You are on page 1of 2

Cheryl Grace A.

Batersal January 27, 2020


HUMSS 12 – Salonga Gng. Mary Ann Vidallo

F.P.A. Demeterio III


Si Dr. Feorillo Petronilo A. Demeterio III, ay isa sa mga nangunguna na taga-ambag sa
larangan ng Pilisopiyang Pilipino sa bansa. Isinilang sa Maasin City, Southern Leyte noong ika-7
ng Enero, 1969. Sa kagustuhan niyang maging isang pari, siya ay tumungo sa Maynila upang
ipursige ang kurso sa Pilosopiya at Teolohiya. Mula 1990 hanggang 1994 siya ay nagtapos ng
Batsilyer ng Artes sa Pilosopiya at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Sampaloc,
Manila. Sa parehong unibersidad din niya tinapos ang kanyang masterado sa mga nasabing
kurso. Ang kanyang pagkahilig sa mga usaping panlipunan lalo na sa mga paksang may
kinalaman sa Pilipinas ang nag-udyot sa kanya na mag-aral ng Doktorado ng Pilosopiya sa
Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Matapos ang kanyang mga taon sa
pag-aaral, siya ay nagturo sa Kagawaran ng Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Beda sa Manila,
upang maibahagi ang kanyang naipong karunungan ukol sa pamimilosopiya. Mas lalong
umusbong ang kanyang matinding pagkapit sa Kritikal na Pamimilosopiya tungkol sa
kalagayang panlipunan nang siya’y nanatili sa paaralan na ito. Ngunit, taong 2008 nang matapos
ang kanyang pagiging propesor sa San Beda nang siya’y napilitang lumipat ng unibersidad dahil
sa isang hindi pagkakaunawaan. Siya ay tuluyang lumisan at simula taong 2009 hanggang sa
kasalukuyan, siya na ay parte ng Kagawaran ng Pilipino sa Pamantasang De La Salle. Dito
naman siya mas lalo pang nagtuon ng pansin sa larangan ng pananaliksik, pagpapalawak ng
Pilosopiyang Pilipino, at pagpapalalim sa usaping panlipunan gamit ang wikang Filipino.

Sa kasalukuyan, siya ay kilalang manunulat ng apat na libro at mahigit sa animnapung


artikulo na nailathala sa mga lokal at internasyunal na akademikong talaarawan. Ang kanyang
unang pilosopikal na artikulo ay inilathala noong 1991, kaya naman kung bibilangin, siya ay
nasa kanyang ika-28 na taon na ng pamimilosopiya nitong taong 2019. Ang mga akda ni
Demeterio ay naaayon sa kanyang apat na pinakaimportanteng diskurso sa Pilosopiyang Pilipino;
1) Kritikal na Pilosopiyang Pilipino, 2) Pilosopiyang Pilipino bilang Paglalaan ng Banyagang
Pilosopiya, 3) Pamimilosopiya Gamit ang Wikang Filipino, at 4) Eksposisyon ng Banyagang
Pilosopiya.

Ang mga akda ni Demeterio ay maaaring matukoy sa apat na kategorya o peryodisasyon


upang mas mapalalim ang rason o pakay ni Demeterio sa pagsusulat ng mga ito. Una, mula 1969
hanggang 1994 ay tumatalakay sa “Taon ng Pagkakahubog,” kung saan nakapaloob ang mga
intelektwal at sosyal na impluwensyang nakuha niya mula sa kanyang pamilya, pag-aaral sa
primarya at sekondaryang antas, hanggang sa tuluyang pagpursige sa Pilosopiya. Pangalawa, ay
tumutukoy sa “Akademikong Radikalisasyon” na nagsimula sa Kolehiyo ng San Beda, kung
saan ang kritikal na pamimilosopiya niya ay ginamit niya sa labas ng apat na sulok ng silid-
aralan sa pamamagitan ng pakikilahok sa Labor Movement ng pamantasan na nagdulot ng
pagkasara ng Kagawaran ng Pilosopiya. Pangatlo, ay ang “Akademikong Filipinisasyon,” ito ay
nangyari sa mga taong 2009 hanggang 2014. Ito ay patungkol sa paglipat niya sa Kagawaran ng
Pilipino ng Pamantasang De La Salle kung saanniya sinimulan ang Filipinisasyon. Sa panahong
ito mapapansin na karamihan sa kanyang mga akda ay nakasulat na sa wikang Filipino. At pang-
apat, ay ang taong 2015 hanggang sa kasalukuyan o tinatawag na “Humboldtianismong
Radikalisasyon”. Dito ay sinimulan niya ang pananaliksik na nakapokus sa kolaborasyon sa
kanyang mga mag-aaral at iba pang dalubhasa. Ang kanyang pagkilos sa panahong ito ay
nagsimula sa kanyang akda na may pamagat na “Humboldtian Critique of Philippine Higher
Education”. Dito niya na tuwirang niyakap ang pagkakaroon ng pagtutulungan sa pananaliksik
na siyang tatak ng Humboldtian na pamamaraan.

You might also like