You are on page 1of 7

Guro: Bb. Pauline Grace F.

Ventura

Pamagat ng kurso : CTFIL02 – Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Pokus ng kurso : Kahasaan ng mag-aaral sa pagsusulat ng mga Akademikong


Sulatin bilang paglinang sa kahandaang Pansarili at
Pampropesyunal.

Bakit mo kailangang matutong sumulat ng mga Akademikong Sulatin?

Para alam mo kung paano sumulat sa tamang pormat. Para hindi ka ‘nganga’ sa
pagsulat ng mga sulatin.
Para matuto kang sumulat nang may organisasyon at may saysay.
Para pagdating mo ng kolehiyo, alam mo kung paano sumulat ng iba’t-ibang uri
ng papel na pinag-isipan, kritikal, may kabuluhan ang sinasabi at may pinagbatayang
mga sanggunian.
Para makasulat ka ng papel na ‘matalino’. Papel na may opinyon at
panininindigan, may malinaw na perspektibo at sinasabi. At sa dulo ng lahat, sa
ganitong paraan, dahil alam mong gumawa ng mga papel, ay makaka-gradweyt ka.
At pag naka-gradweyt ka na at
magtatrabaho ka na, alam mong sumulat ng mga iba’t-ibang uri ng sulatin na
inaasahang ‘alam mo nang isulat’ gaya ng naratibong-ulat(narrative report), liham-
pangkalakal(business letter), katitikan ng pagpupulong(minutes of the meeting),
sintesis, abstrak, panukalang-proyekto, brochure, leaflet o flyers, sanaysay, atbp.

Ano-ano ang mga halimbawa ng Akademikong Sulatin?


Abstrak
Bionote
Replektibong Sanaysay
Sintesis
Naratibong-ulat
Pictorial Essay
Lakbay-sanaysay

***Yung iba pang mga halimbawa ay tatalakayin sa pag-usad ng mga leksyon.

Lista ng Performance Task para sa CTFIL02 :


1. BIONOTE – bionote ng kapares na kaklase
2. REPLEKTIBONG SANAYSAY – Bullying
3. SINTESIS – ‘Urbana at Feliza’ at I-witness Dokyumentaryo
4. PICTORIAL ESSAY – Brochure na pang-tourismo, ng sariling bayan
5. NARATIBONG ULAT – Seminar sa Paunang-Lunas (Red Cross) at Hakbang-
pangkaligtasan kapag may sunog (BFP)
6. LAKBAY-SANAYSAY – Brochure na pang-tourismo, ng sariling bayan
***

YUGTO SA PAGSULAT
1. Bago Sumulat (Prewriting) - Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay
dumaraan muna sa brainstorming. Sa yugtong ito ay malaya silang mag-iisip at
magtatala ng kanilang mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa.
Dito rin mapagpapasiyahan kung ani ang susulatin ngmagaaral, ano ang layunin
sa pagsulat, at ang estilong gagamitin. Maaring bumuo ng balangkas ng mga
paksang tatalakayin upang magkaroon ng organisasyon ang daloy ng sulatin.

2. Unang Burador (1st Draft) – Bagamat hindi pa ito ang ganap o pinal na sulatin,
ito ang magsisilbing unang tala ng daloy na tatalakayin. Karaniwang tuon ng
bahaging ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral at lalamanin ng
sulatin. Kapag nakasulat na ng unang burador, maaaring ipahinga ito ng ilang
araw, pagkatapos ay babasahing muli upang tignan kung merong nakaligtaang
impormasyon o detalye.

3. Pagrerebisa (Revising) – Matapos muling basahin ang unang burador, sa


bahaging ito ginagawa ang mga pagbabago sa pamamagitan ng pagdaragdag,
pagkakalatas, at paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap, o talata. Dito
sinisipat ang kawastuhan ng gamit at baybay ng mga salita at gramatika.

4. Pinal na Burador (Final Draft) – sa pagkakataong ito marapat na masiguro ng


manunulat na malinis, kumpleto at maayos ang lahat ng mga bahagi at nilalaman
ng sulatin.

5. Paglilimbag

MGA ELEMENTO SA PAGSUSULAT


1. Paksa
2. Layunin
3. Ideya
4. Mambabasa
MGA URI NG SULATIN
1. Akademiko – sulating pampaaralan na ang layunin ay pataasin ang antas ng
kaalaman.
– maipakita ang resulta ng isang pagsisiyasat o pananaliksik na
ginawa.
– hal: pamanahong papel, pananaliksik papel, abstrak, sintesis,
reaksyong papel

2. Malikhain – mga sulating kinakailangan ng pagpapahayag ng damdamin at


imahinasyon ng manunulat
– layon rito ng manunulat na pukawin ang damdamin at artistikong
sensibilidad ng mambabasa
– hal : nobela, tula, maikling kwento, personal na sanaysay, dula

