You are on page 1of 1

Pagluluto ng Pacham

Inaasahan o Target na Awtput


Matapos sundin ang mga hakbang, inaasahang kang makapagluto ng “pacham”.

Mga Sangkap
 1/2 malambot na buto ng baboy
 1 kustaritang asin
 1 kutsaritang pamintang durog
 1 bote ng Sprite™
 1/2 tasang ketchup
 1/2 tasang tubig
 1 pirasong dahoon ng laurel

Mga Hakbang o Metodo


1. Una, tiyaking nakahanda ang lahat ng sangkap na kakailanganin para sa pagluluto ng
Pacham.
2. Hugasan nang mabuti ang baboy.
3. Upang matiyak na malinis ang karne, pakuluan ito at muling hugasan.
4. Matapos linisin, ilagay sa kaserola ang baboy.
5. Haluan ito ng isang kutsaritang asin, isa ring kutsarita ng paminta, at ang tinadtad na
isang buong sibuyas.
6. Maglagay ng isang maliit na bote ng Sprite™ na tutulong sa pagpapalambot ng karne ng
baboy.
7. Takpan ang kaserola at hayaang kumulo ang niluluto sa katamtamang lakas ng apoy.
8. Sa oras na kumulo ito, hinaan ang apoy at ilagay ang kalahating tasa ng ketchup.
9. Pagkatapos ay isalin na rin ang kalahating tasa ng tubig at muling pakuluin ang karne sa
pinakamahinang apoy upang lalong lumambot ang karne.
10. Ilagay na ang dahon ng laurel kapag kumulo nang muli ang niluluto.
11. Hintayin muli itong kumulo at ihain ang Pacham.

Mga Miyembro Mula sa 11-STEM FARADAY:


Legaspi. Kevin Danan, Samantha Nicole
Sarte, Rhine Dela Rosa, Pauline
Tasareglo, Reignor Molina, Sheina
Wijangco, Richard Palmera, Ariana
Santos, Chesca
Soriano, Princess
Tayabas, Patricia

You might also like