hiranging pambansang bayani, pareho silang
nagsakripisyo sa magkaibang paraan ngunit kung atin itong pagdudugtungin ay Si Dr.
Rizal ang siyang tunay. Sapagkat siya ang nag-iwan ng marka sa puso ng bawat
Pilipino at sa bansang Pilipinas patunay nito ang kanyang mga akda at batas na dapat
pag aralan ang kanyang mga gawa, nagawa at kwento ng buhay o pakikipagsapalaran
niya sa iba’t ibang bansa.

Siyasat sa Pang-unawa

A. Tama o Mali

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ito ay mali.

T 1.Panulat ang ginamit na sandata ng mga propagandista laban sa mga kastila.

M 2. Bawat akdang pampanitikan at mga pagtutungkol noong panahon ng kastila ay


kababakasan ng pagkamakabayan at pagmamahal sa namumuno sa bayan.

T 3.Nais ihasik ng mga propagandista ang damdaming mapagmalasakit sa mga Pilipino


at upang imulat ang mga Pilipino sa tunay nilang kalagayan sa lipunan.

T 4.Ginamit ni Marcelo H. del Pilar ang sagisag panulat na Plaridel.

T 5.Ang Fray Botod ay tungkol sa mga prayleng Malaki ang tiyan.

T 6.Isinulat ni Marcelo H. del Pilar ang Pag-ibig sa tinubuang Lupa.


T 7.Ang nilalaman ng Dasalan at Tocsohan ay mga dalanging panunukso sa
Simbahang Katoliko.

M 8.Binitay ang tatlong paring martir sa pamamagitan ng Pagpugot ng ulo.

M 9.Si Graciano Lopez Jaena ang unang nagsalin ng Mi Ultimo A dios sa tagalog.

T 10.Isa sa namatnugot ng “Ang kalayaan” si Pio Valenzuela.

B. Pagtukoy

Panuto: Tukuyin ang kasagutan ng mga sumusunod na pahayag.

EL FILIBUSTERISMO 1.Isang nobelang pampulitika na naglalarawan ng mga


pangyayaring nagmulat sa mga Pilipino sa pagmamalabis ng pamahalaan at
simbahan.Ito ay paglaban ng mga pilibustero sa pamahalaan.

JOSE PALMA 2.Ang sumulat ng himno nacional Filipino.

ANDRES BONIFACIO 3.Siya ang tinaguriang ama ng demokrasya.

EMILIO JACINTO 4.Gumamit ng Sagisag panulat na Dimas-ilaw.

APOLINARIO MABINI 5.Ang tinaguriang Utak ng Himagsikan.

EMILIO JACINTO 6.Siya ang namatnugot ng “Kartilya ng Katipunan” at tinagurian ding


Utak ng Katipunan.

MARCELO H. DEL PILAR 7.Ang namatnugot ng Diaryong Tagalog.

PASCUAL POBLETE 8.Siya ang nagtatag ng El Resumen.

MI ULTIMO ADIOS 9.Ang huling isinulat ni Rizal bago bitayin.

HERMINIGILDO FLORES 10.Ang sumulat ng “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”.


MODULE 5

Panlinang na Gawain

I. Pagpapaliwanag

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba.

1. Ano ang naging paksain ng panitikan sa panahon ng Amerikano? Pangatwiranan ang


iyong sagot.

Sa panahon ng Amerikano, bukod sa mga sandatang tulad ng baril at kanyon, dala pa


rin nila ang kanilang wikang panturo. Naging matagumpay ang nasabing mga dayuhan
dahil bago natapos ang dalawampung taon, nalupig na nila pati isiìp mga Pilipino. Dahil
ang buong akala ng mga Pilipino ay wikang Ingles ang magsisilbing instrumento o susi
upang ganap na matamo nila ang kanilang kaunlaran. Hindi abot ng kanilang pang-
unawa ang katotohanang ang Ingles ang kikitil sa pakikibakang makabayan dahil
ipinagpalagay na ang kulturang Amerikano ang makapagbibigay ng ginhawa sa mga
mamamayang Pilipino. Ang mga paksain ng panitikan sa panahon ng Amerikano ay
mga diwang nasyonalismo at ang kalayaan sa pagpapahayag. Sa panahong ito may
kalayaan na sa pagpapahayag ngunit tayo’y unti unting binabalik din sa pagkakagapos
sapagkat tinatangkilik na natin ang tinuturo ng mga Amerikano at ang kanilang wika.

2. Mula sa akdang “Bayan ko” ni Jose Corazon de Jesus, ano ang nais ipahiwatig ng
saknong na “Ibon mang may layang lumipad, Kulungin mo at umiiyak, Bayan pa kayang
sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas”?

Nais ipahiwatig ng saknong na nanganganib sa kalayaan ang Pilipinas. Ang ating bayan
ay parang ibon na may karapatang makalaya ngunit ang mga Pilipino ay nagdurusa at
umiiyak dahil naging bihag tayo sa sarili nating bayan.

3. Anu-ano ang mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng


Amerikano? Pangatwiranan.

Mayroong impluwesya o pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa tulong din


ng mga Amerikano. Ito ay pagpapatayo ng mga paaralan, pagbabago ng sistema ng
edukasyon, pinaunlad ang kalusugan at kalinisan, pagpapagamit ng wikang Ingles,
pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan, at kalayaan sa
pagpapahayag.

