You are on page 1of 2

Nagbibigay-daan sa komunikasyon = Ano man ang ating naiisip, nadarama ay maari nating

ipahayag sa pasalita o pasulat na mauunawan ng ibang tao.


1. Sa pamamagitan ng kwento na “Ang Ama” nagamit ng may akda na si Dr. Lourdes
Montinola ang retorika upang mailabas kanyang mga saloobin sa paraan ng panunlat ng
komprehensibong na istorya tungkol sa mga ala ala niyang kasama ang kanyang sariling
ama na si G. Nicanor Reyes, halimbawa ng isa sa mga ala-alang ito ay ang panahong
nagkaroon siya ng dipterya, isang malubha at nakakahawang sakit sa tonsil, binigyang
din pansin niya ang pagaalaga at pagbantay sa kanya ng kanyang ama, binaggit rin ni Dr.
Lourdes ang kanyang paglalakad sa dagat kasama ang kanyang ama tuwing madaling
araw upang makita ang nakaka-agaw hiningang bukang liwayway, nilahad rin niya ang
mga punto na sumusuporta sa kanyang pahayag na ang kanyang ama ay tunay na katangi-
tangi, tulad ng pagtapos ng ama niya ng doktorado nito sa Nueva York, at kung kahit
yumao ito ng maaga ay magagandang testimonya lang ang maaaring marinig tungkol sa
kanya.

Nagpapalawak ng pananaw = Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong


bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang
lumawak ang pananaw natin
2. Mula sa kwento na “Ang Ama” naipahayag ng mabuti ni Dr. Lourdes Montinola ang
kanyang mga ideya, sa partikular ang pagkakaiba ng pagmamahal ng mga Ama para sa
kanilang mga anak na babae at lalaki, at lalong higit para sa mga panganay na babae,
sapagkat lubos na masmataas at masmarami ang iaasahang makamit at maabot sa buhay
ng mga anak na lalaki kumpara sa mga anak nilang babae na hinahayaan nilang mahalin
at mahalin lamang, sila rin ay binibigyan ng kalayaan sa pagpili ng mga hangarin na
pangarap nila para sa kanilang mga sariling buhay. Ang mga nasabi ng may akda ay
nakabatay sa kanyang sariling karanasan bilang panganay na anak na babae, ang mga
pananaw niya ay hindi kayang initindihin ng mga tao na hindi panganay na babae, kaya’t
sa paggamit ni Dr. Montionakatulong ito na palawakin ang kaalaman tungkol sa mga ama
at maimulat ang mambabasa sa iba-iabng pagmaahal ng ama sa kanyang mga anak.

Nagbigay-kapangyarihan = Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagging prominente at


makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay
isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong
ideya, malalalim na pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika
ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan

3. Nakakapagbigay kapangyarihan ang retorika sa pamamagitan ng pagimpluwensiya sa


mga mambabasa, halimbawa dito ay ang paggamit ng may akda na si Dr. Lourdes
Montinola sa paraan ng pagsasalaysay sa kwentong kanyang isinulat na “Katangi-tanging
Ama” upang maimpluwesiyahan ang mambabasa at madagdagan ang pagiging
prominente ng kanyang sariling ama na si G. Nicanor Reyes, at masasabi na ang paraan
na ito ay epektibo kung kaya’t siya ay kilalang kilala ng hindi lang mga propesor sa FEU
pati na rin sa mga estudyanteng nagaaral sa institusyon na kanyang itinayo matapos
niyang makamit ang kanyang doktorado sa Nueva York sa Estado Unidos. Ang kwento ni
Dr. Lourdes tungkol sa pagiging katangi tangi ng kanyang ama ay nakapagbigay at
makakapagbigay ng malaking inspirsayon sa lahat ng nakabasa o makakabasa nito.
Napatunayang tunay na makapangyarihan ang retorika sa pamamagitan ng pagpapakalat
ng pangalan at impluwensya ng yumaong ama ng may akda.

You might also like