3. Teknikal – obhektibo ang layon ; tiyak ang layon ; deretso at pormal


– tumutugon sa mga sulating pangkalakalan o pormal na
pakikipagkomunika
– hal : resume, leaflet ng gamot o produkto, flyer

***
MODYUL 1
PAGSULAT NG BIONOTE

Bio - Gk. ‘buhay’ ; note – ‘marka (na dapat tandaan)’

Bionote – ‘buhay na dapat tandaan’  ‘mga dapat matandaan sa buhay ng taong


tinutukoy’
– ito ay talatang naglalaman ng maikling deskripsyon tungkol sa may-akda.
Karaniwang isang talata lang ito na madalas ay kalakip ng isang artikulong isinulat ng
taong pinatutungkulan nito. Karaniwang nakasaad rito ang mga mahahalagang
pagkilala at gantimpalang natanggap ng may-akda upang maisaad ang kredibilidad
niya para sa pagtalakay ng isang napiling paksa.
– ginagamit ang bionote sa paglalathala ng mga journal, magazine, antolohiya,
at iba pang publikasyon na nangangailangan ng pagpapakilala ng manunulat o may-
akda. Pasalaysay ang bionote, samantalang karaniwang naka-tsart naman o kaya’y
nasa porma ng balangkas ang curriculum vitae o biodata. Samantala, mas mahaba
naman kaysa sa biography ang bionote.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
1. Ilagay yung impormasyon na pinaka importanteng dapat malaman sa may-akda.
Kapag maraming karangalan at pagkilala ang taong ginagawan ng bionote
gumamit ng format na kung tawagin ay ‘pyramid style’. Sa ganitong paraan,
uunahin muna ang pinaka-mataas niyang nakamit na karangalan hanggang sa
maliit na detalye. Halimbawa, uunahin ang gawad na ‘Pambansang Alagad ng
Sining para sa Panitikan’, kaysa ‘pangulo ng Unyon ng mga Manunulat ng
Pilipinas’…
2. Ikatlong panauhan ang dapat gamitin. Hal: Si Juan ay.. Siya ay..
3. Isaalang-alang kung sino ang babasa ng bionote.
4. Isaad lamang ang angkop at may-kaugnayang impormasyon.
5. May katotohanan lamang ang isaad.

***

MODYUL 3
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Bilang porma ng panitikan, ang Sanaysay ay nakahanay sa Piksyon (fiction), ibig


sabihin, inaasahang nakabatay ito sa makatotohanang impormasyon. Batay ito sa
totoo, na nilalapatan ng malikhaing pagsasalaysay at wika ng isang manunulat.
Maaring haluan ito ng sariling estilo ng awtor o may akda. Meron itong sariling timbre, at
tono kumporme sa intensyon ng awtor. Timbre o tono—maaring nakakatawa, seryoso,
o may maigting na emosyon na ipinababatid at ipinararamdam sa inaasahang babasa.
Ngunit sa ibabaw ng lahat, ang sanaysay ay may intensyong impormatib. Kung sa
pormang akademiko ang tunguhin, marapat na ang ipabatid ng sanaysay ay
makabuluhang impormasyon na mapapakinabangan ng mambabasa, nakakapagmulat
ng kamalayan at nakapaghahatid ng mensahe.

Ang Replektibong Sanaysay – ay sulatin na may tahas na pananaw at


opinyon ukol sa isang pangyayari o phenomena.
Ang replektibong sanaysay ay maaring naglalahad, nagbibigay katwiran,
nagpapaliwanag, at nagbibigay suri.
Madalas na gawin ang pagbibigay katwiran kung saan nagsasaysay ang
manunulat ng mga malinaw na batayan kung bakit tama o mali para sa kanya ang
isang panig.
Paksa..
Karaniwang paksa na ginagawan ng replektibong sanaysay ay yung mga bagay
na napansin o napuna ng isang manunulat sa kanyang paligid o lipunang
kinabibilangan. Halimbawa nito’y mga napapanahong mga isyu o usapin na hindi
naman kinakailangang nang malalaming pag-aaral—hindi gaya ng mga saliksik
papel, mga siyentipikong papel, tesis at iba pang mga ka-uri. Ang mga halimbawang
isyu na ito’y maaring mula sa mga balita, o mga kasalukuyang mga penomena, tulad
ng ‘Bakit mas maraming Pilipino ang gustong gumamit ng papaya soap?’ ; opinyon mo
sa hilig ng mga tao sa pagpopost o pag-uupdate sa mga social media platforms…

Proseso..

 Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, unang-una sa lahat, ang manunulat ay


marapat na may bukas na loob at isip upang magbahagi ng opinyon at
saloobin ukol sa isang paksa.
 Mahalaga ang proseso ng pagbubulay-bulay o mas malalim na pagninilay-nilay
ukol sa sariling pananaw at saloobin.
 Ang isang replektibong sanaysay ay marapat na magtaglay ng matatag na
paninindigan upang magsilbing tuntungan ng mga punto ng argumento.
 Marapat na ito’y makapagbigay ng motibasyon at inspirasyon at mga bagong
pagkukuro-kuro sa mababasa na makakatulong sa kanilang pamumuhay o
pagtingin sa buhay at sa mundo.

MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

1. PANIMULA – maglagay ng konektadong mga catch phrase o mga kataga ng


mga popular na tao, bilang pang-engganyo sa mambabasa.

2. KATAWAN – dito isinasaad ang mga punto ng argumento

3. KONKLUSYON – dito isasaad nang pabuod ang nais iwan na mensahe sa


mambabasa

***
MODYUL 4
PAGSULAT NG SINTESIS

Sintesis (Synthesis) Gk. ‘syntithenai’ – ‘to put together or to combine’. Bumubuo at


sumusulat ng sintesis kapag ang hinihingi lamang ay ang mahahalagang punto,
kahulugan, layunin, at konklusyon sa isang binasang teksto o napanood na biswal na
presentasyon. Ang mga halimbawa ng tekstong binabasa ay mga libro tulad ng
nobela, maikling kwento, talumpati ng isang mahalagang tao at iba pang mga ideyang
nasusulat. Ang mga halimbawa naman ng biswal na presentasyon ay mga pelikula,
dokumentaryo, teatro at iba pang uri ng pagtatanghal.

Kapag pinasulat ng sintesis, ibibigay lamang ang pinaka ‘gist’ o pinaka esensya o
sentrong kabuluhan ng teksto o palabas. Ginagawa ito sa paraang palagom o pabuod.
Ibig sabihin, hindi na nangangailangang ikwento pa lahat o ikwento nang buong-buo, sa
halip ikukwento lamang ang mahalagang punto nung teksto.

Sa madaling paliwanag, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng impormasyon,


mahahalagang punto at ideya upang mabuod ang isang napakahabang libro o
palabas ; mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa at maibahagi ito sa
sandaling panahon lamang.

MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA PAGSULAT NG SINTESIS

1. Basahing mabuti ang kabuuang anyo at nilalaman ng tektso. Kung hindi pa


lubos na maunawaan, ulit-ulitin itong basahin.
 Kapag hindi lubos na inunawa ang binasa, tiyak na magiging malabo at
malayo ang mabubuong sintesis.

2. Mapapadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng


pandama dahil maisasapuso at maisasaisip ang diwa ng teksto.
 Kung may hindi maunawaang salita o bokabularyo sa binabasa, mahalagang
gumamit ng diksyunaryo o kaya’y hanapin sa Google ang kahulugan.
Subukang hati-hatiin ang diwa ng bawat parirala para mabuo ang sinasabing
ideya ng teksto. Ulit-ulitin itong basahin hanggang sa maintindihan.

3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.


 Sa pagsulat ng sintesis mahalaga ang pagsasaalang-alang ng mga uri ng
pagsusunod-sunod ng detalye.
 Matapos mabasa ang isang teksto, maaring ilista ang sunod-sunod na
detalyeng ipinunto nito o nilahad nito. Halimbawa, sa pagbabasa ng isang
tsapter ng isang nobela, isa-isahin ang mahahalagang tagpo nito.
Pangalawang halimbawa, sa isang napanood na dokumentaryo, ilalahad sa
sintesis ang pagkakasunod-sunod ng mga ipinakitang pangyayari.
 May tatlong uri ng pagsasaalang-alang ng pagsusunod-sunod ng mga
detalye:
Sekwensyal – pagsusunod-sunod ng mga detalye o pangyayari na
ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod
tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa.

Kronolohikal – paglalahad ng mga detalye o pangyayari ayon sa tiyak na


pagkakasunod-sunod ng bawat tagpo

Prosidyural – paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga hakbang o


proseso ng pagsasagawa

4. Maari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto : ang una, gitna at
wakas.
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at
sistematikong pagsulat.

***

MODYUL 5
PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

MGA GABAY NA HAKBANG SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

1. Bago pumunta sa isang lugar, magsaliksik ukol sa kasaysayan, kultura, relihiyon,


tradisyon at heograpiya nito. Maaring sumipi ng ng mga impormasyon para may
magamit na gabay.
2. Gamitin ang mga 6 na pandama sa pagtuklas ng karansan sa lugar.
3. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, gumamit ng unang panauhan.
4. Huwag mag-imbento ng kwento. Isulat lamang ang totoo.

***

MODYUL 6
PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT

MGA GABAY SA PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT


1. Sagutin ang 5 mahahalagang tanong para sa isang ulat
2. Lahat ng detalye at impormasyon sa isang ulat ay tiyak.
3. Pormal ang wika na dapat gamitin.

You might also like