4. Tao man, bayan man, o kaya'y ibon ay nagnanasang makaalpas o makahulagpos.


Tayo bilang Pilipino ba’y nakahulagpos na o patuloy pa ring nagnanasang makaalpas?
Paano?
Sa kailaliman ng aking isip may mga tanong na tunay nga bang malaya na ang ating
bansa? Marahil naging malaya na ang ating bayan mula sa mga dayuhan ngunit ang
paglayang ito kaakibat ng mga pilipinong tila bang unti-uniti ng nalilimutan ang mga
paghihirap na hinarap ng ating mga bayani noon. Kung titignan natin sa ngayon marami
ng nabago sa ating nakasanayang kultura, napakaraming mga establisyimento
napagmamay-ari ng mga dayuhan at tila ba’y tinatangkilik na ang kultura ng ibang
bansa. Bilang isang kabataan nais kong tumulong kung papaano natin bubuksan ang
ating kaiisipan sa pagtangkilik ng ating kultura, sariling produkto, at iba pa. Simulan
nating alisin ang kadenang nakagapos na nagsisilbing balakid upang mahalin natin ang
sariling atin at tuluyang maging tunay na malaya.

5. Ano sa palagay mo ang layunin ng mga manunulat sa panahon ng Amerikano? Sa


iyong palagay, nakamit ba ng mga makata ang kanilang layunin? Ipaliwanag.

Sa aking palagay ang layunin ng mga manunulat sa panahon ng Amerikano ay buhayin


ang diwang nasyonalismo ng mga Pilipino. Sapagkat mas malaya ang mga Pilipino sa
pagpapahayag hindi tulad sa nagdaang dayuhan, pinalahok ng mga Amerikano ang
mga Pilipino sa gobyerno at mas lumago pa ang ating panitikan ngunit mayroon pa ring
hangganan ang kalayaan ng pagpapahayag sapagkat may itinatag silang batas ito ang
Batas Blg. 292, ang Batas Sedisyon (Ipinagbabawal ng nasabing batas ang pagsasalita
o pagsulat ng anumang magtataguyod sa kasarinlan ng bansang Pilipinas) nag-umalpas
pa rin ang diwang nasyonalistiko ng mga manunulat.

Siyasat sa Pang-unawa

I. Pagtatapat-tapat

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot.

Hanay A

c 1.Ama ng Balarila

i 2.Ama ng Sarswelang Pilipino

h 3.Gumamit ng sagisag na “Kintig Kulirat”.

j 4.Siya ang nagsalin ng Pambansang awit sa Tagalog.

k 5.Ang may-akda ng “Sa Bunganga ng Pating”.

d 6.May sagisag na Huseng Batute

e 7.Makata ng Manggagawa
l 8.May akda ng “Ang Pinaglahuan”.

g 9.Ang may-akda ng “Ang guro at Ang buhay at Pag-ibig”.

i 10.Ang may-akda ng “Walang Sugat”. Hanay B

a.Claro M. Recto

b.Zoilo Hillario

c.Lope K. Santos

d.Jose Corazon de Jesus

e.Amado V. Hernandez

f.Florentino Collantes

g.Teodor Gener

h.Valeriano H. Pena

i.Severino Reyes

j.Ildefonso Santos

k.Julian Cruz Balmaceda

l.Faustino Aguilar

II.Pagtukoy

Panuto: Tukuyin ang akdang inilalarawan ng mga pahayag na nasa ibaba.

ANG HULING TIMAWA 1.Isang nobelang naglalarawan ng buhay ng mga magsasaka


na nabibilang sa samahan na itinataguyod ang mga prinsipyo at mga progresibong
ideya mula sa ibang bansa.

KATUBUSAN 2."Peasant suppression" at "political power" ang inilarawan ng akdang ito


ngunit ipinakita sa akda na ang mga magsasaka ay kumikilos bilang isang grupo.

BANAAG AT SIKAT 3.Ang kuwentong pag-ibig bilang sandigan para matalakay ang
suliraning panlipunan-ang tunggalian ng "labor" at "capital." binanggit ang tunggalian sa
pagitan ng panginoong maylupa at ang kasamá pero walang mungkahing ipinakita
upang malutas ang nasabing tunggalian.

ANG PINUNO NG TULISAN 4.Ito ay tungkol sa anak ng magsasakang naghiganti sa


mayayamang pamilya sa pamamagitan ng pagkikidnap sa anak na babae ng nasabing
mga pamilya.

ANG SAPIN-SAPING 5.Tumatalakay sa pag-iibigan ng isang mayamang babaing


nagngangalang Angeling Claridad at ang mahirap na magsasakang si Jacinto Diogenes.

AMA 6.Ito ay nagpapakita ng pagsasamantala at pang-aaping ginawa ng mga


panginoong maylupa sa mga kasamá sa Puting Tubig, ang tagpuan ng kuwento.
ANG MGA ANAK-BUKID 7.Ito ay tungkol sa isang Amerikanong tampalasan na
kumidnap at nanggahasa kung kaya namatay siya sa kamay ng kasintahan ng babae.
Matapos ang pangyayari, namundok ang nasabing magkasintahan.

ANANGHI 8.Inilarawan ang kapangyarihan ng cacique o tagapamahala. Paksa rin sa


nobela ang tungkol sa pagkamkam ng lupa.

NANGALUNOD SA KATIHAN 9.Nobelang tumatalakay sa mga pang-araw-araw na


problemang kinakaharap ng mga magsasaka. Nagpapakita rin ito ng relasyong
paternalistiko na kung saan ang mga kasamá ay nakagapos sa paninilbihan sa
panginoong maylupa. Hinahawan ng mga kasamá ang asyenda ng asendero upang
lalong mapalawak nito ang plantasyon.

DALAGANG-BUKID 10.Ito ay tungkol sa pag-iibigan ng isang mayamang lalaki at


mahirap na babae.Inilarawan sa nobela ang tunggalian sa pagitan ng magkaibang
katayuan sa buhay nina Jorge at Amelia.

You might also like