You are on page 1of 12

ARALIN 6:

PANGANGALAP NG DATOS
Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba:
(Bahagi ng isang panayam)
Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Barangay Chairman tungkol sa kanilang
pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulayan sa buong Distrito ng Masipag.
(Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay huli sa oras na pinag-usapan para sa
isang panayam) Gusot ang kaniyang damit, hindi man lang nakuhang magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang
magbabalangkas ng kaniyang mga itatanong. Hindi nakahanda subalit pinilit niyang humarap upang makakuha ng datos
na kaniyang kinakailangan.
Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman!
Brgy.Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo.Kanina pa po kami nag-aantay sa inyo. Ang
akala po namin ay hindi na kayo makararating sa sinabing oras. Kung maaari po sana ay bukas na tayo magsagawa
nitong panayam.
Thea: Paumanhin po Kapitan!
Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na ating napag-usapan.
Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras at pagkakataon.
Sagutin ang mga tanong:isulat sa sagutang
papel(yellowpad)

1.Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?

2.Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang


datos?
Kahulugan ng Reaksyong Papel

REAKSYONG PAPEL - maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling
ideya at opinyon patungkol sa binasang teksto
 Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang reaksyong papel ay
naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari.
 sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat.
Maaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa
panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa
sarili at sa kapwa.
Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

 Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa


parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-
aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga
pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan
ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel.

 Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan.
Dito sinusuri ang orihinal na papel.
 Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman
ng impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa
reaksyong papel.
 Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi
kung saan nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at
pinagmulan ng mga impormasyon na iyong nailahad.
https://kingessays.com/reaction-paper.php
MGA KARAGDAGANG BAHAGI

 Paper trail
- Ito ang tawag kung ang
impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumento pampubliko man o pampribado.
 E-trail- Tumutukoy sa impormasyong nakukuha
mula sa digital storage, media at mobile
platforms.
Pangangalap ng Datos
Tatlong Paraan na Maaaring Maging Batayan
sa Pagkuha ng Datos?

_____________________________________
 SARBEY
 - ito_______________
ay ang pag kolekta ng impormasyon tungkol sa katangian, aksyon, o opinion ng malaking
grupo ng mga tao na tumutukoy sa bilang ng isang populasyon
 PANAYAM
 Isang paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos mula sa pakikipag usap.
 TALATANUNGAN
 Isang disenyo o metodo kung saan isinusulat ang tanong at pinasasagutan sa mga respondente
Pagsasanay 1.
Panuto:Sagutin ang mga tanong sa ibaba ayon sa iyong pagka-unawa
sa ating naging talakayan.

1. Ano-ano ang tatlong paraan na maaaring maging batayan sa pagkuha ng datos? Isa-isahin at ipaliwanag.

2. Ano sa palagay mo ang pinakamadaling paraan sa pagkuha ng datos? Ipaliwanag.


3. Ihambing ang pagkakaiba ng binalangkas at di-binalangkas na uri ng panayam?
4. Kung ikaw ay magsasagawa ng pananaliksik, alin sa tatlong paraan ng pagkuha ng datos ang iyong
pinakamalimit na magagamit? Ipaliwanag.
5. Paano mo masasabing naging matagumpay ang isang panayam?
Ilarawan.

 
Pagsasanay 2.
Ngayong nalaman mo na ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos, maaari mo na
itong subukang ilapat.

 
I-sarbey Mo!
1.Bumuo ng 5 katanungan tungkol sa opinyon ng ilang indibidwal maari ang kasama sa tahanan sa pagbubukas ng klase
sa gitna ng Covid 19.
2.Magsagawa ng interbyu sa limang (5) magulang hinggil sa kanilang opinyon sa pagbubukas ng klase sa kabila ng
kinakaharap na pandemya. Maaaring makipanayam sa kanila sa pamamagitan ng virtual o pakikipanayam gamit ang
telepono o cellular phone.
3.Magtala ng apat (4) na sanggunian na maaari mong gamitin upang makakuha ka ng impormasyon para sa
pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Pandemya sa Edukasyon.”
TANDAAN: Huwag dayain o lokohin ang Gawain sapagkat ito ang pang-unang Gawain tungo
sa pananaliksik.

You might also like